Chapter 2: Backstabbing

2346 Words
Zennon's POV Mula noong dumating hanggang makaalis si yaya Helen, halos hindi pa rin ako makapaniwala sa tila panaginip na mga pangyayari. Ang dami kong katanungan. Pero alam ko naman na ni isa sa mga iyon, walang makakasagot. Huminga ako ng malalim saka muling tumingin sa kulay asul na kalangitan sa labas ng kwarto. Kasalukuyan akong nakatayo sa malaking sliding window. Para bang nagpapahiwatig ang kalangitan na kagaya ng gabi, ang kadiliman ay nagtatapos din at ang kasunod noon ay bagong umaga. Umihip ang hangin. Tahimik na dinama ko iyon habang nililipad ang buhok kong hindi na amoy malansa, amoy pawis at amoy niluom na ng panahon. Pakiramdam ko ay isa akong preso na bagong laya. Hindi ko lubos akalain na muli kong mararamdaman ang sariwang hangin na dumadampi sa balat ko. Wala sa sariling hinaplos ko ang flat na flat kong tiyan. Buong buhay ko na yatang hahanap-hanapin ang mga mahihinang sipa at paglilikot ng munting buhay na dating naroon. Although isang masamang pangyayari ang lahat, hindi ko ibinibilang ang nabuong buhay sa aking sinapupunan. Siya ang naging kasangga ko noong nahihirapan ako at kinakain ng galit, puot at pagsisisi sa loob ng basement. Siya ang naging lakas ko. I felt happy but sad at the same time. I'm happy knowing na hindi n'ya makikita kung gaano kasama ang mundong gigisnan n'ya. Hindi niya kailanman makikilala ang mga taong tumapos sa buhay niya. But it's making me terribly sad knowing na hindi ko na siya kailanman masisilayan. At bukod pa doon hindi na rin ako magkakaroon ng pagkakataon para malaman kung babae o lalaki ba ang magiging anak ko. Kung saka-sakali kaya... magmamana rin ba s'ya sa akin na mahilig mag-travel at tumikim ng kakaibang mga pagkain. Magiging mas friendly kaya s'ya kesa sa akin? Mas aktibo sa school? Mas marunong kumilatis ng tao? Ano kaya ang pakiramdam kapag tinawag niya akong mommy? Mama? That would be impossible. Napangiti ako ng buong kapaitan. Hindi na mangyayari iyon dahil in the first place, wala namang balak ang mga taong iyon na buhayin ako. Hindi ko kailanman maririnig na tawagin niya akong mommy. Lumunok ako at kumurap-kurap. Ilang beses akong tumikhim. Pilit na inaalis ang bara sa lalamunan ko. Pinipilit ko rin na huwag umalpas ang mga luha mula sa nanghahapdi ko ng mga mata. I'm sorry baby. Sorry kung hindi ka man lang nasilayan ni mommy, at sorry dahil hindi kita nagawang ipaglaban. Willing naman akong iwanan ka sa kanila. They can kill me right after I gave birth to you. But... Mariin kong kinagat ang aking pang-ibabang labi para pigilan ang mas malalang emosyon na nagbabantang lumukob sa akin. Pagkatapos ay huminga ako ng malalim nang maramdaman kong nag-iinit na naman ang magkabilang sulok ng mga mata ko. Kaya lang masakit eh. Nakakabaliw ang sakit pero kailangan kong lumaban. Pangalawang buhay ko na 'to. Kung magpapatalo pa ako sa kanila ulit, sa pangalawang pagkakataon, sayang ang pangalawang buhay na ibinigay sa akin. Pero wala naman sigurong batas na nagbabawal sa taong nasaktan na madama ang sakit at pighati. Anak ko iyon. At gusto kong ipagluksa ang munting buhay na nawala. Tumingala ako at mariing pumikit. Hanggang sa hindi ko na talaga mapigilan. One tear fell. Then two. And it suddenly became like a raindrops that it fell down continuously. Nagbaba-taas ang dibdib ko hanggang sa hindi ko na mapigilan ang mapahagulgol ng paimpit. Ang sakit! Ang sakit-sakit! Sobra! Ang sikip sa dibdib! Ang hirap huminga! Someone please, take this pain away! Mariin kong tinuunan ang dibdib ko. Dinagok-dagukan ko pa iyon. Isinandal ko sa malamig na pader ang likod ko. At para walang makarinig sa akin, mabilis kong tinakpan ng mga palad ang bibig ko. It's because of my poor judgement. Dahil lang sa mga ipinakitang pag-aalala at walang humpay na pagpapayo sa akin ni Karen, walang-wala talaga sa isipan ko na pagdudahan s'ya. Ni hindi ko naisip noon kung bakit palagi s'yang pinagsasabihan ni mommy at daddy na huwag akong papayuhang gumawa ng mga ganoon o ganitong bagay. Mas madalas nami-misinterpret ko pa ang parents ko. Pero dahil sa laki ng tiwala ko sa kanya at dahil sa husay ng pananalita ni Karen, s'ya pa rin ang pinili kong pakinggan. Sa lahat ng bagay, mas sinusunod ko s'ya kesa sa mga magulang ko. Hindi ako nakinig sa mga pangaral nila mommy at daddy. I only believe in my own stubbornness, immature knowledge and selfishness. I'm such a failure! I failed as a daughter. I failed as a mother. And I even failed myself! Mas lalong nanikip ang dibdib ko kaya naman mas lalong lumakas ang iyak ko. Stop it Zennon! Or they will think that something is wrong with you! Paulit-ulit kong sinita ang sarili ko. Huminga ako ng malalim at pilit na pinakakalma ang sarili ko. I compose my self. Pagkuwan ay mariin kong pinupunasan ang mga luhang nagkalat sa pisngi ko. Then a familiar ringtone filled the room. Ang tagal-tagal ko ng hindi naririnig ang tunog na iyon dahil matagal ng nawala sa akin ang cellphone na regalo pa ni daddy noong mag-25 ako. Dahan-dahan akong lumapit sa aparatong kay tagal ng nawala sa akin dahil bigla na lang iyong hinagis ni Gabby sa pader. Manipis lang ang cellphone kaya naman kaagad iyong nabasag sa nangyaring impact. Natatakot siguro si Gabby na makakontak ako ng ibang tao kaya bigla na lang niyang ibinato ang cellphone sa marmol na pader. Dinampot ko ang cellphone na patuloy pa rin sa paggawa ng tunog. My eyes became soft after seeing the last gift my father has given me before they died. At muli na namang gumuhit sa labi ko ang mapait ma ngiti. Kahit na hawak ko pa ang cellphone na 'to noon, wala ring silbi dahil wala naman akong ibang kaibigan. Karen did a great job confining me in a small world. Ang nakaraang ako, masyadong mapagwalang bahala kaya naman okay lang kahit na silang dalawa lang tanging mga kaibigan ko. For the past me, I always thought that those two bastard loved me so much and they will not betray me. Kaya naman nakontento na ako na sa kanilang dalawa lang ni Gabby umikot ang buong buhay ko. Sila lang ang meron sa mundo ko. Hindi rin ako nagtataka noon kung bakit wala man lang nagtangkang makipag-usap sa akin. Iniisip ko pa na magandang bagay na iyon para walang pagselosan si Karen. Selosa siya as a bestfriend. Ayaw niyang may ibang lumalapit sa akin. Mapababae o lalaki. The fudge. Haha. Isang mapaklang tawa ang lumabas sa lalamunan ko. Takot siyang maagaw ng iba ang atensyon ko dahil baka mawala ang pinanggagalingan ng mga resources niya. Ilang beses ko na bang ipinakiusap kay daddy at mommy na tulungan siya sa kanyang career? Sa napili niyang propesyon? Sa lahat-lahat sa buhay niya? Tsk. Ni hindi ko naranasan noon na maligawan ng ibang lalaki o lapitan man lang ng ibang lalaki. To think na dating beauty queen ang mommy ko. Mabilis kong tiningnan ang caller id after picking up the phone. When I read the caller name. And it read 'Karen', hindi ko mapigilan ang pagkuyom ng mga kamao ko. Hindi ko pa naihahanda ang sarili ko heto at kumakatok na sa pintuan ang demonyo. I bite my lower lip na kulang na lang ay magsugat dahil sa sobrang gigil nang pagkagat na ginawa ko. Not now. Not now. Control your anger, Zen. Control your emotion. Hinawakan ko ng mahigpit sa kanang kamay ang cellphone saka pumikit ng mariin. I mentally count from one to ten. Take a deep breath. Inhales sharply and count again. Calm down, Zen. Calm down. Inhale... Exhale... Ilang beses kong ginawa iyon para lang pakalmahin ang buong sistema ko. Noong maramdaman kong nagiging normal na ang t***k ng puso ko ay kaagad kong inalis ang mahigpit na pagkakahawak sa cellphone. Patatlong tawag niya na iyon. I have no choice then. For now I have to play along. "Hello?" huminga ako ng malalim. Hindi ko na alam kung pang ilang beses na iyon. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at inalis sa isipan ang magandang mukha ni Karen. ["Zenny?"] May pag-aalala akong narinig sa boses niya. S'ya lang ang bukod tanging tumatawag sa akin ng ganyan kapangit na palayaw. Bakit ngayon ko lang napansin? Tsk. Bukod sa ang tanga-tanga ko pala talaga noon, ang bingi ko pa. Imagine, napaniwala niya akong napakaganda ng palayaw na 'Zenny?' Napailing na lang ako sa sarili kong katangahan. Hindi naman sa against ako sa pangalan na Zenny, pero ngayon ko lang din kase na-realize na hindi naman bagay sa akin at sa character ko ang pangalang iyon. "Hmm?" tanong ko sa mahinang boses. Pilit kong pinipigilan na makawala ang galit na nararamdaman ko. ["Hinihintay ka na ni Gabby sa tagpuan n'yo,"] rinig na rinig ko ang pag-aalala sa boses n'ya. ["He prepared a surprise for you,"] dagdag niya pa sa tonong tila ba naiinggit pero may kaunting kilig. Napakunot-noo na naman ako. Ano nga bang reaksyon ko in my previous life when this moment happened? Ahh! Sobrang lawak nang pagkakangiti ng mga labi ko noon. Halos mapipilas nga ang mukha ko dahil sa pagkakangiti ng wagas eh. Feeling ko tumama ako sa lotto. Tapos, iniisip ko pa na ako ang pinaka-maswerteng babae sa mundo ng time na iyon. The fudge! Ngayon naman ay halos manakit ang muscles ko sa mukha dahil sa labis na pagkakangiwi. "I can't go," sagot ko sa mahinang boses. Muli na namang nagbalik sa alaala ko ang mga pananakit na ginawa sa akin ni Gabby noon. Naramdaman ko na lang na nangangatal ang mga kamay ko. Siguro dahil sa takot? O trauma? I'm not sure. Basta ang alam ko lang, hindi pa ako handang makaharap ang kahit na sino sa kanilang dalawa. Kailangan ko muna ng kahit ilang araw lang para makahinga. Para mai-compose ang sarili ko. She just killed me! Paano ko naman haharapin ang taong pumatay sa akin sa mahinahong paraan? That's absurd. Kinagat ko ang labi ko saka tumingin sa labas ng kwarto ko. Ang ganda-ganda ng sikat ng araw. And I remember... Before, when I promised Karen that I would follow our plan, their plan actually, it became the starting point of my hellish life. Now, I'm not gonna let that happen again. ["Pero Zenny! Kanina pa naghihintay sa'yo si Gabby. May nangyari ba? Bakit hindi ka makakapunta? May family gathering kayo?"] Sunod-sunod niyang tanong. "Wala naman. Ang alam ko may pasok si mommy at daddy ngayon. I'm just so tired. May jetlag pa ako," sabi ko pa sa kaswal na pananalita. It's a good thing hindi niya tinanong ang tungkol sa engagement. Isa rin iyon sa pinagsisisihan ko noon habang nasa basement. Naisip ko lang, siguro kung hindi ako umataras sa engagement, iba siguro ang naging takbo ng buhay ko. Dahil kaibigan ni mommy ang mommy ng fiance ko, I'm sure hindi sila papayag na saktan ako ng lalaking 'yun. Kaso lang magaling ako eh. Pinatos ko 'yung gago. Looking back now, I don't know what happened to my fiance's family before Gabby and Karen imprisoned me inside my own house. My fiance's mother is my mother's bestfriend. The two of them were like sisters. Kahit na hindi ako sumulpot noon sa engagement, noong namatay sa aksidente ang parents ko. Si tita Aena ang kauna-unahang nagpunta sa ospital. Galit na galit s'ya sa akin noong malaman n'yang ipina-cremate ko kaagad ang bangkay ng mga magulang ko. Ni hindi ko na sila pinaglamayan. At mas lalong hindi ko man lang hinayaan ang mga taong mahahalaga sa kanila, kung meron man, na paglamayan sila at silipin sa huling sandali ng kanilang buhay. Nasapo ko ang aking dibdib. Ang sakit. Ngayon ko lang na-realize kung bakit ganoon na lang ang iyak ni tita Aena noong araw na makitang abo na lang si daddy at mommy. Parang nawala ang pinakamahalang yaman niya sa mundo. Habang ako, parang timang na tinitingnan siya. Iniisip ko pa nga noon kung gaano ba kalalim ang relasyon nila ni mommy para tumangis siya ng ganoon. Pero paano ko nga malalaman? Mula nang dumating si Karen sa buhay ko, wala na akong oras para sa ibang bagay. Kahit na sa mga magulang ko. Ni hindi ko man lang nakilala ang mga taong malalapit sa kanila. Muli akong huminga ng malalim. Kinakain na naman ako ng pagsisisi at konsensya ko. Mula nang ikulong ako sa mansion ni Gabby, wala na akong balita sa lahat. Hindi na rin ako nakita ng ibang tao. Noong una ay wala naman akong pakialam. Sabi kase ni Karen normal iyon para sa isang maybahay. Gumigising ako ng maaga noon para pagsilbihan si Gabby. Pero hindi naman kami nakakapag-usap ng maayos dahil umaalis siya pagkakabihis niya noon. Ni ayaw niyang hawakan ko ang uniform niya. At sa halip na masaktan ako. Inisip ko lang that time na baka hindi siya sanay sa ganoong set-up. The fudge diba?! ["Nasaan ka? Pupuntahan kita,"] nagmamadaling tanong ni Karen. Napakurap ako at napabalik sa kasalukuyan. Hindi ko namalayan na naglalakbay na naman pala ang isipan ko sa nakaraan. "You do--," Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay pinatayan n'ya na ako ng telepono. Nagkibit na lang ako ng balikat. Hindi pa ako prepared na makita s'ya ulit. Ayoko pang makita muna si Karen. Baka hindi ako makapagtimpi ay kung ano pa ang magawa ko sa kanya. For the hundredth time, huminga ako ng malalim at pilit na pinakalma ang sarili ko. Hindi na sa takot kundi sa galit at poot. Suot-suot ang paborito kong pajama ay bumaba ako sa unang palapag ng mansion. Dire-diretcho akong nagtungo sa dining area. Nakita ko si daddy na umiinom ng kape habang nagbabasa ng paborito niyang dyaryo. Sa may gilid n'ya naman ay nakaupo si mommy na nakangiti habang nagbabasa ng kung ano sa ipad n'ya. "Good morning," nakangiting bati ko. My heart felt so excited. Maging ang kamay ko ay nanginginig dahil sa labis na antisipasyong nararamdaman ko. Magkasabay na tumingin sa direksyon ko sila mommy at daddy. Kaagad na ngumiti sila daddy at mommy pagkakita sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD