Pagkagising ni Dylanne ay agad siyang napakislot at napasapo sa kanyang ulo. Umungol din ang beinte y tres anyos na dalaga.
Lumakas pa ang ungol na iyon nang pumasok sa kanyang silid ang Ate Claren niya at binuksan ang kurtina pati na ang bintana. Pumasok doon ang preskong hangin at ang sinag ng araw at kaya naman ay nasisilaw siya. Kahit hindi niya sisilipin ay kitang-kita mula roon ang malaking HOLLYWOOD sign sa Mount Lee. Pumasok din sa kuwarto niya ang mahinang trapiko at Latin music na malakas na pinatugtog sa isang establisyemento sa labas.
“Ate Claren naman, eh!” paungol na reklamo niya sa pinsan sa ama na beinte y siete anyos.
Dumapa siya sa kanyang higaan habang sapo pa rin ang sumasakit na ulo nang dahil sa hangover.
“Aba, Dylanne Mamigo! Mag-a-alas dose na. Pinapa-check ka sa ‘kin ni Tito Rafael, ano? Tsk! Madaling-araw ka na raw umuwi.”
Tumagilid siya para sulyapan ang pinsan na nakapamaywang. Nakatayo na ito ngayon sa gilid ng kanyang kama, nakadungaw sa kanya. Suot nito ang blazer at pencil cut skirt. Mukhang galing ito sa opisina kung oras ang pagbabasehan. Sumaglit lang siguro ito rito.
Isang manager ng isang sikat na advertising company sa LA ang kanyang pinsan at nakatira kasama ang Pinay na ina at ang pangatlo nitong pamilya.
Si Tita Loren ay tatlong beses nag-asawa. Ang una nitong asawa ay isang half-Greek at half-American na namayapa na. Ang pangalawa nitong asawa, ang ama ni Ate Claren na kapatid ng ama niya, ay nakipag-divorce dahil palaging nag-aaway. At ngayon ay may pangatlo na itong pamilya na isang Black American na mabait naman at may anak na silang nasa elementary pa. Kahit paano ay close naman siya kay Tita Loren at sa hilaw niyang pinsan.
And speaking of hilaw na pinsan, may isa pa siya niyon. Ang pinakamatandang anak ni Tita Loren na si Coulter Eugrafia. Kung tutuusin, hindi talaga sila magkamag-anak. Tanging si Ate Claren lang ang kanyang kadugo sa kumplikadong pamilya nila.
Napapilig siya ng ulo nang maalala kahit pangalan lang ng kuya ni Ate Claren na nasa Pilipinas naka-base. Doon ito namamahala sa malaking airline nito at ibang negosyo. At hindi sila close ng bilyonaryong iyon.
Well, wish ko lang, sa isip niya pa.
Paano ba naman kasi, si Coulter ang first crush and first love niya. Unang kita niya pa nito sa picture noong nasa middle school lang siya ay agad na nahulog ang loob niya sa lalaki. She was only thirteen then, and he was twenty-five! Hindi niya alam pero agad siyang nagka-crush sa kuya ng Ate niya.
What a twisted fate she had! And maybe pathetic.
Sa dinami-dami ba namang guwapong classmates o kaya ay schoolmates o kahit na kapitbahay niya ay doon pa sa lalaking iyon tumibok ang puso niya.
Gaga talaga ang puso ko! Antanga lang.
Sa tingin niya ay naging obvious iyon nang nasa high school pa lang siya at nagkita sila isang bakasyon dahil binisita nito ang ina, si Tita Loren. Nagkataong Pasko iyon at naki-party siya sa bahay ng mga ito dahil hindi naman uso ang party sa kanila. Palaging busy ang ama niya sa trabaho bilang general manager ng isang factory ng chocolate. Madalas wala itong panahon para sa kanya lalo na noong pumanaw ang kanyang ina noong dise-sais pa lang siya.
That’s why she totally abhors chocolates!
“Ate Claren, you knew that we were out celebrating last night! Kaya naman uminom ako ng one hundred ounce cocktail na may vodka and rum sa bar.”
“What? It’s literally almost three liters!” Nandilat ang mga mata nito.
“Oo. May ganoon silang sini-serve sa bar na pinuntahan namin. Grabe!”
“At hayan. Grabe ang hangover mo, ano?” punto nito.
Hindi kasi siya sanay uminom. Umupo siya at sumandal sa kama na napakurap-kurap dahil sa liwanag mula sa bintana. Napayuko siyang niyakap ang tuhod at medyo umungol na naman.
“I’ll go get something for your headache para at least mabawasan man lang ‘yang nararamdaman mo. Aren’t you supposed to have a TV appearance today or something? Kaya nga pinapupunta ako rito ni Tito Rafael, eh!”
Bigla siyang nataranta. “s**t! Alas tres iyong interview!” Bumaba na siya ng kama at ngali-ngaling pumunta sa banyo.
Napaikot ng mga mata ang pinsan. Nasa banyo lang din ang medicine kit kung nasaan ang tableta para sa sakit ng ulo. Ibinigay na nito iyon sa kanya at ininom na niya kaagad nang hindi man lang nagmumumog. Napangiwi tuloy si Ate Claren niya.
“Sige, dalian mo na! Kakain ka pa, tapos magbibihis, magme-makeup at isang oras pang papunta ng TV station, depende sa traffic.”
Pagkatapos ng World Championships ng figure skating noong isang araw ay nakauwi siya ng silver medal. Ang mga kasamahan niya naman sa iba’t ibang category ay kung hindi pinalad ay may bronze medal. Siya na siguro at ang partner niyang si Fred ang pinakasuwerte sa kanilang grupo sa ilalim ng mahigpit nilang trainer na isang Russian. Si Coach Vaslek.
Masakit ang katotoohanan. Kahit sa magaling nilang trainer at magaling silang figure skaters ay may mas magagaling pa sa kanila. Gayunpaman ay nag-celebrate sila kagabi sa kanilang achievement. Lalo na siya.
“Doon na ako magme-makeup sa studio, Ate!” sigaw niya habang nag-sho-shower na.
Wala siyang pakialam kahit nasa loob pa ng banyo ang pinsan basta’t naghubad na lang siyang pumasok sa shower cubicle.
Napailing-iling ang kanyang pinsang binigyan na siya ng privacy roon. Inayos nito ang kanyang kama at pati kakailanganin niya para sa interview.
Habang nakaroba lang ay kumakain na siya sa inihandang sandwich ng kanyang pinsan. Tumunog ang cell phone nito at agad yaong sinagot.
“Yes. I will be back at the office before five. If I can’t, then I will do that first thing tomorrow. I’m doing something important right now. I’ll review those when I get back. Okay.”
Touched naman siya sa pinsan. Importante talaga siya para rito at todo ang suporta.
“Kaya ko nang pumunta sa TV station, Ate. Bumalik ka na sa trabaho mo,” sabi niya.
“Mabait naman ang boss ko. Paminsan-minsan ko lang naman ito ginagawa kaya ayos lang. Isa pa, pro bono kaya ang mga overtime ko roon.”
Naiiling siya. “Ba’t hindi ka na lang kasi—”
Nagtaas ito ng kamay. Alam na nito ang gusto niyang sabihin. “Working for my own brother will be worse, if not worst! Okay naman ang relationship namin na ganito. So, don’t. Don’t tell me that again, Dylanne.”
Pinaikot niya ang mga mata. “What’s wrong with it? Mas makatutulong ka pa sa kanya.”
Nandilat ang mga mata nito. “Don’t you know him? He’s like a beast! He’s a slave driver! He’s mean and everything!”
Napamaang siya at ngumiwi. “Uh, well…” Hindi na niya itinuloy.
Yes, I did witness and experienced it firsthand, mapait na pag-amin niya sa loob-loob niya.
Nang nasa high school pa lang siya ay tinanong niya si Coulter kung ano ang tipo nitong babae. Nagkataong nanonood ang Ate Claren niya ng Olympics sa malaking TV at doon napadako ang mga mata ng binata.
“Someone who can do twists sexily in the air. Maybe a figure skater?”
Iyon ang sabi noon ng lalaki. Seryoso ito. Kaya naman simula noon ay nagte-training siya ng figure skating. Halos araw at gabi kahit nag-aaral pa siya ay pinagsabay na niya para lang maging magaling na skater.
Para kay Coulter.
Nagtaka pa nga ang kanyang ama noon kung bakit palaging may nakadikit na ice pack ang kamay, baywang at balakang niya.
Hindi nagtagal ay namatay ang Amerikanang ina niya sa taon ding iyon dahil sa cancer sa utak at sobra ang paghinagpis niya. Mabilis lang kasi iyon. Pero hindi siya sumuko sa figure skating hanggang gr-um-aduate siya ng high school. Hindi na nga siya nag-college dahil mas inuna niya ang figure skating. Nag-away sila ng ama pero wala na itong nagawa pa.
Hay! The things you do for love! sa isip niya nang may desperasyon at pait.
She sighed inwardly.
Pumunta na sila ng pinsan sa studio at sa isang dressing room silang lahat ng kanyang mga kasamahan na babae. Ang mga lalaki naman ay nasa kabilang dressing room. Kani-kaniya silang nagme-makeup at saka nagbihis na kaagad. Wala silang makeup artist dahil sanay naman na silang gawin iyon.
Napansin niyang may kausap na naman sa cell phone ang pinsan niya. “What? Dinner? Fine. I’ll see you later then, Kuya.”
Biglang natigilan si Dylanne sa kanyang narinig. Si Kuya Coulter nito ang kausap? Agad na bumilis ang t***k ng puso niya at nagkasalubong ang mga mata nila ng pinsan sa malaking salamin.
Nagpatuloy na lang siya sa kanyang ginagawa na pilit nagpo-project na wala lang. Sina Anna at Dasha na kapwa may dugong Russian na kasama niya ay patapos na kaya binilisan na niya ang pag-apply ng kanyang sariling makeup.
“God! I still feel like I’m parched! My throat is so dry!” reklamo ni Dasha. Inaayos nito ang lampas-balikat na buhok na blond na pinakulot.
Napatawa si Anna rito bago ginamit ang eyelash curler. “I feel like drinking again,” napahagikhik na anito saka napasulyap sa gawi niya. “What about you, Dylanne?”
“Don’t even ask me, Anna,” sagot naman niyang halos pinatirik ang mga mata at nagkatawanan ang mga kasama niya.