bc

Guns and Roses

book_age18+
497
FOLLOW
2.1K
READ
shifter
mate
badboy
powerful
CEO
billionairess
bxg
mystery
office/work place
betrayal
like
intro-logo
Blurb

Lahat ng tao ay may tinatagong sikreto. Mayroong nagpapanggap na mabait at 'di makabasag pinggan, mayroon namang nagpapanggap na masama. Ang tanong, saan nga ba sa dalawang ito nabibilang si Silver Dimayuga?

Kagaya ng isang baril kung ihalintulad si Silver, kahanga-hangang pagmasdan, ngunit, kaakibat nito ay panganib. Magagawa mo pa kayang mahalin ang isang tulad niya kung may nakatatakot itong sikreto? Sikretong hindi mo ninanais na malaman o matuklasan.

Paano na lang kung muling magtagpo ang landas nilang dalawa ng babaeng minsan na niyang itinuring na rosas na kailangang ingatan? Ngunit, sa isang iglap ang rosas na kaniyang inalagaan ay siya rin pa lang mananakit at unti-unting titinik sa kaniya.

chap-preview
Free preview
Prologue
“Sabi nga ng nakararami, oras na magmahal ka ng isang tao, magiging bulag ka sa lahat ng bagay.”   Simula pa lamang sa pagkabata ni Silver Dimayuga, wala na siyang ibang hinangad kung ‘di ang makatagpo ng babaeng tatanggapin ang buong pagkatao niya. Habang lumilipas ang panahon at unti-unting magkaroon ng sarili niyang isip si Silver, mas lalo lamang nauunawaan ng binata ang higit na pagkakaiba niya sa nakararami. Ngunit, sa hindi inaasahan na pagkakataon, makatatagpo si Silver ng babaeng labis niyang mamahalin sa buong buhay niya. Nang matagpuan na ni Silver ang babaeng labis niyang mamahalin, isinugal niya ang lahat hanggang sa maubos siya nang tuluyan. May naririnig man siyang masama tungkol sa babaeng minamahal niya, mas pinili na lamang ng binata na magbingi-bingihan sa masasamang komento sa kaniyang kasintahan.   Sa pagtagal ng relasyon nila ni Bisky, mas lalo lamang nagigising sa katotohanan si Silver na kahit pagbalik-baliktarin man niya ang mundo, hindi pa rin maaalis ang katotohanan na magkaiba sila ng babaeng minamahal niya. Ang labis pang ikinatatakot ni Silver ay ang malaman ni Bisky ang sikretong matagal na niyang itinatago sa babaeng minamahal niya, pati na rin sa kaibigan niyang si Xenon Caasi. Kung kaya’t hindi na nagtataka si Silver kung bakit marami ang natatakot sa kaniya. Lumipas pa ang mga panahon at nagdesisyon si Silver na alukin na ng kasal si Bisky sa mismong araw ng kanilang anibersaryo at kaarawan niya.   Dahil dito, may ngiti sa labi na mabilis na tinapos ni Silver ang trabaho niya upang surpresahin sana ang kasintahan niya. Pero, parang binuhusan siya ng malamig na tubig na may kasamang yelo, nang makita niya ang kasintahan na pumasok sa loob ng hotel na pagmamay-ari niya mismo na may kasamang lalaki na hindi pamilyar kay Silver. Sa isang iglap lamang tila ba lahat ng tiwala ni Silver kay Bisky ay bigla na lamang naglaho na parang isang bula dahil sa kaniyang nasaksihan. Sa isang iglap lamang, doon napagtanto ni Silver ang katotohanan patungkol sa kasinatahan niyang si Bisky. Sa halip na magmukmok, kaagad na nagdiretso si Silver sa bar at nagpakasaya kasama ang iba’t ibang babae.   Nang mahismasmasan si Silver doon siya nagpasiya na gagawin niya ang lahat upang makapaghiganti kay Bisky sa lahat ng panlolokong ginawa nito sa kaniya. Saka lamang din napagtanto ni Silver na dala-dala pa rin pala niya ang rosas na ibibigay dapat ng binata kay Bisky. Sa tindi ng galit na nararamdaman ni Silver, Pakiramdam niya ay gusto niyang pumatay ng tao. Sa takot na hindi mapigilan ang sarili niya, mabilis na nagtungo si Silver sa penthouse niya at doon niya ibinuhos ang lahat ng galit at pighati na kaniyang nararamdaman dahil sa mapait na nangyari sa gabi ng anibersaryo nila ni Bisky.   Kasabay nito ay ang pagbato ni Silver sa rosas na dala-dala pa rin ng binata hanggang sa penthouse niya. Sumunod naman nito, ay tinapak-tapakan ni Silver ang pulang rosas na ngayon ay nagkalat sa sahig ng penthouse niya. Kagaya ng rosas na tinapak-tapakan ni Silver, pakiramdam ng binata na tila durog na durog ang puso niya sa sakit na kaniyang nararamdaman. Isama mo pa rito ang pakiramdam ni Silver na para bang may usong-usong siyang inyodoro dahil sa panlolokong ginawa ni Bisky sa kaniya. Nakatatawa mang isipin, ngunit, itinuring ni Silver na parang isang rosas si Bisky, pero ang hindi inaasahan ng binata ay ito pala ang mismong titinik sa kaniya.   “Ngayon pa lang ay niloko mo na ako, Bisky! Paano ko pa kaya magagawang sabihin ang sikretong matagal ko nang itinatago? Ang sikretong mahirap paniwalaan lalo na’t nasa moderno na tayong panahon.”   Sa pagpatak ng luha ni Silver na parang isang ulan na walang tigil sa pagbuhos, matiim na tumingin ang binata sa salamin sa gilid niya, kasabay nito ay pinagmasdan ng binata ang hitsura niyang labis na katatakutan ng makakakita sa kaniya.   “Hanggang kailan ko ba itatago ang totoong ako?”   ---   Sa kabilang dako, malakas na ang buhos ng ulan ngunit nanatili pa rin sa paghihintay nito si Bisky. Hawak ang maliit na kahon na surpresa ng dalaga kay Silver, matiyaga nitong hinintay ang kasintahan na dumating. Sa pagpihit ng paningin ni Bisky sa hotel na pagmamay-ari mismo ni Silver, kaagad na nanigas sa kinatatayuan nito ang dalaga dahil sa nasaksihan. Sa labas ng hotel na pagmamay-ari mismo ni Silver, nakita ni Bisky ang kasintahan na papasok habang may kaakbay na magandang babae.   “Bakit niya ako niloko?” Lumuluhang sambitla na Bisky sa sarili nito.   Kasabay ang paghawak ng dalaga sa dibdib nito at mabilis na nilisan ang lugar. Sunod-sunod naman ang pagpatak ng luha ni Bisky habang tumatakbo ito papalayo sa lugar kung saan nakita ng dalaga ang panlolokong ginawa ni Silver dito. Sa pagtakbo ni Bisky papalayo sa lugar, hindi namamalayan ng dalaga na may paparating pa lang sasakyan patungo sa gawi nito. Hanggang sa naramdaman na lamang ni Bisky na tumilapon ito sa gitna ng kalsada at ganoon na lamang ang takot na bumakas sa mukha ng dalaga nang maramdaman nito ang mainit na likido na umaagos pababa ng hita nito. Sa pagtingin sa likidong umaagos sa hita nito, pakiramdam ni Bisky ay para itong natuklaw ng ahas dahil sa paninigas ng dalaga dahil sa sinapit nito.   “A-Ang anak ko! T-Tulong, tulungan ninyo ako!” Nanghihinang sigaw ni Bisky.   Sa pagpikit ng mata ni Bisky ay siya rin paglisan ng taong nakabangga sa dalaga habang nababakas sa mukha ng lalaki ang tuwa dahil sa nangyari. Sa pagbuhos ng malakas na ulan, nanatiling walang malay si Bisky sa gitna ng daan at kahit isa ay wala man lamang tumulong sa dalaga. Kasabay nito ay ang pag-agos ng pulang likido na tila ba tinatangay ito ng tubig papalayo sa gawi ni Bisky na nawalan na ng malay.   ---   Ilang lihim ba nga ba ang hindi naisisiwalat?   Ang poot na bumalot sa puso nila, may pag-asa pa nga bang manumbalik ang pagmamahalan na dati ay nababalot ng saya?”   Mistulang rosas at baril man nila ituring ang isa’t isa, hindi maipagkakailan na parehas nilang sinaktan ang isa’t isa. Ang isa’t isa na kung dati ay parehas nilang pinahahalagahan. Ngunit, ang pagsasamahan nila ay parang isang baso na oras na mabasag ay hindi na muling maibabalik pa sa dati.   Isang misteryoso at isang mapagtiis, anong pagsubok pa nga ba ang naghihintay sa kanila?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
41.8K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.6K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
41.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
100.6K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook