CHAPTER 1

2397 Words
THE ACCIDENT EUNICE HAZE VALERIANO Excited na bumaba si Eunice sa kanyang kotse saka kinuha ang dalawang supot ng plastic na may lamang pagkain. Nagmamadali niyang binuksan ang bahay ni Zeus gamit ang spare key na ibinigay nito sa kanya simula noong maging magkarelasyon sila saka dire-diretsong pumasok hanggang sa kwarto ng binata. "Good morning!" masiglang bati niya sa fiancé habang may hawak na take-out sa magkabilang kamay galing sa paborito nilang kainan. Nakahiga ang binata sa kama nito habang kinukusot ang mga mata, marahil pagod na naman ang ito sa trabaho. Zeus is an engineer and his family owns a business too so it explains his busy and hectic schedule. Nitong mga nakaraang araw ay palagi itong nag-oovertime dahil may malaking problemang kinakaharap daw ang kumpanyang pag-aari ng pamilya nito at kailangan daw na maayos iyon kaagad upang hindi na lumala pa. "What are you doing here?" nakakunot ang noong tanong nito sa kanya saka bumangon sa pagkakahiga sa kama. Wala silang pagkakataon na makapagdiwang ng kanilang engagement na silang dalawa lang dahil sumabay iyon sa problemang kinakaharap ng kumpanya ng pamilya nito. Kaya ngayong araw ay naisipan niyang dalawin ang binata at surpresahin ito ngunit mukhang hindi nito iyon nagustuhan dahil iritang ekspresyon ang mababakas sa mukha nito, mainit ang ulo ng binata dahil siguro sa stress at pagod ng trabaho. "I brought food. Alam kong pagod ka nitong mga nagdaang araw at napansin kong namamayat ka na dahil sa katatrabaho mo. Hindi ka ata kumakain ng maayos," puna niya sa biglaang pagbagsak ng katawan nito. "Tsk, kesa naman lumaki gaya ng sa katawan mo," tugon nito bago siya lampasan. 'Ouch,' mahinang bulong niya sa sarili at pinilit na isiksik sa isip na nagbibiro lang ito bago sumunod sa lalaki patungong kusina. Nakaupo ito sa hapag habang nakahawak ang magkabilang kamay sa ulo, nagmamadaling nilapitan niya ang binata at ibinaba ang mga pagkaing dala. "Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya sa binata bago kumuha ng tasa at ipinagtimpla ito ng kape, sinisilip niya ang binata habang ginagawa iyon at nakayukyok na ngayon ang ulo nito sa mesa. Nang matapos ay agad siyang lumapit sa binata ngunit dahil sa sobrang pagmamadali ay napatid siya ng sariling mga paa at dumulas sa hawak niya ang tasa, kasabay ng pagbagsak ng kanyang katawan sa marmol na sahig ang pagkabasag din ng tasa na naglikha ng nakakabinging ingay. "Tangina Eunice?! Ano bang ginagawa mo?!" galit na bulyaw sa kanya ni Zeus bago galit na tumayo sa upuan at malakas na ibalibag iyon. Lumabas ito ng kusina na hindi man lang siya tinulungan o tinapunan man lang ng tingin. Unti-unting pumatak ang kanyang mga luha dahil sa inasal nito saka malungkot na inangat ang sarili patayo upang ayusin ang kalat na kanyang nagawa. "Pagod lang siya. Pagod lang siya. Pagod lang siya," paulit-ulit na mantra niya sa sarili habang pinupunasan ang tumapong kape at pinipilit na huminto na sa pag-iyak. Nang matapos ay inilagay niya naman sa ref nito ang mga dinala niyang pagkain, umaasang kakain iyon ng binata kapag maganda na ang mood nito. Naupo siya sa hapag upang palipasin na muna ang init ng ulo ni Zeus saka niya na siguro kukulitin ang binata kapag alam niyang okay na ito. Habang nakaupo ay chineck niya ang kanyang cellphone, may isang text doon galing kay Rem na mabilis naman niyang nireplyan. Rem: Where you at? Eunice: Zac's house. Rem: What are you doing there? Hey! Don't do premarital s*x ha? Mahina niyang ikinatawa ang reply nito, napakamalisyosa talaga ng isang 'to. Agad na nawala ang lungkot niya mula kanina, iyon siguro ang kahinaan at lakas niya. Madali siyang malungkot at masaktan ngunit madali rin siyang tumawa at makalimot. Eunice: No, of course not. Bakit ba? Anong kailangan mo? Hindi naman ito magtetext kung wala itong kailangan o wala itong plinanong get together nilang magkakaibigan. Rem: Nothing, you're busy pala magpasama sana ako sa talyer kaso 'wag na, enjoy ka na lang diyan *wink emoji* "God Rem," mahinang sambit niya sa sarili at pinipigil ang paghagikhik, kung ano-ano talaga ang naiisip ng isang 'yun. She is open to that kind of conversation ngunit may konting hiya pa rin siya dahil wala pa siyang experience sa bagay na 'iyon'. Ibinababa niya ang cellphone sa dining table saka lumabas upang tingnan si Zeus, kakausapin na niya ang binata, kumalma naman na siguro ito. Nadatnan niya itong kausap ang best friend nitong si Carmilla na nakasuot ng work out clothes, hindi niya namalayan na dumating pala ito. Sumilip siya at sinusubukang pakinggan ang pinag-uusapan ng dalawa ngunit masyadong mahina ang boses ng mga ito at masyado siyang malayo kung saan nakaupo ang dalaw. She cleared her throat loudly bago naglakad palapit sa mga ito, agad na napatingin ang dalawa sa direkyon niya dahil sa ginawi niya at parehas na binigyan siya ng nagtatakang tingin nang tuluyan siyang makalapit. "Oh! you're here fatty," sambit ni Carmilla habang malawak na nakangiti. She's like that, a total b***h and a spoiled brat. Calling her names and insulting her eversince that hurt her feelings, pero wala siyang ginagawa upang patulan ito, hinayaan niya lang ang babae. Iisa lang ito at maraming nagmamahal sa kanya at nagboboost ng confidence niya kaya hindi siya basta-basta matatalo. Simula pa noong una ay alam niyang ayaw na nito sa kanya ngunit dahil mahal niya si Zeus ay nagtitiis siyang makasalamuha ito. "Stop it Carm," saway ni Zeus sa babae na umirap lang sa hangin at humalukipkip. "I'm here, yes. I brought Zeus some food. Ikaw gusto mo ba kumain?" kalmadong tanong niya sa bisita na marahas siyang hinarap. "I'm on diet! Isa pa mukha bang kumakain ako ng mga pagkaing kinakain mo? Disgusting!" maarteng tugon nito saka siya tinignan mula ulo hanggang paa. "Carm, I said stop it," mariing wika ng kanyang fiance kaya hinawakan niya ang kamay nito at marahang pinisil iyon, pinapakalma ang binata. "Okay lang nagbibiro lang naman ata siya," nakangiting wika niya at pagsisiguro sa binata na ayos lang siya sa mga sinabi nito bago nito bitawan ang kamay niya at tumayo. Nagriring ang cellphone nitong nasa ibabaw ng coffee table, inabot iyon ng lalaki saka lumayo nang bahagya sa kanila bago sagutin ang tawag. Naiwan silang dalawa ni Carmilla sa sala, tiningnan siya nigo bago naupo sa single sofa samantalang siya ay umupo rin sa katapat nitong sofa. "You know, hindi ako nagbibiro sa mga sinabi ko sayo kanina I meant all of it. Hindi kayo bagay ni Zeus you're too fat and too ugly for him," wika nito saka siya mataray na tinignan mula ulo hanggang paa. She's hurt alright but she manage to plaster her sweet smile. Praktisadong praktisado niya na ang ngiting 'yun simula pa ng bata siya, magaling siyang magkunwaring okay lang ang lahat kahit sa loob niya'y hindi. "Alam mo Carmilla gusto kong maging kaibigan ka kasi best friend ka ni Zeus kaya kung bibigyan mo lang ako ng pagkakataon gusto kong maging magkaibigan tayo," malambing ang tono ng pananalita niya kahit gusto nang lumabas ng inner b***h niya at malditang sagutin din ang kaharap. "Are you sure you want to befriend me? You're kidding right?" tanong nito na sinundan ng malakas na pagtawa. "I'm serious," sagot niyang nakangiti pa rin sa babae. "Bakit? Eversince I've been mean and rude to you so why? Why do you want us to be friends all of a sudden?" mataray na tanong muli nito sa kanya. "This is not sudden, matagal na kita gustong maging kaibigan at ngayon lang tayo nakapag-usap ng masinsinan kaya kinuha ko na ang opportunity na 'to para pag-usapan ang bagay na 'yun. Isa pa, malapit na kaming ikasal ni Zeus gusto kong maging maayos ang lahat bago kami ikasal," mahabang litanya niya na ikinatango ng babae bago ito tumayo sa harap niya. "Okay if you really want to. Meet me at my house tomorrow morning we'll work out and get rid of you're unwanted fats," wika nito bago tumalikod at nagtungo sa pinto saka dire-diretsong lumabas. Alam niya ang bahay nito, nasa iisang subdivision lang ito at si Zeus at tatlong blocks lang ang layo nito sa bahay ng fiance. Malakas siyang napabuntong hininga nang tuluyan mawala ang babae sa paningin at napasandal sa kinauupuan bago sandaling ipikit ang mga mata. Her pretending is finally over, hindi niya alam pero unti-unti na siyang napapagod sa pagkukunwari gusto niya nang magpakatotoo sa kahit na sinong tao na hindi siya huhusgahan. "Where's Carmilla?" agad na idinilat niya ang mga mata nang marinig ang tanong na iyon ni Zeus. Nilingon niya ang binata, kalalabas lang nito ng kwarto at nakasuot na ito ng three-piece suit. Mukhang kailangan na naman ito sa opisina kaya agad siyang tumayo sa kinauupuan at nilapitan ito, inayos niya ang necktie nito bago tumingkayad saka akmang hahalikan ito ngunit iniwas nito ang mukha. "Kailangan na naman ako sa opisina, urgent daw," paalam nito bago mabilis na lumabas sa sariling bahay, napahawak si Eunice sa tapat ng kanyang dibdib nang tumalikod ito at nawala sa kanyang paningin. "Just lock the door when you leave," sigaw pa nito mula sa labas bago niya narinig ang tunog ng papaalis nitong sasakyan. Naiwan siya muling mag-isa at nasasaktan, ganoon naman palagi tanging sarili niya lang ang kanyang sandalan. Bumuntong-hininga siya upang ayusin ang sarili at supilin ang mga nangingibabaw niyang emosyon. Naglakad siya patungong kusina saka kinuha sa ref ang mga dinala niyang pagkain bago lumabas ng bahay at malakas na isarado ang pinto nito. She lonely walk towards her own car at mabilis iyong pinaharurot paalis. Ilang minuto lang ay binabagtas niya na ang daan pauwi, hindi niya alam kung saan siya pupunta kaya inabot niya ang cellphone sa kanyang bulsa upang tawagan ang isa sa mga kaibigan ngunit hindi niya makapa iyon kaya agad niyang tinapakan ang brake at inihinto ang sasakyan. Naging dahilan iyon ng pagkabunggo ng kasunod niyang kotse sa likod ng kanyang sasakyan, mabuti na lamang at nakaseatbelt siga dahil kung hindi ay malamang tumama na ang kanyang ulo sa manibela. Nanlalaki ang matang tinignan niya ang pulang kotse sa likod gamit ang rear view mirror saka dali-daling bumaba ng sariling sasakyan. Napakaraming sasakyan na ang bumubusina ngunit hindi niya iyon inintindi, kailangan niya munang alamin kung okay lang ba ang driver ng kotseng nakabangga sa kanya. "I'm sorry," agad na paghingi niya ng tawad sa kung sino mang nasa likod ng saradong bintana saka yumuko. "It's okay, no biggie," tugon ng baritonong boses sa kanya saka niya namataang may isang lalaki na bumaba sa likurang bahagi ng kotse habang nanatili siyang nakayuko. "What Lopez? Are you out of your mind? What are you thinking? It is biggie!" wika naman ng isa pang galit na boses mula sa kanyang harap, ito siguro ang may-ari at nagmamaneho ng kotse kaya ganoon na lamang ang galit nito. Iniangat niya nang bahagya ang kanyang ulo upang sumilip ng kaunti sa nangyayari sa paligid. Nakababa ang bintana ng kotse at nakasilip doon ang ulo ng lalaking nagagalit sa kanya samantala hindi niya makita ang mukha ng lalaking bumaba kanina sa kotse dahil napakatangkad nito ngunit namataan niya itong lumapit at tumayo sa kanyang tabi. "Miss, do you know how much will this cost? This will only cost a leg and an arm so it's not biggie at all," the man was still furious and talking to her sarcastically. Nanatili siyang walang imik at nakyuko dahil sa sobrang pagkapahiya. "Don't talk to a lady like that Abalos, maybe she's new to driving thus she might not have seen us," pagtatanggol ng lalaking nakatayo sa kanyang tabi mula sa lalaking nakasakay sa kotse ngunit wala siyang lakas ng loob na mag-angat ng tingin, nahihiya siya nang sobra at nararamdaman niyang any minute tutulo ang kanyang luha. Naramdaman niyang magaang ipinatong ng katabi ang kamay nito sa kanyang balikat na ikinagitla niya at agad na ikinalayo rito ngunit sa sandaling pagdidikit ng kanilang balat ay tila may nabuhay sa kanyang loob. Isang sensasyon na hindi niya alam na naroon, isang sensasyon na hindi niya alam na nag-eexist sa kanyang loob. Hindi niya mapangalanan ang nararamdaman niyang iyon ngunit binuhay iyon ng lalaking katabi niya, naramdaman niya iyon dahil sa isang estranghero. "I'm sorry I was just trying-" paghingi nito ng paumanhin nang maputol iyon dahil sa pagsigaw ng lalaking kasama nito. Mas lalo niyang iniyuko ang kanyang ulo dahil sa sobrang hiya at sa pakiramdam na namumula ang kanyang mukha, hindi niya sigurado kung dahil ba sa hiya o may iba pang dahilan. "Come on Lopez! Get in the car, those assholes in the back are loud as hell," inis na mando nito sa lalaking nagngangalang Lopez patungkol sa mga kotseng nasa likod nila na walang tigil pa rin ang malalakas na pagbusina bago muling nagsalita. "And please move your car," sambit nito na alam niyang sa kanya patungkol. "I'm sorry," narinig niya pang hinging paumanhin ng lalaking 'Lopez' bago siya tumalikod at nagmamadaling naglakad patungo sa kanyang kotse at sumakay doon saka iginilid iyon sa gater upang makadaan ang ibang mga motoristang naabala nila. Mabilis na humarurot ang pulang kotseng nabangga niya paalis, nilagpasan siya nito at ng iba pa. Itinaas niya ang bintana ng kanyang kotse at hinayaan ang mga luhang kanina niya pa pinipigil na dumaloy at pumatak. Ilang minuto siyang nasa ganoong estado bago may narinig na malakas na pagring mula sa kanyang cellphone. Agad na pinunasan niya ang mga luha at inayos ang sarili bago hinanap ang cellphone na kanina pa nawawala na naging sanhi rin ng pagbangga ng pulang kotse sa kanya. Nasa ilalim iyon ng dalawang plastic bag ng kanyang food take out, marahil hindi niya napansin kanina na doon niya iyon naihagis dahil sa sobrang pagkainis at lungkot na nararamdaman. Agad na sinagot niya ang tawag at tinig ni Rem ang agad niyang narinig sa kabilang linya. "Tomorrow night at Jucia's condo. See you," mabilis na pahayag nito bago ibaba ang tawag. Napabuntong hininga siya bago ihagis ang cellphone sa likod saka inistart ang kotse at pinaandar iyon paalis. No one is really there for her except for the stranger from a while ago. She feels something in him that she didn't feel with anyone around her, even with her family and friends so now she's wondering what is it. She wants answer, she needs to find answer and she will do it soon. _annmazing_
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD