PROLOGUE

2261 Words
Teaser Eunice Haze Valeriano is getting married with her two-year boyfriend Zeus Guillermo but an unexpected turn of events will change her mind and heart. During the launching of her dream bakeshop, in the middle of a large crowd, a man claimed her as his wife. Puts a ring on her finger and insist that they are married; he even said to publish all the events happened that day in all kinds of media. She can’t escape that nor prevent it from spreading like a wild fire. But, what if the man holding her hand change everything, and makes things worst? Or should she say the other way around, enjoyable and unforgettable? Make her feel love just the way she is? Make her feel things, pleasurable things, she didn't know existed? Will she give in to the temptation this hot guy is giving her or would she stay faithful to his unfaithful soon-to-be husband? Marde Nicholas Lopez is desperate to have a wife because of his grandmother's wish before she passed away and he has someone in mind. So out of jealousy, in the middle of a bake shop launching which his friend Jace cursing in the corner, he actually grab someone from the stage. He doesn't care about the stares he’s receiving especially the glares coming from his best friend Lucas. He wants a wife now and he wants it to be her. A curvaceous woman with a cute face appeared to his view. Marde literally can't move nor look away from her. He is stunned by how beautiful the woman is but before she could pull away he announced to the crowd that she is his wife and puts a ring on her finger. The expression given by the woman just confirms what he feels. He is totally f****d-up. PROLOGUE: THE PROPOSAL EUNICE HAZE VALERIANO "Will you marry me and be my Mrs. Guillermo?" nakaluhod na tanong ni Zeus-- ang kanyang nobyo—habang hawak ang singsing at inaalok siyang magpakasal. Naroon ang lahat ng importanteng tao sa kanyang buhay magmula sa kanyang mga kaibigan hanggang sa kanyang pamilya. They were looking at them with so much joy and happiness like how she feels right now. Eunice was so happy in the moment, hindi niya alam na may tatanggap sa kanyang lalaki at mamahalin siya nang buong puso. Simula't sapul ay hindi na siya confident sa kanyang sarili-- she is chubby, morena at hindi gaanong katangkaran—unlike those girls around Zeus who are model-like. Kaya't noong nagsimula itong manligaw sa kanya ay hindi siya naniwala ngunit nakita niyang araw-araw ay nagpupursigi ito para pasagutin siya at kunin ang matamis niyang ‘oo.’ Isa pa sa mga dahilan kung bakit hindi kapani-paniwalang nagustuhan siya nito-- no scratch that-- minahal siya nito ay ang pagiging matinik at sikat nito sa mga babae. Zeus Guillermo is one of the popular bachelors in the country, bukod sa kagwapuhan ay matalino rin ito at isang engineer kaya’t hindi maikakalang sobrang daming nagkakagusto sa lalaking isang kagaya niya lamang ang napili. Hanggang ngayon kahit na nakaluhod ito sa kanyang harapan at inaalok siya ng kasal ay parang panaginip--isang magandang panaginip-- lang ang lahat na ayaw niya nang magising. "Yes!" nakangiting sagot niya sa tanong nito habang may mga luhang pumapatak sa kanyang mga mata. Bumaling siya sa mga kaibigan, all of them are grinning from ear to ear bago muling tignan ang binatang nakaluhod sa harap niya. Nakangiting iniabot niya ang kaliwang kamay sa binata saka nito isinuot ang singsing but sad to say Zeus struggles to put it on her ring finger. Tumingala ito sa kanya at alanganing ngumiti, kahit anong pilit nito ay hindi kasya sa kanyang palasingsingan ang hawak nitong singsing kaya't isinuot na lamang iyon ng lalaki sa kanyang hinliliit. Nakapagtatakang kahit dalawang taon na silang magkarelasyon ay hindi pa rin nito alam ang kanyang finger circumference ngunit kahit na ganoon ay hindi niya hinayaang masira ng maliit na insidenteng iyon ang pangalawa sa pinakamasaya niyang araw, of course their wedding would be the first. Tumayo ang binata saka pinagpag ang suot nitong pants sa bandang tuhod saka siya nito nginitian at hinawakan sa balikat. Akmang yayakap siya sa binata dahil akala niya'y yayakapin siya nito ngunit pinigil nito ang gagawin niyang iyon saka siya ipinihit paharap sa lahat ng naroon. Nakangiting mga mukha ang sumalubong sa kanya, makikita ang admirasyon ng mga ito sa kanila habang binibigyan sila ng masigabong palakpak. Alanganin siyang ngumiti sa mga tao sa paligid dahil hindi siya sanay na inaadmira o hinahangaan ng karamihan. Umakbay sa kanya si Zeus bago malakas na nagsalita. "This woman beside me will be my wife," pahayag nito saka ngumiti ngunit napansin niyang hindi iyon umabot sa mga mata nito kaya nag-aalala niyang tiningala ang binata. Bahagya niyang kilabit ang binata na agad naman siyang tinignan sa nagtatanong na mga mata. "Pwede ba tayong mag-usap saglit?" tanong niya, gusto niyang malaman kung may problema ba ito o may ipinag-aalala o baka na-pressure ito sa pag-aaya sa kanyang magpakasal, alin man sa mga iyon ay sabihin sana nito sa kanya. "Sure love," tugon nito kaya naman agad niyang hinawakan ang kamay nito at marahang hinatak. "Enjoy yourself people! My fiancée wants us to be alone for a minute," pabirong sambit nito saka kumindat na agad nakatanggap ng halakhak sa mga bisita bago ito tuluyang magpatianod sa kanya. Dinala niya ang binata sa sulok ng silid, malayo sa mga tao at ingay. Agad na bumitaw ang binata sa pagkakahawak sa kanya nang huminto sila. "May problema ba?" nag-aalalang tanong niya saka inabot ang kamay nito ngunit agad iyong iniiwas ni Zeus. "Wala," maikling sagot nito na hindi nakatingin sa kanya. "Zeus," tawag niya sa pangalan nito ngunit galit itong lumingon sa kanya dahilan upang bahagya siyang napaatras sa inakto nito. 'What change?' tanong niya sa sarili. Kanina lang ay masaya itong nakaharap sa mga taong nandoon, sa mga kaibigan niya pati na rin sa pamilya nilang dalawa. "What Eunice?" inis na tanong nito sa kanya habang galit pa rin nakatingin sa kanya. Hindi siya nakapagsalita, ngayon lang ito naging ganito sa kanya. Ngayon lang. Nasasaktang tinignan niya ang binata ngunit ganun pa rin ang tingin na ibinibigay nito sa kanya. "Kung wala kang sasabihin bumalik na tayo roon. You're ruining my night," sambit nito bago walang pag-aalinlangan siyang talikuran, tuloy-tuloy na pumatak ang kanyang mga luha. Kung kanina'y umiiyak siya dahil sa sobrang kasiyahan ngayon nama'y umiiyak siya dahil sa bawat paghakbang ng lalaki palayo sa kanya ay unti-unting nadudurog ang kanyang puso. Inilapat niya ang isang kamay sa kanyang dibdib, ngayon lang niya naramdaman ang ganoong klase ng sakit. She is used to pain ever since because she was bullied, she was looked down and all of the people around her just think she is nobody, even her own family. She is just lucky to meet people like her friends that supports, encourages, boosts her self-esteem, and loves her like a love from a true family. Akala niya'y madaragdagan na ang mga taong pahahalagahan siya at mamahalin dahil dumating na sa buhay niya si Zeus ngunit parang nagkamali siya. Bumaba ang tingin niya sa singsing na nasa kanyang hinliliit at bahagyang natawa, miski singsing ay ayaw sa kanya. Nasa ganoon siyang sitwasyon ng may magsalita sa kanyang likuran, kilala niya ang malamig na boses nito kaya agad niyang pinunasan ang basa niyang pisngi at mata. "What are you doing-- here," naputol ang sasabihin nito sandali bago iabot sa kanya ang isang panyo. Umiling siya saka nilayo ang kamay nitong may hawak na panyo na iniaalok sa kanya bago hinarap ang babae. "Just wandering around," she said before displaying her smile but the woman in front of her didn't buy it, Ann just gave her a cold and emotionless stare. "Really?" tanong nito na wala pa ring mababakas na emosyon sa mukha bago iangat ang kamay upang punasan ang natirang luha sa kanyang mata. "You're lying," anito na ikinayuko niya, she can lie straight face to everyone but not with Ann. "Yes I am. I just don't know what happened... I just... I don't know... I'm hurt," pag-amin niya sa kaibigang blangkong nakatingin lang sa kanya. "I'm right," maikling tugon nito bago bumaling sa mga bisitang nag-eenjoy sa malaking events place. "What do you mean?" tanong niya bago sundan ang tingin nito. She found herself staring at the two beautiful creatures talking happily to each other, must be a God and a Goddess came down straight from heaven. She is staring at her fiancé, Zeus and his best friend, Carmilla Veron, an international model. May kung anong kirot siyang naramdaman nang makitang masaya ang binatang kausap ang matalik na kaibigan nito. Napakaganda ni Carmilla bagay na bagay sila ni Zeus, match made in heaven ika nga nila. Naaalala niya pang akala ng mga magulang ni Zeus na ito ang makakatuluyan ng binata noong ipinakilala siya nito sa mga magulang. Carmilla was her biggest insecurity simula't sapul na maging nobyo niya si Zeus. Luckily, his parents love her but not his siblings especially his sisters, they are all rooting for Zeus ending up with Carmilla. Akala niya'y nasa ibang bansa ang dalaga dahil isa itong modelo at kung saan-saang magazine nakadisplay ang mukha at katawan nito ngunit nandito ito ngayon, sa gabi kung kailan siya inayang magpakasal ni Zeus, mas lalo siyang nanliit sa sarili. "Yeah, I can't and never be like her," bulong niya saka inalis ang tingin sa dalawa at nagbaba ng tingin. "You're beautiful," nagulat siya at mahinang napasinghap nang magsalita si Ann sa kanyang tabi, kanina pa pala ito nakatingin sa kanya. "Take this," anito bago sapilitang kinuha ang isang kamay niya at ipatong doon ang kanina pa nito ibinibigay na panyo. Nagtatakang tumingin siya sa dalaga kaya't kinapa niya ang magkabilang pisngi upang madiskubre na basa na naman ang mga iyon, indikasyon na umiyak siyang muli ng hindi niya namamalayan. Agad siyang nagpunas ng luha nang makitang palapit sa kanya ang mga kaibigan. Una, si Reminisce Joy Fajardo na isang rich play girl, maganda, mayroong 'a body to die for' at higit sa lahat nakukuha ang lahat ng gusto sa isang pitik lang. Pangalawa, si Haven Patricia Garcia na isang military officer, mayaman pero kuripot, maganda, matangkad, curvaceous at higit sa lahat magaling sa propesyong tinatahak nito. Pangatlo, si Jucia Bartolome na isang mataray na workaholic, maganda, sexy, matalino at gusto ng lahat. Panghuli at ang kaibigang nasa harap, si Ann Gabriel Patterson na isang cold-hearted at emotionless na tao, maganda, matangkad, at higit sa lahat she doesn't give a single damn to anything. And the, there she is a freaking nobody and an ugly duckling. Hindi niya nga alam kung paano niya naging kaibigan ang mga ito. Huminga siya ng malalim bago magsalita at batiin ang mga kaibigan ayaw niyang mag-crack ang boses niya habang kausap ang mga ito. "Hi," masiglang bati niya sa lahat saka ipinaskil ang pekeng ngiting praktisado na niya. "Congratulations Eunice! I told you, you are beautiful and you deserve to be love!" masayang sambit ni Rem saka yumakap sa kanya. "Congratulations Eunice and best wishes. I am so happy for you," bati naman ni Jucia bago siya bigyan ng halik sa pisngi. "Congratulations naunahan mo pa si Jucia pero 'wag mo kong gagawing ninang ng magiging anak niyo a," babala ni Haven na ikinatawa niya, kuripot attitude strikes again. Tumingin siya kay Ann at naghihintay ng sasabihin ngunit nanatiling tikom ang bibig nito. "Hey b***h, say something," magkasalubong ang kilay na utos ni Rem sa huli. "Don’t trust anyone," anito sa malamig na tinig bago sila talikuran at umalis. Ang katagang binitawan nito ngayon ay ang eksaktong salita rin na sinabi nito sa kanya bago niya sagutin at maging nobyo si Zeus. Hindi niya alam ngunit parang may laman ang mga sinasabi nito sa kanya, parang may alam itong hindi niya alam. Napapantastikuhang sinundan ng tingin ni Jucia at Haven ang papalayong pigura ng dalaga hanggang sa mawala ito sa makapal na madla samantalang si Rem ay nakahalukipkip at nakasimangot. "About trust? Really? That's what you're going to say?! Nonsense!" inis na sigaw pa ni Rem but Ann just kept on walking, giving not even a single damn. If Ann's word didn't mean anything to her friends well, it did mean something to her. "Gosh! Weirdo," maarteng wika ni Rem bago bumaling sa kanila saka siya inabutan ng basong may lamang alak. "Hindi ka pa ba nasanay?" natatawang tanong naman ni Haven saka tumayo sa tabi niya. "Come on b***h, chill. This night is for Eunice," pagpapakalma ni Jucia sa kaibigang nakasimangot pa rin. "Chill? No, no, no. I will never chill," tugon nito habang iwinawagayway pa ang isang daliri sa mukha ni Jucia. "Tama ba 'yun? We are saying are wishes and congratulations to Eunice then all of a sudden she's saying those words? I can't believe her," umiiling pang sabi muli ni Rem. "Somewhat she's right," sabat niya sa usapan ng mga ito bago tinungga ang natitirang alak sa basong iniabot ni Rem. "What? You should be on my side," anito bago umirap sa hangin. "I'm not on anyone's side. I'm just saying that she have a point," pagdepensa niya saka muling bumaling sa pigura ng dalawang taong masayang nag-uusap kahit na sobrang kumikirot ang kanyang puso na pagmasdan ang mga ito. Maybe Ann is right, she shouldn't trust too much because snakes are everywhere. _annmazing _
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD