VV: 2

2538 Words
CHAPTER TWO: Pangamba Medyo nakaka-excite ang araw na ito because of Marfire. Ang dami niyang sinasabi sa akin na hindi ko pa nalalaman at ang lahat ng iyon ay tungkol sa kanilang mga diwata. He’s living with his family at kagaya ng sa pamilya ko ay kompleto din sila. At exactly six in the evening, pinalabas na kami dahil uwian na. Umaambon na ang paligid at sobrang lamig. I can’t believe na ganitong oras nila kami pinalabas. Kung tutuusin ay kailangan dapat nakauwi na kami bago paman mag-six. “Alam mo ang weird ng University na ito.” Naisatinig ni Marfire habang binabaybay namin ang madilim na pasilyo. May mga ilaw sa hindi kalayuan ngunit hindi iyon sapat para sa isang tao. Mabuti nalang at bampira kaming dalawa kaya malinaw na malinaw ang paligid sa amin kahit madilim na. “Bakit mo naman nasabi? Hindi ko naman napapansin na weird ito kasi it is my first time na pumasok sa school,” ani ko. “Weeh? Bakit Senior High ka na kaagad?” Bumilog ang mga mata ni Marfire. “Iwan ko?” Kahit ako ay hindi ako siguro. Dahil siguro sa labing-walo na ako kaya pinadiritso na ako sa Senior High at ang naalala ko ay may sinagutan akong mga katanungan at nasagutan ko naman ng tama. “Pero ayos na rin iyon dahil para may kasama akong bampira sa University na ito.” Masayang wika ni Marfire. Napansin ko lang sa kanya ay napaka-sayahin niyang nilalang. Aaminin kong nakaka-good vibes talaga siya. Paglabas namin ng University ay medyo wala nang estudyante. Nakauwi na ang iba pa at mukhang kaunti nalang kaming naiwan. “Teka, saan ka pala nakatira?” Tanong ko kay Marfire. “Nasa siyudad kami nakatira, ang weird diba? Dapat nasa kakahuyan din kami.” “Bakit naman, mukhang maganda nga sa siyudad kasi ang saya doon.” Giit ko, kahit papaano ay nakakagala naman ako kasama ang aking mga kapatid. Iyon nga lang kailangan na may kasama ako para daw hindi ako maligaw. “Naku kung alam mo lang.” Napahinto si Marfire. “Ang ano?” Huminto ako sa paglakad nang nasa harap na pala kami ng aking kotse. “Hindi mo ba alam? Marami na kayang insidenti ngayon ng pag-ataki.” “Ha?” Medyo sumeryoso ako. Anong pag-ataki ang sinasabi ng lalaking ito? “May mga taong nakikita nalang na patay, walang dugo at may sugat sa leeg.” “Tapos?” Medyo clueless ako. Ano naman ngayon? “Anong tapos bro? Ang lahi natin ang number one suspect.” “Ha? Paano naman malalaman ng mga otoridad na mga bampira ang umataki sa mga tao?” “Naku, alam mo ang weird mo...parang wala kang kaalam-alam sa mga nangyayari sa paligid mo.” Medyo naiirita si Marfire na ikinatuwa ko naman. Mabilis din palang maasar ang gagong ito. “Pero honestly wala talaga akong alam sa mga nangyayari sa paligid.” Napatingin ako sa paligid. Wala nang kahit ni isang tao at wala na akong naamoy na sariwang mga dugo. “Mukhang tayo nalang ang natira rito, ha.” Ani ko. “Yeah, at ang ingay pa natin. Mabuti pa magsi-uwian na tayo.” “Mabuti pa nga.” Pahakbang na nang biglang humangin ng malakas. Napahinto ako nang maramdaman ang isang malakas na enerhiya at ang amoy? Napatingin ako kay Marfire na natigilan rin. Nag-iba ang kulay ng kanyang mga mata ngunit ang akin ay pinipigilan ko lang. Mabuti nalang at marunong akong magkontrol ng kapangyarihan ko. Hindi ako nagpa-panic kagaad. May nakikita akong bulto ng malaking aso na papalabas sa maambon na bahagi ng University. Kaagad akong napaatras sa sobrang gulat. Sobrang laki niyang aso. Bakit panay ambon rito gayong malayo naman sa kakahuyan? “Huwag kang magkakamaling lumapit aso.” Gigil na wika ni Marfire. Pumunta siya sa aking harapan upang protektahan ako. Nararamdaman kong ito ang taong lobo kanina. Ngayon ay higit ko pang mas nakita ang kanyang kabuuan. Kanina kasi ay parang isang anino lang ang nakikita ko ngunit amoy na amoy ko ang magaspang niyang amoy. “Sinabi ko na sa inyo na teritoryo ito ng mga taong lobo. Dapat kanina pa kayo umalis.” Nanlaki ang mga mata ko. Nakakausap niya kami gamit ang aming mga isip? “Narinig mo ‘yon Marfire?” mangha kong tanong. “Iyon ang isa sa kanilang kakayahan, Conal.” May diin na wika ni Marfire kaya napatahimik nalang ako. Ramdam na ramdam ko ang tensyon sa pamamagitan ng dalawa. “Wala kaming binabalak sa inyo. Nandito lang kami upang mag-aral. “Kahit na, dapat alam ninyong kumilala ng isang teritoryo.” “Alam mo, ang lakas din ng tama mo. Hindi nga namin alam na sa inyo to di’ba?” “Kung ganoon ay umalis na kayo at huwag na bumalik bukas.” “Huwag na bumalik?” Sarkastikong tanong ni Marfire. Narinig ko pa ang malutong niyang tawa at halatang iniinsulto niya ang taong lobo. “Tama na ‘yan Marfire, ang mabuti pa’y umalis na tayo rito. Hayaan mo na siya baka teritorial lang talaga silang nilalang. Hayaan mo’t masasanay din siya sa ating presensya kapag araw-araw niya tayong nakikita at nararamdaman.” Mahabang wika para makauwi na kami. Hangga’t maaari ay dapat maputol ang tensyon na namamagitan sa kanilang dalawa dahil kong hindi magpapatayan ang mga to. “Iniinsulto mo ba ako?” Sa akin nakatingin ang nanlilisik na mata ng taong lobo. Napalunok ako ng aking laway at medyo kinabahan ako roon. “Hindi! Hindi sa ganon.” Mabilis kong bawi, “tara na, ihahatid nalang kita sa syudad,” wika ko. “Mauna ka na Conal, ginagamit ko ang kapangyarihan para makauwi, hindi ako pinapagamit ng kotse.” “Oh?” Napaawang nalang ang aking labi. Marfire was serious at totoo ang kanyang sinabi. Ngayon ko lang napansin na tanging kotse ko nalang ang natira. It means ginagamit nga talaga niya ang kanyang kapangyarihan na maglaho. “Sige na Conal.” “Sige.” Kaagad akong naglaho at nakarating sa loob ng kotse. Mabilis ko iyong pinaharurot sa pangamba na aking nararamdaman. Nawa’y umuwi na rin si Marfire, mukhang malakas pa naman ang taong lobo na iyon. Kahit babae siya ay sobrang kakaiba niya. Lalo na ang kanyang awra! Hindi pa rin mawala-wala ang aking kaba. At hindi ako mapakali sa maaaring mangyari kay Marfire. Diyos ko! Baka kinalaban na niya ang taong lobo! I need to help him kung ganoon nga ang nangyayari ngayon. Wala sa sariling iniliko ko ang kotse. I just can’t leave him sa loob ng University. Lupain iyon ng mga mga werewolf at hindi kakayanin ni Marfire ang labanan ang mga malalaking aso na iyon. Paano kung nagsidatingan nalang silang lahat? At paano kung pinagtulungan na nila ang bago kong kaibigan? Naisip kong i-park nalang ang kotse sa gilid ng daan. This is the best way para hindi nila ako mahalata na bumalik. At isa pa, mas mabilis ang aking kakayahan kaysa sa pagmamaneho lang ng kotse. Mas higit kong kakailanganin ngayon ang kakayahan kong maglaho at tumakbo ng malakas. Nasa University na ako nang wala na akong nararamdamang kakaiba. Wala nang bakas ng lobo at bampira. Ang ibig lang nitong sabihin ay nakauwi na si Marfire? At ang lobo, saan na siya. Siya ang nangangalaga sa lupain na ito so nandidito lang siya at nagmamasid. Minabuti kong bumalik nalang sa lugar kung saan ko iniwan ang aking kotse. Mukhang ligtas naman yatang nakauwi si Marfire. Alam ko iyon dahil wala akong nararamdamang kaba sa nilalang na iyon. Pagkaupo ko sa kotse ay umalis na ako kaagad dahil masiyado ng madilim at sigurado akong maraming tanong mamaya sa bahay! Medyo malayo na ako sa University at nadadaanan ko na ang naglalakihan at nagtatayugang mga punong kahoy. Kitang-kita ko iyon kahit sobrang dilim na. Naririnig ko na ang mga huni ng kuwago at ingay ng mga tutubi. Habang nakatuon ako sa aking pagmamaneho ay unti-unti kong naramdaman ang kakaibang enerhiya. Hindi ito maaari! Sinusundan ako ng taong lobo! I can’t smell her right now but ramdam na ramdam ko ang kanya kapangyarihan. She’s angry! I look at the side mirror and confirm. She’s following me! Mas lalo ko pang binilisan ang pagpatatakbo sa kotse ngunit parang wala lang iyon sa taong lobo. Ang bilis niyang tumakbo! Nagulat ako nang kumalabog ang ibabaw ng aking kotse. Napa-break ako kagaad, tumalipon ang taong lobo sa harapan ng aking kotse at nagpagulong-gulong siya sa sementadong daan. When I about to have a reverse gear on my car ay naibunggo ko ang likuran nito. Hindi ako makaliko dahil ang kitid ng daan. Wala na akong choice pa. Kaagad akong naglaho at lumabas sa kotse. Nakatayo na ang taong lobo at galit na galit siya ngayon. “Kung ano man ang binabalak mo ay huwag mo nang gawin. Hindi ako lalaban saiyo.” Giit ko. “Sinaktan mo na ako!” galit niyang wika. Bigla siyang tumalon palapit sa akin kaya kaagad akong napailag. Sobrang tulis ng kanyang mga kuko at ang haba pa! Kung tatamaan ako no’n ay siguradong mapupuruhan niya ako. “Pasensya na.” Nagmamadali kong wika at nagmamadaling umalis. Iniwan ko na ang aking kotse, bahala na. Kesa namang malapa ako ng halimaw na ‘yon! Pagdating ko sa bahay ay naabutan ko ang aking pamilya. Lahat sila ay nakatingin sa akin at tila binabasa nila ang aking iniisip. “At bakit ngayon ka lang?” Seryosong tanong ni Papa. “Natagalan po kami sa school,” sagot ko. “Ang baho mo Conal.” Reklamo ni Kuya Trevos at tinakpan pa nito ang kanyang ilong. Inamoy ko ang aking uniform. He’s right, sumama ang amoy ng taong lobo na iyon sa aking damit. “May hindi ka sinasabi.” Kaswal na wika ni Kuya Raxos ngunit ang talim ng titig niya sa akin. I can’t lie to him. Kilalang-kilala niya ako. “Okey, sinundan ako ng malaking taong lobo sa daan at galit na galit siya sa akin.” Pagsasabi ko ng totoo na ikinagulat nila. “Taong lobo?” Si Kuya Luna. “And your car?” Si Mama. “Oo taong lobo,” sagot ko sa aking kapatid, “naiwan ko sa daan, Ma.” Napakamot ako sa aking batok. Wala na akong magagawa pa. Mahuhuli at mahuhuli ako ng lobo na iyon kapag ginamit ko pa ang kotse. “Naiwan o iniwan?” Si Papa. “Basta both na ‘yon.” Giit ko nalang. “Ang mabuti pa’y balikan natin ang kotse mo Conal para kunin ito. At isa pa, I wanna see a werewolf.” Mukhang natutuwa pa si Kuya Trevos sa nangyari sa akin. “Me too.” Si Kuya Luna. “Sasama rin ako.” Kuya Raxos. “Kasama ba ako?” I asked them. Wala na akong balak pa na bumalik roon baka di na ako makapasok sa University bukas. “Oo kasama ka, ipaghihigante ka namin.” Tumayo si Kuya Trevos at inayos nito ang kanyang black leader jacket. Sumunod na rin ang dalawa kong kuya. “Ganito ang gagawin natin.” Pilyong wika ni Kuya Luna, “ikaw ang mauna Conal, iisipin ng taong lobo na ‘yon na mag-isa ka lang at kapag nilusob ka na niya tiyaka palang kami pupunta.” “Ano? Ipapain niyo ako sa kanya?” I can’t believe na gagawin nila ito sa akin. “Hindi naman sa ganon pero.” Napahinto siya, “pero parang ganoon na nga.” Medyo tumawa si Kuya Luna. “Sige na Conal sundin mo na ang mga kapatid mo. Huwag kang mag-aalala, hindi ka nila pabababayaan.” Si Papa. Mukhang supurtado pa niya ang naiisip ng aking mga kapatid. “Pero Pa?” “Sige na Conal para makuha ninyo ang kotse mo.” Si Mama. “I can’t believe this.” Wala na akong nagawa pa. Binalibag ko ang aking bag sa sofa at tiningnan sila ng masama, “make sure na susunod kayo.” Kaagad na akong naglaho para bumalik kung saan iniwan ko ang aking kotse. Sa muli kong pagdating ay naabutan ko ang taong lobo na nakaupo lang sa harapan ng aking kotse. Mukhang hinintay niya talaga ako dahil alam niyang babalikan ko ang kotse. “Hindi nga ako nagkamali. Babalikan mo itong kotse mo.” Tumalon siya at galit na humarap sa akin. Ang tapang niyang babae. Tila ba’y hindi niya alam ang panganib na nagbabadya sa kanya. Sa oras na darating dito ang aking mga kapatid ay wala na siyang laban pa. Kahit isa lang sa magkakambal ay kayang-kaya na itong patumbahin. How much more kung tatlo na? “Ayoko ng gulo. At kung maaari ay umalis ka na.” Mas mainam na ito upang hindi na kami magkasakitan pa. I mean, hindi na sila magkakasakitan ng aking tatlong kapatid. “Ang pagpasok ninyo kanina ay isang gulo na ‘yon. Alam mo bang mahigpit na ipinagbabawal sa amin ang magpapasok ng ibang nilalang sa aming lupain maliban nalang sa mga mortal.” “Hindi ko iyon alam at isa pa hindi ko choice ang mag-aral sa lupain ninyo.” Paliwanag ko kahit malabong paniniwalaan niya ako. “Alam mo man o hindi ang isyu ko dito ay pumasok kayo.” “Teka, ba’t ba ang tigas ng ulo mo?” Medyo tumaas na ang aking boses sa kanya. Ang hirap pakiusapan ng taong lobo na ito. “Ginagalit mo ako!” Galit niyang turan at nanlaki ang aking mga mata nang makita siyang naging malaking lobo ulit. Ang bangis niyang tingnan. Ito na yata ang sinasabi ni Kuya Luna, darating sila kapag aataki na siya sa akin. Sa isip ko. “Tumawag ka na ng mga santo sa langit dahil hindi ka na makakatakas sa pagkakataong ito.” Tumalon ulit siya sa akin. Muntikan na akong madawit sa mga kuko niya. Nakakatakot ang halimaw na ito. Takti! Saan na ba sila? Bakit wala pa ang tatlo? “Hindi mo ba ako lalabanan?” Inis niyang tanong. Napailing ako, “hindi kaya umalis ka na werewolf.” Ang weird niyang nilalang bukod sa hindi makaintindi ay punong-puno siya ng galit sa mga kagaya ko. Ano ang problema niya sa akin? Sinugod na naman niya ako. Sa pagkakataong iyon ay nahuli niya ng kanyang mahahabang kuko ang aking uniform. Mabilis niya akong nabalibag sa malaking puno ng kahoy. Nahulog ang mga dahon sa dahil sobrang lakas ng pagkakatama ko sa matigas na kahoy. “Isa kang mahina na nilalang. Ang bilis mo lang patayin.” Sumugod na naman siya. Mabilis akong napatayo ay napailag.Muntikan niyang matamaan ang aking mukha. Bwesit talaga to. Gustuhin ko mang lumaban ngiunit wala akong ganoon na lakas upang labanan siya. Mukhang pinag-iisahan ako ng aking tatlong kapatid. Mukhang wala na yata silang plano pumunta rito. At ipapalapa nila ako sa taong lobo na ito. Babalik nalang ako sa bahay bahala na ang kotse na’to! When I closed my eyes para maglaho ay naramdaman ko kaagad ang presensya ng aking mga kapatid. Nagsulputan silang tatlo sa harapan ng taong lobo dahilan upang mapaatras ito. “Oh? Ang laki ng aso.” Sarkastikong wika ni Kuya Luna. Umalma ang taong lobo at mas nagalit pa ito. “Tapusin niyo na siya.” Utos ko sa tatlo kong kapatid. Kapag pinalagpas nila ang lobo na ‘yan ay siguradong maghihigante siya amin. “Hindi mo kami kakayanin werewolf, better back off.” Si Kuya Trevos. “Wala kaming kinakatakutan lalo na sa inyo.” Nagsalita na naman siya gamit ang kanyang isipan. Kapag ginagawa niya iyon ay napapamangha ako. Wala pa akong nakasalamuhang nilalang na kayang kumausap gamit ang isip. “Mauna ka na Conal, kami na ang bahala sa kanya.” Kaagad akong nanlumo sa sinabi ni Kuya Raxos, “gusto kong makita kung paano niyo siya talunin.” “Luna.” Utos ni Kuya Trevos kaya mabilis na nakalapit sa akin si Kuya Luna upang hawakan ako at dalhin pauwi sa bahay. “Kuya!” Kaagad akong kumiwala sa kanyang pagkakahawak. Gagamitin ko sana ang aking kakayahang maglaho ngunit mabilis niya akong nahawakan. “Stay!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD