bc

ATALANTA - WANTED : SUGAR DADDY

book_age18+
995
FOLLOW
6.7K
READ
billionaire
dark
one-night stand
HE
badboy
powerful
mafia
billionairess
bxg
musclebear
like
intro-logo
Blurb

Isang misyon ang naiatas kay Atalanta. Iyon ay alamin kung saan napupunta ang mga babae na nagtratrabaho sa isang bahay aliwan na sikat na sikat at dinarayo ng mga mayayamang kalalakihan. Para mas maunawaan n'ya at makapag-imbestiga nang mabuti, pinasok n'ya ang Angel's Heaven. Ang club kung saan isang lalaki ang agad n'yang naging parokyano. Sa pagsasaliksik n'ya, ang hot daddy na madalas sa club ay ang magiging susi n'ya sa misyon n'yang ito. Pero paano n'ya ipagpapatuloy ang kanyang misyon kung ang lalaking lulong na sa kanyang ganda ay ma-in love sa kanya? Willing siyang ialis sa club, bigyan nang magandang buhay, at literal na gawin siyang sugar baby nito. Ayaw pa naman n'ya sa oldies... pero paano s'ya tatanggi kung halos makalimutan na n'ya ang lahat sa tuwing pareho silang nasa ibabaw ng kama at sinasamba ang isa't isa?

chap-preview
Free preview
1
Palinga-linga ako. Kanina pa ako nagugutom, ngunit ayaw akong pagbentahan ng mga nadadaanan kong tindahan. Papalapit pa lang kasi ako'y agad na nilang ibinababa ang saraduhan ng kanilang tindahan. Hindi naman ako magnanakaw. May pera ako, kung gusto nga nilang bilhin ko pa ang buhay nila. Pero wala eh, iyong isa nga'y halos masuka pa dahil sa amoy ko. Pasimple kong sininghot ang kili-kili ko. Pwede pa ito mga 2 weeks pa. Ang arte nila. Nakikiamoy na nga lang sila, Sila pa itong may ganang mag-inarte. Ako nga na siyang may-ari no'ng amoy ay kaya pa ito ng dalawang linggo eh. Naupo na lang ako sa gilid ng kalsada. Kanina pa ako nagugutom talaga. Parang ang sarap ng medium rare steak, tapos samahan pa ng red wine. Napatitig ako sa restaurant na katapat nang kinauupuan ko ngayon. Malamang sa malamang ay hindi ako papasukin ng mga guard sa restaurant na iyon. Sa amoy ko pa lang ay tiyak na itataboy nila ako. Isama pang marami-rami ang kalakal na bitbit ko ngayon. Ang mga plastic na nakatali sa buhok ko rin ang dahilan kung bakit nagmukhang sabog ang buhok ko. Hindi rin ako pwedeng maligo, dahil sayang naman iyong ilang araw na pag-iipon ko nang libag at anghit, kung ililigo ko lang agad. May trinatrabaho ako sa malaking basurahan dito sa Metro. Kung basta na lang akong magkakalkal doon habang bagong ligo at maayos ang itsura ko, tiyak na maghihinala ang mga tao. Saka magandang cover up ito sa ganitong klase ng misyon ko. Natigilan ako ng may lumipad na baso sa pwesto ko. Nagkalat iyong laman nang basurahan. Inililipad na nga iyong iba. Kinuha ko ang baso at itinayo sa paanan ko. Habang nag-iisip ako nang diskarte kung paano makakakain ng steak ay bigla na lang may naglapag ng sampung pisong buo sa baso ko. Bahagyang umawang ang labi ko sa gulat. Hindi naman ako nanghihingi, ah! Nag-angat ako nang tingin. Nakangising mukha ni Oyo ang nakita ko. Taong kalsada rin ito, natutulog sa bangketa. Kilalang mandurukot, at dinidiskartehan ako. Crush daw n'ya ako. Sobrang nakakabaliw daw ako. Tengene, kahit amoy kasulasulasok ako'y may na in love pa sa akin. Kaunting libag na nga lang ang kulang para tuluyan kong ma-achieve iyong pagiging taong grasa ko, eh. Pero wala rin namang pinagkaiba si Oyo sa akin. Mabaho rin ito, malayo pa lang ay alam mo nang parating na siya dahil sa amoy ng kili-kili n'ya. Kung sa akin, pwede pa ng 2 weeks. Iyong sa kanya ay expired na no'ng last year pa. Pero mabait ang isang ito sa akin at sa mga kapwa n'ya pulubi. Kapag wala talagang madiskarte iyong mga kasabayan ko sa kalsada ay ito ang gumagawa nang paraan. "Hilu, ganda!" bati nito sa akin. Naramdaman ko pa nga ang bahagyang pagtalsik ng laway nito sa noo ko. Lalo't nakatingala ako rito. "Hilu... hilong-hilo ako." Nakangising ani ko. Mabaho ako, mas ito! Walang makakatalo kay Oyo pagdating sa pabahuan. Oyo na ang ibinansag namin dito. Kasi iyon iyong makikita sa likod dito. Lagi naman itong walang damit. Umulan man o umaraw. Wala itong damit. "Sampu lang muna, pero kung gusto mong mag-date tayo. Gagawin kong bente iyan." Date? Saan naman kami magda-date? Doon sa bundok ng basura? Hindi naman ako ma-arte sa lugar, sa amoy, sa libag. Pero siyempre, ma-arte ako sa tao. Sinilip ko ang bulsa ko. Inilabas ko ang bente ko roon na napulot ko kanina. Actually, alam ko naman kung sinong may-ari. Iyong batang makakasalubong ko sana kanina. Kaso nagulat siya sa akin, nabitiwan n'ya ang bente n'ya. Tapos kumaripas na siya nang takbo. Kinuha ko. Hulog ng langit iyon... ay hulog pala no'ng bata. Pero same-same pa rin naman, hashtag blessing. Alangan namang hindi ko pa kunin, 'di ba? "Ito ang bente. Bumili ka ng house and lot. Kapag nakabili ka ng bahay at lupa ay papayag na akong makipag-date sa 'yo." Agad naman nitong tinanggap iyon. "Sinabi mo iyan, ha! Bukas. Sure ako, makakapag-date na tayo." Hinawi pa nito ang buhok nitong parang may natural nang lumalabas na krudo. Ewan, bakit itim na iyong likido roon. "Alis na." Taboy ko rito. Saka ko nilingon iyong mga nagtitinda. Halos tumirik na ang mga mata nila. Kaya tumayo na ako. Kawawa naman kasi, baka malagutan na sila ng hininga kapag hindi pa kami umalis. Naglakad-lakad ulit ako. Gutom na talaga. Panay pa ang buntonghininga ko. Sinisipa na rin iyong latang nakita ko. Napansin ko iyong babaeng kandahirap sa anak n'ya na iyak nang iyak. May plastic itong inilapag sa bench. Pinanood ko muna sila. "Tahan na kasi. Gutom na rin ako. Kakain muna ako, 'nak!" parang stress na ito. Kawawa naman. "Ice cream!" nagwawala talaga ang bata. "Ang layo pa no'ng bilihan." Mukhang mapapalo na ang bata dahil sa stress ng Nanay n'ya. Nang halos hindi na huminga ang bata ay nabahala ang ina. "Sige na! Bibili na tayo." Dali-daling tayo nito dahil sa takot. Napatingin ako sa plastic na naiwan nito. Tinignan ko pa kung nakalayo na. Dali-daling lumapit ako sa bench at kinalkal ang plastic. May kanin at ulam, ano ba itong ulam na ito? Paa ng manok? Pero dahil gutom na gutom na ako. Kinain ko na lang din. Parang limang subo lang ay naubos ko na iyong kanin. Sinunod ko iyong adobong paa ng manok. Masarap. Lasang-lasa na maraming toyo iyong pinagbilhan no'ng babae ng pagkain n'ya. May tubig din doon. Kaya naman ininom ko na. Iyong tira nga'y isinalin ko sa lalagyan ko ng tubig ko. Nang mabusog, tumayo na ako. Iniayos ko ang pinagkainan ko. Inilabas ko rin ang 500 pesos ko. Saka ko isiniksik sa plastic. Saka dali-daling nagtago ako sa kabilang side. Tinitignan kong babalikan ba iyon no'ng babae. Binalikan naman pero. Nang iangat nito at maramdaman magaan na ay sunod-sunod itong napamura. "Tangina! Gutom na nga. May magnanakaw pang kumain ng pagkain ko. Tangina n'ya, sana sumakit ang tiyan n'ya." Napasimangot ako. Grabe naman! Dapat n'yang bawiin iyon kapag nakita n'ya iyong 500 na bayad ko. Grabe s'ya! Huminto ang babae sa pagsigaw. Nakita na nito iyong 500, dali-daling winasak nito iyong plastic at kinuha iyon. "Tara, 'nak. Sa Jollibee na tayo kumain." Nakangising ani ng babae. Halatang galak na galak. Hindi na nito pinansin iyong kalat na nagawa nito dahil sa pagsira ng plastic. Nilapitan ko na lang iyon at isa-isang dinampot. Inilagay ko sa sako ko iyon, iyong styro itinapon ko sa basurahan. Iyon lang pwede kong ipakilo mamaya ang kukunin ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad. May isang basurahan pa akong kailangan i-check. Hanggang ngayon kasi'y hindi pa nakikita iyong bangkay na nawala sa purinarya. Ang hinala'y itinapon. Kaya ito ako, maghahanap. Marami-rami pa sigurong libag ang maiipon ko sa paghahanap.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.6K
bc

His Obsession

read
74.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
97.6K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook