bc

Lock Me To Your Heart

book_age18+
945
FOLLOW
8.8K
READ
sex
goodgirl
powerful
dare to love and hate
drama
bxg
betrayal
enimies to lovers
first love
lies
like
intro-logo
Blurb

T€AS€R:

Despite all her self-warnings, she simply froze as Franklin locked gazez with her. It was peculiar, how one could experience heated flashes and cold chills at the very first time. How the air could be drawn from one's lungs so swiftly, making it difficult to breath.

The impact of seeing him again was like a struck by a lightning bolt that same sizzling jolt she had experience when she first time laid eyes on Franklin just over eight years ago.

She just simply proved to herself na mahal pa rin niya ang lalaking naging parte ng buhay niya. At upang pagtakpan ang totoong damdamin niya ay kailangan niya itong iwaksi sa kanyang diwa ngunit paano niya iiwasan ang mga titig nito na tila nababasa ang bawat galaw at nilalaman ng isip niya?

Madudugtungan pa ba ang naunsiyami nilang pagmamahalan? O tuluyan ng matutuldukan?

chap-preview
Free preview
Episode 1
MAGDAPIT HAPON na pero nanatiling nakatayo pa rin sa tuktok ng burol si Elleanor habang pinagmamasdan ang malawak na bukirin mula sa ibaba. Pulidong maganda ang ani sa taong iyon. Marahan niyang ipinikit ang mga mata, sinasamyo ang sariwang hanging ng San Vicente. Kay tagal na panahon din siyang hindi nagagawi sa nayon na kanyang kinalakhan kung kaya gayun na lamang ang labis niyang pananabik. Patihaya siyang humiga sa berding luntian at hinahayaang dumampi sa kanyang balat ang malamig na simoy ng hangin. Ipinikit muli niya ang mga mata at pinaglakbay ang kamalayan sa nakaraan. Parang kailan lang naghahabulan pa sila ng lalaking minahal niya ng buong puso. At parang kahapon lang din ang sakit nang malamang niyang hindi naman pala siya nito mahal. Ni hindi man lang ito nakinig sa mga paliwanag niya. Umalis siya ng San Vicente at tinanggap ang alok ng tiyahin na magtapos ng pag-aaral sa siyudad. Nasa ikalawang taon na siya ng kolehiyo nang mga panahong iyon. Isa pa ang dahilan niya ay upang mabilis na makalimot sa pait at kirot na iniukit ng isang Baleoroza sa dibdib niya. Subalit, sa loob ng mahabang panahon at maraming taon nanatili pa rin sa kaibudturan ng puso niya ang lalaki. She tried to ignore and forget everything about him, but she ends up shedding a tear of thinking her ex-boyfriend. Perhaps not because she still loves him, but maybe because the hurts, aches and pain still remained. Ano na kaya ang hitsura niya ngayon? Did he miss me, too? Ipinilig niya ang ulo sa isiping iyon sa kanyang diwa. Hindi na niya ito dapat pag-ukulan pa ng pansin at wala rin siyang karapatan na alalahanin ang anuman tungkol dito. Pero bakit ba hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ito magawang kalimutan? Bakit hindi niya ito magawang iwaksi sa kanyang sistema? Dahil ba may puwang pa rin ang lalaki sa puso niya? Kung hindi lang dahil sa pakiusap ni Cleo ay wala pa sana siyang balak na umuwi ng San Vicente. Iniiwasan niya ang mga bagay na makakapag–alaala sa kanya sa nakaraan. Pero hindi ba dapat ay kalimutan na niya iyon? Matagal na iyon nangyari. But she still bears the pain in her chest. She wiped the tears from her cheeks and stood up. Hindi na niya ito dapat isipin pa. The past is just a part of the past and she has to let it go. Isa na kasi siya ngayong sikat na designer ng mga damit pang kasal at karamihan sa mga costumer niya ay mga artista at kilalang tao sa bansa. Siya rin ang nag–design ng wedding dress na isusuot ni Cleo sa araw ng kasal nito na gaganapin mismo sa hacienda Baleoroza. Hindi niya alam kung handa na ba siya sa muli nilang pagkikita ng dating katipan. Lumipas man ang maraming taon sa pakiwari niya ay tila kahapon lang nangyari ang lahat. Subalit sisiguraduhin niyang ibang Elleanor na ang makakaharap nito sa muling pagkrukros ng kanilang mga landas. Patutunayan niyang ibang-iba na siya kumpara sa dating Elleanor na kilala nito. Ipapamukha niya rito na maling hiniwalayan siya nito na maling–mali ito nang ipagpalit siya nito sa isang maarteng si Trisha. Oh God! What am I thinking? Bakit ba siya nag–iisip ng gano’n this isn’t like her. Nagpakawala siya ng hangin sa dibdib. "Ate, hindi pa ba tayo aalis?” Tinig nang nakababatang niyang kapatid ang nagpapitlag sa kanya. "S–sige, mauna ka na sa kotse susunod na lang ako, Meyu." Aniya, inayos ang sarili bago humarap sa kapatid. "Sabay na tayo, ate. Dumidilim na eh," nakangiting tugon nito. Ngumiti siyang pinagmasdan ang kapatid. Dalagang-dalaga na rin ito at baka marami na rin itong manliligaw sa kanilang bayan. "Ate naman eh, bakit ganyan ka makatingin sa akin?" Napayuko at nakaramdam ng pagkapahiyang tanong ng dalaga. "Wala, Yu. Na miss lang kita." Nilapitan niya ito at niyakap mas matangkad na rin pala ito kesa sa kanya. Nagpatianod siya ng yakagin siya nito patungo sa sasakyan. "Ate?" "Hmm?" "Kailan kayo magpapakasal ni kuya Angelo?" Tanong nito sa kanya nang nasa loob na sila ng kotse. Nilingon ni Elleanor ang kapatid sa tanong nito. Natapos ang araw na hindi man lang niya naalala ang nobyong naiwan sa Manila. Tanging ang dating katipan ang naging laman ng isip niya sa buong maghapon. Nakaramdam siya ng guilt dahil doon. Pero ang totoo ay wala pa siyang balak na magpakasal. Angelo is a good person, a good catch at the same time. Bukod sa guwapo, mabait ay mayaman at mahal na mahal siya ng nobyo. Pero ewan ba niya kung bakit sa ilang beses nitong pag-alok ng kasal sa kanya ay hindi man lang nagbabago ang pasya niya. Hindi pa siya handang lumagay sa tahimik. Ito ba ay dahil may kahungkagan pa rin sa puso niya o dahil umaasa pa rin siya na madugtungan ang naunsiyaming unang pag-ibig niya? Sinaway niya ang sarili sa idiyang iyon. "Bakit mo naman naitanong ang bagay na 'yan?" Ibinalik niyang muli ang paningin sa daang tinatahak nila. "Wala lang, para kasing napag iiwanan ka na ng mga kaibigan mo eh," "You think so?" Nilingon niyang muli ang kapatid. "Do I look old?" Napangiting umiling si Meyu. “Nope! You’re still looking young and gorgeous, ate.” “Well, to fill your curiosity, dear sis. I'm not ready for that. Ang pagpapakasal ay hindi katulad ng mainit na kanin na kapag na isinubo mo at napaso ka ay kaagad mong mailuluwa. You have to know from your heart kung siya na ba talaga o hindi ang lalaking nakalaan para sa'yo.” Makahulugang pahayag niya kay Meyu. "Are you saying that kuya Angelo isn't the man that you wish and dream for?" “It's not like that.” Umiling–iling siya. Don’t get me wrong, Meyu. Gusto ko lang makasiguro kung siya talaga ang nakalaan para sa akin.” "How about kuya Frank? Nakalimutan mo na ba siya, ate?" Sandali siyang natahimik sa tinuran ng katabi pero agad ding nakabawi. "Matagal ng tapos sa amin ang lahat, walang dahilan para huwag ko siyang kalimutan." "What if—" "Narito na tayo," putol niya sa nais pang itanong ng kapatid. Ayaw niyang pag-usapan ang tungkol sa nakaraan nila nang unang lalaking minahal niya sapagkat pakiwari niya ay nananariwa ang kirot sa puso niya. Ipinagpasalamat niya at hindi na muling nagtanong ang kapatid. Ang ipinagtataka niya ay kung bakit pa siya nasasaktan. Nanghihinayang ba siya sa paghihiwalay nila ng dating kasintahan? Elleanor nagged herself as she tried to erased the memories she had with him. Wala namang saysay kung iisipin pa niya iyon. “Tamang–tama ang dating n’yo mga anak at nakahain na ang hapunan sa mesa,” magiliwing wika ng kanilang ama na halatang ito ang naghanda ng mga putaheng nakahain sa mesa. Nilapag nito sa gitna ng bilugang mesa ang hawak–hawak na orange juice. Si Elleanor ang unang lumapit at nagmano sa ama. Sumunod naman si Meyo. “Pasensiya na po ‘tay kung medyo nagtagal kami,” hindi ka tuloy namin natulungan ni Meyo sanpaghahanda ng hapunan natin,” aniya. Nasa boses ang sinseridad. “Maliit na bagay anak, isa pa’y minsan ka lang umuwi rito sa atin, aba’y nami–miss ko rin naman na iiaghanda ng dinner ang panganay ko,” “Thanks po, ‘tay. Si ‘nay nga po pala?” “Nasa sala, mabuti pa’y tawagin mo na ang inay mo, para makapaghapunan na tayo,” “Naku ate, pustahan tayo, nanonood na naman ng paboritong korean series si nanay. Aba, tinalo pa niya ang mga teenager kung kiligin kay Kim Wu Bin. Baka mamalayan na lang natin one of these days na palipad na pa korea ang inay.” birong totoong saad ni Meyo. Mula kasi nang magkaroon ng Netflix, at kung anu–ano pang site kung saan makakapanood ng korean ng kanilang ina ay naging madalas na ang panonood ng tv ng ginang. Hindi na nga rin ito naglalabas at mas gugustuhin pang manatili sa bahay at manood ng mga poritong palabas. Balita pa sa kanya ng itay niya ay napupuyat ito sa panonood tuwing weekend. “Let her be, Meyo. Masaya sa panonood ang ‘inay n’yo.” “Yan, lumabas din ang pagka–kunsintidor ni itay,” “Wala naman pasok kaya ayos lang kahit manood ng telebisyon ang inay,” aniya. “Mas magandang lalaki naman ako sa mga korean na ‘yan mga anak. Wala nang mahahanap na kagaya ko ang inay n’yo kahit libutin pa niya ang buong South Korea.” “Naks! Lakas ng hangin ‘tay,” ani Meyo. “I agreed with you, ‘tay. Ikaw pa rin ang pinakaguwapong tatay at lalaki sa paningin ko,” si Elleanor na yumakap sa ama. Natawa na lamang si Elleanor sa mga ito. She misses this moment na maraming pagkakataon niyang na–missed dahil minsan lamang siya kung umuwi sa kanila. “Hindi mo pa kasi nakikitang muli si kuya Frank ate, mas guwapo pa siya kesa sa mga korean na ‘yan.” Napawi ang ngiti sa mga labi niya sa tinurang iyon ng kapatid. Hindi niya maiwasan isipin kung ano na ba ang hitsura ng lalaking dating minahal niya. Hindi naman kasi niya minsan man pag–abalahan tingnan ang mga peryodiko na kung saan ay madalas kabilang sa nailalathala ang pamilya Baleoroza. Natural kilala ang angkan ng mga ito sa Pilipinas bilang isa sa pinakamayaman sa bansa. Ang tatay nila ay tumikhim nang mapansin ang biglaang pananahimik niya. “Ako pa rin ang pinaka–guwapo sa kanilang lahat. Aba eh, saan pa ba kayo magmamana magkapatid kundi sa gandang lalaki ko,” “Pero siyempre mas guwapo pa rin naman si tatay., talo pa rin ang mga iniidolong mga korean ni nanay,” “Ako ba ang pinag–uusap n’yo rito?” Lumapit silang magkapatid upang mag–mano. “Si itay po ang pinag–uusapan namin inay, na keso mas guwapo pa raw siya sa mga hinahangaan mong mga korean actors,” “Of course, mai–in love ba naman ako sa itay n’yo kung hindi?” “Kaya nga love na love ko itong nanay ‘nyo eh,” ang kanilang ama na inakbayan ang may bahay saka humalik sa leeg nito. “Ano ka ba, kaharap natin ang mga bata,” wika ng kanyang ina sa malambing na tinig. Pasimpleng kinurot sa tagiliran ang asawa. “Hindi na po kami mga bata, nay.” ani Meyo na nauna nang maupo sa hapag. Napangiti na lamang si Elleanor habang pinagmamasadan ang mga magulang. Natutuwa siya tuwing naglalambingan ang kanilang inay at itay. Batid niyang mahal na mahal ng mga ito ang isat–isa, sa katunayan ay dalawampu’t siyam nang kasal at kailan man ay hindi nagkaroon ng lamat sa pagitan ng mga ito. Kung may ‘di pagkakaunawaan naman ay hindi nagtatalo ang mga ito sa harapan nilang magkapatid at hindi rin pinapatagal ang hidwaan. Their parents are both principals in different public high school in San Vicente. But her father still managed to fetch her mom from her work place. “Kumain kayo ng marami mga anak,” anang ginang na muli na naman naglagay ng ulam at kanini sa pinggan nila ni Meyo. “Masisira na ang diet ko nito pero ayos lang bukas na na lang uli ako magsisimula,”natatawang ani Meyo. “Meyo, anak. Bakit kailangan mo pang magdayeta eh, ang liit na ng katawan mo?” “Nay malapit na ngang sumabog itong bilbil ko sa laki nitong tyan ko eh,” “Keso mataba o payat anak, maganda ka pa rin kayo ng ate Elle mo,” saad ng kanilang ama bago nito isinubo ang kanin at ulam sa kutsara. “Basta ako kakain ako ng marami, na–miss ko kaya mga luto n’yo, inay.” aniya. Sunod–sunod ang ginawang pagsubo. Totoo naman iyon, kung hindi pa siya dadalawin ng mga magulang sa Manila ay hindi niya matitikman ang mga luto ng ina. Sinisigurado ng ginang na may kakainin siya sa buong linggo bago ito bumalik ng San Vicente. Naging magana ang pagsasalo–salo nilang mag–anak at kagaya ng sabi niya ay marami siyang nakain. Hindi naman kasi siya nababahalang lumaki ang katawan niya dahil kahit lumamon siya ng lumamon ay hindi pa rin siya tumataba. Marahil ay mabilis lang talaga ang metabolism niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
26.9K
bc

SINFUL HEART (Book 2)- SPG Completed

read
287.1K
bc

Our Cup of Kofie (SPG)

read
455.3K
bc

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)

read
329.8K
bc

My Son's Father

read
583.2K
bc

Love Donor

read
86.9K
bc

Paid By The Billionaire (ZL Lounge Series 03)

read
237.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook