Chapter 2

2354 Words
"THIS MEETING is adjourned!" Maawtoridad na wika ni Franklin sa mga empleyadong dumalo sa monthly meeting ng Baleoroza advertising. "And next month, just make sure na mas magandang report ang maibibigay ninyo sa akin, ha?" "Y-yes, Sir!" Halos sabay-sabay na tugon ng mga ito. Halatang nasisilong sa mabalasik niyang tinig dahil halatang mainit na naman ang kanyang ulo. Nang isa-isang maglabasan ng conference room ang mga ito at tulyan ng mapag-isa ang binata, hinarap naman niya ang gabundok na papeles na kailangan niyang pirmahan. Eksaktong ala-una ay kaharap naman niya sa isang kilalang restaurant ang ka-lunch meeting niya sa araw na iyon. Isang business deal na nagkakahalaga ng multi-milyong peso ang pipirmahan nila ng ka-meeting ngayon. "Great doing business with you, Mr Santibanez," pormal ang mukhang wika ni Franklin nang tumayo at kinamayan na ang kausap. "The pleasure is mine, Mr. Baleoroza." nakangiti naman itong nakipagkamay sa kanya. Alas-tres naman ng hapon ay kausap ni Franklin ang board of directors ng Baleoroza Empire. Nag-uulat siya sa kanilang chairman ng mga kaganapan sa hawak niyang advertising company sa nakaraang anim na buwan niyang pamamahala. Ipinagkatiwala kasi sa kanya na pamahalaan ang dalawang kumpaniya habang abala pa ang mga pinsan sa iba pang proyekto ng kanilang angkan. Sina Edward, Rutert, Yuan at Harry ay abala sa katatayo palang Baleoroza empire agent. "Well, all we can say is congratulation, hijo," Nasisiyahang saad ni Benedict sa pamangkin tinapik-tapik pa ang balikat niya." Talagang hindi kami nagkamali nang ilagay ka namin ng papa mo na mag manage ng kumpaniya," nasisiyahang saad nito. Bagamat nagkakaedad na ay matikas pa rin itong tingnan, hindi pa rin kumukupas ang kaguwapuhang taglay ng tiyuhin na siya nilang namana magpipinsan. "Thank you, Uncle. Anyway, I think I should take my one week vacation now. Na-briefing ko na si Bryan kung ano ang dapat niyang gawin sa office habang wala ako. I think he can make it the same way. Kahit bago pa lang siya sa kumpaniya, maraming katangian ko ang taglay niya." "Good to here that, hijo. Alam naman namin na kapag ikaw ang nag train, he can do it with flying colours." "Thank you, Uncle." "So, where are you planning to go? How about, Bahamas? Magpapa book ako ng flight para sa'yo?" suhestyon nito. "I like that idea, uncle, but I don't feel to fly out of the country." nakangiting aniya. Ngiting bihira lang sumilay sa mga labi niya. “Besides, nalalapit na ang kasal ni Daniel at baka magtampo ang kapatid ko kapag mawili at maisipan kong pumirmi ng matagal pa sa dalawang linggo sa labas ng bansa. "It's your choice, hijo. And you’re right, we can’t miss your brother’s wedding.” "Thank you again, uncle. Pagkatapos nilang mag-usap ng tiyuhin ay bumalik na siya sa loob ng opisina niya. Inalam niya sa kanyang secretarya ang mga susunod niyang meeting na kailangang matapos within three days bago siya magbakasyon. "You have a lunch meeting tomorrow with Mr. Diaz. At 2PM ay kay Mr. Quangco. The following day ay magpipirmahan na kayo ng contrata ni Mr. Ali para sa renewal nila, and at two o'clock ay si Mrs. Korz naman ang ka meeting ninyo. Anyway, on the third day ay hindi ko na kayo ginawan ng appoitment as what you had told me. Maliban sa mga papeles na pipirmahan n'yo ay wala na kayong gagawin." "That's good, maasahan talaga kita, Mr. Cosio." Umarko ang kabilang kilay ng kalihim tila hindi nagustuhan ang huling binigkas ng amo. "I also have to remind you, sir na darating si Bryan ng bandang hapon kaya makakapag-usap pa kayo.” “Anything else?” “Nothing, sir.” “Good and by the way, you seemed so happy, ha?" Tudyo nito na ikinapawi ng ngiti ng bakla. "I miss you already, sir. Kahit pansamatalang papalit sa'yo si fafa Bryan iba pa rin kapag ikaw ang kasama ko." "That's good, back to work." "Hmp! Suplado kung hindi ka lang guwapo nilayasan na kita," pabulong nito bago lumabas ng pribadong silid. Napabuntong hininga na lamang si Franklin. Hindi niya gusto na magkaroon ng babaeng secretarya dahil hindi nakakapag–concentrate ang mga ito sa trabaho. Kundi nagpapaganda ay nagpapa–cute ang mga ito sa kanya. At karamihan sa mga nakalipas na sekretartya niya ay lantaran ang pang–aakit sa kanya. So, then he hired Cosio kahit lantaran ang atraksyon nito sa kanya ay hindi niya pinapansin. Ang importante ay efficient ito sa trabaho, hindi pabaya, nagagampanan ang tungkulin nito at nagagawa ng tama ang inuutos niya. Iyon si Franklin Baleoroza, perfectionist, metikuloso, workaholic, bossy at higit sa lahat madamot ang ngiti sa mga labi nito. He had set everything by the rules. Kailangang maraming patakaran ang susundin para umasenso at gusto niya pati ang mga taong makakatrabaho niya ay may magagandang plano rin sa buhay. He wants his people to gain and obtain their dreams in a good way. There is nothing impossible if they are more perseverance, honest, industrious to their job. Katulad na lamang ngayon. Set up na ang mga gagawin niya sa buong linggong pagbabakasyon niya sa kanyang rest house sa Cebu, na sinadya niyang bilhin para magsaya at aliwin ang sarili sa tuwing naii-stress siya. Ist day ay magpapahinga muna siya to relax himself. Second day ay sasakay siya ng lantsa at mamasyal or mag stay for twenty four hours sa yatch na pag-aari rin niya. Third day ay gan'on din. Magrerelax lang siya. Masasabing maipagmamalaki niya ang bahay bakasyunan niyang iyon sapagkat nabili niya ang resort at yate gamit ang mismong ipon niya for almost eight years niyang pagtratrabaho sa kumpaniya ng kanilang angkan. Neddless to say his own investment outside the country. Kailangan din niya iyon kung sakali mang lumagay siya sa tahimik at gusto nilang magrelax ng kanyang asawa at mga anak. Wife? Children? Silly. Napailing–iling siya sa bahaging iyon ng pag–iisip niya. Marriage is not his cup of tea. Ni kailan man ay hindi pumasok sa isip niya ang pagppakasal. At kahit gustuhin man niya ay hindi pa niya nahahanap ang tamang babae na dapat niyang pakasalan. Franklin was so sure that Trisha will jump in rejoice if he’ll ask her to marry him. Alam niyang mahal siya ni Trisha pero ewan ba niya dahil hindi niya magawang suklian ang pgmamahal ng babae. That’s why he broke up with her pero kahit na nilinaw na niya sa babae na wala itong mapapala sa kanya ay palagi pa tin itong nakadikit sa kanya. Flirting with him, and giving him, his personal needs. Thinking about marriage ay biglang sumagi sa diwa niya ang imahe ng dalagang unang minahal ng puso niya eight long years ago. The woman who hurt him so badly. Ang unang babaeng nag-iwan ng kasawian sa puso niya. Mula noon ay naging mailap at masungit na siya sa mga kadalagahan na nagpapakita ng motibo sa kanya. And damn her because he could never get her out of his system. He couldn't take her out of her mind every time he thinks of settling down. Ang imahe ng babae ang nagpupumilit sa kamalayan niya. Ni hindi lang isang beses sinubukan ni Franklin makipagrelasyon sa ibat–ibang babae after he broke up with his ex. But no one of those women succeed to make him forget her. Not even once, he just f**k them, pleasured them, but at the end of the day the woman he desires the most still playing in his thoughts—his damn ex–girlfriend Elleanor. And damn him because until now he is still thinking of her. Kahit maraming taon na ang lumipas. Kumusta na kaya siya? Is she thinking of him the way he thinks of her? Did she miss him the way he misses her? f**k! Bakit ba siya nag–iisip ng ganito! He shook his head and rid her off of his head. Marahil nga ay kailangan niyang makapag–bakasyon. He does need to relax himself from work and from thinking of her. Bago siya lumipad patungong Cebu ay uuwi muna siya ng San Vicente para bisitahin ang mga magulang. Isa pa ay gusto niyang personal na i–congratulate ang nakababatang kapatid sa nalalapit nitong pagpapakasal kay Cleo. Naunahan pa siya ng nakababatang kapatid. Well, he knew how much they love each other since then and they were both in the right age to settle down, too. Speaking of that ay bigla siyang napangiti nang maala ang dalawang pamangkin na sina Laith at Dyne. Anak nila Nick at Jessie, Daniel at Cleo. He can’t wait to see those little ones again. Eh, siya kaya kailan siya magkakaroon ng anak? The excitement runs in his veins as he imagined himself holding his own child in his arms. Waking up in the middle of the night when his child crying. And he doesn't want to disturb his wife from sleeping kaya siya na ang magpapatahan sa anak nila and feed him if it’s needed. Oh f**k all the f**k! Marahas na napa–mura si Franklin nang mabuo sa imahinasyon niya ang hitsura ng babaeng gusto niyang maging ina ng mga anak niya sa hinaharap. Why could be always her? Why that woman always played in his mind all the time? Kanina lang ay ito ang laman ng diwa niya pero kaagad niyang iwinaksi sa sarili. He hates to admit the fact that he was having trouble with himself because of her. Kailan ba ito tuluyang mawawala sa isipan niya? Kailan ba siya tatantanan ng imahe ng babaeng iyon? He already moved on, right? Para sa kanya ay matagal nang tapos ang anumang ugnayan niya rito. But when he saw her again after eight years sa isang business event two weeks ago ay hindi na ito mawala–wala sa isip niya. It was just a glimpse pero nakatitiyak siyang si Elleanor iyon dahil tinawag pa ito ng kasamahan nito. Muntik pa niyang hindi ma–close ang deal sa isang hapon nang dahil doon. Hindi kasi ito mawala sa isip niya. He wanted to approach and talk to her that time pero hinarang siya ng kanyang sekretarya. Dahil may importanteng tawag siya. After he spoke with his client on the phone ay tinungo niya ang kinaroroonan ng babae, but she was already gone, nakaalis na raw ito ayon sa kasama nito. Since that day, hindi na siya tinantanan ng imahe nito. The smiled escaped from the corner of his lips as she remembered the woman’s face. Higit itong gumanda. Well, she was pretty even before pero lalo pa yata nahasa ang angking kagandahan ng dati niyang kasintahan. Does she have a boyfriend already? Husband? Children? Sumipa ang kilabot sa dibdib ni Franklin nang maisip niya ang bagay na iyon. Bigla ay napaangat ang katawan niya buhat sa pagkaka–upo sa swivel chair. Pagkatapos ay bigla rin napatayo, ang sunod nitong ginawa ay napahilamos ng mukha gamit ang sariling mga palad. Hindi ma–ipinta ang mukha. It’s been eight long years, hindi malabo na baka nag–asawa na ito. Na baka may kinakasama na itong ibang lalaki. Oh damn! Who cares, bakit ba siya nagkakaganito? Bakit bigla ay naging interesado siya sa Ex niya? “Sir?” “What?!” Malakas na bulyaw niya sa secretarya na biglang napahawak sa sariling dibdib. “I–I was calling on your line and I knocked many times, pero mukhang malalim yata ang tinatakbo ng isip n’yo.” mabilis nanpaliwanag ng baklang sekretarya niya. Malakas na napabuga ng hangin mula sa dibdib si Franklin. He didn’t hear the ring of the telephone on his desk. He didn’t even hear his secretary knocking his private door. He hadn’t noticed him entering his office. “What is it?” Bahagyang kumalma ang boses niya pero nanatiling nakakunot ang noo. “Trisha is—” “You liar piece of s**t!” Mula sa pinto ay bumungad roon ang babaeng nagbabaga sa galit ang mga mata. Pinukulan ng nakamamatay na sulyap ang sekretarya niya. “What is it Trisha?” “You should have fire your secretary for treating me, as If am not part of this company!” “Why are you here, Trisha? I’m busy.” walang ganang sagot niya, sininyasan ang kalihim na maaari na itong lumabas ng opisina niya. Si Trisha ay anak ng isa sa mga share holder ng kompaniya at kaibigan ng kanilang pamilya ang mga magulang ng dalaga. “Nagpunta lang naman ako rito, para yayain kang kumain sa labas, Frank.” naging malambing ang kaninay galit na boses nito. “Bakit hindi ka na lang tumawag o nagsabi kay Cosio kung iyan lang ang ipinunta mo rito,” “I’m calling your number many times, and that gay Always telling me na busy ka, na may kausap kang client, na keso nasa meeting ka.” “And he was right, I’m busy and I have no time para kumain sa labas,” “Franklin—” “Trisha mag–usap na lamang tayo sa ibang pagkakataon.” aniya. May pinindot siyang buton sa harapan niya at wala pang isang segundo ay pumasok muli ang sekretarya niya. “Everything’s ready, sir.” Kaagad na bungad ni Cosio. “Great! Let’s go,” inabot niya ang coat sa nakasabit sa ibabaw ng swivel chair saka isinuot iyon pagkatapos ay kaagad din lumabas ng opisina. Si Trisha ay naiwang nangangalaiti sa sama ng loob. The truth is, ang pinsan niyang si Bryan lamang ang tatagpuwin niya. Ayaw lamang niyang makipag–usap kay Trisha dahil magdra–drama na naman ito sa harap niya. And he hates, drama for pity’s sake. Wish lang niya ay matauhan na ang dalaga at maghanap na ito ng lalaking nababagay rito. Good thing that Cosio is always alert sa ganitong pagkakataon. Maasahan talaga niya ang baklang ito. Tatawagan na lamang niya si Bryan kapag nasa elevator na siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD