KABANATA 1

1903 Words
Welcome sa unang kabanata. Nawa'y magustuhan niya. Pakilagay na rin sa LIBRARY ninyo para updated kayo everyday. Hehe Rated-18 ******************†********************** Douglas POV “BELLA, you have to fight.” Ani ko sa naghihinalo nang si Bella. I don’t want her to die. Ayokong maiwang mag-isa. Mahal na mahal ko siya. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit gusto kong maging doktor. “Douglas, wala nang paraan, hindi matukoy ng mga doktor ang kalagayan ko.” Umiiyak na ito. Hindi ko gustong makita siyang ganoon. Para iyong pumapatay sa akin ng paulit-ulit. “Lumaban ka, ako ang hahanap ng paraan para saiyo.” Ani ko. Hindi ko susukuan ang babaeng mahal na mahal ko. “Paano mo magagawan ng paraan, ni hindi nga ako magamot ng mga doktor dito, ikaw pa kaya?” Bigla akong natigilan sa sinabi niya. Hindi ko magawang makakibo. I know she’s hopeless, pero hindi ako. Patutunayan ko sa kanya iyon! “This is a goodbye, Douglas.” Napabuntong hininga ako nang maalala ko ang huli naming pagkikita at pag-uusap ni Bella. Hanggang ngayon ay hindi parin mabura sa akin iyon. Hindi ko magawang kalimutan ang babaeng sobra kong minahal. “Mr. Montecilio.” Napalingon ako sa tumawag sa aking pangalan. Si Doc. Oscar. Ang senior namin. “Magandang araw, Doc.” Bati ko rito, “may kailangan po ba kayo?” Napailing ang doktor, “wala naman, I just want to congratulate you for successful operation.” Kinamayan ako ni Doc. Oscar. “Thank You, Doc.” Ngumiti ako sa kanya. Salamat naman at successful ang operation namin. Dahil rin iyon sa aming team. Kung wala sila hindi namin matatagumpayan iyon. “One year nalang, ga-graduate ka na.” Muli na naman akong napangiti, “ang bilis nga po, eh.” Its been years and now isang taon nalang ang aking hihintayin. Ang lungkot lang dahil wala na si Bella. She might be very proud of me. “Naku, I’ll tell you. Magiging mahusay kang doktor, napakahusay mo na nga ngayon how much more kung ga-graduate kana at magta-trabaho sa mga bigating ospital.” “Naku, di naman po.” Nahihiya na ako. Sobrang compliment na ito. Hindi ako sanay na pinupuri.  “Totoo iyon, paano, maiwan na kita.” “Sige po.” Tinalikuran na ako ni Doc Oscar at napaupo ako ulit. Utang ko lahat kay Mommy ang mga natutunan ko ngayon. And beside siya ang unang rason kung bakit gusto kong maging doktor, naging matibay lang nang makilala ko si Bella na gusto ring maging doktor. Pero ngayon wala na siya. Life must go on. “Doc, Montecilio!” Napalingon ako ng may sumigaw sa pangalan ko. Napangiti ako kung magpagsino ang tumawag sa akin. “Naku, Doc, napagod ba kayo? Heto may dala akong kakanin, masarap to.” Nag-aalalang wika ni Angel. “Naku, salamat rito, at huwag mo akong tawaging doc, di pa ako doktor.” Ani ko. Tinanggap ko ang kakanin na ibinigay niya. Araw-araw na yata itong nagbibigay sa akin ng kakanin. “Magiging ganoon ka rin ano ka ba.” Ngumiti ito ng matamis, “at!! One year nalang ga-graduate ka na.” Napangiti nalang ako kay Angel. Haist, kahit minsan nakakainis ito, diko parin maitatanggi na natutuwa ako rito. “Wala ka bang pasok?” Tanong ko. Isa itong nurse student at matanda ako rito ng anim na taon. Nakakatawa lang dahil kasing gulang niya ang pinsan kong si Homer. “Naku, hindi ako pumasok, nagtinda pa ako ng kakanin, eh.” Napakunot ang noo ko. Haist, alam ko namang kailangan niyang kumayod pero kailangan rin nitong pumasok. “So absent ka na naman?” Tanong ko. Napabungisngis ng tawa si Angel, “oo, kasi naman may mga libro pang kailangan bilhin ang kaso wala akong pambili kaya heto, kumakayod.” Aniya. Napabuntong hininga ako, “anong mga libro ‘yan?” Tanong ko, baka meron ako, bago ako nag-pursue na maging doktor ay nag-aral muna ako maging nursing. Pagka-grduate at pasa ko ng board exam ay aral ulit. Kaya nandito ako ngayon sa Manila. Nakakatuwa lang dahil laking Bohol si Angel, nagawi lang sa Manila dahil sa kanyang tiyahin. May kinuha si Angel na papel at ibinigay sa akin. Tinanggap ko iyon at binasa. Limang libro ang kailangan nitong bilhin. Inisa-isa ko iyon, may dalawang libro na meron ako sa Bohol ang tatlo mukhang bago. Tumayo ako at napatingin sa akin si Angel, “halika samahan mo ako.” Ani ko. “Saan tayo pupunta?” Nagtatakang tanong ni Angel. “Bibili tayo ng libro mo.” Ani ko na ikinagulat ni Angel. “Naku, Doc, huwag na po kaya ko naman pagtrabahuan, eh.” Haist, kaya rin ako naaawa rito dahil napakasipag. Ang kagaya ni Angel ang dapat na tulungan. Sayang ang pera ng mga tao kung winawaldas ng mga politikong mukhang pera. “Bayad ko na rin ito sa mga kakanin na ibinibigay mo sa akin.” Kumindat ako rito. Kitang-kita ko itong pinamulahan ng mukha kaya natahimik na si Angel. “Kayo po ang bahala, naku mukhang dadamihan ko bukas ang kakanin na ibibigay ko sainyo.” Natawa na naman ako. Nauna lang akong naglakad papuntang admin ng University. Doon kasi bibilhin iyon. Si Angel naman ay tahimik lang na sumusunod sa akin. Nang makarating ako sa admin ay dumiritso ako kung saan bilhin ang mga libro. Ang tatlo lang binili ko, ibibigay ko nalang ang dalawang libro ko kay Angel na nasa Bohol pa. Uuwi ako this weekend kaya dadalhin ko pabalik. Nang mabili ko ang tatlong libro ay nilapitan ko si Angel na nakaupo sa gilid. Ngumiti ako sa kanya nang ibigay ko ang mga libro. Tumayo si Angel at bigla nalang yumakap sa akin. Hindi ko alam ngunit biglang lumakas ang t***k ng aking puso. Hanggang sa maramdaman kong humagulhol na siya ng iyak. Hinimas ko ang kanyang likuran para pagaanin ang loob niya. Naiintidihan ko si Angel. Masaya lang ito. “Huwag ka nang umiyak.” Ani ko. Pinilit ko siyang patahanin ngunit nagsumiksik lang siya sa dibdib ko. “Sobrang bango niyo, Doc.” Napangiti ako sa sinabi niya. Haist, ano ba naman ang babaeng ito. Nakuha pang magbiro sa kabila ng sitwasyon namin ngayon. Marami ring nakatingin sa amin. “Bawal ang PDA, rito.” Dali-daling kumiwala sa pagkakayakap sa akin si Angel at pinahiran ang mga luha nito. “Epal mo, guard.” Ani niya sa guard na sumita sa amin. “Naku, maghanap nalang kayo ng ibang lugar.” Ani ng guard. “Sige po, paumanhin.” Ani ko nalang at hinila ko si Angel. Napunta kami sa isang bench, sa ilalim ng punong kahoy. Magkatabing umupo kami doon. “Doc, salamat talaga, hayaan mo, babawi ako saiyo.” Maluha-luhang wika nito. Biglang lumakas ang hangin kaya naramdaman ko ang lamig sa aking dibdib. Napayuko ako at doon ko napagtanto na nabasa pala ng luha ni Angel ang dibdib ko. “Ayy hehe…sorry talaga.” “Huwag kang mag-alala, ayos lang, wala na rin naman akong pasok, eh.” Ani ko. Kinuha ko ang panyo sa aking bulsa at ibinigay iyon kay Angel. Nagmukha na itong multo dahil ang gulo ng buhok at basing-basa ang mukha.  “Ang dami ko nang kakanin na ibibigay ko saiyo, una sa tatlong libro, ngayon naman sa panyo.” Mapagbiro talaga ang babaeng ito. Ganoon paman ay masaya akong masaya si Angel. Everyday nawawala ang stress ko dahil rito. Iwan ko ba, nasisiyahan ako kapag nasa tabi ko si Angel. Matagal na rin itong lumalapit sa akin. Noong una, isang beses lang sa isang lingo, ngayon ay araw-araw na. “Kahit isang kakanin lang busog na ako.” Giit ko, bigla kong naalala ang kakanin na ibinigay niya kanina. Agad ko itong kinuha sa pocket ng uniform ko. Binuksan ko iyon at agad akong nagutom. Puto-maya ang dala niya ngayon. Kahapon bibingka iyon. “Ang tiya mo ba ang nagluto nito?” Tanong ko at kumuha ng isang kagat. “Naku, hindi ah.” Defensive nitong wika. “Sure?” Tiningnan ko siya sa mata at agad itong nag-iwas. “s**t, ba’t ba ang gwapo ni Doc.” Narinig kong bulong niya. Natuwa ako ng palihim. “Hmm, ako talaga ang nagluto niyan, kasi ganito iyon, sa mga binibenta ko si Tiyang ang gumagawa. Ang mga ibinibigay ko saiyo ay ako.” Napangiti ako na siyang pagpula ng pisngi ni Angel. Ngumiti ako ng matamis. May naisip akong kalokohan. “Bakit ang sarap.” Giit ko at kumagat na naman, sa puntong iyon ay pina-sexy ko ang aking kagat. “s**t, inaakit ba ako ni Doc?” Rinig ko na namang wika niya. “Natural, espesyal iyan dahil ikaw ang kakain.” Aniya. “Busy ka ba ngayong weekend?” Tanong ko. I’m just hoping na hindi baka gusto niyang sumama sa akin sa Bohol. Ako na ang magbabayad ng tickets at pamasahe nito. “Naku, oo, doc, magtitinda kami buong araw…bakit?” “Gusto mo bang umuwi sa atin para magbakasyon?” Tanong ko. Nagbabakasakali ako baka gusto nitong umuwi at bumisita. “Naku, sayang lang sa pera. Nagtitipid ako ngayon, eh.” Bigla nalang lumungkot ang mukha ni Angel. Alam ko kung gaano na nito ka-miss ang pamilya sa probinsiya. Kahit papaano ay naaawa ako rito. “Sagot ko na ang lahat at isa pa kukunin natin ang dalawang libro. Kulang pa iyan.” Giit ko. Biglang nagliwanag ang mukha ni Angel ngunit sandali lang iyon dahil napalitan iyon ng lungkot. “Huwag nalang, nakakahiya na, ang mahal nitong mga libro na binili mo tapos ili-libre mo pa ako ng pamasahe.” “Money is not problem, gusto ko lang makatulong saiyo.” Ani ko, “and beside, everyday, parati mo akong pinapangiti and I think ako naman ang gagawa ng ways to make you smile.” Dagdag ko. “s**t, bakit, pinapakilig niya ako.” Rinig ko na namang sambit niya. Pinamulahan na naman ito ng mukha. “Naku, Doc, everyday kapag nakikita kita, masaya na ako, everyday mo akong pinapasaya.” Aniya. Bigla akong naalarma sa sinabi niya. Alam kung may laman iyon at kahulugan. Ayokong umasa si Angel, hindi pa ako handa. Hindi ko kayang palitan si Bella. Never! “Mapagbiro ka talaga, mauna na ako, bukas sabihin mo sa akin kung gusto mo bang sumama o hindi.” Giit ko at tumayo na. “Salamat rito, ha.” Pasasalamat ni Angel. Ngumiti lang ako at umalis na. Kailangan ko munang magpahinga dahil limang oras kami sa operating room kanina. Nakakapagod rin ang ginawa namin.  Angel’s POV “s**t!!” Napamura ako ng  amoyin ang panyo ni Douglas. Haist, pinunas kaya niya ito sa kanyag lips? Sa kanyang leeg? O sa kanyang dibdib? s**t! Parang makukuryente ako sa sobrang kilig. Hayop na Douglas na iyon, bango palang laglag na  ang laylayan ng panty ko! Haist,  nai-imagine ko si Christian Grey, s**t! Wild kaya siya? Malaki kaya?! Namamanyak na naman ako! Pangiti-ngiti akong umalis sa bench at umuwi na, wala naman kasi akong pasok, eh. Nagsinungaling lang ako, para isipin nito na importante siya na siyang totoo naman. At ang mga libro, totoo iyon, nagbebenta ako rito sa University para mabili ko ang aking mga kailangan. Noon ko pa kilala itong mga Montecilio. Siyempre sikat sa aming probinsiya dahil ang gaganda ng lahi. Maraming nangangarap ngunit hindi pinagpapala! Heto ako ngayon, parang timang, nagkakandarapa kay Douglas. Pero hindi ako mukhang pera ha, go lang ako sa looks hindi si wealth. Aanhin ko naman ang pera kung kaya ko namang paghirapan. Yong looks talaga, eh, dapat maganda ang lahi! Noong una, looks lang talaga ang habol ko kay Douglas ngunit nang naglaon ay doon ko napagtanto na sobrang bait at marespeto ng lalaking iyon. Akala ko nga suplado pero noong una ko itong nilapitan, sobrang tamis ng ngiti niya. Mula noon hindi ko na siya tinantanan!  Malas lang dahil one year nalang ay aalis na ito at ako, maiiwan sa University. 3 years pa ang hihintayin ko. Delay ako ng 3 years, supposed to be ay 4th year college na ako ang kaso, sa hirap ng buhay ngayon lang nakapag-aral ulit. Pero hindi naman ako makakapayag na aalis lang si Douglas ng ganoon kadali noh! Haist,  nagwi-wet na naman ako! Tangna to! Pagdating ko sa bahay ng tiyahin ko ay mabilis akong nagpalit ng damit. Mukhang malinis pa naman itong uniform ko kaya ibabalik ko lang. Nang naka-panty at bra na ako ay kinapa ko ang aking bulaklak. s**t! Basa na nga ako! Hindi pa ako nakontento at sinilip ko. Basang-basa nga! Ang ginawa ko ay naligo ako at nagpalit ng panty. Bwesit kasing fifty shade of grey na iyan. Nagiging ganito ako simula nong napanood ko iyon. At ngayon si Douglas ang pinapantasyahan ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD