bc

Sa Kaniya (BOOK 1)

book_age18+
3.0K
FOLLOW
31.1K
READ
fated
independent
CEO
drama
betrayal
cheating
lies
lonely
model
passionate
like
intro-logo
Blurb

This story contains mature scenes that only suitable for legal age.

If only she could change her fate, maybe she could be the happiest woman in the universe. Serenity Hope Chavez was ready to marry her longtime boyfriend. She even gave up her career so that she could be full-time wife to her future husband. Pero biglang nagbago ang desisyon niya ng malaman niyang may nabuntis na ibang babae si Dominic.

Inevitable pain, full of hatred, desperate to forget her ex-boyfriend, will she be able to move forward, or she will forever stick in her past?

Paano kung sa gitna ng sakit ay may isang lalaking handang pawiin ang masalimuot niyang nakaraan? Tatanggapin niya ba ang pagmamahal ni Maximillian o babalewalain ito?

chap-preview
Free preview
Prologue
SERENITY "Okay fifteen minutes break," pagod na sabi ng direktor sa amin. Nakakapagod talaga ngayong araw na ito dahil tuloy-tuloy ang mga shoots ko for endorsement. Nanghihinang napaupo ako sa sofa dahil kulang ako ng tulog kagabi. "You look so tired Serenity, uminom ka muna ng tubig dahil mainit kanina sa labas." Puna sa akin ng manager ko at binigay niya ang isang bote ng mineral water. "Thank you, Madam Bea." sabi ko sa kan'ya. Actually I am professional teacher ng makilala ko si Madam Bea. Nakakatawa lang nung una kaming magkita dahil sobrang haggard ko noong time na iyon tapos sinabihan niya akong pwede daw akong maging model. Akala ko ay nagbibiro lang siya pero laking gulat ko nang bigyan niya ako ng maliit na card. Sa totoo lang ay wala akong balak pumasok sa ganitong industriya dahil sobrang mahiyain ako. Pero palagi kasi niya akong tinatawagan at kinukulit na kahit isang shoot lang daw ay i-try ko. Dahil nakukulitan na talaga ako sa kan'ya ay pinagbigyan ko siya. Pero ang isang shoot lang ay nauwi sa pagiging full time model ko hanggang sa sumikat ako. Kung hindi siguro ako naging sikat na model ay baka hanggang ngayon ay tinatapak-tapakan pa rin nila ako at iniinsulto. My life was messy and dull before that's why I am so thankful to the person who encourage and guide me patiently. Naputol lang ako sa aking pagmumuni ng magsalita ang direktor namin. "Okay fifteen minutes is done," malakas na sabi niya kaya tumayo na ako at pumunta sa harap ng camera. "One, two, three, fierce Serenity," the photographer said and clicked the camera. Bawat anggulo ay kinukuhanan nila ako ng litrato. Nakasuot ako ng red two piece swimsuit kaya mas lalong lumitaw ang kaputian ko. Nasa dalampasigan kami ngayon at masyadong tirik ang araw kaya mahapdi sa balat. "Another pose, that's right! You look elegantly seductive in your pose, Seren." the director said while clapping his hands. Mabilis lang natapos ang photoshoot dahil satisfied naman sila sa mga kuha nilang litrato at pose ko. Nakita ko si Madam Bea na papunta sa kinaroroonan ko kaya nagpaalam na ako sa mga kasamahan ko at nagpasalamat. "Inom ka muna ng tubig at baka ma-dehydrate ka," sabi ni Madam Bea sa akin. Napangiti ako ng malapad dahil mula noon hanggang ngayon ay sobrang maalaga niya pa rin sa akin. Kapag nagkakasakit ako o kailangan ko ng tulong ay to the rescue siya palagi bukod sa boyfriend ko. Kung hindi kasi si Madam Bea ang nag-aalaga sa akin kapag nagkakasakit ako ay si Dominic ang nandiyan para alagaan ako. "Thank you so much Madam Bea for always caring for me and being with me through thick and thin, in my loneliness or happiness." I said genuinely. "Meyged, super drama naman ng alaga ko." conyo na sabi niya at niyakap ako. Niyakap ko rin siya pabalik sabay tawa ng malakas. Kung wala siguro siya sa tabi ko na nakaalalay sa akin ay baka sobrang stressed na ako. Iba talaga magpasaya ang mga bakla dahil labis-labis ang hatid nilang saya sa atin. Kapag nasa tabi ko siya ay palagi akong tumatawa o nakangite dahil sa kwela at mapagbiro niyang personality. "Hindi pala ako sa inyo sasabay pauwi, susunduin kasi ako ngayon ni Dominic." sabi ko sa gitna ng aming yakapan. "Alright, enjoy! Happy seventh anniversary sa inyo, Serenity. Grabe ang tibay ng relasyon n'yo, sana all." masayang sabi ni Madam Bea sa akin. "Thank you mader, hanap ka na kasi ng boylet este true love." birong sabi ko sa kan'ya at maarte naman siyang umirap. "Saka na ako mag-bo-boyfriend kapag si Lee Min Ho na ang pumila." kinikilig na sabi niya at mahina niya akong hinampas. "Ay ang taas pala ng standard mo mader," kantyaw ko sa kaniya. "Pasok muna ako sa loob ng hotel," nakangiting sabi ko. Kasalukuyang nasa elevator ako ngayon papuntang seventhfloor dahil doon ang room na tinutuluyan ko. Mabuti na lang at ako lang mag-isa ngayon dito sa loob. Nagulat ako ng biglang bumukas ito nung nasa fifth floor na ako at may pumasok na isang lalaki. Umatras ako patalikod ng pumasok siya, kaya ang ending ay nasa likuran na niya ako ngayon. Pinagmasdan ko ang kaniyang repleksyon and I can say that he is handsome and a rugged type of man. Mukhang yayamanin siya dahil mula ulo hanggang paa ay sumisigaw ng karangyaan ang kaniyang presensya. Natigil lang ako sa pagmamasid sa kanya ng bigla siyang magsalita. "I know I am handsome, so quit staring," he roughly said. Wow, ang feeling niya naman masyado. Lihim ko siyang inirapan bago ako nagsalita. "Excuse me, I am not staring at you." I said. Lumingon siya sa aking gawi at tinignan niya ako ng nakakatakot na tingin. Biglang nanuyo ang aking lalamunan at hindi ako makapagsalita sa sandaling ito. He looks so dangerous and I admit that I am scared to the point that I am trembling right now. "You're trembling," his cold voice echoed. Tinanggal niya ang kanyang suot na suit at pinatong niya ito sa akin. Nagtataka ako sa kan'yang inasta, tatanggalin ko na sana ito at ibabalik sa kan'ya pero bigla na lang siyang lumabas. Kaya ang ending ay naiwan akong mag-isa dito sa loob ng elevator suot ang white chiffon cover up ko na may nakapatong na suit. Hindi nagtagal ay nakarating na ako sa seventh floor kaya lumabas na ako ng elevator at nagtungo sa room ko. Tinanggal ko ang suit at cover up na nakabalot sa aking katawan at nagtungo ako sa comfort room. After thirty minutes ay lumabas na ako sa shower room at pumunta ako sa harap ng maleta ko. I just picked the simple white dress at sinuot iyon. Nagsusuklay ako ng aking buhok ng tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko ito sa ibabaw ng lamesa at tinignan ko kung sino ang tumatawag sa akin. Agad kong sinagot ito nang makitang si Dominic ang caller. "Hello babe," malambing kong sabi sa kaniya. I really missed my man so much. We are both busy these past few days to the point that we can't text or call each other. "My babe is so happy, by the way I am here at the lobby waiting for you." he said in the other line. "Okay babe, I'll just fix my things here. I love you," I said and tapped the end button. Dali-dali kong inayos ang aking sarili at nang matapos kong mag-ayos sa aking katawan ay sunod kong inayos ang mga gamit ko. Pati ang suit ng lalaki kanina ay nilagay ko ito sa aking maleta, baka kasi magtagpo ulit ang landas namin at hanapin niya sa akin ang suit niya. Nang matapos kong ilagay lahat ng mga gamit ko sa aking maleta ay lumabas na ako sa hotel room na tinuluyan ko for almost one week. Nagtungo na ako sa lobby kung saan naghihintay si Dominic sa akin. Kumaway ako sa kan'ya ng makita ko siya at agad naman siyang lumapit sa akin. Masuyo niya akong hinalikan at maraming tao ang napapatingin sa amin. "My girlfriend is so damn beautiful like a shining diamond." he said and put her arm on my waist. Kinuha niya ang dala kong maleta at siya na ang nagbitbit nito. "Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kaniya dahil parang may pupuntahan siyang party. "Wait and see, babe." he said and kissed me again, but this time on my forehead. Masayang umalis kami sa Maximillian Hotel at pagod akong naglakad papuntang sasakyan ni Dominic. Nilagay niya ang maleta ko sa backseat at nang matapos niyang mailagay ito ay pinagbuksan na niya ako ng pintuan. Hindi pamilyar sa akin ang tinatahak naming daan kaya nagtaka ako. "Babe saan ba tayo pupunta ngayon?" masuyong tanong ko sa kaniya at agad naman niya akong binalingan ng tingin. "Relax babe, for now it's a secret. Matulog ka muna, I know naman na pagod ka ngayon at kulang ka sa tulog." he sincerely said to me. Gaya ng sinabi niya ay natulog ako dahil feeling ko kasi ay anytime ay mag-co-collapse ako bigla. "Wake up, sleepy head." Dominic said and kissed my lips. Minulat ko naman ang aking mga mata at kinusot-kusot ko ito. Nilibot ko ang aking paningin sa paligid at napanganga ako ng mapagtantong nasa isang exclusive garden kami ngayon na puno ng mga magagandang bulaklak. Excited akong lumabas sa sasakyan at tatakbo na sana ako sa loob mg garden nang pigilan niya ako. "Bakit, hindi ba tayo pupunta sa loob?" nakasimangot kong tanong sa kan'ya kaya tumawa naman siya. "Talikod ka babe," sabi niya sa akin kaya tumalikod ako at nagulat ako ng lagyan niya ng piring ang dalawa kong mata. "What's going on babe? Hey, are you there?" I nervously said. Pero wala akong narinig na tugon ni Dominic. Ano na naman kaya ang pasabog ng boyfriend ko. "Hello ma'am, ako po si Jenny, ang gagabay sa inyo papunta sa loob ng garden." sabi ng isang babae sa akin. Akala ko kasi ako lang mag-isa ang naiwan dito sa labas ng garden. Nagsimula na kaming maglakad papunta sa loob at nagtaka ako ng pahintuin ako ni Jenny. "Bakit tayo huminto?" tanong ko sa kaniya pero hindi siya nagsalita at pumunta lang siya sa likod ko. Tinanggal niya ang piring sa aking mata kaya unti-uti kong minulat ang dalawang mata ko. "Sundin n'yo lang po ang mga petals na nakalatag sa sahig ma'am," nakangiting sabi ni Jenny sa akin bago siya umalis sa gilid ko. The rose petals are scattered in the hallway. Sa gilid ko ay may mga nakapaskil na I love you Serenity. Kahit kailan talaga maraming pakulo si Dominic kaya habang tumatagal mas lalo akong nahuhulog sa kaniya. Seven years na kami ngayon pero 'yong kilig at pagmamahal na pinaparamdam niya sa akin ay lume-level up araw-araw. Sana hanggang dulo ay kami pa rin. Sana hanggang huli ay sa akin siya uuwi.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook