Chapter 1

2032 Words
SERENITY Ang bigat ng pakiramdam ko ngayon, sobrang sakit ng ulo at katawan ko. Kinapa ko ang aking noo at tama nga ang hinala kong nilalagnat ako. Kahapon kasi ay naglakad lang ako pauwi galing grocery store at sa hindi inaasahang pangyayari ay biglang bumuhos ang malakas na ulan. Wala akong dalang payong kaya pagdating ko dito sa condo ay basang-basa ako. Kaya ang ending ay nilalagnat ako ngayon, may importante pa naman akong lalakarin mamaya. Nanghihina akong bumangon sa aking higaan at pumunta sa kusina para uminom ng gamot. Mag-isa lang akong nakatira dito sa condo unit ko na regalo ni papa sa akin noon. My parents are separated and they have their own family now. Lumaki ako sa puder ng lola ko sa mother side, siya ang nag-alaga sa akin at tumayong pangalawang ina at ama ko. Bata pa lang ako nang kinuha ako ni lola kay mama. My mom is now happily married and the same for my dad, they are both happy with their new family. While me? They are just supporting me from my financial needs. Hindi ko naranasan na makasama sila ng sabay o pumunta man lang sa recognition at graduation ko. I'm just an outcast in our family. I think they see me as their unwanted child. Noong namatay si lola ay sobrang lungkot ko dahil siya lang ang taong tunay na nagmamalasakit sa akin. After kong uminom ng gamot ay bumalik ulit ako sa aking kwarto. Ipipikit ko na sana ang dalawa kong mata nang biglang mag-ring ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa ibabaw ng lamesa at tinignan ko kung sino ang caller. Nang makitang si mama ang tumatawag ay sinagot ko kaagad ito. "Hello po," paos na sabi ko sa kaniya. "Where are you right now Serenity? Bakit ngayon mo lang sinagot ang tawag ko, kanina pa ako tumatawag sa 'yo." bulyaw ni mama sa akin sa kabilang linya. "Nasa condo lang po ako mama," mahinahon kong tugon sa kaniya. "My husband invited you to our family dinner, alas siyete ng gabi ay ipapasundo kita sa driver namin." strict na sabi niya at binabaan na niya agad ako ng tawag pagkatapos niyang masabi ang pakay niya. Hindi man lang niya ako kinamusta at tinanong kung okay lang ba sa akin na sumabay sa family dinner nila. Simula nang mamatay si lola, kapag nagkakasakit ako ay walang nag-aasikaso sa akin maliban na lang kung hindi busy si Dominic. Dominic is my boyfriend. Naging kami nung first year college ako at siya naman ay fourth year college noon. Ayokong sabihin sa kaniya na nilalagnat ako ngayon dahil busy siya at maraming siyang ginagawa sa araw na ito. Mamaya ko na sasabihin kay mama na hindi ako makakapunta sa family dinner nila dahil nilalagnat ako. Babalik ulit ako sa pagtulog dahil hindi talaga okay ang pakiramdam ko. Alas-sais ng gabi ng magising ako dahil sa sunod-sunod na doorbell sa labas ng unit ko. Medyo okay na ang pakiramdam ko, hindi gaya kanina na sobrang bigat at masakit pa ang ulo ko. Bumangon ako at nagtungo sa comfort room para mag-toothbrush. At nang matapos ako ay nagtungo agad ako sa pintuan ng condo unit ko. Sinilip ko sa maliit na butas kung sino ang taong nambulabog ng tulog ko at laking gulat ko nang makitang si mama pala ang doorbell nang doorbell sa labas ng unit ko. Mabilis ko itong binuksan at bumungad sa akin ang nakabusangot niyang mukha. "What took you so long to open the door, Serenity?" she said in annoyance. "Kagigising ko lang po, pasensya na po napasarap kasi ako ng tulog dahil nilalagnat ako ngayon at baka hindi ako makakapunta sa family dinner n'yo." mahinahon kong sabi sa kaniya at kinapa naman niya ang noo ko. "Uminom ka na ba ng gamot? You look so pale, tatawag ako ng doktor ngayon para matignan ka." mabilis niyang sabi at nilabas na niya ang kaniyang cellphone. Agad ko naman siyang pinigilan at sinabing, "huwag na po, naulanan lang ako kahapon kaya mabigat ang pakiramdam ko." magalang kong sabi. "Serenity, please kahit ngayon lang pumunta ka sana sa family dinner namin. Nakakahiya sa Tito Rome mo," pakiusap sa akin ni mama. "Mama, alalahanin mo rin naman ako kahit ngayon lang. Hindi 'yong palaging sila na lang ang inaalala mo," pakiusap ko rin sa kan'ya. Nagulat siya sa inasta ko dahil ngayon ko lang siya sinuway at sinumbatan. Mula pagkabata ko hanggang ngayon ay palagi kong sinusunod ang mga gusto niya. Pero nakakapagod din maging sunod-sunuran. Tao rin naman ako napapagod at nasasaktan. "Please, I'm begging you Serenity. Kahit ngayon lang ay pumunta ka, please anak." desperadang sabi niya sa akin. Gusto ko siyang sigawan at sumbatan, pero pinipigilan ko lang ang sarili ko. "Fine, pero hindi ako magtatagal." sabi ko sa kaniya at tinalikuran ko na siya. Iniwan ko si mama sa salas at nagtungo na ako sa aking silid para maligo. After thirty minutes ay lumabas na ako sa comfort room. Sa aking paglabas ay nakita ko siyang nakaupo sa gilid ng kama ko. Napatingin siya sa akin at tipid siyang ngumiti. "Sorry kung nakialam ako sa cabinet mo anak," hinging paumanhin niya sa akin. "Okay lang po," paos kong tugon sa kaniya. Naiiyak ako pero pinipigilan kong tumulo ang luha ko dahil ayokong umiyak sa harapan niya. Ito ang unang pagkakataon na siya ang pumili ng damit na susuotin ko. Palagi kasing si lola ang nagbibihis sa akin noon at pumipili ng damit ko kapag may okasyon kaming pupuntahan. So, ganito pala ang feeling kapag 'yong mama mo ang pumili sa damit na isusuot mo. Kinuha ko ang peach dress na nakalatag sa kama at sinuot iyon. Tiningnan ako ni mama mula ulo hanggang paa. "Bagay na bagay sa 'yo ang dress na iyan anak. Ang ganda mo talaga," naluluha na sabi nito sa akin. "Thank you po mama," tipid kong sabi sa kaniya at umupo ako sa harap ng vanity table. Kukuhanin ko na sana ang blower pero inunahan na ako ni mama. "Ako na anak, matapos kong i-blower ang buhok mo ay aayusan kita." Hindi na ako tumanggi at tumango na lang ako bilang pagsang-ayon. Matagal ko ng inaasam ang ganitong moment, 'yong aayusan ako ni mama. Ang sarap pala sa feeling kapag inaasikaso ka ng magulang mo, ang gaan sa pakiramdam. Matapos niya akong i-blower ay kinuha niya ang curler sa ibabaw ng lamesa at kinulot niya ang buhok ko. "Mama, may mga bisita ba kayong dadalo sa family dinner n'yo?" tanong ko sa kaniya, baka kasi may iba pa silang bisita at ako lang ang salin pusa doon mamaya. "Wala naman anak, gusto lang talaga kitang ayusan ngayon. By the way saang school ka balak magturo?" tanong niya habang busy siya sa pagkukulot ng buhok ko. "Wala pa po akong napilian na school eh," actually gusto ko sana na malapit lang sa condo unit ko ang paaralan na papasukan ko para less hassle sa byahe. "May alam akong school anak na naghahanap ng bagong teacher baka gusto mong mag-apply doon," suggest ni mama sa akin. Gusto ko na talagang makahanap ng trabaho dahil ayokong umasa sa kanila ni papa. Tutal graduate na ako ng college at nakapasa sa Licensure Exam for Teachers. "Anong pangalan po ng school?" Pangarap ko talagang maging teacher at makapagturo ng mga bata. "Hindi ko alam ang pangalan ng school na iyon anak pero ang may-ari ng paaralang iyon ay ang kaibigan ko. Nabanggit niya kasi sa akin na hiring sila ng bagong teachers ngayon. Tatawagan ko siya mamaya at tatanungin ko kung anong name ng school nila," mahabang paliwanag sa akin ni mama. Hindi ko namalayan na tapos na pala niya akong ayusan. Hindi lang buhok ko ang inayusan niya, pati na rin ang mukha ko. She put light makeup on my face. At hindi ko maiwasang mamangha sa aking sarili. Totoo nga ang sabi nila na kamukha ko talaga siya kahit anong anggulo. "Thank you mama," I said and hugged her. Niyakap din niya ako pabalik at malambing na hinaplos ang likod ko. Humiwalay na ako sa aming yakapan ng makitang malapit ng mag-seven o' clock. Tumayo ako sa aking kinauupuan para magsuot ng sandal dahil baka ma-late pa kami sa family dinner nila. "Tara na anak at baka ma-late pa tayo," sabi sa akin ni mama. Sabay kaming lumabas ni mama sa condo unit ko at nagtungo sa elevator. Pipindutin ko na sana ang ground floor nang maunahan ako ng babaeng kasabayan namin kanina. "Sorry, which floor po?" pormal na tanong niya at ngumiti siya sa akin. "It's okay, sa ground floor din naman ang pupuntahan ko." nakangiting tugon ko sa kaniya. After few minutes ay nakarating na kami sa ground floor kaya lumabas na kami ni mama sa elevator. Dire-diretsong pumunta siya sa tapat ng red SUV at pinagbuksan siya ng pintuan ng kaniyang driver sa backseat. Magkatabi kami ni mama ngayon kaya narinig ko ang kaniyang pagbuntong hininga. "Manong pwede pong pakibilisan mo ng konti," sabi niya sa kaniyang driver. Binilisan naman ni manong ang pagpapatakbo kaya mabilis lang kaming nakarating sa mansion ng asawa ni mama. Gaya kanina ay pinagbuksan kami ulit ng pintuan, pero bago ako lumabas ay nagpasalamat muna ako kay manong. Unang naglakad si mama at ako naman ay sinusundan ko lang siya. Nakangiting sinalubong kami ni Tito Rome at nagmano naman ako sa kaniya bilang paggalang. "You really look like your mother, Serenity. Beautiful like a diamond," he said and smiled at me. Actually mabait talaga sa akin si Tito Rome at palagi niya rin akong binibigyan ng regalo tuwing birthday ko. Iniimbitahan niya rin ako kapag may family bonding sila pero feeling ko kasi panira lang ako sa kanilang bonding kaya kapag niyayaya nila ako ay hindi ako pumupunta minsan. "Ate, magtatampo talaga ako sa 'yo kapag wala ka ngayon." sabi ni Zoe sa akin at niyakap niya ako ng mahigpit. Kahit kailan talaga sobrang sweet ni Zoe, mas matanda lang ako sa kaniya ng isang taon. Nandito na kami ngayon sa kanilang dining area at puno ng pagkain ang ibabaw ng lamesa nila. "So let's eat," mom said. Tahimik naman akong kumakain at paminsan-minsan ay tinatanong ako ni Tito Rome. "May pinagkakaabalahan ka ba ngayon, hija?" tanong ni Tito Rome sa akin bago siya uminom ng tubig. "Naghahanap po ako ngayon ng trabaho tito," nahihiyang sagot ko. "Baka gusto mong magtrabaho sa company namin hija," sincere na tanong sa akin ni Tito Rome. "Salamat po sa offer n'yo tito, I really appreciate it pero gusto ko po talagang magturo at maging teacher." Bata pa lang ako ay pangarap ko na talagang maging guro. Ako lang sa family namin ang kumuha ng kursong education. Napatingin naman sa akin si Zoe at bigla siyang nagsalita. "May alam akong school na hiring for new teachers ate, baka gusto mong mag-apply." "Anong name ng school, Zoe?" interesado kong tanong sa kaniya, baka kasi iisa lang ang school na sinasabi nila ni mama. Sana malapit lang ito sa condo unit ko. "Sa Bracken International School, hiring sila ngayon Ate Seren." magalang na sabi niya sa akin. "Iyan ba ang school na pagmamay-ari ng Tita Amelia mo, Zoe?" "Yes mom," Zoe said politely. "Iyan pala 'yong sinasabi kong hiring ngayon anak, maganda ang school na 'yan at malaki rin ang sweldo." Balak ko talagang mag-apply sa Bracken International School dahil bukod sa malapit lang ito sa tinutuluyan kong condo ay maganda ang pamamalakad ng paaralan na iyon. Sign na ba ito, Lord? Actually 'yong sinabi kong may importante akong lalakarin kanina ay pupunta sana ako sa Bracken International School para mag-apply. Since hindi ako nakapunta kanina dahil sa lagnat ko ay bukas na bukas ay pupuntahan ko talaga ang school na iyon. Baka kasi maunahan ako at hindi na sila tumanggap ng bagong teacher. "Mag-a-apply po ako bukas mama," sabi ko sa kaniya habang hinihiwa ang steak. "I will call Amelia later to inform her anak," mama said. Tipid akong ngumiti at ipinagpatuloy ko na ang aking pagkain. Nang matapos kaming kumain ay magpapaalam na sana ako kina mama at Tito Rome pero bigla akong inaya ni Zoe na pumunta sa kwarto niya dahil may ipapakita siya sa akin
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD