CHAPTER 3

1719 Words
Gago talaga ‘tong si Jacob. Hindi ko alam kung pinapasaya ba niya ako, pinapakaba or kulang talaga siya sa buwan palaging may saltik eh! “Oh, wala ka na bang naiwan na gamit?” tanong ni Jacob nang makababa na kami sa taxi. Nag-isip muna ako at tinignan ang gamit na naibaba na bago umiling. “Wala na,” maikling sagot ko. Nang makapasok na kami sa loob ng maliit na apartment niya ay agad naman niyang dinala sa kuwarto ang mga dala ko. Bahala na kung anong mangyayari sa susunod na araw. Ang importante ay naka alis na ako sa mansion at malaya na ako.   Hindi dahil naaksidente si Kuya pagbabawalan na nila ako. Hindi naman ganito ang mangyayari kung hindi dahil kay Kuya. Simula nang maaksidente siya ay halos hindi na ako makalabas ng bahay. Hindi na rin ako makasama sa mga kaibigan ko. Hindi naman pwedeng magkulong ako at palaging sumunod sa gusto nila. Malaki na ako at may sarili akong pagiisip. “Ang lalim yata nang iniisip mo?” tanong ni Jacob habang papalapit sa akin at may dalang gatas. “Masaya lang ako na nakawala na ako sa mansion,” sagot ko at agad naman siyang umupo sa tabi ko at inabot ang hawak niyang gatas. “Kinakabahan nga ako eh.” He bit his lower lip and weaved a deep sighed. “Wow ha! We’ve been sneaking out the campus for how many times. Ngayon ka pa talaga kakabahan!” Halos matapon ang gatas na hawak ko nang napalakas ang tawa ko. Pinanliitan lang ako nito ng mata. Ang guwapo talaga! “Ano ka ba? Ako lang ‘to Jacob, mahal na mahal ka. Boom!” natatawang sabi ko at tumayo pa para mabigyang diin ang salitang Boom na ikinagulat niya. “Brylle naman! Tignan mo oh, natapon na iyang gatas!” Paninita niya sa akin at pinanliitan ako ng mata nang makita niyang bahagyang natapon ang gatas na hawak ko. “Joke lang eh!” Ngumuso ako umupo ulit sa tabi niya saka ininom ang gatas. “Pero seryoso nga. Natatakot ako hindi para sa akin kun’di para sa ‘yo.” Isang malalim na paghinga ang pinakawalan niya kaya napahinto ako sa pag inom ng gatas at dahan dahan kong ibinaba iyong basong hawak ko at seryosong napatingin sa kaniya. “Tigilan mo nga ako Jacob! Akala ko ba nag usap na tayo? Bakit ka naman natatakot eh nandito ka naman,” umiwas ako ng tingin. Hindi ko alam bakit kung kailan nandito na kami saka lang niya sasabihin iyon. Nagdadalawang isip na ba siya? “Brylle,” kinuha niya ang basong hawak ko at nilagay sa center table sa tapat namin. Hinawakan niya ang kamay ko at ipinatong sa hita niya. Napabuntong hininga ako saka kunot noong umangat ng tingin. “Pinapaalis mo na ako?” seryosong tanong ko. Umiling siya at sumagot. “Hindi, I mean okay lang ba sa iyo na ganito? Maliit lang itong apartment na nakuha ko. At siguradong hindi ka sanay sa ganito,” mahinang sabi niya at sinusubukang ipaliwanag sa akin ang gusto niyang sabihin sa paraang hindi ako masasaktan. Halata naman sa kaniya na naawa siya sa kalagayan ko. Pero kuntento na ako sa ganito. Kaysa naman magkulong ako sa mansyon? Pagod na pagod na akong magkulong doon. Tinanggal ko ang isang kamay ko na hinawakan niya at kinuha ko ang kamay niya para hawakan. “Jacob, mahal na mahal kita. At hindi na importante sa akin kung saan pa tayo tumira basta’t magkasama tayo, okay na ako.” Nginitian ko siya para hindi naman siya malungkot. Maya maya ay umubo na naman siya. “Ayos ka lang ba?” Hinawakan ko siya balikat dahil nag aalala ako sa kaniya. Tumango naman ito at pilit na ngumiti. “Okay lang ako, medyo pagod lang kanina,” Tinaggal niya ang kamay kong nakahawak sa balikat niya. “Don’t mind me okay? Ayos lang ako.” Hinawakan niya ako sa pisngi. I sighed in the thought that he might be tired of his part time job. “Kamusta pala iyong part time mo?” tanong ko sa kaniya at ngumiti. Tumayo siya at kinuha ang basong nakalapag sa tapat naming at naglakad papunta sa kusina. “Okay naman, medyo nakakapagod pero ayos lang basta’t ikaw ang madadatnan ko sa pag-uwi eh okay na okay na ako.” Lumingon siya sa likuran niya kung saan ako naka puwesto at kinindatan ako. Napangisi lang ako at umiling. Tumayo ako at pinuntahan siya na kasalukyang naghuhugas ng pinagkainan naming kanina. Niyakap ko siya mula sa likuran at agad naman itong napangiti. “Kamusta sa school?” tanong niya kaya agad akong napabitiw mula sa pagkakayakap ko sa kaniya. “Well,” I sighed. “I’m planning to stop for a while. Kahit isang sem lang.” I looked down and bit my lips. Napansin kong pinatay niya ang gripo at agad na pinunasan ang kamay niya bago niya nilapit ang kamay at inangat ang ulo ko. “Makinig ka sa akin,” seryosong sabi niya at agad akong inakbayan at nagsimulang maglakad paalis ng kusina. “Hindi ka hihinto okay?” “Walang hihinto,” ulit niya kaya’t napahinto ako sa paglalakad at hinarap siya. “Paano ‘yung tuition ko?” nag-aalalang tanong ko sa kaniya. Napabuntong hininga lang siya at hinakawakan na naman ako sa balikat. “Magta-trabaho ako para sa sa ‘yo. Para sa atin, hindi kita papabayaan okay? Basta’t magtiwala ka lang sa akin.” Nang marinig ko iyon ay pakiramdam ko, ligtas na ako. Pakiramdam ko, wala nang mas ligtas kun’di sa piling niya. Hindi ko man gusto ang plano niya dahil ayoko namang umasa sa kaniya pero may tiwala ako sa kaniya. “Ah basta! After ko mag-college ikaw naman ang pag-aaralin ko!” Nakangiting sabi ko sa kaniya. “Halika nga rito!” Agad niya akong inakbayan at niyakap saka ginulo ang buhok ko. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakaramdam nito. Ang maging masaya habang malaya kong nagagawa ang gusto ko. “Oh, bakit gising ka pa?” tanong ni Jacob nang makita niya akong nakatingin lang sa ceiling. “Hindi kasi ako makatulog. Naiinitan ako,” nahihiyang sagot ko. Hindi kasi ako sanay na walang aircon kaya’t hindi ako makatulog. May electric fan naman kaso iba pa rin kapag may Aircon. Napansin kong lumungkot ang mukha niya. Tanging maliit na lampshade ang nagsisilbing liwanag sa loob ng silid na ito ngunit sapat na para makita ko ang mukha niya. “Ganoon ba? Pasensya ka na, naunahan kasi ako doon sa katabi nating unit na may aircon eh. ‘Tong unit naman na ‘to, may lagayan ng aircon eh kaso wala tayong aircon,” nahihiyang sagot nito. “Okay lang ano ka ba!” tumawa na lang ako dahil ayoko namang mahirapan pa siya. Ako na nga itong pabigat, ako pa ‘tong nagde-demand. “H’wag kang mag alala, sa kinsenas ay susubukan kong mag-appy ng installment para hindi gaanong mabigat sa bulsa,” sabi niya na halatang sinusubukang bumawi. “It’s fine,” ngumiti ako. “Hayaan mo na, masasanay din ako. At saka okay naman ‘tong electric fan. Nakakatipid sa kuryente. At madami na tayong gagastusin, kaya’t tiis tiis na lang muna. Basta ‘wag mo nang alalahin okay?” Hinaplos ko ang pisngi niya, lumapit sa kaniya at dinampian ang labi niya.  Inayos niya ang kaniyang kamay kaya’t nakasandal ako sa dibdib niya at niyakap siya. “Basta, magiipon ako para sa atin,” determinadong sabi niya habang hinahaplos ang buhok ko. “At kapag nakapag tapos na ako, ikaw naman ang mag-aaral,” dagdag ko at mas lalo ko pa siyang niyakap. “Pangako, sabay natin haharapin ang lahat. Sabay nating tutuparin ang pangarap natin. Magiging matatag tayo at hindi susukuan ang isa’t isa,” determinado at pursigidong saad ko at nginitian siya. “Pangako ‘yan ha?” ulit niya. “Pangako,” tumango ako at niyakap pa siya nang mas mahigpit. “Jacob, nauuhaw ako,” tumingala ako upang makita ang mukha niya. Pinaglalaruan niya ang buhok ko habang naka yakap ako sa kaniya. “Sige, I’ll get you some water okay?” hinalikan niya ako sa pisngi at kumawala sa yakap ko bago tuluyang tumayo. Habang nag hihintay ako sa kaniya ay biglang tumunog ang cellphone niya at unregistered number ang naka-flash sa screen. Akmang kukunin ko na ito nang marinig ko na namang umuubo siya habang papunta sa kinaroroonan ko. Kumunot ang noo ko at umupo saka isinandal ang likuran ko sa headboard ng kama. “Magpa-checkup ka na kaya?” nag-aalalang tanong ko sa kaniya dahil tatlong beses ko nang napansin ang pag ubo niya. “Wala lang ‘to,” agad na sambit niya. Umupo siya sa tabi ko at ibinigay ang baso ng tubig. “Sigurado ka bang wala lang?” tanong ko bago inumin ang tubig. “Oo naman, at isa pa mawawala rin to agad. Uminom na ako ng gamot at maraming tubig. Ako pa ba?” ngumisi pa ang gago at kinindatan ako. Napangisi ako at umiling. “Kapag ikaw talaga nagkasakit ewan ko na lang talaga, ang kulit kulit mo!” Inirapan ko lang siya at padabog na ibinigay ang baso. Agad naman niyang inilapag ito sa sa mesa sa tabi ng kama. “Eto naman!” Niyakap niya kaagad ako at nagpapaamo pa ang mukha. “Ewan ko sa ‘yo! Tigas ng ulo mo!” Pagmamaktol ko at saka humiga na. “Saang ulo ba? Sa taas o sa baba?” Pang-aasar nito na abot tainga ang ngiti. Agad akong lumingon sa kaniya at agad na hinablot ang unan at saka hinampas sa kaniya. “Loko loko ka talaga! Baliw!” “Sa iyo lang naman ako baliw eh. Boom!” Humawak pa siya sa tiyan niya sa sobrang tawa. “Gago ka talaga!” Napailing ako at natawa na lang ako habang pinagmamasdang tumatawa siya. Kahit ganito lang kami, masaya na ako basta’t masaya kami at magkasama. Wala na siguro akong hihilingin pa.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD