PAG-IBIG SA MAGKAIBANG MUNDO: KABANATA 2:ANG PAGKIKITA

972 Words
Nagsisiyahan ang pamilya nila ni Zach ng mga oras na iyun,kaso ang hindi nila alam ay may mga kalaban na paparating galing sa mga lahi rin nilang ayaw sila tigilan,gusto silang patayin hanggang hindi sila bumabalik sa panig nila.Habang nagkakasiyahan Ang lahat,si Zach ay hindi mapakali,para bang may pumipigil sa kaniyang maging masaya,kaya lumabas muna sya sa bahay nila.Paglabas niya ay kaniyang nakita ang malalaking hukbo na papasugod sa bahay nila.Dali daling pumasok si Zach at sinabi sa magulang na "Avi,Wuki,sinusugod na naman tayo ng mga hukbo ni Hubi,tayo na at baka maabotan tayo".Umalis na nga ang mag-anak ,kaya para hindi na sila muli pang maabutan at makita ng kalaban nila ay napagpasyahan ng mag-anak na manirahan sa mundo ng mga tao.Kaya agad silang bumaba sa lupa at nakipagsalamuha sa mga tao,inaral nila ang pagiging katulad ng mga tao,kung papaano ito kumilos,manamit,at pati ang pamumuhay at lingwahi nito.Pagkadarating nila doon,nahihirarapan silang maghanap ng mapagtutuluyan,hanggang sa may nakakita sa kanilang babae,na si Jota at tinanong ,"Ahmm,saan po kayo pupunta?May hinahanap ba kayo?,tanong ni Jota sa kanila."Ahh,oo,naghahanap kasi kami ng matutuluyan",sagot naman ni Zach Kay Jota,si Jota ang matalik na kaibigan ni Zeah.Biglang tumahimik si Jota dahil sobrang siyang napopogian kay Zach."Ahhh,miss,matutulungan mo bah kami?",tanong niya dito."Ahhh,o-oo naman ,hali kayo sumunod kayo sa'kin",sagot ni Jota.Sumunod nga ang mag-anak kay Jota at dinala sila sa isang paupahan."Dito,dito kayo titira.Ito ang paupahan ng tiyahin ko",sabi ni Jota."Paupahan?",tanong ng nakakabatang kapatid ni Zach na si Kwen."Paupahan,dito kayo maninirahan at dapat magbayad kayo kada buwan para hindi kayo paaalisin ng tiyahin ko,hindi niyo ba alam yun?Saan ba talaga kayo nanggaling?",tanong ng Jota sa kanila."Ahhh,hindi eh.Ngayon lang talaga kami nakarinig ng salitang yan,nakatira kasi kami noon sa bundok,at hindi namin alam ang kalakaran ninyo dito sa syudad",sagot naman ni Zach."Ahhh,kaya pala,hali na kayo,ipasok niyo na ang mga gamit niyo.Ahmmm,tika may pera ba kayo?",tanong ni Jota Kay Zach."Ahmmm,ito lang meron kami ehhh,ok na ba to?,tanong ni Zach sa Jota habang inaabot ang limang piraso ng ginto na kasing laki ng limang piso sa mga tao."Wohhh,ano to?Ginto?Naks,cge,ok na toh,akong bahala sa inyo",sagot naman ni Jota habang namamangha parin sa ibinigay nila dito na ginto.Naging ok naman ang pananatili nila doon,sa bago nilang tinitirhan. "Zeah,may sasabihin ako sayo",sabi ni Jota sa kaibigan niyang si Zeah."Mamaya na Jota pupuntahan nalang kita sa paupahan ninyo mamaya,may gagawin muna ako,ok ba yun?",sagot ni Zeah habang ngumingiti.Nang dapit hapon ay pinuntahan nga ni Zeah si Jota doon sa paupahan nito."Jota!Jota!",sambit ni Zeah habang papasok sa paupahan nila Jota.Sakto at nandoon ang tiyahin ni Jota sa may pinto,"Tita, nandyan po ba si Jota?",tanong niya dito."Ayy si Jota?Umalis ehh,may lakad daw siya,akala ko nga magkasama kayo.",sagot naman nito sa kaniya."Ahh,ganon po ba?Sige po babalik nalang po ako ngayong gabi.",sabi niya habang papaalis na.Sakto naman,habang papalabas si Zeah sa gate ng paupahan,ay nakasalubong niya si Zach.Sa mga oras na yun ay abala si Zach sa pagbabasa sa mga papilis na kakailanganin nila para makipagsabayan sa mga tao.Habang si Zeah ay abala ring sa pagtext Kay Jota.Kaya nagkabungguan ang dalawa."Aray!!",sambit ni Zeah nang nagkabungguan sila."Ayyy, paumanhin miss,sagot naman ni Zach habang dali daling pinulot ang mga papilis."Ano ba hah?Hindi mo ba nakikitang may tao hah?Ang laki ng daan tapos bubungguin mo pa ko?Nahulog tuloy tong telepono ko",sambit ni Zeah na galit na galit habang pinupulot ang telepono niya.Nang nagtinginan ang dalawa ay biglang bumagal ang mundo ni Zach."Ang Ganda",Sabi ni Zach sa sarili,habang manghang mangha sa itsura ni Zeah kahit nakabihis lalaki ito."Hoyy!!Ano hah?Tignan mo nga itong telepono ko,muntikan ng masira!Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo ehh",Sabi ni Zeah na nakasimangot dahil sa pagbunggo ni Zach sa kanya."A-a-ahhh,paumanhin,anong pangalan mo?",tanong ni Zach sa kaniya."Anong pangalan hah?tingnan mo nga ohh ang ginawa mo sa telepono ko,palibhasa kasi parang mayaman ka,kaya ka ganyan!",sagot naman ni Zeah,habang umiinit na ang ulo."Ahmmm,babayaran ko nalang yan,magkano ba yan?,tanong naman ni Zach sa kanya."Cheeee",sambit ni Zeah habang papaalis.Nang umalis si Zeah ay napangiti si Zach na para bang may naramdamang kilig sa kaniyang sarili. Pagkagabi ay bumalik si Zeah sa paupahan nila Jota.Sakto at nandoon na si Jota,kaya tinawag niya agad ito."Jota,saan ka bah nanggaling kanina?",tanong niya habang papalapit kay Jota."Ayyy,tinulungan ko lang yung bago namin nangungupahan.Ayyy,yun pala ang gusto kong ikuwento sayo,halika",sagot niya kay Zeah.Pumasok sila sa kusina nila."Ohh,meryenda ka muna Zeah",sabi ni Jota kay Zeah."Ahhh,cge ,salamat Jota hahh",pasasalamat ni Zeah habang nakangulot ang kilay."Ohhh,bakit parang hindi ka masayang nandito ka?",tanong ni Jota sa kanya."Ayyy,hindi,may nagkabungguan Kasi ako kanina habang papaalis ako kanina dito,kasi nga pinuntahan kita kanina dito diba?",sagot ni Zeah kay Jota."Tapos?bakit ka ganyan?",tanong naman ni Jota."Ehhh,kasi naman sobrang hambog ng lalaki yun ehhh,akala mo naman kung sino",sagot ni Zeah kay Jota."Guwapo bah?Nakuha mo bang pangalan?",pabirong tanong ni Jota."Pangalan ba kamo?Siguro ang pangalan non Hambog ,kasi sobrang hambog niya", pabirong sagot din ni Zeah."Ayieee,umiibig na bessy ko",sambit ni Jota."Naku,tigilan mo nga yang sinasabi mo Jota,kahit kailan hindi ako magkakagusto sa mga lalaking yan noh",seryosong sagot ni Zeah.Tumawa nalang si Jota sa reaksiyon ni Zeah."Oo nga pala,ano nga yung ikukuwento mo sa'kin?,tanong ni Zeah."Ayyy,oo,tungkol sa bago naming nangungupahan",sagot naman ni Jota."Bakit?Anong miron?",tanong ni Zeah."Hindi,kasi ipapakilala ko sana siya sayo baka kasi maging magkaibigan rin kayo non",sabi ni Jota."Ano ba yon,lalaki?babae?",tanong ni Zeah."Lalaki ",sagot ni Jota."Lalaki?Naku,wag na,baka tutuksuin mo na naman ako",sambit ni Zeah."Sige na Zeah,parang mabait naman yun ehhh,pogi,tsaka galanti,akalain mo,pera ang hiningi ko pangbayad sa upa,tapos ginto ang binayad sa'kin",sambit naman ni Jota."Ginto?Kung may ginto sila,bakit hindi nalang sila bumili ng sarili nilang bahay?O di kaya magpagawa sila?Bakit dito pa sila naninirahan?,tanong ni Zeah sa kaibigan."Iwan ko rin ehhh,basta,ang sabi niya sa'kin ,sa bundok daw sila noon nakatira,baka may lupa sila doon",sagot naman ni Jota."Baka nga",sambit ni Zeah."Basta bukas Zeah,pakilala kita,sigurado ko ,pag nakita mo yun,mamamangha ka talaga,basta makikita mo bukas,punta ka dito hah",sambit ni Jota."Ahhh,sige Jota,mauna nako ha,parang lumalalim narin kasi ang gabi,salamat sa meryenda hah",sambit ni Zeah habang papaalis na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD