Chapter 1

1224 Words
Ang nilalaman ng istorya na ito ay pawang imahinasyon ko lamang ngunit isang malaking inspirasyon ko ang libro ng revelation. Maraming salamat sa inyong pagtangkilik sa maikling istorya na ito. May SPG po ito, kung minor ka please huwag mo na po ito basahin. ------------ "TAKBO!!" malakas na boses ng isang lalaki ang narinig ko. Binilisan ko ang aking pagtakbo, at halos manginig na ang aking tuhod. "HUWAG KANG LILINGON! TUMAKBO KA LANG!" narinig ko ulit ang boses ng lalaki. Mas binilisan ko ang aking pagtakbo at nakarinig ako ng mga yabag na parang may humahabol sa akin. "Patayin!" sigaw ng mga nasa aking likod. Mas lalo akong nakaramdam ng takot. Anong nangyayari? Bakit ba ako tumatakbo ngayon? "MAGTAGO KA SA ILALIM NG PUNO!" sigaw ulit ng lalaki. Hinanap ko ang puno na tinutukoy ng lalaki at ng makita ko 'yon at mabilis akong nagtago sa ilalim no'n. Pakiramdam ko ay ginawa para sa akin ang taguan na 'yon dahil kasyang-kasya ako roon. "Nasaan na 'yon?" "Doon ka sa kaliwa at doon ka sa kanan!" "Hindi pa nakakalayo ang babaeng 'yon!" "Pugutan niyo agad ng ulo para hindi na mabuhay 'yon! Ang ayaw sumamba sa ating tagapagligtas ay dapat mamatay!" Mas lalo akong nanginig sa takot ng narinig ko ang mga pinagsasabi nila. Napasulyap ako ng konti at nakita ko ang limang kalalakihan na may hawak ng tabak. May takip ang kanilang mukha at may nakalagay na maliit na sumbrero sa kanilang ulo. Sino sila? Bakit ganito ang ginagawa nila? Ano ba ang nangyari? "Marami pa silang nagtatago, mahahanap din natin sila haha!" "Matutuwa ang diyos natin, hindi ako makapaghintay sa mismong gantimpala ng ating ama!" Naramdaman ko na umalis na sila ngunit hindi ko mapigilan ang sarili ko na huwag umiyak. ------- Naramdaman ko ang malakas na sampal sa aking pisngi kaya natauhan ako. Anong nangyari? Nakita ko ang mga kasamahan ko sa trabaho na nakatingin sa akin. "Hoy! Maribel, okay ka lang ba? Bigla ka na lang lumuha habang nakatulala sa kawalan!" nag-aalalang sabi ni Wena sa akin. Napahawak ako sa aking pisngi saka tumingin sa kanya. "Oh! Huwag kang magalit dahil ginawa ko lang 'yon para magising ka!" depensa niya sa kanyang sarili. Tumango lamang ako at hindi makaimik. Bakit pakiramdam ko ay totoo ang bagay na 'yon? Bakit gusto nila akong patayin? "Maayos na ako at saka salamat," mahinang sabi ko. Hinaplos ko ang aking batok saka minasahe ng mahina. "Siguro pinagod ka masyado ni Arturo ano? Ang daming nakakita sa inyo sa motel," biglang bulong ni Wena sa akin. Ngumiti lang ako ng malamya. Alam ko naman kasi na chismosa siya, ipagsasabi niya rin ang mga sasabihin ko. "Paano kita sasagutin kung alam ko na ipagsasabi mo rin naman sa iba ang malalaman mo sa akin," mataray na sabi ko saka kinuha ang aking brush. Hindi nakatakas sa aking paningin ang pasimple niyang pagmumura at pag-irap sa akin. Hindi naman ako uto-uto! "Grabe ka naman sa akin beh! Pagkatapos kitang tulungan saka ka gaganyan," pangongonsensya niya sa akin. Tumingin ako sa kanya at nakipagtitigan. "Oh, hindi ba sa mismong bathroom natin pinagkalat mo na puta ako? Na bayaran akong babae? Let me tell you this, darling, hindi ako puta, at mas lalong wala silang pinangbabayad sa akin," diretsong sabi ko na ikinalaki ng kanyang mga mata. "Sinungaling ka! Imposibleng sabihin ko 'yon," galit na paanas niya at ng makita ko ang agresibong akto niya ay mabilis ko siyang sinampal. "Ikaw ang sinungaling, huwag kang magmalinis, kung puta man ako sa mata mo, pero mas puta ka sa mata ng mga katrabaho natin," gigil na wika ko. Hindi siya makapaniwala sa aking tinuran. "Alam ba ni Jannet na kinakalantari mo ang boyfriend niya?" Malakas na sabi ko kaya nakita ko ang paglingon ni Jannet. Namutla naman ang boyfriend nito na nasa isang tabi. "Hoy! Maribel, masyado kang mapaggawa ng kwento alam mo ba 'yon? At saka patunay ka ba na may ugnayan kami ni Jarret?" gigil na tanong sa akin ni Wena na mas ikinatawa ko. Lumapit naman agad si Jannet sa amin kahit pinipigilan na siya ng boyfriend niya. "Kaya maraming may ayaw sa'yo kasi isa kang puta!" galit na sigaw sa akin ni Wena. Tumawa ako lalo saka seryosong tiningnan siya. "At least hindi ko hilig ang mang-agaw ng pagmamay-ari na ng iba, ikaw nga itong maraming kinakalantari at saka patunay? Mayroon ako akala mo ba wala?" pang-aasar ko sa kanya. Namutla lalo tuloy ang boyfriend ni Jannet. Nakatingin lamang si Jannet sa akin at hinihintay ang sasabihin ko. Pero tumingin lang ako sa kanya ng may halong pang-aasar sa kanya. "Ilabas mo ang proweba mo para malaman nila na nagsisinungaling ka," gigil na wika ni Wena sa akin. Napansin ko ang pagiging aligaga niya. "Huwag kang mag-alala, tatlo kasi ang susugod sa'yo rito sa trabaho," nakangising sabi ko. Umupo ako sa aking upuan saka nagtipa ng kung anu-ano sa computer. "Sinungaling ka talaga! Napakasinungaling mo talaga!" galit na wika ni Wena at aastang susugurin ako ng kinuha ko ang alcohol spray ko saka ko itinutok sa kanyang mukha. "Mag-ingat ka kay Ma'am Kia, nangangagat 'yon lalo nat alam niya na kinakalantari mo si bossing," pananakot ko na ikinatigil niya. Hinalakhakan ko tuloy siya na parang bruha. "And Jannet, may isang taong magse-send sa'yo ng proweba na tinatraydor ka ni Wena. In three, two, one.." bilang ko habang nakangisi. Sumakto naman na tumunog ang messenger ni Jannet saka nanglaki ang kanyang mga mata. Masama siyang tumingin kay Wena na may takot sa kanyang mukha. "Hayop ka! Wena, akala ko kaibigan kita pero ganito pala ang gagawin mo sa akin!" galit na sabi ni Jannet saka mabilis na sinugod ni Wena. Nagkagulo na sa mismong kwarto ng dumating si Ma'am Kia kasama ang manager namin na hinahanap si Wena. Nagtataka ang mga ito at napatingin sa dalawang nagsasabunutan. "Anong nangyayari rito? Nasaan si Wena?" sabay na tanong ng manager namin at ng asawa ng boss namin. Nagkatinginan pa sila parehas. "Sinugod po ni Jannet si Wena kasi nalaman niya na nakipag-motel ito sa boyfriend niya," sumbong ng isa kong katrabaho. Naging malumanay ang mukha ko saka ako palihim na nailing. "Makati ka talaga!" galit na sigaw ni Ma'am Kia saka nakisabunot sa kawawang si Wena. Nakisabunot din ang manager namin at kita ang galit sa mukha nito. "Hayop ka! Wena, ginago mo pala ako! Nakikipagtagpo ka pala sa asawa ko!" galit na sigaw ng manager namin saka sinipa ni Wena sa kanyang hita. Natumba naman si Wena saka humagulgol na parang bata. Hindi makapaniwala ang mga kasamahan namin sa aking palabas. Papauwi na ako ng lumapit sa akin si Jude. "Kilala mo ba kung sino ang nag-send kay Jannet ng proof?" tanong niya sa akin. Ngumiti ako sa kanya saka ngumisi. "Yes," nakangiting sagot ko. Huminga ito ng malalim at nakita ko na parang aligaga na ito. "Sige nga, sino?" Tanong niya sa akin. "You," sagot ko na ikinatameme niya. Nakaramdam ito ng takot at mabilis na iniwas ang kanyang mga mata sa akin. "Paano mo nalaman na ako 'yon? Dummy account ang gamit ko no'n," mahinang sabi niya sa akin. Nagkibit balikat sa kanya ngunit hindi ko na siya tinanong. Wala naman siyang mapapala kung sasabihin ko kung bakit eh. Magsasayang lang ako ng laway upang magpaliwanag kung bakit nakikita ko ang mga pangyayari na bago pa maganap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD