bc

Underworld: School of Evil

book_age16+
22
FOLLOW
1K
READ
adventure
dark
student
no-couple
scary
loser
demon
magical world
rebirth/reborn
weak to strong
like
intro-logo
Blurb

Ang kwento ay tungkol kay John Mark Garcia, an unsociable boy na ipinamigay ng kanyang mga iresponsableng kamag-anak sa isang demonyo kapalit ng pera. Sunod na lang niyang natagpuan ang sarili sa tahanan ng demonyo at na-enrol pa sa sikat na paaralan ng Underworld.

With this unexpected twist in his ordinary life, John embarked on different adventures full of uncertainty. We invite you to follow John's new school life in the demon world as a human in the notorious School of Evil.

chap-preview
Free preview
UNDERWORLD
J O H N Sa mundo na hindi na-aaninagan ng liwanag, kung saan itim ang langit sa umaga at kulay dugo naman sa gabi, nakatira ang mga nilalang na kung tawagin ng mga tao ay demonyo. Mga nilalang na katumbas ang salitang kasamaan at ang pagiging makasalanan Ito ang mundo na nakakubli sa dimensyong kahalili ng mundo ng mga tao. May iba’t ibang bersyon ng pangalan ng lugar na ito ang mga mortal; Tartarus, Abaddon, Duat, Purgatory, Inferno, Hell, at marami pang iba. Nakadepende na lang kung anong mito o relihiyon ang iyong pinaniniwalaan. Pero mas gusto ko na tawagin ito na Underworld, tutal ito rin naman ang tawag ng mga demonyo sa mundo nila. Ito ang lugar na sa paniniwala ng marami ay tapunan ng mga makasalanan upang sila ay parusahan. Subalit, lingid sa kanilang kaalaman na ang mundo na ito ay walang pinag-iba sa mundo ng mga tao. Maniwala ka sa akin dahil matagal-tagal na rin akong nakatira rito. May dagat ng apoy rito, iba’t ibang uri ng mga hayop na mistulang mga halimaw, may ilog na gawa sa asido, at iba pang mga bagay na mailalarawan ng mga tao sa impyerno. Pero sa totoo lang ay isa lamang ito sa maraming mukha ng Underworld. Sa katunayan ay lumitaw ito kasabay ng mundo ng mga tao. Sa sandaling nagkaroon na ng kasarinlan ang mundo ng mga tao ay nagsimula na rin na mabuo ang Underworld. Mga sungay at buntot na may iba't ibang hugis at anyo. Mga nilalang na aakalain na nagmula sa imahinasyon ng isang manunulat. At mga abilidad na daig pa ang mga engkanto dahil sa hiwaga at lakas. Mayroon ng mga ito ang Underworld, at ito rin ang mga bagay na natatangi sa mga residente ng mundong ito. Demon o demonyo ang tawag nila sa kanila mga sarili, isang bagay na tama ang mga tao, maliban sa parte na sila ay masama. Kagaya ng mga mortal sa mundo ay mayroon din silang kanya-kanyang pamilya, sistema sa komunidad, paniniwala, at personalidad. Malayong-malayo sa kilala nating mga mapanira at makasalanan na mga nilalang. Ipinagdiriwang ngayon ang ika-anim na libo at anim na raan animnapu't anim na taong anibersaryo ng Demon King ng Underworld. Nasa kalagitnaan kami ng parada ngayon kasama ang mga demonyong kasing edad ko. Ako si John Mark Garcia, isang dating simpleng senior high school student. Pangkaraniwan. Siguro ay ito na ang pinaka-akmang salita para ilarawan ako. Mayroon akong isang karaniwang pangalan at karaniwang pagkatao. Hindi ako exciting kasama. Payak ang hitsura’t dating ko. Sabi nga nila ay boring daw akong tao. Hindi ko rin naman sila masisisi dahil totoo rin naman ito.  “All hail to the Demon King our Lord! All hail to the Demon King our Lord! All hail to the Demon King our Lord!” ang paulit-ulit na pag-chant ng mga demonyong nadadaanan ng parada. Kinakabahan parin ako. Sino ba kasi ang hindi kung umabot ako sa puntong ito ng hindi sadya. Isang taon na rin ang lumipas simula noong pumasok ako sa kaisa-isang paaralan ng mga demonyo. Marami ng mga mahiwagang nangyari sa buhay ko. Pero mas mainam siguro kung sabihin ko na simula noong tumuntong ako sa mundong ito ay nagbago na ang ikot ng buhay ko. Nakakabingi ang hiyaw ng mga manonood. Isa pa ngayon lang ako nakakita ng ganito kadami na mga demonyo sa iisang lugar. Kung maraming mga demonyo sa eskwelahan namin ay mas marami rito sa daan. Ang mas nakakamangha pa ay halos mga matatandang demonyo na ang lahat ng mga nandito. Kitang-kita ang kanilang mga higanteng mga sungay, mas maliwanag na ang kulay ng kanilang mga balat, mas malaki sila, at higit sa lahat ay mas nakakatakot silang tingnan. Isa akong tao. Ngunit walang nakakaalam tungkol dito at wala dapat ang makaalam ng sikreto kong ito. Wala dapat dahil baka kainin nila ako o saktan kapag nalaman nila na may taong nakapasok sa mundo nila. Paano ako napunta sa mundo ng mga demonyo? Dahil lang naman ito sa kasakiman ng mga kamag-anak ko. Hindi naman ako mahalaga sa kanila kaya ay ibinigay nila ako sa isang demonyo kapalit ang lipak-lipak na salapi. Naiintindihan ko na mga sakim sila pero grabe naman ata ang ipamigay na lang ako basta-basta sa demonyo. Sana naman ay maubos sa sugal ang pera nila at maghirap sila ulit. At paano nila nakausap ang isang demonyo na mula sa Underworld? Kung ano man ang sagot ay hindi ko alam, hindi na rin ako magtataka dahil marami na akong nakitang mahiwagang bagay sa mundong ito, higit pa sa pagtatawag ng demonyo. Isa pa hindi naman talaga sila naging mga magulang sa akin. Naninirahan ako sa kanila pero kahit kailan ay hindi nila ako binuhay.  Nagtatrabaho ako para sa sarili ko, kung minsan pa ay hinuhuthutan nila ako ng pera. Kaya nga hindi na ako nagugulat sa tuwing sinasabi ng iba na boring ako. Dahil hindi kagaya nila ay hindi ako nabuhay ng komportable. Wala akong mga magulang na mag-aaruga sa akin. “Magandang umaga sa inyong lahat!” bati ng emcee na nakasakay sa isa sa mga float ng parada.  Nagpalinga-linga ako para hanapin siya pero mukhang malayo ang float ng emcee sa float ng klase namin kaya naman ang maliit na ulo niya lang ang natatanaw ko mula rito. “Today marks the 6,666th anniversary of our Demon King! It's been six millennia since the creation of our Underworld. And today is also the day our young demons will manifest their family traits!” Nanginig na naman ako sa kaba nang marinig ko ang anunsyo ng emcee. Sa araw na ito ay tiyak ako na mabubuking na ang pinaka-tago-tago kong sikreto. Wala naman kasi akong maipapakita na family traits sa kanila dahil isa akong hamak na mortal. Nararamdaman ko na ang katapusan ko. Subalit, bago ito mangyari ay hayaan niyo muna akong ikuwento kung paano ako humantong sa napaka-delikadong sitwasyon na ito. Nagsimula ang lahat nung araw na ako ay pumanaw, June 6. Pauwi na ako ng bahay galing sa eskwelahan. Patawid na ako sa kalsada, pero hindi ko na narating ang kabila. Sunod ko na lang na natagpuan ang sarili ko sa mundong ito, at simula noon ay hindi ko na muling nasilayan pa ang maliwanag na sikat ng araw at ang asul na kalangitan ng mundong ibabaw.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
170.0K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
127.1K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.9K
bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
41.4K
bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
40.8K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.2K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook