CHAPTER 2

1077 Words
Mag two months ng nagtrabaho si Rochelle sa hardware ni Boss Sugo. May kalakihan din iyong hardware at nasa 20 katao silang trabahador. Karamihan ay kalalakihan at dalawa silang babae ni Jesselle. Siya ang nasa cashier at ito naman ang tumatayong secretary ng Boss nila. Halos karamihan ng kabinataan at nagpapalipad hangin sa dalaga. Kahit na nga ang iba ay may sabit na o asawa at dumidiskarte sa kaniya na madalas niya lang barahin ang mga ito.Nungca pumatol siya sa mga pag mumukha ng mga ito.Wala sa kalingkingan ng pangarap niyang Prince Charming ang mga ito. Break time at wala naman gaanong customer kaya nagagawa nilang magkwentuhan ni Jesselle ng lapitan ni Dong. Inabutan siya nito ng cheese cake at chilled bottled ng c2 with matching one pieces of gumamela pa. Pigil niya ang matawa gumamela na nga lang tinipid pa. Hindi niya sana tatanggapin ang binibigay nito kaya lang nagsusumamo ang mga mata nitong nakatingin sa kanya kaya tinanggap na rin niya.Isa pa nakakailang beses na niyang tinanggihan ito. Ang gumamela ay inilagay niya sa tainga ng kaibigan. "Dong thank you ha pero sana di ka na nag abala pa."anito na inayos niya ang pagkakalagay ng gumamela sa buhok ng kaibigan. "Pero itong gumamela hayaan mo ng sa friendship ko ibigay hindi mo lang alam na favorite niya yan."ani Rochelle at tinakpan ang bibig ng kaibigan ng umastang aangal ito. "Ay bongga bagay sayo friendship kamukha mo na si Marimar!"ani Rochelle sa kaibigan na winawarningan ng tingin na sakyan na lang siya. Sa lahat ng tauhan ng hardware na nangahas na manligaw sa kaniya si Dong lang ang may itsura sa lahat,yun nga lang isa itong taga timpla ng simento na ginagawang hallow blacks.Mabait naman ang binata kaya lang hindi niya type,hindi ito papasang prince charming niya. "Ay naku Dong kung ako sa iyo wag mo ng pag aksayahan ng oras itong si Baby Chelle ako na lang ang ligawan mo handa naman kitang saluhin".biro ni Jesselle Kay Dong. "Ano bang type mong Prince charming Rochelle? Tanong ni Dong sa dalaga na kanina pa nakatanghod sa labas. "Speaking of my Prince charming siya na ata ang Prince na hinihintay ko."kinikilig na walang kurap na tinitigan ang lalaking nakatayo sa labas ng kotse nito sa mismong harap ng hardware.At ang lips nito natalo pa mga labi niya sa pula,para bang ang sarap halikan ng mga labi nito. "Pasok sa banga friendship ang gwapo niya at mukhang masarap halikan ang mapupula niyang labi."kilig na kilig na pinagmamasdan ito. Gwapo at papasang pang cosmopolitan ang tindig at katawan nito.Nakasuot ito ng white branded long sleeve na nakatupi sa bandang ibaba ng siko. Mamula mula ang balat at mukhang mayaman ang lalaking busy sa kausap sa mamahaling cellphone nito. Nakaparada ito sa tapat ng hardware nila na pang customer lang laan. Wala siyang balak na sitahin ito sa pagpark ng kotse kahit halata namang wala itong bibilhin. Saka niya napansing flat ang gulong ng unahang bahagi ng kotse nito. Namula ang mukha ni Rochelle ng mahuli siya nitong nakatingin dito,wala sa loob na ininom ang c2 na kanina pa nya hawak. Nasamid siya ng makitang papalapit ito sa kanila. "Friendship hinay hinay lang hindi ka pa naman aalukin ng kasal"biro ni Jesselle. Lalo lang siyang nasamid sa biro ng kaibigan,lalo na at sa kanya dumako ang tingin nito habang kinakausap si Dong. Maya maya lang lumabas na ang dalawa. "Ni ha ni ho walang paalam na umalis."maktol ni Rochelle "Assumerang palaka to!ano jowa ka ba nya para mag paalam sa yo"anang kaibigan. Inirapan ito ni Rochelle"basag trip ka talaga" Pinagtawanan siya ni Jesselle. Pero nakatunganga pa rin siya sa labas particular sa lalaking nakatalikod. Parang gusto nyang sugurin ng yakap ito. "Hays sarap siguro nyang yakapin ang bango!"ani Rochelle na nangangarap na nakamasid dito. "Hoy Rochelle maaga pa para mag day dream."ani Jesselle "OMG I think I'm in love siya na nga ang Prince charming ko."ani Rochelle na nag flying kiss pa dito na saktong napalingon sa kanila. Bigla siyang napatalikod at namumula ang mukha. Huling huli siya nito na hindi man lang ngumiti. Nakita nilang sumakay ito ng kotse nito.Lumapit ang mga kalalakihang tinawag ni Dong para itulak ang kotse nito patungo sa di kalayuang vulcanizing. "Damn!"nasipa ni Bruno ang gulong ng kotse ng makitang flat ang gulong nito.Nagpark siya sa parking lot ng isang hardware para di makaabala sa ibang sasakyan. Tinawagan nya ang kanyang broker at ang taong kausap sa 10 hectares na lupain na interesado nyang idevelop. Habang may kinakausap siya sa phone Napa tingin siya sa isang dalagita. Hindi nya ito pinansin,sanay na siya sa mga babaeng nagpapapansin at lantaran magbigay ng motibo sa kanya. Pero ang isang to masyado pa atang bata. Napapailing siya kabataan nga naman ngayon instead na pag aaral ang tuonan ng pansin ay pagpapacute sa boys ang inaatupag. Tinapos nya ang pakikipag usap at nilapitan ang mga ito para itanong kung saan may vulcanizing. Wala namang ibang tao para mapagtanongan. She look cute ng makitang nagblush ito. Pero hindi nya type ang pumatol sa isang teenager. Iniwan nila ang mga ito. Humanap naman ng mga kilalang tao ang lalaking nag ngangalang Dong para may magtulak ng sasakyan niya para makarating sa vulcanizing. Bago siya sumakay sa kanyang kotse sinulyapan nya ang dalagita. Huling huli niya ang pag flying kiss nito patungo sa kanya. Wala namang ibang tao sa kinatatayuan niya kundi siya lang. Papalapit pa lang ang tatlong lalaki na tinawag ni Dong. Binabayaran niya ang mga ito kapalit ng pagtulong sa kanya pero magalang namang tinanggihan ng mga ito. Nagpasalamat na lang siya lalo na kay Dong. Nang maayos at nahanginan na ang gulong tumuloy na siya. 30minutes na siyang late sa usapan. Gusto niya bago siya bumalik ng Manila mag inspect muna siya sa 10 hectares na lupain na nabili nya. Ito lang naman ang sinadya nya sa Cagayan. Babalik ulit siya dito after a months kasama na ang Engineer at Architect na inasign nya dito. Siniko naman ni Jesselle ang kaibigan na nakatulala. Nangangarap pa rin ang bruha. May isang oras na ang lumipas ng mawala sa paningin ang lalaking "inangking Prince charming" kuno nito. Malay ba nila kung binata pa yon o may asawa na. "Andyan na ang prince charming mo."bulong ni Jesselle. "Nsaan?bumalik ba?"natatarantang hinagod nito ang mahabang buhok. Itinuro nito sa pamamagitan ng nguso ang lalaking papasok. Hindi maipinta ang mukhang bumalik siya sa kaha ng makita kung sino ang tinutukoy ng kaibigan. Ang boss nyang mukhang biSugo.Akala pa naman niya nagbalik ang binata na kumuha ng kaniyang atensiyon.Hindi niya man lang nalaman ang pangalan nito kaya nanghihinayang siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD