CHAPTER 3

1021 Words
Nagbabakasakali si Rochelle na makita ang kanyang inaasam na Prince charming niya. Sa malas ni anino nito hindi na niya nasilayan. Sayang hindi man lang niya nalaman ang pangalan nito at baka sakaling mahanap niya sa f******k o kaya ma stalk niya man lang sa **. Araw araw niyang kinukulit si Dong baka alam nito kung anong pangalan ng binatang inaasam. "Hindi ka rin makulit noh!eh sa hindi niya man lang nabanggit ang kanyang pangalan. Basta nagpasalamat lang siya sa amin. Katunayan nga binabayaran niya kami sa tulong na binigay namin pero magalang naming tinanggihan."ani Dong sa dalaga. "Oist friendship tantanan mo nga si Dong sa kakatanong ng ngalan ng iyong Prince."saway ng kaibigang si Jesselle. "Malay mo naman ayaw lang nyang sabihin sa kin dahil binasted ko siya.O baka ayaw niya lang ipaalam sa kin syempre maiinsecure siya sa gwapo pa naman ng Prince ko malamang hindi niya sasabihin,sinabi ko naman sa iyo Dong friends lang tayo di ba" Napakamot sa batok ang binata sa dami ng sinabi nito sa kaniya,kung alam ba naman niya ang pangalan ng binatang iyon sana nasabi na niya sa dalaga na alam naman niyang nakakuha sa atensyon nito. "Grabe ka!!kung alam ko nga ang pangalan niya bakit ko naman ipagkakait sa iyo?"ani Dong. May gwapong kustomer na pumasok kaya na natigil ang usapan nila. Three times na nilang nakikita ito. Ito ang bagong kustomer nila. "Hi!"bati nito kay Rochelle. "Hello!friendly namang kinausap ito ng dalaga.Gwapo rin ang isang ito at matangkad hindi papahuli sa Prince Charming niya. "By the way I'm Iago, What's yours?" "Nice to meet you Iago! I'm Rochelle, and Jeselle my friend." turo nito sa kaibigan na abala sa pag aayos ng mga documento na kailangan ng kanilang amo. "Nice to meet you girls."anang gwapong lalaki. "Ah-- taga dito ka ba?"Rochelle asked. "Actually bagong lipat lang kami dito." "So--wala ka pa palang gaanong kilala dito."ani Rochelle. "Parang ganun na nga,I'm thankful kasi nakilala ko kayo."ani Iago Madalas itong maging kustomer nila. Nakikipag kwentuhan kung walang tao. Para di lang masabing tumatambay ito sa hardware kahit ano na lang maisipan nitong bilhin. Nagiging close na rin ito kay Rochelle. Minsan hinahatid pa siya nito sa bahay nila na hindi nagustuhan ng ama. Pinagsabihan siya nito na wag makipaglapit at iwasan na lang ang binata. Hindi naman ito sinunod ng dalaga. Wala namang ginagawang masama ang binata sa kanya. Hindi nga nagtagal at maraming kumakalat na rumor's sa binata na di niya pansin dahil maayos naman itong nakipag kaibigan sa kanya. Bukod sa gwapo na at mabait din ito sa kanya. Hanggang dibdib nga lang siya nito. "Pasensiya ka na sa tatay ko,Iago ganun lang yon."hinging paumanhin ng dalaga. Hindi kasi pinansin ng ama ang binatang naghatid sa kanya. "Its okay!!"He said. "Ahm...salamat sa paghahatid mo sa kin,paano pasok na ko uwi ka na. Ingat ka ha." "Your welcome basta ikaw,pasok na kanina ka pa tinatawag ng tatay mo. Uwi na rin ako."paalam nito. Gwapo nga at mabait ito pero mas type nyang maging boyfriend o higit pa ang Prince charming niyang unknown pero positive thinkers siya. Nararamdaman nyang makikilala rin niya ito. Pag nagkataon hindi nya palalampasin iyon. Naiinis siya sa tatay niya kasi naman hindi man lang nito pinansin si Iago ng ipakilala niya. Alam niyang ayaw nito sa binata lalo pa at maraming negative na balita tungkol sa binata. "Tay naman bakit niyo naman binastos si Iago?"sita niya sa ama. "Lahat ng kaya naming ibigay ng nanay mo ginagawa namin. Lahat ng gusto mo sinusunod namin dahil mahal ka namin anak. Pero ang makipag lapit dyan sa Iago na yan ang hindi ko mapapayagan." "Pero 'tay wala namang ginagawa yong tao ah! Magkaibigan lang kami,walang masama dun."maktol níya. "Sa ngayon magkaibigan kayo. Hihintayin pa ba namin na manligaw o magkaroon kayo ng relasyon ng higit pa sa pagkakaibigan? Ngayon pa sinasabi ko na sayo Rochelle na layuan mo yang Iago na yan." "Ang OA nyo naman tay. Magkaibigan lang kami nung tao,ligaw ligaw na agad ang takbo ng isip nyo." "Hanggang maaari umiwas ka na sa kanya Rochelle. Mula ngayon ayokong nakikitang magkasama kayo ng lalaking yon." "Pero tay,mabait po si Iago hindi tulad ng iniisip nyo." "Mabait??nahihibang ka na ba? Sabihin na nating mabait maliwanag lang na ayokong makipaglapit ka sa kanya. Maraming nagsasabi na pusher ang lalaking iyon. May nakikita ka bang trabaho yon? Sa ganda at branded na suot nun malamang sa pagiging tulak ng drugs ang lahat ng meron siya." "Grabe napaka judgemental niyo naman. Napansin niyo pa talaga na branded mga suot nya grabe kayo. Tay rumor's lang ang mga naririnig niyo,alam niyo naman ang mga taong walang magawa sa buhay kasiyahan na nilang pag usapan ang buhay ng iba." "Rochelle makinig ka nga sa tatay mo.Ayaw ka lang naming mapahamak anak. Mas ikabubuting iwasan mo na ang Iago na yon."anang kanyang ina na hindi nakatiis sa pagtatalo nilang mag ama. "Ewan ko sa inyo basta ako mabuti siyang tao." "Kung hindi mo rin kayang iwasan ang lalaking yon,at magiging dahilan ng pagkakasira nating mag ama,ngayon pa lang ipapadala kita sa Manila doon sa poder ng ninong mo. Tutal naman matagal mo ng gusto na makarating ng Manila. Atleast doon sa ninong mo panatag ang loob ko,mabibigyan ka nya ng trabaho."ani Mang Roger. "Pero tay--- "Walang pero pero nakapag desisyon na ko,matulog ka na."his father said. Kanina pa gustong umagal in Rochelle lahat ng mga ungot nya pinagbibigyan ng magulang nya. Gusto nyang ipagtanggol si Iago sa mga paratang dito. Seryoso ang kanyang ama na iiwas sa binata. Kung dati ayaw siya nitong payagan na lumuwas ng Maynila. Ngayon naman ay ipinagtutulakan siya ng dahil lang kay Iago. Hindi nya malaman kung matutuwa o maiinis. Matagal na nyang inaasam na makarating ng Manila to find job,kaya lang tutol ang ama. Nahihiya siya kay Iago dahil sa inasal ng kanyang ama. Lalo na ang maniwala ang mga ito sa mga balibalita. Close sila ng binata pero wala naman itong binabanggit sa kanya kung ano talaga ang trabaho nito. Ayaw naman nya mag usisa,para na ring hinusgahan nya ito. Isa pa magkaibigan lang naman sila. Hindi big deal ang trabo nito sa pag kakaibigan nila. Papaano pala kung totoong may kinalaman nga ito sa drugs? Kung pusher o kaya naman gumagamit din ito? Wala naman sa itsura nito ang adik. Hindi na siya pinapasok ng ama sa hardware. Tumakas siya at pumasok pa rin siya pero wala pang kalahating oras sinundo na siya ng galit na ama. Alam kasi ng kanyang ama na pinupuntahan siya ni Iago sa hardware. Pinalitan din ng kanyang ama ang sim nya,para daw hindi matawagan ng binata. Spoiled siya sa magulang pero sa pagkakataong yun hinigpitan siya ng mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD