Chapter 2: Maid

2524 Words
Gianna's POV Cass keep on talking and leaving me some advices before we officially separate. "Tawagan mo ako Gianna kapag dumating ka. Tumuloy ka muna sa apartment, suite or anything na pweding matuluyan." Nag-aalalang usal ni Cass at inabot sa akin ang limang libong pera. Napanganga ako at tinignan siya upang humingi ng ekplenasyon pero mukhang hindi niya napansin yun dahil kanina pa siya nagpapanic. She is very worried at my plan. "Seriously? You want me to go in hotel in this amount?! You think I can survive in this 5 thousand pesos?" Hindi makapaniwalang tanong ko kaya napairap siya sa akin. "Wala akong dala na kahit ano Gianna. Sana sinabi mo ng maaga na tatakas ka pala para naman nakapaghanda ako ng pera." Magsasalita pa sana ako pero paalis na ang bus na sasakyan ko papuntang Villanueva. Wala akong nagawa kundi ang magpaalam kay Cass. Her eyes and face was worried. She hugged me tightly before I go inside the bus. Nagising ako sa pagtigil ng bus. May mga pasaherong nagbababaan. Bago ako lumabas ay hiningi ni manong ang pamasahe sa akin. Almost 4 hours pala ang biyahe papunta dito. "Manong. Villanueva na po ba ito?" Magalang kong tanong habang hinihintay ang sukli. "Oo iha. Pagkababa mo, sa waiting shed ka maghintay. Doon ang sakayan ng tricycle papunta sa bayan niyo. Teka! Saang bayan ka ba pupunta?" Takang tanong nito kaya natahimik ako. "Ah! Hi-hindi ko po alam. Magpapasundo ako sa Tiya ko." Pagsisinungaling ko sa kanya. Sinunod ko ang sinabi ni Manong at pumunta sa isang waiting shed tsaka naghintay doon pero before that, I observe the passengers how to ride in tricycle. May isang ginang na medyo may edad na ang sumakay sa loob ng tricycle. "Sa Quirino Manong." Saad ng pasahero kaya sumakay na din ako. "Saan po Ma'am?" Tanong ng driver sa akin. "Quirino din po." Napasulyap sa akin ang isang ginang at marami siyang dalang plastic. Looks like she came from groceries. "Bakasyunista ka ba iha?" Tanong nito "Hi-hindi po." Mas naging curious ang mukha niya kaya pinagpawisan ako. "Taga dito ka kung ganun? Ngayon lang kita nakita." She said while still examining my face. "Hindi po. Naghahanap po ako ng trabaho dito." I gulped hard while answering her question. Really? Dito ako naghahanap ng trabaho imbes na sa manila? Would she believe that? "Sigurado ka?! Kung ganun wala kang pamilya dito? Saan ka tutuloy?" Usisa niya at hindi makapaniwala. "Sa apartment po or any place that are available to rent." Mas lalong kumunot ang nuo ng matanda dahil sa ingles ko. I want to slap my mouth, dapat mabawasan ko na kakaingles. She might suspect me. "Naku iha! Sa liit ng lugar na ito hindi uso ang apartment. Ang meron lang dito na maaring tulugan ay resort o boarding house. Kaya lang punuan ang boarding house dito dahil sa mga estudyante." Napasapo ako sa nuo. Ang galing mo Cass, nilagay mo ako sa lugar na parang bundok. "Mukhang baguhan yan dito Manang Hilda ah!" Komento ng tricycle driver sa akin kaya mas lalong tumitig sa akin yung matanda. I got concious kaya umiwas na lang ako ng tingin at nag-iisip kung saan pwedi magpalipas ng gabi. Nang bumaba ang matanda ay bumaba na din ako. "Wala akong bariya diyan Ma'am!" Gulat na saad nung lalaki at napakamot sa batok niya. "How about this?" Tanong ko kaya mas lalong napangiwi ang lalaki. "Kinse lang Ma'am! Sobra naman yang 500 na inaabot mo." Napaawang ako ng labi. Naiinip na hinihintay ni Manong driver ang pamasahe ko. But I don’t have kinse, puro papel na dilaw ang pera ko. “Ako na ang magbabayad sa kanya.” The old lady said and handed her money. She was watching me awhile ago, akala ko umalis na ito. "Naku! Mukhang hindi ka probinsyana ah. Galing kang syudad?" I want her to leave me alone pero nakasunod pa din siya sa akin at mukhang interesado sa akin. Ngayon ay magkasabay na kaming naglalakad. Should I walk with her? Pero saan ako pupunta? "Naglayas po ako." I told her the truth and she was surprised. "Bakit?!" Gulat niyang tanong. If I told her na mayaman kami ay mas lalo itong magdududa at baka magresearch tungkol sa akin. Now what? Don't tell me ay mabubuko na ako sa unang araw ko sa lugar na 'to. Napaisip ako bigla. Mali yatang sinabi ko na naglayas ako dahil baka lalo lang siyang maghinala. "I mean pinalayas po ako ng Tita ko. Noong bata pa lang po kasi ako namatay na ang parents ko tapos my realatives adopted me half-heartedly so now that I can live on my own, I need to be independent.” I explained the story I create. Nakita kong nakanganga siya sa akin na parang iniintindi pa ang mga sinabi ko. “Ah! Mayaman ka ba iha?” Takang tanong niya sa akin. My eyes rounded and automatically shake my head. “Hindi po! May kaya lang.” Saad ko at ngumiti. Napansin kong nabibigatan na siya kaya tinulungan ko ito sa mga bitbit niyang plastic. I hate lying but I don't have other choice right now. "Anong pangalan mo iha?" She asked again after thanking me for helping her. Nataranta ako bigla at hindi na nakapag-isip pa. "Gail po." mabilis kong sagot at tumigil ang matanda sa paglalakad. Well, that was not a lie, gail is my second name. Hindi nga lang ginagamit dahil mas kilala ako bilang Gianna. "Ah! Magandang pangalan. Ako naman si Hilda." Pakilala niya kaya ngumiti ako. "Akin na iha at tutuloy na ako." Kinuha niya ang mga pinamili nito sa akin at pinagmasdan ko siyang pumasok sa malaking bahay. So she is rich? Tumalikod na lang ako at hinawawakan ang strap ng backpack ko. Should I go in hotel? Pero mapapagastos ako kung gagawin ko yun. I should contact Cass to give me some money. "Iha!" Habol ng matanda sa akin. She is half running. "Sa bahay ka muna tumuloy. Wala kang matutuluyan diba?" I pursed my lips and scanned her. Ipapatuloy niya ako kahit hindi niya ako ganun kakilala? Or baka may balak siyang masama sa akin. I told her na I'm not rich kaya wala siyang makukuha sa akin. Pero hindi naman siguro dahil malaki ang bahay na tinutuluyan niya at mukhang mayaman naman ito. In this situation, my security does not matter at all, ang mahalaga sa ngayon ay makasurvive ako sa buhay dito sa province. Pumasok kami sa loob at maganda ang design ng house at mukhang mamahalin din ang bawat furnitures na nandito. Mayaman nga! Pero I noticed na medyo madilim ang bahay at mukhang hindi masyadong nagagamit. "Habang wala ka pang matutuluyan ay dito ka muna." She said while cleaning the kitchen. I can totally say that the house has dusk and not properly cleaned up. "Dito po kayo nakatira? Parang hindi gamit ang bahay." I said while brushing my fingers at the coffee table. Dumiretso akong kitchen at naabutan ko si Manang Hilda na sinasalansan ang mga pinamili. "Sa amo ko itong bahay. Hindi na nga ito ginagamit at parang ako na ang may-ari nito. Pano ba naman kasi nasa Maynila talaga siya nakatira at nagpatayo lang ng bahay dito dahil nandito nakatira ang kaibigan nun." She said half smiling. I sat on the bar stool in the island kitchen. "So this house is only for vacations?" I asked curiously while my eyes are wandering around. Hindi pala siya ang may-ari kung ganun. "Oo.. Noon. Ngayo kasi ay busy masyado si Sir Nicholas kaya ayun, wala ng oras para pumunta dito. Kung pupunta man siya dito ay panandalian lang at hindi nagtatagal." She explained "Paano kapag dumating ang amo niyo Manang Hilda? Hindi ba siya nagagalit kasi madumi ang bahay?" Hindi lang kasi si Manang Hilda ang nakita kong nandito. May dalawang lalaking nasa labas. Yung isa ay hardinero na binata at yung isa naman ay nagbabantay sa gate na may edad na din at sa tingin ko ay hindi nila ako napansin. Kaya siguro hindi na nagdalawang isip si Manang Hilda ipatuloy ako dahil may kasama naman pala siya dito. "Tumatawag naman siya bago pumunta dito para makapag-ayos kami. Yung kwarto niya lang naman ang malinis dito at tsaka yung kuwarto ng mga katulong. Siya na din naman ang nagsabi na huwag na masyadong linisan ang bahay dahil ibebenta na din naman niya ito." Habang nagluluto si Manang Hilda ng makakain ay naglibot muna ako sa dining area. I saw random pictures on the wall. Isang mag-asawa na mayaman ang kasuotan. The woman is wearing a clinched waist top while the man is wearing a suite. Hanggang baywang lang ang kuha sa litrato. Beside of that picture is a man. A manly man wearing his jersey shirt and the background is at the beach. He is very hot looking man, para bang ang hugis ng katawan niya ay perpekto at walang pagkakamali. I swallowed hard when his intensed and serious eyes collide. He is freaking hot! I wonder kung ilang taon na ba siya, kung kailan kinuha ang picture na ito. "Ayan si Sir Nicholas!" I startled at Manang Hilda's voice. So matanda na siya? May asawa na? She called her Sir kaya sigurado ako na baka nasa 30's na siya ngayon. Manang Hilda said that the owner of this house is a businessman kaya siguro may katandaan na ito. Nakakapanghinayang naman ang katulad niya. I was surprised to what I said in my mind. What are you talking about Gianna, bakit naman nakakapanghinayang? Psh! Weird. Natulog akong mag-isa sa kuwarto habang si Manang Hilda naman ay nasa kabilang room. Mukhang hindi naman takot si manang na magpapasok ng ibang tao dito dahil wala namang mga gamit na pweding mawala o manakaw beside like what I said, may kasama siya. Nagising ako at naabutan doon si Manang na nagkakape, hindi lang siya mag-isa at kasama ang isang binatang lalaki na siyang nakita ko kahapon na nag-aayos ng halaman. Binati ko sila at umupo sa tabi ni Manang Hilda. "Ito si Victor. College na ito pero kinuha ko bilang hardinero para naman may pagkakitaan kahit papaano, yung isa naman ay si Dan ang security guard ng bahay." Tumango na lang ako at nagpakilala din kay Victor. Nakita ko ang mapanuring titig sa akin ni Victor. "Talaga bang laki ka din sa hirap? Wala sa itsura mo eh." Nahihiyang sambit nito kaya napangiti na lang ako. "Diba naghahanap ka na din naman ng trabaho? Tamang-tama ka dito sa bahay ni Sir Nicholas, kailangan din kasi ng katulong ni Manang Hilda. Diba Manang Hilda?" Victor looked at Manang Hilda that's why I also looked at her waiting for her answer. Kung ganun lang naman ay agad ko na itong tatanggapin. I think I will be having a hard time finding job for me which is I know mahirap dahil probinsya ito lalo na at wala akong alam na trabahong nababagay sa akin. "Pwedi naman siguro. Hindi ko naman yata kailangan pa ang permiso ni Sir Nicholas dahil mukhang malapit na din naman itong ibenta ang bahay niya." Sumulyap sa akin si Manang Hilda at ngumiti. "Panandalian lang ito iha dahil tiyak ibebenta na itong bahay. Habang wala ka pang mahanap ay dito ka muna." I sighed in relief at ngumiti ng malapad. At least I have shelter to lodge in. Matapos naming kumain ay nagpresinta sana ako na ako na ang maghuhugas ng mga dishes pero umiling lang si Manang Hilda. "Ano pong gagawin ko ngayon Manang?" I asked her while she washes the dishes. "Ikaw na ang bahala sa gagawin ngayon Gail. Aalis ako ngayon at pupuntahan ko muna ang alaga kong baboy sa bahay ko. Kung may kailangan ka nandito naman si Dan, si Victor kasi ay pumasok na sa eskwelahan niya." Sabi niya at mukhang tapos na ito sa paghuhugas ng pinggan. Nang umalis na si Manang Hilda ay hindi ko alam ang sisimulan kong linisin. I know how to wash the dishes and clean the house pero bukod doon ay wala na yata akong alam na pweding gawin. Kinuha ko ang walis at pinagmasdan ang dining area. Well at least I know how to sweep the floor. Hmmm. Ano pa ba ang mga ginagawa ng maids namin sa mansyon? Oh! They use rag to remove the dusk lalo na sa mga tables and counters. Should I get rag too to clean the tables? Maybe later, magwawalis muna ako. Nagsimula ako sa dining area sa paglilinis hanggang kitchen pero pagwawalis pa lang ang ginawa ko ay napagod na ako at pinagpawisan. I looked at my hand na pinanghawakan ko ng walis at namumula iyun. Sunod kong ginawa ay ang paglinis ng mga tables, chairs, counter and drawers. Nilinisan ko din ang picture frames pero nakita kong dumumi na naman ang floor. Napasapo na lang ako sa nuo, dapat pala pinanghuli ko na lang ang paglinis sa sahig. Now I need to clean the floor again. Maya-maya lang ay dumating na si Manang Hilda na may dalang mga gulay na medyo hindi pamilyar sa akin. I helped her. "Bakit basa ang sahig Gail? Anong nangyari? May natapon bang tubig?" She said surprised kaya natigilan ako matapos kong ilagay ang ibang mga gulay sa table. Kagat labi kong nilingon si Manang Hilda na nakakunot ang nuo. Oh no! Did I do something stupid? Tama naman yung ginawa ko diba? "Oh! I mopped the floor para kumintab po." I informed her pero tumawa lang siya at umiling. There must be something weird in my statement. "Halika dito Gail." Sabi niya at kinuha ang mop na ginamit ko kanina. "Dapat bago mo ilagay sa sahig ay pigain mo munang mabuti para hindi bumaha ang sahig." Natatawang saad niya habang pinapaliwanag sa akin. Seryoso naman akong nakikinig sa kanya. "Maybe we can use vacuum Manang Hilda para hindi na tayo mahirapan pang magwalis." Suggestion ko ng nakangiting malapad pero siya ay napanganga. "Naku iha! Hahaha. Konti na lang talaga at iisipin kong anak ka ng hari. Para kang prinsesa." Iling niyang saad habang tinutuyo ang sahig dahil sa tubig na nalagay ko. Bigla akong namutla at natigilan. Mabubuko ako nito kapag pinagpatuloy ko ang pagkilos bilang isang Ferrier. I should not act like Gianna na prinsesa, ako si Gail na katulong. I'm a maid! "Tulungan ko na po kayo." Saad ko at lalapit na sana sa kanya pero tinuro niya lang ang kitchen. "Lutuin mo na lang ang mga dala kong gulay at magpapakbet tayo ngayon. Paborito yan ni Victor, sigurado akong matutuwa iyun." Napasimangot ako sa utos ni Manang Hilda. Mariin akong napapikit at nagdasal kung ano ang pweding idahilan. "No Manang! Ako na po dito, sasakit po ang likod niyo kapag lagi kayong nakayuko. I can handle this, tsaka masarap kang magluto." Ngiti akong malapad at kinuha ang basahan na hawak niya. "Si-sigurado ka ba?" Tanong pa niya. Mas okay na 'to kaysa magluto ako doon ng gulay. I don't know how to cook! Tsaka hindi ko alam kung pano lutuin yung sinabi niya kanina. "Yes po Manang. Pupunasan ko lang yung floor tapos pipigain ko ang basahan para maalis ang tubig." Nalilibang na nakatingin sa akin si Manang Hilda na para bang ang saya-saya panuorin ng ginagawa ko. Ilang segundo pa siyang nakatingin sa akin bago dumiretso ng kitchen.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD