bc

It Started on the Airplane

book_age18+
14.9K
FOLLOW
92.5K
READ
CEO
straight
office/work place
first love
virgin
love at the first sight
office lady
passionate
seductive
wild
like
intro-logo
Blurb

Maraming babae ang pumipila para kay Aljur Davis. Sino ba naman ang hindi? Eh, nasa kaniya na ang lahat. But none of them had captured his heart. Ngunit isang araw nang sumakay siyang muli sa eroplano, may nakatabi siyang umiiyak na babaeng nagngangalang Maria Delaney Vergara.

Noong una, akala niya'y nagpapansin lang ito sa kanya kagaya ng mga babaeng nakatabi na niya dati sa eroplano. But this time was different. He didn't know why the girl was crying—takot ba ito kasi first time nitong makasakay sa eroplano o dahil may nangyari talaga rito bago pa man ito makasakay ng eroplano?

Bigla na lang niyang naramdaman ang kakaiba at mabilis na pagsikdo ng kanyang puso. At hindi niya maintindihan kung bakit nasasaktan siyang nakikita itong umiiyak. When he tried to talk to her, lalo lamang siyang nahulog sa dalaga.

Isang ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. Ipinangako niya sa sarili na pasasayahin niya ang umiiyak na babaeng ito—he'd make her feel not only happy in love but also satisfied... in bed.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"OUCH! Tita! Ang sakit! Bitiwan niyo na po ang buhok ko!" naiiyak na daing ni Delaney habang pilit na inaalis ang mga kamay ng kaniyang tiyahing si Divina na sumasabunot sa buhok niya. Hindi pa ito nakuntento at hinatak pa siya palabas ng bahay. "Nararapat lang ito sa iyo! Walang hiya kang bruhildang babae ka! Ang kapal ng mukha mong magpakita pa rito matapos mong akitin ang asawa ko! Lumayas ka rito! Malandi ka! Layas!" sigaw ng Tita Divina niya saka siya tinulak dahilan para bumagsak siya sa lupa. Tumama ang kaniyang mga tuhod at mga siko. Muntik pang masubsob ang mukha niya. Buti na lang ay matuling naitukod niya ang mga kamay niya. May mga maliliit na bato sa lupa kung kaya't paniguradong nasaktan si Delaney sa ginawa ng kaniyang tiyahin. Gulung-gulo pa ang kaniyang buhok dahil sa pagsabunot nito. Walang patid na ang pagtulo ng mga luha niya samantalang patuloy sa pagsesermon ang Tita Divina niya. Hanggang sa dumating at nakita sila ni Joross, ang anak ni Divina. Dali-dali itong lumapit kay Delaney upang alalayang tumayo. Naramdaman naman ni Delaney ang mga taong nakatingin sa kanila ngayon kaya nanatili siyang nakayuko dahil sa kahihiyan sa kabila ng hindi tunay na paratang ng Tita Divina niya. "At ano naman sa tingin mo ang ginagawa mo, Joross?" nakapamaywang na puna ni Divina sa anak. Doon lamang nalaman ni Delaney na si Joross ang tumutulong sa kaniya dahil sa narinig na pangalan ng lalaki mula sa ina nito. "Bakit mo sinasaktan si Delaney, Ma? Ano ba ang ginawa niya?" galit na tanong ni Joross sa ina habang pinukulan ito ng matalim na tingin. Hawak-hawak pa ng lalaki ang magkabilang braso ni Delaney na haggard na ang itsura dahil sa nangyari kanina. "Lumayo ka sa babaeng 'yan, Joross! Baka ikaw naman ang akitin ng malanding 'yan!" buwelta ng ina sa anak. "Ano'ng pinagsasabi mo riyan, Ma? Hindi totoo 'yang sinasabi mo! Delaney can't do that!" angil naman nito sa ina. "Aba! Mas pinaniniwalaan mo pa 'yang malanding 'yan kaysa sa sarili mong ina? Totoo ang—" "Hindi ko siya pinaniniwalaan! Nagsasabi lang ako ng totoo dahil 'yon ang totoo!" pagputol ni Joross sa sinasabi ng ina. Matapos sabihin iyon ay hinila agad si Delaney palayo sa bahay. "J-joross! Bumalik ka rito!" pagpigil pa ni Divina sa anak pero hindi ito pinansin ni Joross. "Joross!" pahabol pang sigaw nito ngunit binalewala pa rin ito ni Joross dahilan para mainis ang ina. Nakawala na rin silang dalawa sa paningin ni Divina at ng mga tao. Umiiyak pa rin si Delaney. Niyakap naman siya ni Joross habang tinatapik siya nito sa likod. "Sshh... Huwag ka nang umiyak. Hindi ka na masasaktan ni Mama dahil narito na ako," mahinahong saad nito. Lalo lang humagulgol sa balikat ni Joross si Delaney dahil sa sinabi nito. Doon na niya ibinuhos ang lahat ng natitirang mga luha niya. Nang siya'y medyo tumahan na ay pumara na ng sasakyan ang lalaki. "Doon muna tayo sa apartment ko," sabi ni Joross sa kaniya nang makasakay na sila. Hindi ko nadala 'yong kotse dahil pinaayos ko pa 'yong gulong. Bukas pa 'yon ihahatid ng kakilala ko roon sa vulcanizing shop," dagdag na paliwanag nito sa kaniya. Tahimik naman siyang tumango. Nang makarating sila sa apartment ay pinaupo siya nito sa sofa. Kumuha naman ito ng first aid kit at palangganang may lamang tubig matapos nitong maghugas ng mga kamay. Alam na ni Delaney ang gagawin nito kaya pinigilan niya agad ito. "You don't need to do this, Kuya. Okay lang ako," aniya rito. Lumapit naman ito sa kaniya at inilapag nito ang mga dala sa sahig. Inabot nito ang tuhod niyang may gasgas. May bahid ng dugo pa nga rito. "Huwag ka nang umayaw. Para na rin gumaling at mawala agad 'tong sugat mo," anito. Hinayaan na lamang ni Delaney si Joross na linisin ang kaniyang mga tuhod. Matapos ang pagsabon nito roon at tumuyo na ay nilagyan nito ng ointment ang kaniyang mga sugat. Matapos iyon ay may sterile gauze dressing o bandage na nilagay ang binata upang takpan ang mismong sugat niya. Tatayo na sana ito ngunit nahagip pa ng mga mata nito ang isang siko niya. Doon lang din napansin ni Delaney na may sugat din pala siya sa kabilang siko. Kaya naman ginawa rin ni Joross ang ginawa nito sa mga tuhod niya. Pinagmasdan ni Delaney si Joross habang abala ito sa ginagawa at agad siyang napaiwas ng tingin nang sumulyap ito sa kaniya. Nang matapos ito ay binalik na nito ang first aid kit sa kung saan nito iyon kinuha. Tinapon din nito ang tubig sa palanggana at nilinis ito. Pagkuwan ay binalikan nito si Delaney. "Thank you, Kuya," pasasalamat ni Delaney sa kabutihang ginawa ni Joross. Ang ginawang paggamot sa mga sugat niya at iyong pagtanggol nito sa kaniya kanina ang tinutukoy niya. Umupo si Joross sa tabi niya. "Hindi totoo ang sinabi ni Mama, hindi ba?" tanong nito sa kaniya. Tumango siya bilang sagot. "Pagagalitan naman kita kung totoo ang sinabi ni Mama. Pero alam ko ang totoo kaya ipinagtanggol kita," wika nitong seryosong nakatitig sa kaniya. "S-salamat, Kuya." Pinigilan niya ang sarili upang hindi ulit maiyak. Napayuko naman si Joross. "Sorry, Delaney. Sorry sa nagawa ng Mama ko sa 'yo," paghingi nito ng tawad sa kabila ng nagawa ng ina nito. Tinapik naman siya ni Delaney sa balikat. "You don't need to apologize, Kuya. Wala ka namang kasalanan, eh. Thank you ulit, ha." At napatayo siya. "Uuwi na ako, Kuya," dagdag pa niya rito. Napaangat ng ulo si Joross at kinuha ang kamay niya para pigilan siya. "Puwede bang dito ka na lang muna magpalipas ng gabi? Para naman hindi ka nag-iisa sa apartment mo at..." Napalunok ito ng laway bago nagpatuloy. "Para na rin may kasama ako rito. Nandito ka naman na, eh. Please?" Nakikiusap ang mga mata nito at tila nagpapa-cute din. Gusto mang umuwi na ni Delaney ngunit sa pakiusap ng pinsan niya ay napapayag siya nito. Wala na siyang nagawa dahil nagpapa-cute ito sa kaniya. Tumango na lang siya dahilan para mapangiti ito. Malapit sila sa isa't isa dahil sabay silang lumaki kahit na mas lamang ng edad si Joross sa kaniya. Bente otso na ito at siya naman ay bente sais. Nag-iisang anak lamang si Joross ng Tita Divina at Tito Jose niya. Pinsan niya si Joross. Ayon sa kaalaman niya ay kinupkop siya ng mga magulang ni Joross noong anim na buwan pa lang siya. Magkapatid ang ama niyang si Jaime at ama ni Joross na si Jose. May ibang babae noon si Jaime at sumama ito sa babae. Ang ina naman niyang si Delilah ay hindi na nahagilap nang hindi na ito umuwi mula nang malaman nitong may babae ang asawang si Jaime. In short, broken ang family ni Delaney. Iyon ang pagkakaalam niya dahil iyon ang kinuwento sa kaniya. KINAGABIHAN, pinatulog ni Joross si Delaney sa kaniyang kuwarto at siya naman ay nasa sofa sa sala. Siya mismo ang nag-insist nito. Nahiya si Delaney noong una pero pumayag na lang din ito kahit na sinabi nito sa kaniyang ito na lamang ang matutulog sa sofa at siya na mismo sa kuwarto niya. Ayaw naman niya ang ganoon dahil babae si Delaney kaya nararapat lang na sa kuwarto niya ito matulog. Wala na itong nagawa kundi ang pumayag. Galit si Joross sa sariling ama nang malaman niya noon na may kakaibang pagtingin ang ama niya kay Delaney. Pinagsabihan na niya ito noon na tigilan na si Delaney dahil alam na niya ang lahat. Narinig niya noong second year high school pa lamang siya na hindi totoong magpinsan sila ni Delaney. Inampon lamang ng kaniyang mga magulang si Delaney dahil naawa ang mga ito nang makita ang sanggol na si Delaney sa isang bahay na unti-unting nasusunog noon. Umiiyak. Mag-isang naiwan ang sanggol at nakita ito ng mag-asawang Divina at Jose dahil katabi lamang ng bahay nila ang bahay na nasusunog noon bago sila lumipat sa lugar kung saan sila naninirahan ngayon. Mula noong nalaman ni Joross ang lahat, inilihim na lamang niya ito kay Delaney. At sa paglipas ng panahon, unti-unti siyang nagkagusto rito ngunit walang ideya si Delaney. At hindi niya hahayaan ang pinaggagawa ng kaniyang ama kay Delaney. HINDI pa rin maalis sa isipan ni Delaney ang nangyari habang nasa kuwarto siya ni Joross ngayon. Inakusahan siya ng kaniyang Tita Divina noon na inakit niya ang asawa nito. Pati kanina ay ganoon pa rin ang ginawa nito sa kaniya. Nahuli raw kasi ng Tita Divina niya ang asawa nitong si Jose na nagpaligaya ng sarili habang nakatingin sa kaniya at binabanggit pa nga ang pangalan niya. Labis na nagalit ang Tita Divina niya at sa kaniya ito ibinunton. Matagal nang napapansin ni Delaney ang madalas na pagsulyap sa kaniya ng Tito Jose niya kaya umiiwas siya rito. Kapag kinausap siya nito ay tipid lang siya kung sumagot saka magpapaalam na aalis dahil may gagawin kahit wala naman talaga. Gusto lang niyang makawala rito. Nagpunta lamang siya sa bahay nila kanina dahil may kukunin sana siyang dokumentong naiwan niya noon. Pero hindi na niya ito nakuha pa dahil sa nangyari kanina. Nakaidlip din si Delaney paglipas ng ilang sandali.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)

read
537.3K
bc

Just Another Bitch in Love

read
28.5K
bc

Payment of Debt

read
88.2K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.8K
bc

I was once His Secret Wife (COMPLETED)

read
389.8K
bc

Billionaire's Twins

read
263.8K
bc

He's Cold Hearted

read
160.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook