bc

Sold to the Beast Billionaire (SPG)

book_age18+
297
FOLLOW
2.2K
READ
billionaire
HE
arrogant
badboy
kickass heroine
heir/heiress
sweet
bxg
lies
like
intro-logo
Blurb

Binenta siya. 'Yan ang pakiramdam ng 19 years old na si Alwina Clark nang ipagpilitan ng stepfather niya na sumama sa isang businessman na never pa niyang nakita pero matunog ang pangalan dahil sa pagiging beast nito, si Nathaniel Delgado.

Nathaniel Delgado is a very successful businessman at the age of 32. Halos lahat ng tao ay iniilagan siya dahil sa sama ng ugali at mismong si Alwina ay na-experience iyon nang nagsimulang tumira sa mansyon ng lalaki.

Hanggang saan makakayanan ni Alwina na makisama sa isang bilyonaryong pinaglihi sa sama ng loob? Paano kung isang desisyon ang magpapabago sa buhay ni Alwina, dahilan para hindi na niya matakasan si Nathaniel?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Alwina Clark’s POV “Papa, please! Ayoko! Ayokong sumama sa kahit kanino. Dito lang ako!” I exclaimed. Gusto ko ng magwala. Gusto kong ipagtatapon sa sahig kung ano man ang hawakan ko. Gusto kong kunin ang vase na narito sa center table ng sala at basagin sa harap ng stepfather ko para malaman niya kung gaano ako kagalit sa desisyon na pinasok niya. Kauuwi ko lang galing sa school at ito ang ibubungad sa akin ni Papa? Na aalis ako dito mansyon? Na kukunin daw ako ni Mr. Delgado bilang kabayaran ng pamilya namin sa higit one hundred million na utang sa negosyo. Pati itong mansyon na tinitirhan namin ay ginawang collateral sa banko dahil nag-loan si Papa ng 20 million na ginamit din sa pambayad kay Mr. Delgado para sa utang na hindi na namin kayang bayaran. Pero kulang pa rin iyon kaya ako ang ipambabayad ni Papa kay Mr. Delgado. “We don’t have a choice, Alwina! Kailangan mong sumama kay Mr. Delgado!” mariing sabi ni Papa na kuyom ang mga kamay na nasa may hita nito. Tinaasan na rin ako nito ng boses, which he doesn’t usually do. Sa tingin ko naman ay kahit hindi ako kadugo ng stepfather ko ay labag pa rin sa kagustuhan nito na ibenta ako sa pinagkakautangan sa negosyo. Pero dahil nagipit ito sa sitwasyon ay no choice na ito kundi ipagkanuno ako sa lalaking kilala bilang ‘beast’ sa business world, ang nag-iisang Nathaniel Delgado. Naturingan na Nathaniel ang pangalan na alam kong ibig sabihin pa ay ‘Gift of God’, pero mukhang sa ugali nitong nababalitaan ko ay parang pati impiyerno ay hindi kinaya ang ugali nito. But that’s all just hearsay. Ewan ko kung totoo talaga. I didn’t encounter Mr. Delgado eversince kaya wala akong idea. Pati kung ano ang itsura nito ay hindi ko rin alam dahil wala pa naman akong pakialam sa business world pa habang nag-aaral pa ako. Siguro kapag ako na mismo ang naka-experience kung gaano talaga kasama ang ugali ng Nathaniel Delgado na ‘yon ay doon ko na masasabi na demonyo nga ang lalaki. Pero mayroon rin kasi akong classmate na nagsabing may kapatid siyang naka-experience kung gaano kasama ang Mr. Delgado na ’yon. Dahil ang ate ng classmate ko ay nagtrabaho sa kumpanya na mina-manage ni Mr. Delgado na isa raw sa pinakama-impluwensyang businessman sa Pilipinas. Isang beses ay naikwento sa akin ng classmate ko iyon kaya siguro tumatak sa akin ang pangalan na Nathaniel Delgado. Pero kahit na! Mabait o masama man ang ugali ni Mr. Delgado na iyon ay hindi ako sasama. Hindi ko naman siya kilala. Hindi ko alam kung ano ang pwede nitong gawin sa akin. Baka gawin akong katulong. Oh, ka naman ay sxx slave. Kinakabahan agad ako kahit hindi ko alam kung anong plano sa akin ng lalaking iyon at bakit ako pa ang gustong kabayaran. I’m just nineteen years old, for God’s sake! Ang dami ko pang pangarap sa buhay. Gusto ko pa na bumuo ng sarili kong pamilya. Tapos masisira na lang ng basta basta dahil sa ginawa akong kabayaran ng utang. Dahil sa selfish na desisyon ng stepfather ko. Gusto ko rin na magtayo ng sariling business kahit sa tingin ko ngayon ay suntok sa buwan pa dahil nga months ago ko pa nalaman na lugi na ang business namin. Lihim ko iyon na narinig mula kay Papa pero hindi ko naman ito sinubukan na i-confront dahil busy ako sa school nang time na iyon. Aside from that ay wala din ako sa huwisyo dahil iniintindi ko rin ang puso kong nalilito dahil doon sa nanliligaw sa akin. Naguguluhan kasi ako kung sasagutin ko ang manliligaw ko na nagugustuhan ko na pero lihim na gusto rin ng bestfriend ko. Ayokong magaya sa namatay kong ina na nagkasiraan ng bestfriend niya dahil sa lalaki. Importante sa akin ang friendship. Ang akala ko pa naman na pwede pang maisalba ang business namin na nalulugi simula nang nalaman ko. Pero ngayon sobrang shock ko dahil hindi lang pala lugi. Kung hindi wala ng natira sa yaman ni mommy. Nang namatay si mommy ay ang stepfather ko na ang namahala ng company. "Papa, bakit umabot sa ganito?! Nagtiwala ako sa kakayahan mo. Bakit mo pinabayaan na malugi ang kumpanyang pinaghirapan ni Mommy?!" Doon na tumulo ang luha ko sa labis na panghihinayang sa negosyo namin. Mas galit ako sa sitwasyon na kinasadlakan namin kesa kay Papa na alam ko naman na minahal ako bilang anak. Simula nang namatay si mommy ay hindi ko naman naramdaman na iba ako at patuloy lang ako nitong minahal na parang anak niya. Pero bakit ngayon ay natiis ako nitong ipamigay na lang basta sa kung sinong lalaki na hindi ko naman kilala. Ngayon, talagang ang selfish niya sa paningin ko. “I’m sorry, hija.” Doon na tumayo si Papa at lumapit sa akin. Nakipag eye-to-eye ako sa kanya. Tanging galit ang mababakas sa mata ko habang si Papa naman ay bakas ang lungkot. “Hindi ko kagustuhan ang nangyari, Alwina. I did my best para lang sa kumpanya. Pero malakas ang competitor ng business natin. She sabotaged our company. Pati major supplier natin ay nawala. Kaya nagkaroon tayo ng problema sa bagong major client na si Mr. Delgado. Malaki ang naging lugi niya rin dahil hindi natin na-provide ang products na kailangan nila. Ipapakulong niya ako kapag hindi tayo nakabayad. At wala na akong maibayad.” Kumunot ang noo ko sa narinig kay Papa. “She?” “Si Tita Charice ba, Pa? Siya ba ang dahilan kung bakit nalugi na tayo?” Tumango naman si Papa. “Yes.” Nanghihina ito sa pagkakabanggit ng ‘yes’ at nakita ko na lang na napakuyom ang kamay nito at parang gustong manuntok. "I knew it. She’ll do everything for her revenge." Ang tanging nasambit ko. Walang talagang mabuting naidulot si Tita Charice sa pamilya ko simula nang nagsama sina mommy at Papa 5 years ago. Wala nang ginawa si Tita Charice kung hindi ang sirain kami. Ganoon ba ang nagagawa kapag nasaktan sa pag-ibig? Nagiging masama na at hindi man lang na-consider ni Tita Charice ang pinagsamahan nila ni mommy? Tita Charice and mom are best of friends. She’s even my ninang. Nagkasiraan sila dahil pareho silang nagkagusto sa stepfather ko. Pero ang pinili ni Papa ay si Mommy. Simula noon ay naging mortal enemy na sila ni mommy at Tita Charice hanggang sa business. Pero hanggang ngayon ba naman? For God’s sake! It's more than a year since namatay si mommy at hanggang ngayon ay galit pa rin siya. Hindi na niya nagawang magpatawad pati kay Papa na ang tanging kasalanan lang ay nagmahal ng totoo. "Hija, I'm so sorry kailangan kong gawin iyon. Aalis na kami sa bahay na ito ng kapatid mo sa lunes dahil kukunin na ito ng banko. At tungkol naman sa utang ko kay Mr. Delgado kukunin ka na niya sa darating na linggo… bilang kabayaran. H-hindi ko alam kung bakit ikaw…” Huminto si papa sa pagsasalita. Hahawakan niya sana ako sa balikat pero agad kong tinabig ang kamay nito nang marahas. "No, Pa. Hindi ako papayag!” Sigaw ko. Tinalikuran ko na si papa sabay takbo papunta sa hagdan. Narinig ko pa ang malakas na tawag nito sa akin pero hindi ko na ito nilingon. Mabilis akong umakyat papunta sa kwarto ko. Ni-lock ko ang pinto sabay takbo sa kama ko. Hinagis ko na lang ang bag sa kung saan. Sumalampak ako sa kama at doon humagulgol. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakasubsob sa kama hanggang marinig ko si Papa na kumakatok sa pinto. “Alwina! Open the door. Mag-usap muna tayo!” Patuloy sa pagkatok si Papa habang ako naman ay patuloy sa pag-iyak. Sobrang sama ng loob ko ngayon sa stepfather ko sa desisyon nito. Tapos iiwan nila ako ng step-sister ko. Wala na akong pamilya na maituturing. Kung meron man ay malayong kamag-anak na hindi ko naman close. Kahit naman hindi ko tunay na kapatid ang anak ni Papa ay tinuring ko ‘yun na tunay na kapatid kagaya ng pagturing ko kay Papa na parang tunay na ama. Ngayon ay hindi ako nito pinili. Ang sakit. Ang dali niya akong ni-let go dahil sa pera. Sana gumawa man lang siya ng paraan. Akala ko solid family kami… akala ko lang pala. Nang hindi ko na narinig ang katok sa pinto ay pinakalma ko muna ang sarili. Matapos ay tumayo na ako para magbihis ng pambahay. Lumapit ako sa vanity mirror at tiningnan ko ang sarili. Namula agad ang mukha ko at halata na galing sa pag-iyak. Mestiza kasi ako. My daddy is Scottish. Namatay siya 5 years old pa lang ako kaya hindi ko na rin siya natatandaan. Tanging mga pictures na lang niya ang nakikita ko na tinago ni mommy kaya alam ko ang itsura ng daddy ko. Kaya sa unang tingin ay mahahalata na may halo akong ibang lahi. Mahirap lang talaga si mommy at ang daddy ko ang nagsalba sa kanya sa hirap nang nabuntis niya si mom sa edad na nineteen. 55 years old na si daddy nang nabuntis niya si mommy. Dancer si mommy sa club at doon sila nagkakilala ng daddy ko na talagang nagpupunta doon sa club para daw sa kanya. Nang pinanganak nga ako ni Mommy ay sobrang tuwang-tuwa si daddy ko. Pinangalan nila akong Alwina mula sa paboritong character ni mommy dati na sinusubaybayan niya raw nang nagbubuntis siya sa akin. Nang namatay si daddy ay iniwanan niya si mommy ng business na pinalago ng ina ko. Until that my mom marries her college classmate na si Papa 5 years ago. Tita Charice, my stepfather, and my mom are college buddies. Well, sa kanilang tatlo ay si Tita Charice ang mapera at si mommy at ang stepfather ko ang mahirap. They are scholar kaya nakapag-aral sa magandang university. Kaso ay napilitan na maghinto si mommy at naging dancer dahil nagkasakit na ang ina ni mommy, my lola, na namatay din kalaunan. Kaya nga si daddy talaga ang sumalba kay mommy na pinanagutan siya dahil tanging si daddy lang naman ang naging customer nito na pinagbigyan niya ng sarili, hindi nagpapa-table ang mommy ko. Biyudo rin ang stepfather ko nang magsama sila ni mommy. May isang babaeng anak si Papa na tinuring kong tunay na kapatid. Ramdam ko naman ang tunay na pagmamahal ni Papa sa mommy ko at never akong tumutol nang magsabi sila na magpapakasal. Napatunayan ko na mahal na mahal ni Papa si mommy nang nagsasama sila. Pati ako ay hindi nito tinuring na hindi galing sa kanya. We’re close kagaya ng closeness nila ng tunay niyang anak na mas matanda ako ng pitong taon. Naging matibay naman ang pagsasama nila Papa at Mommy kahit ginugulo nga sila ni Tita Charice, especially pagdating sa negosyo na tinapatan talaga ang business ni mommy. Dalaga pa rin si Tita Charice dahil nga sa mahal nito ang stepfather ko. Akala siguro nito ay nang naging biyudo ang stepfather ko ay may pag-asa na sila pero ‘yon nga, si mommy pa rin ang niligawan nito. Hanggang sa nagkaroon nga si mommy ng malubhang sakit. Hindi pinabayaan ni Papa si mommy. Nang namatay si mommy ay hinabilin niya ako kay Papa at ito na rin ang namahala sa negosyo namin. “Senyorita!” narinig ko na lang mula sa saradong pinto kasabay ng mahihinang katok. Nanatili ako sa kama. Pero nang nagpatuloy ang pagkatok ay walang gana kong pinuntahan ang pinto at binuksan iyon. Bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni manang na may dalang tray ng pagkain. “Manang, hindi po ako gutom.” “Hija, ilalagay ko na lang sa mesa mo at kainin mo kapag gutom ka na.” sambit ni manang na narinig ko pa ang buntong hininga nito. Sigurado ay alam na nito ang kapalaran ko sa lakas ng sigawan namin ni Papa kanina. Tumango na lang ako at niluwagan ang bukas ng pinto para tuluyan ng makapasok si manang sa kwarto ko. “Salamat, manang.” Sambit ko matapos nitong ilapag ang tray sa sidetable ko. Matapos ay hinarap ako ni manang. Nakita ko agad ang lungkot sa mat anito. “Sobrang concern sa’yo ang Papa mo kaya pinadalhan ka niya ng pagkain dahil alam niyang hindi ka pa nakakakain. Hija, kung ano man ang pinagdadaanan niyo, sana ay malagpasan niyo.” Tumulo naman ang luha ko at napayakap kay manang na ilang taon na rin na nagsisilbi sa pamilya ko. Pero mas naiyak ako nang bigla na lang itong nagsabi na hanggang sabado na lang din siya dito sa bahay namin dahil nga kukunin na ito ng banko. Nang lumabas si manang ay doon pa ako napaiyak nang husto. Ramdam ko ang pag-iisa dahil sa mga mangyayari. Ilang sandali pa akong lumuha bago kinondisyon ang sarili. “No way, hindi ako papayag na mapunta na lang ng basta sa lalaking hindi ko naman kilala. I have five days para makapag-isip ng plano. I need to escape. I don’t wanna be SOLD TO THE BEAST BILLIONAIRE!”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Sex Web

read
132.5K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.2K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
37.7K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
127.5K
bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
91.1K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
66.6K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
34.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook