Chapter 2

2820 Words
Alwina Clark’s POV “Hi, sexy!” Napa-irap naman ako sa mga estudyante na nadaanan ko papasok sa classroom ko. Kumpulan sila sa hallway habang nag-aabang ng mga babaeng babastusin. Sa araw araw na ginawa ng Diyos ay ganoon ang gawain ng mga estudyanteng iyon sa kabilang classroom at lagi yata akong inaabangan sa pagpasok para lang bastusin. Nag-derecho lang ako ng lakad as usual at parang walang naririnig. “Alwina!” Lumingon naman ako nang marinig ang tawag ng bestfriend ko. “Shiela!” Ngumiti ako nang pilit dito. Ewan ko kung nahalata nito ang lungkot sa mata ko, pero bigla kasing nawala ang ngiti nito nang nakita ako. “M-may problema ba, Win? “H-hah? Ah, w-wala. May mens lang ako kaya medyo wala sa mood. Sumasakit din kasi ang puson ko ngayon, hindi naman ako maka-absent dahil ayaw kong mahuli sa lesson.” Palusot ko na mukhang pinaniwalaan naman ni Sheila. Matagal ko ng bestfriend si Shiela pero hindi ko pa nasasabi dito ang problema ko. Dalawang araw na ang nakalipas since nalaman ko na ibinenta na ako ng stepfather ko kay Mr. Delgado. Isa lang ang naisip kong solusyon sa problema ko. Ang makipagtanan. Pero ang lalaking nagugustuhan ko ay gusto rin ni Sheila kaya hindi ako makapag-open sa kanya dahil alam kong magtatampo siya sa akin. Nakikita naman ni Sheila ang mga panliligaw sa akin at hindi naman siya kumikibo dahil pinaramdam ko naman dito na hindi ako interesado na makipag-boyfriend pa. Pero sa ngayon ay wala na akong choice kung hindi piliin ang sarili ko kaya kailangan kong makipagtanan sa lalaking gusto rin ni Sheila. Kapag hindi pa kasi ako kumilos ng maaga ay baka mawalan ako ng choice kung hindi ang sumama doon kay Mr. Delgado. “Gano’n ba? Hindi bale… dala ko yata ang hot compress ko. Gusto mo doon muna tayo sa tambayan natin para mainitan ang puson mo?” “H-hindi na, Sheila… tolerable naman ang sakit.” Naiilang tuloy akong tingnan ng derecho sa mata ang bestfriend ko. Hindi naman na nagpumilit pa si Sheila at sabay na kami na pumasok sa klase namin. Hindi ko alam kung paano naitawid ang klase dahil puro tungkol sa problema ko ang tumatakbo sa utak ko. Mabuti na lang at puro discussion lang kami ngayon kaya hindi rin ako namoblema sa pag-review. Dahil kung hindi ay bagsak ako for sure. Uwian na at nagmamadali kong niligpit ang mga gamit ko para puntahan ang pakay kong tao, si Benjamin. Ang manliligaw na sasagot sa problema ko. Alam ko naman kung saan ito naglalagi ng ganitong oras kapag tapos na ang klase. Sa may basketball court area ng university. Varsity player kasi si Benjamin at sikat na sikat sa school. Kaya isa na rin ako sa maswerteng babae na maituturing na nililigawan ng lalaki. “Ingat ka pauwi, bes, hah? Hindi na ako makakasabay sa’yo palabas dahil naghihintay na sila mommy sa akin at may kailangan kaming puntahan.” Paalam ni Sheila. Ngumiti lang ako kay Sheila. Mas okay na hindi ito sasabay sa akin dahil ayaw kong malaman nito kung sino ang pupuntahan ko. Nagpauna na si Sheila na lumabas ng classroom habang ako naman ay binagalan ang kilos hanggang sa ako na ang huling lalabas ng classroom. Habang nagkakasayahan ang mga classmate ko ay ako naman ay nanginginig ang kalamnan dahil sa panghihina sa gagawin na pagkausap kay Benjamin. Ito na yata ang isa sa pinaka nakakahiyang gagawin ko sa buhay ko. Ang mag-aya sa isang lalaki na magtanan. Parang ako pa tuloy ang naghahabol ngayon kay Benjamin. Oo, nagugustuhan ko na siya, pero hindi pa talaga iyon level na gusto ko na siyang makasama habang buhay. Kinikilig ako sa kanya, pero hindi pa sapat iyon para sabihin na ipagkakaloob ko na ang sarili ko. Wala pa naman akong serious relationship na matatawag. Nagka-boyfriend na ako no’ng highschool pero parang laro-laro lang iyon. Ang totoo ay curious lang ako kung paano ang feeling ng mahalikan which is naranasan ko naman. Pero parang wala naman na something special sa halik na ‘yon. Tapos ay nakipag-break agad ako matapos ng isang buwan dahil nahuli ko na may nilalandi na ibang estudyante ang naging boyfriend ko. Matapos no’n ay hindi na ako nakipag-boyfriend dahil inatupag ko na lang ang pag-aaral. Hanggang crushes lang din ako at hindi ko pa masasabi na na-inlove na ako ng totoo. Wala pa kasing lalaki na masasabi ko na nagpapabilis ng t***k ng puso ko. Ito pa lang si Benjamin, na kinikilig ako pero siguro kapag pumayag itong makipagtanan sa akin ay tuluyan na talaga akong ma-fall sa lalaki. “Hi, Alwina!” Napalingon na lang ako sa pagkabigla nang marinig ang pamilyar na boses nang naglalakad na ako sa hallway at kalalabas lang ng classroom. “Benj!” Narinig ko agad ang hiyawan ng mga kasamahan ni Benjamin sa basketball team niya. Nanunukso sila. Agad akong namula at alam kong halatang halata ako dahil sa pagka-mestisa ko. Swerte na rin na nakita ko si Benjamin. Kasi kung pupunta pa ako sa basketball court ay baka mahalata ako ng lalaki na siya ang ipupunta ko sa court dahil hindi naman ako nagagawi doon. Mga alaskador pa naman ang mga kaibigan niya at lagi kaming tinutukso. Naka-uniform pa naman ito na pang-klase at malamang na tapos na itong mag-aral at magpupunta na sa court para mag-practice. “Alwina.” Sambit ni Benjamin na kumakamot pa sa batok nito nang tuluyan na makalapit sa akin. “Pauwi ka na ba?” Tiningnan ko si Benjamin sa mata. Siya na naman ay parang natigilan sa akin at nilibot ng tingin ang mukha ko. “A-ah, oo.” “Pwede ba kitang ihatid?” Lihim naman akong natuwa sa narinig at umaayon sa akin ang pagkakataon. Mukhang magkakausap kami ngayong araw. “May practice yata kayo.” “It’s okay, makapaghihintay naman ang practice. You’re my priority. Gusto ko maihatid ka sa bahay mo ng safe.” Nakaramdam naman ako ng kilig sa narinig sa lalaki. Isang beses naman na akong pumayag na maihatid nito sa bahay namin. Doon lang naman sa labas ng bahay at hindi ko siya pinapapasok sa loob ng bahay kaya alam niya ang bahay namin. Tumango ako at doon ko nakitang ngumisi si Benjamin. Lumabas ang maputi nitong ngipin. He’s cute kaya maraming nagkakagusto sa kanya. Narinig ko naman ang hiyawan ng mga kasamahan niya. “Hey, team. Ihahatid ko lang ang special girl ko!” Sigaw ni Benjamin sa mga kasamahan na agad naman na nagsipag-hiyawan. Kitang kita ang panunukso sa mata nila. Umakbay naman sa akin si Benjamin pero hinayaan ko na lang. Hanggang sa makarating kami sa parking ng kotse nito at isinakay ako. Nagsimula na kaming magbyahe. Halata ko ang excitement kay Benjamin nang nagsimulang tumakbo ang sasakyan. Naging makwento pa si Benj tungkol sa sport nitong basketball which is hindi naman ako interesado pero napipilitan akong makipag-interact. Ayoko naman na ma-boring ito sa presence ko dahil kailangan ko siya. Akala ko ay iuuwi agad ako ni Benjamin pero nagulat na lang ako na iba ang way na pupuntahan namin. "Benj?" Agad na tanong ko nang nilingon ko ang lalaki. Kumunot ang noo ko at mukhang nabasa niya naman agad ang gusto kong itanong sa kanya. "Pwede ba na kumain muna tayo sandali?" Pilit na lang akong ngumiti. Pumayag naman ako. Parang early dinner ko na rin siguro iyon. Tutal ay ayokong makasama sa hapunan ang stepfather ko. Mawawalan lang ako ng gana at maaalala ang ginawa nitong pagbebenta sa akin. Para pagka-uwi ko ng bahay mamaya ay magkukulong na lang ako ng kwarto at makapag-empake ng mga dadalhin kong gamit para sa planong pagtakas. Kahapon ay nag-withdraw na ako at pina-close account ang savings ko sa banko. Umabot rin pala ng three hundred thousand ang naipon ko mula sa mga allowances ko. Gastador kasi ako. Ang daming pera na nasayang sa mga binili kong designer's bag at kung ano-ano pang branded na gamit. In fairness naman sa stepfather ko na nabibigyan pa rin ako ng malaking allowance kahit na bagsak na ang negosyo namin. Ngayon ay kailangan ko nang kunin lahat ng pera ko para sa pagsisimula kasama si Benjamin. Hindi naman na ako inilayo ni Benjamin. Nag-park kami sa isang restaurant at hindi basta bastang restaurant iyon. Sabagay ay galing sa kilalang pamilya si Benjamin. Mayaman siya. Nang makapasok kami sa restaurant ay iginiya kami ng waiter sa pandalawang tao na table. Hinayaan ko na si Benjamin ang mag-order. Nag-usap pa kami tungkol sa academics hanggang sa dumating ang pagkain namin. Medyo kampante na ako kay Benjamin dahil may pagka-joker ito at magaan kasama. Hndi naman na ako masyadong ilang dahil nga naihatid niya na ako sa bahay before, 'yun nga lang ay patago din 'yon na hindi malaman ni Sheila. Hanggang sa natapos na kaming kumain at nagpasya akong sabihin na ang gusto para mawala na ang kaba sa dibdib ko na papayagin ang lalaki. "Ahhm, Benj." Pagsisimula ko. Gusto ko nang sabihin ang tungkol sa pag-aaya dito na makipagtanan. "Yes?" Nakangiting tanong nito na nililibot ang mukha ko. Napalunok muna ako sa malagkit nitong titig. Kinakabahan ako. Sana pumayag siya. Alam kong sobrang hindi na napag-isipan ang desisyon kong ito pero kailangan kong sumugal. Bahala na si Batman. Tumingin ako sa paligid. Halos ilan lang ang customer ng restaurant. "M-may s-sasabihin ako..." Hindi ko maituloy ang sasabihin ko. Inuunahan ako ng hiya. Tapos si Benjamin ay biglang nawala ang atensyon sa akin at tumingin sa ibang direksyon. Napaawang ang bibig nito. Tumikhim ako to call his attention. "I-i'm sorry, Alwina, nakita ko lang si Mr. D." Biglang tingin sa akin ni Benj. Kumunot naman ang noo ko. Tumingin ako kung saan nakatingin kanina ang lalaki at nakita ko ang isang waitress na nag-a-assist ng isang customer na naka wheelchair na mukhang kadadating lang. Hindi ko na nakita ang mukha ng lalaki dahil nakatalikod na ito mula dito sa kinauupuan ko. Ang tanging nakikita ko na lang ay ang broad shoulder nito. "Mr. Dee?" "Yes. The famous CEO na tumalo kay Daddy sa isang bidding. D*mn him! Dahil sa kaniya ay hindi natuloy ang project sana ni Dad sa isang malaking client." Tumatango tango naman ako kahit nagugulat ako sa reaction ni Benjamin habang galit. Parang bigla tuloy nawala siya sa mood. Hindi ako interesado kung sino man ang poncio pilato na tinutukoy nito. "Ahmm, tungkol sa sasabihin ko." pagpapatuloy ko sa naudlot na sasabihin. "Yes, Alwina. Sinasagot mo na ba ako?" Bigla naman na lumamlam ang mukha ni Benjamin. Nagulat na lang ako nang bigla nitong kinuha ang isang kamay ko na nasa mesa. Pinisil niya iyon. "Magtanan tayo, Benjamin." Nabitawan ni Benjamin ang kamay ko. Mukhang nagulat sa sinabi ko. Halata sa mukha niya, eh. "A-alwina? What do you mean? N-nanliligaw pa lang ako sa—" "Please, Benj. Kung may gusto ka talaga sa 'kin... kung mahal mo 'ko, papayag ka. Dalhin mo ko sa malayo. Itago mo ako. Help me! Gusto ng stepfather ko na sumama ako sa lalaking hindi ko kilala." "Hey... hey... Alwina." Bigla naman na nag-alala sa akin si Benjamin. Napapalakas na rin kasi ang boses ko. Sandali ko pang tiningnan ang paligid at may nakitingin na customer sa table namin. "Please, Benj." Ako na mismo ang humawak sa kamay ni Benjamin at pinisil iyon. "Fine. Don't worry, Alwina. Pumapayag ako. Magtatanan tayo after 2 days. Dadalhin muna kita sa resthouse namin sa Batangas." Ako naman ang biglang nagulat dahil sa biglang pagpayag ni Benjamin sa request ko. Sandaling gulat lang iyon bago lumapad ang ngiti ko. Solve na! "Ayyy!" napahiyaw naman ako nang biglang may waiter na biglang lumapit at nabuhusan si Benj sa damit ng tubig. "F*ck you!" Biglang mura naman ni Benjamin sa waiter na nakatapon ng tubig sa kanya. Basang basa ang uniform niya. Ewan ko dahil maluwag naman ang paligid at biglang umeksena ang waiter kung saan. Biglaan ang pangyayari at nasira ang momentum namin ni Benjamin. "Benj!" Nag-alala ako dahil parang naging mukhang dragon ang lalaki. Kulang na lang ay bumuga ito ng apoy dahil sa nakikita kong galit sa mukha nito. Nabitawan ko ang kamay nito at napatayo nang tumayo rin si Benjamin at kinwelyuhan ang waiter. Bumagsak sa sahig ang hawak na tray ng waiter kaya mas gumawa ng ingay ang mga nabasag na baso. "P*ta ka! Nasaan ang manager niyo!?" Nagulat ako sa pagmumura ni Benjamin. "Sir, pasensya na po!" Biglang pag-aalala naman ng waiter. "Hey, Benj!" Doon na ako tuluyang lumapit sa dalawang lalaki. Nag-ingay naman ang paligid mula sa mga customer na nakiki-usyoso na. Hanggang sa may lumapit na isa pang lalaki na naka-uniform ng logo ng restaurant. "Excuse me, Sir. I'm the manager here. I really apologize for—" "F*ck you! I want you to fire this idiot! We didn't even ask for water! Tapos lalapit siya dito sa table at tatapunan ako!" Singhal ni Benjamin sa manager. Mas lalo akong nagugulat sa inasal ni Benjamin. Pinagtitinginan kami sa paligid at ako na mismo ang nahihiya. Muntikan pa na magkagulo dahil mainit na talaga ang ulo ni Benjamin. Mabuti na lang at mahinahon ang waiter at hindi pumatol sa mga masasamang lumabas sa bibig ni Benj. Hiningi na lang ni Benjamin ang bill par maka-alis na kami dito. Hanggang sa kumalma na ang paligid pinaupo ko si Benjamin na namumula ang mukha sa galit. "I'm sorry, Alwina. Sinira ng hayop na 'yun ang date natin." "Benj, mauna ka na sa kotse if you want. Para makapagpalit ka ng damit. A-ako na ang magbabayad ng bill." Ayaw pang pumayag ni Benj. Pero nagpumilit ako at mabuti na lang at sumunod siya. Ayaw nitong pumayag na ako mismo ang maglabas ng pera kaya nag-iwan ito ng cash sa akin. Nilingon ko si Benj hanggang sa mawala ito sa paningin ko nang makalabas na ng pinto palabas. Napabuga ako ng hangin. Ibabalik ko na ang tingin ko sa harapan ko nang mapunta ang mata ko sa lalaking naka-wheel chair na tinitingnan ni Benj kanina. Bigla naman akong natigilan nang magtama ang tingin namin. Pero ilang saglit ay kumunot ang noo ko dahil matalim ang tingin ang ipinukol nito sa akin bago iniwas ang tingin at humarap na sa table nito at kinausap ang kasama nitong lalaki. Hindi ko naman magawang ialis pa ang tingin sa lumpong masama ang tingin sa akin at nanatiling nakatitig dito kahit likod na lang ang nakikita ko. Bigla ko kasing naalala 'yung pinanood kong turkish series. Ka-awra ng lalaki si 'Kemal'. Hindi ko alam kung ilang segundo pa ako nakalingon at iniwas ko na lang ang tingin nang nangalay na ang leeg ko. Dumating na rin ang bill at nagbayad na ako. Hinintay ko na lang ang sukli at tumayo na ako at naglakad palabas ng restaurant pero nakakailang hakbang pa lang ako nang bigla akong hinarangan ng lalaking naka wheelchair dahilan para tumaas ang kilay ko. "Excuse me?" sambit ko na natigilan nang magtama ang tingin namin ng lalaki. Napaawang na lang ang bibig ko dahil sa paraan ng pagtitig nito na parang may galit talaga sa akin. Ewan ko kung ilang segundo ako nakatitig sa kanya. Napagmasdan ko tuloy ang itsura nito. Kung kanina sa malayuan ay pansin ko na may itsura ito. Lalo na pala sa malapitan. Yes. Gwapo nga siya. Pero hindi 'yung level ng gwapo na tinitilian ko dahil mukha itong masungit at nakabusangkot ang mukha. Mas gwapo sa paningin ko si Benjamin. Tsaka may edad na ang lalaki. Malamang na nasa mid or late thirties na ito. Napatitig ako sa mapula nitong labi hanggang sa matangos na ilong. Lalaking lalaki ang itsura nito. Pati tubo ng balbas at may bigote pa ito. "Boyfriend mo ba 'yun?" tanong ng lalaki. Nanindig naman bigla ang balahibo ko nang marinig ang baritonong boses nito. He's voice is really manly, deep baritone. Kung hindi ako nakatingin sa kanya ngayon at narinig ang boses nito ay aakalain kong isa siya sa sexiest man alive. Ang sexy ng boses niya. Pero dahil nakaupo ito sa wheelchair ay hindi naman pansinin kung maganda ang katawan nito. Pero feeling ko ay oo, dahil pinasadahan ko ng siya ng tingin ay halatang may magandang katawan ito at matangkad kahit nababalutan ng business suit. "Are you done checking on me, woman?" Tumaas ang boses na tanong ng lalaki. Halos maririnig na sa buong restaurant kahit parang nagpipigil pa ang lalaki. Bigla bigla ay tumaas ang presyon ng dugo ko sa inasal ng lalaki. Masungit pa naman ako kapag ganito ang taong kaharap na parang timang. At wala akong pakialam kung mas matanda siya sa akin. "And who the hell are you? Hindi naman kita tatay para itanong 'yan?" Pinilit kong hinaan ang boses ko pero sa tingin ko ay bigo ako. "I'm asking you, if the guy you were with earlier is your boyfriend?!" Dumagundong ang boses ng lalaki dahilan para mangilabot ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD