Episode 2

1639 Words
Nang dahil sa nangyaring insidente ay kamuntikan ng malate si Janelle sa una nitong klase. First dsy pa naman ng klase niya kaya halos lakad takbo ang ginawa niya para umabot lang sa major subject niya dahil tiyak na sasabunin siya ng prof niya kapag nagkataon dahil scholar siya sa University na pinapasukan. At hindi rin kakayanin kung bumaba ang grades niya dahil lang sa pagkalate na yun! Nakahinga naman si Janelle ng maluwag nang makitang kakapasok lang din ng kanyang prof. Sa may bandang likod siya umupo para hindi mahalatang late na pumasok. Buti na lang at nakatalikod ang prof niya. Hindi nito napansin na late na siyang pumasok. Mamaya na lang siguro siya lilipat sa unahan kapag nakatalikod na ang guro. Nagsimula ng magturo ang kanyang professor. nagsusulat ito sa white board ng maisipan ni Janelle na pagkakataon na niya iyon para lumipat na sa unahan. Todo yuko pa si Janelle para hindi mapansin ng guro ngunit nagtawanan naman ang mga kaklase niya kaya napalingon ang prof niya sa bandang likuran. Saktong nakayuko pa naman si Janelle. Paktay na! "Anong ginagawa mo diyan, Janelle?" tanong ng prof niya habang nakataas ang kilay at nakapamaywang. Naguluhan siya sa isasagot sa guro pero saktong nahulog naman ang ID niya kaya iyon na lang ang ginawa niyang alibi rito. My savior! sa isip isip niya. "Ah... sir, nahulog po itong ID ko. Pinulot ko lang po." nakalabas ang ngipin niya habang nagsasalita dahil naiilang siya sa Prof niya at nahihiya. "Bilisan mo. Agaw pansin ka diyan," anito at ipinagpatuloy na ulit ang pagsusulat sa whiteboard. Nakahinga naman si Janelle ng maluwag at tuluyan ng umupo sa kanyang silya. Matiwasay na natapos ang unang subject nila. Nagpalong quiz lang ang guro at nagbigay ng kaunting homework. Nagmuni-muni muna saglit si Janelle at pinakiramdaman ang sarili pagkatapos ay niligpit na ang ginamit niyang ballpen at papel saka isinilid na sa bag. Pagtingin ni Janelle sa kanyang schedule ay may isang oras pa siyang mababakante bago ang pangalawa niyang klase. "Tama. Pupunta muna ako sa canteen." biglanl ay nasambit niya. Kinuha na ang kanyang bag at isinukbit sa kanyang likuran. Bagpack ang gamit niya kaya kung titingnan ay para pa rin siyang high school student. Binabaybay na niya ang daan papuntang canteen ng marinig niyang may tumawag sa kanyang pangalan. "Janelle!" rinig niya tawag sa pangalan niya mula sa kanyang likuran. Agad siyang lumingon at nakita niya ang bff na si Danna na nagmamadaling makarating sa kinaroroonan niya. "Uy! kamusta ang unang kla---" naputol ang sasabihin ni Janelle ng bigla siya nitong hilahin sa braso. Nagmamadali pa ito na akala mo may humahabol sa kanilang dalawa. "T-teka nga Danna. San ba tayo pupunta at nagmamadali ka?" nabubulol pang tanong ni Janelle dahil halos matapilok na siya sa paghila nito sa kanya. Nagugutom pa naman si Janelle at gusto na niyang kumain. Pero istorbo itong bff niya. "Basta magugustuhan mo dun," tipid na sagot lang ni Danna habang hindi pa rin binibitawan ang braso ni Janelle. Hinayaan na lang niya na hilahin siya ni Danna hanggang sa makarating sila sa malaking gymnasium. Pagpasok pa lang ay bumungad na kaagad kay Janelle ang mga boses nagtitiliang mga babae. "Ang sakit naman sa tainga!" reklamo pa niya kaya tinakpan na lang niya ng kamay ang kanyang tainga. Matinis ang boses ng mga babae na hindi niya alam kung sino ang sinisigawan ng mga ito. "Anong meron dito?" takang tanong niya kay Danna pero hindi siya sinagot ni Danna bagkus ay hinila kang suya nito sa mga nakahilerang upuan at pilit na pinaupo. Binigyan pa siya nito ng pahabang silver na balloon. "Ano naman ang gagawin ko rito?" Sambit ni Janelle habang nakatingin sa baloon na ngayon ay hawak hawak na niya. "Manonood tayo ng basketball," sabi lang ni Danna na halatang kinikilig pa. Nagkibit balikat na lang si Janelle at pinagbigyan na ang gusto ng kaibigan. May dalawang grupo ang nakahilera sa gitna. Ang isang grupo ay nakapulang jersey at ang isang grupo naman ay nakaputing jersey. Nang marinig nila ang pito at sabay hagis ng bola sa ere ay nasalo ito ng lalakeng nakaputing jersey na may numerong 7 sa damit. Nakipanood na lang din ako kesa maging kj sa kaibigan ko. Iwinagayway ko pa ang hawak kong balloon sa ere ngunit nanlaki ang mga mata ko ng makilala ko ang lalaking may numero siyete sa likuran ng damit nito. "Tingnan mo nga naman. Pag minamalas ka talaga oh, sa iisang university pa talaga kami nag aaral," sa isip isip ni Janelle. Ito ang nakakuha ng unang puntos kaya naman lalong nag ingay ang mga babae sa loob ng gymnasium. Mukhang ito rin ang starplayer at mukhang sikat ang mokong dahil marami ang nagtitiliang babae kada makakashoot ito ng isa. Nakatingin lang si Janelle sa bawat galaw nito. Sa buong team ay parang ito lang ang nakikita ni Janelle sa buong durasyon. Hindi namalayan ni Janelle na nakatitig na pala siya sa lalake kaya naman ng mapatingin din ang lalake sa kanya ay nanlaki ang mga mata niya. Ngingitian sana niya ang lalake ngunit sinamaan siya nito ng tingin at bahagya nitong tiningnan ang mga kamay na may benda pa. "Sungit talaga!" sa isip isip ni Janelle. Hindi pa rin nito tinatanggal ang panyong itinali ni Janelle sa kamay nito. Tinaasan na lang ni Janelle ng kilay para makabawi. Ngisi naman ang isinagot nito kay Janelle. Nag iwas ng tingin si Janelle dahil parang nawawala na ito sa focus. Sa pagiwas ni Janelle ng tingin ay napatingin naman si Janelle sa babaeng pulang pula ang nguso. Tumingin muna ito sa lalakeng naka numero siyete ang jersey bago tumingin ng masama sa sa kanya. "Ano naman kaya ang problema ng isang ito?" sa isip isip ni Janelle ay baka Jowa ito ng lalake at nahuling nakatingin sa kanya. "Baka nagselos!" kibit balikat na sabi ni Janelle. Kung makatingin akala mo mangangain ng tao. Inirapan siya nito kaya inalis na lang tingin sa babaeng hindi maipinta ang mukha. Napansin niyang halos yung lalakeng naka numero siyete lang ang gumawa ng gumawa ng puntos at kada makaka-shoot ito ay agad na tumitingin sa kanya na parang nagmamalaki. Si Janelle naman ay lihim na ngumingiti lang. Gusto sana niyang asarin ang lalake kaso baka matalo pa, baka sisihin pa nito, siya ang dahilan ng pagkatalo nito. Matatapos na ang laro at lamang pa rin ng isang puntos ang kalaban. Nang maagaw nito ang bola sa kalaban ay hindi na ito nagsayang pa ng oras. Boom! Three points ang ginawa nito at buzzer beater pa kaya lalong dumagundong ang ingay sa buong gymnasium pati tuloy siya ay napatayo na rin sa sobrang tuwa at nakalimutan na may bff nga pala siyang kasama dahil okupado ng lalakeng yun ang buong atensyon niya. Napansin niya lang si Danna ng bigla itong sumigaw ng "Yes! Nanalo sila!." Nakicheer na lang din siya kaibigan habang iwinawagayway ang lobo sa ere. Nakita ni Janelle nakatingin na naman sa kanya ang lalake pero sinalubong na niya ang tingin nito at inirapan pa. Naisip niyang baka may binabalak itong hindi maganda sa kanya. Nginisian na naman siya nito. Hobby na yata ng lalake ang pag ngisi. Napatingin naman si Janelle sa pambisig niyang relo at nanlaki ang mga mata niya ng twenty minutes na lang ay magsisimula na ang klase ko. Hindi na niya namalayan ang oras! Agad siyang tumayo. Sinundan naman agad siya ni Danna. Saglit itong may kinausap na nakaputing jersey. Natatandaan niyang ka-team ito nung lalakeng arogante. Napasigaw na lang si Janelle ng may bolang biglang tumama sa tagiliran niya. Hindi naman malakas ang sigaw niya pero sapat na para makaagaw ng atensyon ng iba. Nakita niyanv papalapit sa kanya ang lalake. "Give me back my ball," mayabang na sabi nito. Si Janelle naman ang ngumisi. Inihagis niya ng malakas ang bola pero ibinalik ulit ito ng lakake at sinabing ihagis daw ulit pabalik ang bola. "Ayoko nga!" tanggi na ni Janelle. Balak pa yata nitong makipaglaro sa kanya. Malalate na nga siya tapos nakasalubong pa niya ang aroganteng ito. Pinanliitan siya nito ng mga mata. "E di sayo na!" anito na salubong ang makakapal na kilay. Napansin ni Janelle na gwapo ito. Matangos ang ilong maganda ang hugis ng jawline at mapupula ang maninipis na labi medyo longhair dahil halos umabot na sa mata ang nasa unahan na buhok. Akmang tatalikod na ang lalake sa kanya ng ihagis niya sa likuran ng lalake ang bola. Sinadya niyang lakasan ang pagkakahagis para asarin ang lalake. "Hindi ko na pala kailangan yang bola mo. Sayong sayo na!" nginitian pa niya ito bilang pang asar. He gritted his teeth. "Buti nga sayo!" sa isip isip ni Janelle. Nagmadali na siyang umalis pero nagawa pa niyang magpaalam sa lalakeng kausap ni Danna kanina. Hinila ko na si Danna na halos matulala na habang nakatingin sa bangayan namin nung aroganteng lalake. "Magkakilala kayo ni Johann?" takang tanong nito. Johann pala ang pangalan ng mokong na yun. "Siya lang naman yung lalakeng muntik na akong masagasaan kanina." naiinis na sambit ni Janelle. Habang inaasar naman si Johann ng mga kateam mate niya ay kunot noong lumapit sa dito si Scarlet. "Who's that girl Johann? Don't tell me pumapatol ka sa mas bata sayo?" sita sa kanya ni Scarlet. "Nah! Siya lang naman ang dahilan kung bakit ako natumba sa motor ko kanina. I just hate her face," sabi pa nito sabay tingin sa panyong nasa kamay. Hindi maintindihan ni Johan ang sarili. Hindi niya alam kung bakit hindi pa niya tinatanggal sa kamay ang panyo ng dalaga. Dapat nga ay tinatanggal na niya iyon kanina pa lang pero hindi niya maintindihan ang sarili. Bakit parang nagkaroon siya ng inspirasyon sa laro kanina? He smiled secretly. "Ano kaya ang pangalan ng babaeng yun?" biglang naitanong ni Johan sa kanyang sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD