Episode 3

1750 Words
Pagkauwi ni Janelle galing sa eskwelahan ay ikinuwento kaagad niya sa kanyang mommy Amanda ang nangyari kanina, na kamuntikan na siyang masagasaan ng isang motorsiklo at ang napakaantipatikong drayber nito ay hindi man lang nagawang humingi ng tawad sa kanya. "Grabe Mommy! Sa akin pa talaga nagalit! E siya na nga itong mali!" sumbong ni Janelle na tila pinanggigigilan ang lalake sa kanyang imahinasyon. "Basta anak sa susunod magdodoble ingat ka na ha. Ayokong may mangyayaring masama sayo, alam mong hindi ko kakayanin," malungkot na sabi ni mommy. Mababakas ang matinding pagaalala sa magandang mukha nito. "Opo Mommy mula po ngayon ay magdodoble ingat na po ako para sa inyo po dahil ayaw na ayaw ko pong mag aalala ka pa saken." Malambing niya sabi sa Mommy niya sabay yakap rito. Her mom is everything to her. Walang ibang makakatumbas sa pagmamahal niya para sa inay niya. Pagkatapos niyang magpalit ng damit pangbahay ay umupo na siya sa tabi ni Mommy niya upang tulungan itong gumawa ng mga name tags para sa juices na ibinebenta nito. May online business ang Mommy ni Janelle at ito ang ikinabubuhay nilang mag ina. Ito na rin ang ipinagtutustos ng mommy niya sa baon sa eskwelahan sa araw araw kaya naman mas gusto na lang niyang ipunin iyon kesa gastusin. Naaawa na rin kasi siya sa mommy niya na palaging pagod dahil sa pag aangkat ng mga prutas sa divisoria tuwing hapon. At minsan ay madaling araw na nakakauwi. Noon pa man ay pangarap na nina Janelle ang magkaroon ng sariling farm na ang mga tanim ay prutas para hindi na sila mahirapan na umangkat pa ng prutas sa iba't ibang supplier para sa nesgosyo nila. "Anak aalis pala ako maya maya para puntahan ang supplier natin ng mga prutas tatapusin ko lang itong paglalagay ng Juice sa mga bote." paalam nito kay Janelle. "Wag kang mag alala mommy pag ako nakapagtapos na ng pag aaral ay magtatrabaho ako ng mabuti. Tutuparin ko ang lahat ng pangarap natin na magkaroon ng sariling farm na punong puno ng mga prutas at gulay para hindi ka na mahirapan na umangkat ng mga prutas sa iba't ibang supplier mo," determinadong ni Janelle sa mommy niya. Nginitian naman agad siya nito at hinimas pa ang buhok sa likuran. "Wag mo munang isipin iyan anak, ang isipin mo muna ay ang pag aaral mo. Wag mo akong alalahain kaya ko naman ito at isa pa ay nasanay na rin ako sa ginagawa ko," sambit ng mommy niya na hindi nawawala ang ngiti sa labi. Napansin naman ni Janelle ang palagiang paghawak ng mommy niya sa hita nitong matagal ng sumasakit. Walang sinasabi si Amanda tungkol sa nararamdaman niya dahil ayaw nitong mag alala pa si Janelle sa kanya pero hindi naman bulag si Janelle at hindi rin manhid. Alam niyang ayaw lang ng mommy niya na magaalala pa siya para dito pero hindi naman niya maiwasan ang bagay na iyon. Tumayo na si Janelle para makapagluto na muna ng kakainin nila ng Mommy niya. Gusto niyang bago umalis ang Mommy niya ay nakakain na muna ito. Niluto niya ang lahat ng paborito ng kanyang Mommy. Pero nagluto rin si Janelle ng sunny side up egg na paborito niya. Nang matapos nang magluto ay isa isa nang inilalapag ni Janelle sa mesa ang lahat niluto niya at inamoy amoy pa dahil amoy palang ay masarap na. " Hmm.. Sarap ko talaga magluto," papuri pa niya sa kanyang sarili. Sa kabilang banda. Hindi naman maipinta ni Johann mukha nito ng matikman ang luto ng isa sa katulong nila sa bahay. "Ano ba naman to? Parang lasang medyas na nilaga!" sigaw nito sa katulong na todo ngiti pa sa harapan ni Johann. "Ah sir... nakatikim na po ba kayo ng medyas na nilaga?" inosenteng tanong pa ng katulong. Lalo namang nabwisit si Johann sa tanong nito. Hindi niya alam kung may sayad ba ito sa utak o wala. Sa sobrang inis ni Johann ay ibinagsak niya ang mga kubyertos sa Lamesa na ikinagulat ng katulong. Halos mapatalon pa ito sa harapan niya. "Ang ayaw ko sa lahat ay pinipilosopo ako!" nauubusan ng pasensyang sigaw ni Johann. "Ay! Sir, pasensya ka na. Pagtyagaan mo na lang po yan dahil wala na po tayong tagaluto. Umalis na po silang lahat dahil hindi po nila nakayanan ang ugali mo," Walang prenong sabi pa ng katulong kay Johann. "Aba! at ako pa talaga ang may kasalanan?" inis na sambit ni Johann. Lalong nainis si Johann kaya tumayo na lang ito sa kanyang pagkakaupo. "Ikaw nalang ang kumain nyan! Nawalan na ako ng gana!" sigaw niya sa harapan ng katulong. Halos mapatalon na naman ang katulong dahil sa gulat at takot nito sa pagsigaw ni Johan. "Nakakaimbyerna sa bahay na ito!" maktol pa nito. Umalis na lang si Johann sa hapagkainan at naiwang nahihintakutan ang kanilang katulong. Samantala... Nang makita ni Janelle nasa mesa na ang lahat ng pagkain na niluto niya ay tinawag na niya ang kanyang Mommy para ayain ito at sabay na silang kumain hapunan. "Mommy kain na po tayo." tawag niya. Nagtaka naman si Janelle kung bakit walang sumasagot sa tawag niya kaya pinuntahan na ang inay at binuksan ang pintuan kung saan ito gumagawa ng mga Juices nito at laking gulat na lang ni Janelle ng makitang nasa sahig na ang Mommy niya at nakahandusay! Ang mga hiniwang mga prutas ay nagkalat sa sahig. Agad tinakbo ni Janelle ang pagitan nilang dalawa ng Mommy niya. "Mommy! Anong nangyari sayo?! Mommy! Gising!" mangiyak ngiyak na sabi ni Janelle. Wala na siyang ibang choice kundi dalhin na ang Mommy niya sa Hopital kahit pagalitan pa siya nito kapag itoy nagising na. It's a matter of life and death. Nagmamadaling tumawag ng taxi si Janelle. Mabuti na lang at may tumigil agad. Tinulungan agad siya ng taxi driver na buhatin si Mommy niya. Ni wala siyang dala na kahit na ano bukod sa bagpack niyang ang tanging laman lang ay ang inipon niyang pera mula sa baon na ibinibigay ng mommy niya. Isinugod niya ito sa isang pribado at pinakamalapit na Hospital sa lugar nila Labis labis na ang pag aalala niya para sa inay niya. Saka na lang niya iisipin ang pambayad kapag naging okay na ang mommy niya. Nang makarating sila sa Hospital ay agad silang nilapitan ng nurse sa ER at agad na inasikaso si Amanda na hanggang ngayon ay wala paring malay. Inihiga sa stretcher at nilagyan ng oxygen ang ilong. Chineck ang vital signs nito. Nang may kakaibang napansin ang Doctor ay agad itong dinala sa isang room. Nang maipasok na si Amanda sa loob ng ICU ay agad na isinarado ang pinto at naiwan si Janelle nag iisa sa labas ng sumaradong pintuan. "Hanggang dito na lang po kayo Ma'am," ang huling salitang narinig ni Janelle bago ito tuluyang sumarado. Gulong gulo ang isip ni Janelle. Napatanong na kangbsuya kung may sakit ba ang Mommy? Bakit siya nawalan ng malay? Kung may sakit siya bakit hindi niya sa akin sinasabi? Dahil ba ito sa tuhod niya? Sa pagod sa pagbubuhat? Sunod sunod na katanungan ang nabuo sa kanyang isipan. Halos isang oras din ang ipinaghintay ni Janelle bago bumukas ang pintuan kung saan ipinasok ang mommy niya kanina. Nakita niya na lumabas ang isang nurse mula roon kaya pumasok na kaagad si Janelle at hindi na nagtanong pa. Narinig niyang kausap na ng Doctor ang Mommy njya. "Salamat po Lord nagkamalay na po ang Mommy ko," Lihim na dasal ni Janelle. "Meron kang cancer sa buto Amanda. Kailangan mong maoperahan sa lalong madaling panahon," narinig niya agad sabi ng Doctor sa Mommy niya. Napatakip ng bibig si Janelle. "Si Mommy may Cancer sa buto kelan pa?" takang tanong ni Janelle sa kanyang isipan. Agad na tumulo ang luha dahil sa narinig. Hindi makapaniwala si Janelle sa sinabi ng Doctor. Lumabas muna siya ng silid na iyon dahil baka mapalakas ang iyak niya ay marinig pa siya ng Mommy niya. Alam niyang ayaw nito na nag aalala siya pero iba na ang sitwasyon ngayon. Alam ko sa sarili ko na hindi niya kakayanin kung mawawala sa kanya ang Mommy niya Tumigil si Janelle sa pagiyak. Pinalis ang luhang tumulo sa pisngi niya. Nang maikalma na ni Janelle ang sarili ay bumalik na siya sa silid kung saan naka-confine ang Mommy niya. Dahan dahan na binuksan ang pintuan at iniingatan na baka makalikha ng ingay. Nang makapasok sa loob ay nakita niyang mahimbing na natutulog ang Mommy niya. Pinagmasdang mabuti ni Janelle ang mukhang ng kanyang mommy. "Napakaganda mo pa rin Mommy, hindi halatang may sakit ka." hindi na napigilan ni Janelle ang muling pagpatak ng luha. "Lalaban tayo Mommy. Hindi kita pababayaan nandito lang ako para sayo alam kong ginagabayan tayo ni Daddy ngayon." Hinalikan nito ang kamay ni Amanda. Nakita naman njya na unti unting nagmulat ang mga mata nito kaya umayos siya ng pwesto at agad na pinalis ang luhang nasa mga mata niya na malapit na naman tumulo. Ayaw kong magpakita ng kahinaan kay Mommy. Ngumiti agad kaagad si Janelle sa Mommy nito. Napakagandang ngiti na animoy walang iniindang sakit sa kalooban. "Kamusta kana Mommy? Nagugutom ka na ba? May gusto ka bang kainin? May masakit ba sayo?" sunod sunod ang tanong ni Janelle na punong puno ng pag aalala. Ngunit sa kabila ng sakit na dinadamdam ng mommy niya ay ngiti lang ang isinagot nito. "I love you so much Mommy." Yun nalang ang tanging nasambit ni Janelle. Nais niyang umiyak sa harapan ng Mommy niya kaso hindi niya magawa. Gusto niyang damayan ito kaso itinatago ng mommy niya ang sakit. Kaya nagpaalam si Janelle sa mommy niya saglit at nagpunta sa banyo dahil hindi na talaga niya kayang magpanggap. Pagpasok ni Janelle ng banyo ay naging sunod sunod ang tulo ng luha nito. Iyak na naging hagulhol na kalaunan. Tinatatakpan ang aking bibig upang hindi marinig ng Mommy na umiiyak siya. Na alam niyang may sakit ito at hindi lang basta sakit, kundi malalang sakit pa ngunit wala siyang magawa. Sobrang bigat nang dibdib ni Janelle. Pakiramdam niya ay anumang oras ay maaari ng sumabog ang dibdib niya. Gusto niyang ipakita rin sa kanya ng Mommy njya kung gaano ito nasasaktan sa sakit nitong iyon pero wala e, matatag talaga ang Mommy niya. Kabaliktaran ng buong pagkatao niya. "Anak, okay ka lang ba diyan?" rinig niyang tawag ng mommy niya. Agad na naghilamos si Janelle ng mukha. Bahala na kung ano ang hitsura niya paglabas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD