bc

The Lady Behind the Phoenix

book_age16+
1.3K
FOLLOW
3.6K
READ
kickass heroine
powerful
drama
tragedy
comedy
bxg
coming of age
enimies to lovers
superpower
supernatural
like
intro-logo
Blurb

Ano ang gagawin mo kung ikaw ang napiling tagapagligtas?

Ipinanganak para magligtas. Ang cool diba?

Pero paano kung hindi mo alam kung sino ka talaga?

Nawalan ka ng taong mahal na hindi mo alam ang dahilan, may kakayahan ka na hindi mo alam kung saan nagmula, pomuprotekta ka ng hindi mo alam kung bakit at mamamatay ka ng hindi mo alam.

Si Miss Red Sapphire Fresco ang ating malakas na bida, ang ating misteryosong prinsesa. Hindi siya sikat, hindi siya pinag-sisilbihan, hindi siya mayaman at hindi siya basta-basta. Walang sino man ang may alam ng tunay niyang pagkatao, pati siya.

Tulad ng ibang Soteria, ipinanganak siya para pumatay at mamatay.

Pero mamamatay ba siya ng hindi natutuklasan ang hiwagang bumabalot sa kanyang pagka-tao?

She’s an immortal living in the mortal world.

But she's also Miss Red. The Hero and anonymous.

She's Red Sapphire Fresco. Her parents died when she was 10 and lived life alone, she was her own family.

But she's more than an orphaned girl.

She's not just somebody. She's the hero for everybody.

She's not just Red Sapphire Fresco, but she is Miss Red.

She's the hero, the City's savior, and the lady of the masses.

The epitome of anonymity.

What if someone mysterious will come into her life informing her identity, at the same time fall in love with a mortal. Suddenly, all questions are answered. More doubts and uncertainty befall to Red.

She's not just the city's savior, neither the people's lady nor a girl behind a super hero costume.

But, she's the lady behind the phoenix.

[Book One - She's a Legend: Legend of Ice]

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Red's POV: *Smash* *Woosh* *BOOM* 'Yan ang mga ingay na maririnig mo pagdumaan ka sa kalsadang kinaroroonan ko ngayon. Abala ako sa pakikipag-laban sa mga magnanakaw na mga ito.Tatlo silang nanloob sa isang pawnshop, ang kakapal ng mukha doon pa talaga sila nagnakaw sa pawnshop na pinagsasanglaan ko ng kwintas. Naku! Pag-nakita kong bit-bit nila yung kwintas ko siguradong tutuluyan ko itong mga 'to! "Ano? Isa pa?" pananakot ko sa tatlo, na kung saan-saan na tumilapon. "Hindi na po Miss Red," sabay nilang hagulgol habang namimilipit sa sakit. Sabay ko silang pinalutang papunta sa mga pulis na kanina pa nanonood sa amin. Taga-kulong na nga lang ata ang trabaho ng mga yan dito tch! "Whhooo! Yehey!" "Mabuhay si Miss Red!" "Miss Red ROCKS!" "We love you Miss Red!" Sabay-sabay na sigaw ng mga tao sa paligid. Yan lagi ang maririnig niyo sa tuwing natatapos ang isang pag-huli o kahit saan man basta nasa eksena ako, si Miss Red. Yung mga tao rito ay kampante dahil alam nilang andito ako para iligtas sila. Isang maliit lamang na syudad ang inaalagaan ko kaya hindi ganoon kahirap sa akin. Limang taon ko na pinapanatiling ligtas ang syudad na ito. Nung una natakot ako, pero wala eh nakasanayan ko na. Naging parte na ata ito ng buhay ko. Hindi na kukumpleto ang araw ko kung wala akong binabatukan na mga pasaway ng lipunan. "Salamat Miss Red. Maaasahan ka talaga." Sabi sa akin ni PO2 Jimmy "Walang ano man, sige kita kits na lang." sabay lipad ko sakay sa apoy na hugis surfboard. "Whoooo! Salamat Miss Red!" pahabol na sigaw ng mga fans ko. Kung iisipin, mukha lang akong action star o artista sa kasikatan ko. Pero hindi parin eh. Dahl isa akong hero na tinatawag nilang Miss Red. Yun lang at wala nang iba. Ano pa ba ang dapat kong sabihin? Dapat pa bang sabihin na isa akong babaeng naka plain red jumpsuit na tulad ng kay Spiderman, naka-red heeled sandals, naka-red lipstick. People! Hindi na kailangan dahil pangalan ko palang red na. I really love wearing this costume, I look stunning and sexy, well sexy naman talaga ako. Ang itim kong buhok na hanggang balikat lang ang haba ang tanging na iiba sa akin. Pagsuot ko ang costume na ito I become Miss Red, age unknown, address unknown. Real name, UNKNOWN. Status unknown, main ability pyrokinesis. Gender, female Miss Red nga diba. Five times stronger than a normal human. Hero magazine's model, a supernatural being and uh... uhm? Siguro yun lang? See? Wala kayong makukuhang matinong sagot sa akin. Lahat Unknown, basta ang klarong sagot lang ay "I am a hero". They call me Miss Red. I save people in this City, I am their pride. Hindi man nila ako kilala talaga, at kilala lang nila ako bilang babaeng naka-suot ng superhero costume na walang takot na naninipa at nambabatok ng mga masasamang loob. Pero kahit ganun man, at least nagkaroon parin ako ng pagkaka-kilanlan dahil sa totoo lang kahit ang isa ko pang pagkatao ay hindi man nagkaroon ng pagkakataon para malaman kung sino ba talaga siya. Pasikreto akong lumapag sa isang eskinita at doon nagbago ng anyo bilang ako. People! Maaari na ako ngayong magpakilala, siguro wala kayong nakuhang matinong impormasyon kay Miss Red. Kaya sinisiguro ko na may makukuha kayo sa akin. I am Red Sapphire Fresco, 20 years existing. I'm living in a small apartment malapit lang sa school at pinagtatrabaho-an ko. Ang pangalan nga pala ng mommy ko is Miss Sapphire Fresco, yan alam niyo na kung saan nagmula ang pangalan ko. Kay daddy naman is Mark Fresco. Ang mga impormasyon na 'yan na lang ang natatandaan ko tungkol sa kanila, pati nga mukha nila nakalimutan ko na rin. Aish! Bakit ba ako napunta sa kanila? Let's talk about me, okay *cleans throat* tulad nga ng sinabi ko kani-kanina lang, nakatira ako sa isang maliit na apartment malapit lang sa school at pinagtatrabaho-an ko. Nagtatrabaho ako para mabuhay at makapagtapos ako ng pag-aaral. Kasalukuyang nasa 2nd year college na ako ngayon. Diba, kahit mahirap ang buhay na igapang ko ang sarili ko At ngayon nasa 2nd year college na ako, like hello! People! Mahirap ang buhay, pero mas mahirap ang mamatay dahil sa hirap ng buhay.  May dalawa akong pagkatao. Ang isa sikat, ang isa hindi. Malakas, maganda, matalino, at kinatatakutan, yan si Miss Red. Pero ako? Hindi, normal lang ako. Naka-eye glasses, oily face at minsan tamad mag suklay for short magulo ang buhok ko, at tahimik lang, yan ako. Nasa likod ng simpleng pagkataong ito ang isa pang pagkatao na hindi mo akalaing meron ako. Sabihin nalang natin na ang mga bagay na nabanggit ko ay ang disguise ko to hide my identity! Alter ego nga kung baga. Kasi kunting pagkukulang lang sa mga disguise kong iyon ay matutukoy mo na agad na ako si Miss Red. Like People! Ayaw kong magsuot ng nakakahilong maskara tulad ni Spiderman. Teka! Anong oras na ba? Tanong ko sa aking sarili. Patakbo akong sumilip sa isang tindahan ng TV sa daan, at saktong may orasan ang balita na pinapalabas sa TV. Hala ka! Malapit ng mag-7. Tch, bakit ba kasi uso ang nakawan sa madaling araw? Yan tuloy umaga ang hulihan. Mabilis naman akong tumakbo papunta sa dereksyon ng school ko. Naku! Baka mahuli ako, 4 minutes na lang kasi at 7 na. People! kapag ikaw nagka-power hindi mo naman kailangang gamitin lang ito para sa pangangailangan ng iba, minsan dapat ginagamit din ito para sa sarili mo. Not because I'm being an opportunist or selfish, I'm just being practical, you know. That's why, I have decided to do accelerates. Yeah~ I can do that. Wala namang makakakita sa akin lalo na siguro sa bilis kong ito. Halos liparin ang lahat ng bagay na dinadaanan ko. "Oops! Sorry!" sigaw ko nang muntik nang matumba ang batang na daplisan ng konti dahil sa pag daan ko. Huminto ako sa garden ng school at doon nagpagpag at inayos ang sarili. Tapos naglakad na lang papuntang classroom ko. Dito sa school na ito hindi ako sikat, kaya walang nambubully sa akin, walang bashers at walang haters...dati. Nagbago lang ang lahat nang makilala ko si Slater Anthony Memoir, ang mayabang na anak mayaman na feeling-clan-leader ng feeling-clan nilang grupo dito sa school. Nakakainis nga eh, ginulo niya ang tahimik kong buhay. Magulo na nga yung isa, ginugulo pa niya ang isa pa. Edi ang gulo-gulo na! Simple lang ako, nandito ako para mag-aral at maging normal. "Good morning Ma'am." Magalang kong bati sa prof. namin. "Good morning, get inside." Phew! Buti nga sakto lang ang pagdating ko. Pumasok na ako ng classroom at umupo na sa upuan ko sa pinakadulo. Madalas kasi akong dito nakaupo, dahil sa height ko. "Okay class, I will be announcing the Top 10 dean's listers of our class this semester." "Whooo!" Sigawan ng mga kaklase ko. "Oh my! I'm so excited!" "As in, today na!?" "Gosh! I'm so nervous!"  Kanya-kanyang reaksyon ng mga ito. Feeling naman nila ikamamatay nila ang hindi pagsali sa Top 10. "And aside of the Top 10, I will be also announcing the Bottom 10. Okay?" "Yes! Ma'am!" masiglang sagot ng lahat. Tahimik lang akong nakinig sa mga tinatawag na pangalan, pakialam ko ba sa kanila. Ito namang mga ito, akala mo may Rock Concert sa loob ng classroom sa kasisigaw nila. Kanya-kanyang congratulate, don't tell me they will also congratulate the Bottom 10. Nag nap position na lang ako sa mesa ko para maidlip saglit. Mukhang matagal pa bago matapos 'to. Consistent Top 1 ako nung high school, kaso nga lang nawalan na ako ng gana simula ng na realize ko na sa lahat ng mga top students na umaakyat sa stage ako lang ang walang kasamang magulang. Ang babaw, no? Pero siguro naging palusot ko na rin 'yan dahil sa nahirapan akong ibalanse ang trabaho at pag-aaral. Nadagdag pa yung pagiging Miss Red ko. "Okay for the Bottom 10 na . I want these people to stand up." Kaya ayun, isa -isa ng nagtawag si ma'am ng mga pangalan. This time tahimik ang lahat, mukhang kinakabahan sila. Pipikit na sana ako ulit nang binanggit ni ma'am ang pangalan ko. "And for our Bottom 1 we have Red Sapphire Fresco. Ms. Fresco, I want to ask your parents about this. I want to talk to them." Talk with my parents? Seriously? "Kung ganun po, you have to die," pasimple kong sabi habang humihikab. "W-what? Ms. Fresco! I'm seriously talking with you! Don't be rude!" Inis nitong sabi. "Sorry ma'am but, you really have to," dagdag kong sagot. "And why?" galit na nitong tanong. "C-coz they're dead."  Sh*t naiinis ako pag ganito! Natahimik ang lahat. Walang kumibo. Magsasalita na sana siya ulit nang tumayo ako at lumabas ng classroom. Pumunta akong rooftop at doon umupo sa sulok. Dito walang taong makakakita sa akin. Naiinis ako sa tuwing pinapatawag ang mga parents na yan sa school. Wala kasi akong nadadala, pag may meetings naman ang amo ko na lang ang pinapapapunta ko. Buti nga mabait si Tita Victoria. Sa apartment niya ako rumerenta, sa kanya rin ako nagtatrabaho bilang waitress ng restaurant nila. 3rd year high school ako nang nagsimula ako sa kanila. Mahirap ang buhay alam ko. Pero wala naman tayong magagawa kung hindi ang makisabay sa agos nito. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Sex Web

read
132.2K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.6K
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
477.7K
bc

POSSESIVE MINE

read
970.5K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.9K
bc

He's Cold Hearted

read
160.5K
bc

OSCAR

read
226.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook