Chapter 2

1852 Words
Ngunit sa pagitan ng aking pamamahinga ay nakaramdam ako ng mga palad na humahagod sa aking mga hita. "Kuya Jester, anong ginagawa mo?!" nahihintakutan kong tanong sa aking pinsan na ngayon ay nasa aking paanan ay pagapang na lumalapit sa akin patungo sa aking ibabaw. "Patitikimin lang kita ng langit aking mahal na pinsan. Oh! Hindi nga pala tayo totoong magpinsan. Hahaha! Alam mo bang kahit bata ka pa lang ngayon ay kasabik-sabik ka nang tingnan? Hindi na ako mahintay na matikman ka." nakangising nitong tugon sa akin. "Kuya, huwag! Kuya!" natatakot kong sigaw dito at nagmamakaawa. Nag-uunahan na sa pagdaloy ang mga luha sa aking magkabilang pisngi galing sa aking mga mata na walang ampat sa pagluha. Amoy ko ang alak sa hininga nito, kaya alam kong mas balot ng kademonyohan ang utak nito. Huwag naman sanang pati ang aking kamusmusan ay nakawin nila sa akin. "Huwag kang mag-alala, mahal ko! Kapag nasarapan ka ay paulit-ulit natin itong gagawin! Itatakas din kita kay Nanay para 'di ka na niya saktan pa! Pero dapat laging mo akong pasisiyahin! Ano? Gusto mo ba iyon? Marami naman na akong nanakaw na pera kay Nanay kaya kayang-kaya kitang itakas ngayon. Sige na, pumayag ka na! Hindi mo ito pagsisihan." tila malademonyo nitong sambit habang nagniningning ang mga mata sa kamunduhan at kabaliwan nitong pinagsasabi. "Hindi!" sigaw ko dito sabay tadyak sa pagitan ng mga hita nito. Halos magkanda-igik ito sa sakit habang hawak ang pagitan ng kanyang mga hita. "Anong nangyayari dito?" pasok ng aking masungit na tiyahin. Mukhang nasira ang pagtulog nito dahil sa ingay na ginawa ni Jester at masama ang timpla ng mukha nito. Tila isang diablo na naman ang gising sa mga oras na iyon. " Tiyang, binalak niya akong pagsamantalahan!" iyak ko na lamang habang nagsusumbong dito. Kahit ramdma kong hinid ako nito paniniwalaan ay sumbong ko pa rin dito at baka sakaling magkaroon ng milagro. "Hindi iyon totoo, Nay! Siya ang tumawag sa akin at pinapasok ako dito sa tulugan niya! Inaakit niya ako at sinabing itakas ko lang siya sa iyo at bigyan siyang maraming pera ay ibibigay niya sa akin ang puri niya." paliwanag ng baliw kong pinsan dito. "Ikaw na malanding babae ka? Pati pinsan mo tinatalo mo? Halika dito!" nanggigigil na biglang hinaltak ako ni tiyang sa buhok at kinaladkad palabas ng kubo. "Tama na, Tiyang!" sigaw ko sa pagitan ng sakit dahil sa paghaltak nito sa aking buhok. "Dito ka mababagay, sa puno na ito! Hindi ka makakaalis diyan at tatlong araw kang matatali diyan. Walang kain at walang inom!" ngisi ni Tiyang habang tinatali ako sa punoat tinalikuran na ako. Siyang lapit naman sa akin ng manyak kong pinsan. "Ikaw kasi, mahal! Ayan tuloy nasaktan ka na naman! Sabihin mo sa akin kapag nagbago na isip mo." nakangising sambit nito at dinakot ang aking p********e bago tuluyang tumalikod at umalis. Iyak na lamang ang aking magagawa. Magliliwanag na at hindi pa rin lumalabas ng bahay ang aking tiyahin. Idinadalangin ko na magbago ang kanyang isip at pakawalan na ako kahit alam kong malabo. Lumipas ang ilang oras ay lumabas ito ng nakapustura kasama ang kanyang magaling na anak. Nakangising sumakay lamang ang mga ito sa owner type jeep at umalis na. Maggagabi na nang bumalik ang mga ito, nahihilo na ako sa gutom at uhaw pero di pa rin ako kinakalagan ng mga ito. Kinabukasan ay tumayo sa aking harapan si Tiyang. "Mamayang gabi ay kakalagan ka na namin dahil meron nang nagmamay-ari sa iyo" nakangising sambit ng aking tiyahin sa akin. "Anong ibig niyong sabihin?" nahihintakutang kong tanong dito. "May bumili na sa iyo at mamayang madaling araw ka kukunin. Kaya gabi ka na kakalagan diyan para ayusan. Mahirap nang kalagan ka ngayon at baka takasan mo ako. Hahaha!" baliw nitong tawa sa harapan ko. "Hindi iyon pwede, Inay! Sa akin si Leana at ako ang nagmamay-ari sa kanya!" galit na dating ng aking pinsan na narinig pala ang lahat. Nagigimbal ako sa mga naririnig ko sa mag-inang nasa aking harapan. "Bakit? Kaya mo rin ba akong bayaran ng sampung milyon para sa babaeng yan?" nakangising sambit ng ina nito at tumalikod na. Lumapit sa akin si Jester at bumulong nang tuluyan nang makalayo ang kanyang ina. "Itatakas kita mamaya. Hindi ako makapapayag na iba ang makatikim sa iyo! Akin ka lang, sa akin lang!" nanggigigil na bulong nito at tumalikod na. Nakita kong umalis ulit si Tiyang at makalipas nito ay siyang lapit naman sa akin ni Jester. "Itatakas na kita ngayon!" madilim ang mukhang sambit nito at kinalagan na ako. Halos malugmok ako sa lupa ng makalag ang aking mga tali. Sa gutom at uhaw ay halos nanghihina na ako. Binigyan ako nito ng tubig at nang medyo maayos na ako ay inakay ako nito patungong sasakyan nito. Pero bago pa man ako maisakay ay sinipa kong muli ang pagitan ng mga hita nito nang mas malakas sa pagkakataong ito. Namilipit ito at di makapagsalita, kinuha ko ang pagkakataon at pinilit makatakbo sa pagitan ng aking panghihina hanggang sa marating ang kabilang bahagi ng lupain kung saan ay daanan na nang mga sasakyan. Agad kong pinara ang isang tricycle. Sakto at mayroon akong one hundred pesos sa bulsa mula sa sukli ni tiyang na hindi niya agad nakuha sa akin at marahil ay nakalimutan na. " May problema ba, Ineng?" may pag-aalalang tanong ng matandang driver. " Ilayo niyo po ako, Itang! Doon sa hindi na ako makikita ng mga demonyo!" umiiyak kong sambit at pagmsmakaawa dito habang magkasuklob ang mga palad. Nagtaka man ito noong una ay saglit lang at mukhang naunawaan na rin nito ang aking ibig sabihin. Mabilis nitong pinasakay at walang sabing pinaandar ang motor at dinala ako sa malapit na terminal ng bus. "Ito lamang ang maitutulong ko, Ineng! Sumakay ka na diyan at nawa'y gabayan ka sa iyong patutunguhan." nakangiting sambit nito bagamat mababanaag ang awang nararamdaman nito sa akin. Iniabot ko rito ang aking nalalabing salapi ngunit umiling ito at tiananggihan, bagkus ay kumuha ito ng pera mula sa kanyang belt bag iniabot ito sa akin. "Maliit na halaga ngunit alam kong makakatulong kahit paano. Mag-iingat ka! Sige na, bumili ka ng ticket at sumakay ka na kaagad. Baka maabutan ka pa nang kung sino mang tinutukoy mo! Kung tumawag man tayo ng pulis ay baka matagalan at mapahamak ka na. Matanda na ako para maprotektahan ka at may pamilya rin akong umaasa sa akin. Mas mainam na rin na umiwas ka na at magpakalayo. Gabayan ka sana ng nasa itaas." tila pagpamamadali pa nito at marahil ay natatakot na rin siya para sa akin. Tumango ako at nagpasalamat dito. Kaagad akong nagbayad ng ticket at walang pagdadalawang-isip na sumakay sa isang bus at hindi na tiningnan o inalam pa kung saan patungo. Sapagkat ako mismo ay hindi alam kung saan ako makakarating. Halos puno na ang bus at tanging sa likuran na lamang ang bakante. Ilang minuto lamang at aandar na ang bus dahil napuno na rin ito kaagad. Nakarinig pa ako ng kumusyon mula sa bagong sakay. "Sino kayang hinahanap ng lalaki na iyon at mukhang galit na galit!" bulong ng isang babae ngunit akin naman ding rinig na rinig. Nanlalaking matang aking bahagyang tinago ang aking mukha nang makita si Jester na nagwawala habang inaawat ito ng mga guwardiya. Nakita ko kung paanong nakawala ito at hinabol ang bus na kinasasakyan ko na mabagal pa ang takbo dahil nagmamaniobra pa ang driver. Nanlalaki ang matang nanalangin ako na sana ay di ito pagbuksan. "Sandali lang at baka nandiyan ang hinahanap ko!" sigaw nito at rinig ko dahil sa ordinaryong bus lang itong sinasakyan ko at bukas ang mga bintana. Alam ko at kilala ko ang boses nito. Napuno ng kaba ang puso ko at baka makita ako nito. " Pasensiya na po at puno na ito at oras na ito para bumiyahe. Maraming magagambala! " sigaw ng kundoktor at siyang lapit muli ng mga guwardiya para awatin ito. Tuluyang nang nakalayo ang bus kasabay ng pagdaloy ng mga butil ng luha sa aking mga mata. " Gabayan niyo po sana ako kung saan man ako makarating." pipi kong panalangin. Sa Maynila pala ang direksiyon ng bus, pagbaba ko rito ay halos 'di ko malaman ang gagawin pero nagpapasalamat ako at nakalayo sa demonyong mag-ina. Napasama ako sa mga batang sa kalye natutulog, masaya na rin ako noon dahil walang sakit at tanging iisipin mo lamang ay kung paano ka makakain. Ngunit ng dumating ang mga social welfare ay kusa akong sumama dahil sa pangako na rin na makapagpapatuloy ako sa pag-aaral. Nang malaman nang mga ito na ulila na ako ay dinala akong tuluyan sa isang bahay ampunan dahil napakabata ko pa raw at maaring may kumuha pa sa akin at mag-aruga. "Kumusta? Ako si Kuya Timothy mo." nakangiting bungad sa akin isang lalaki na sa tingin ko ay nasa bente o mas bata pa ang edad. "Kayo po ang may-ari nito?" tukoy ko sa ampunan. "Hindi! Katulad mo ay kinukupkop din ako ng ampunan na ito. Malapit na akong maampon kaya lang ay kapag nakatapos na ako ng pag-aaral at mga ilang buwan na lang." nakangiti nitong sagot sa akin. Sobrang lambing nito at maaruga at masaya ako dahil naroon siya. Sa batang edad ko nga sa tingin ko ay nahulog na ako dito. Kaya ganoon ang iyak ko nang aalis na ito isang araw. Dahil kukunin na ito ng isang Don para ampunin nito upang makatulong sa kumpanya nito. Kaya pala hinintay pang matapos itong mag-aral ay para diretso itong makapanilbihan sa negosyo kasabay na rin ng pag-ampon dito. "Huwag kang mag-alala! Sasabihin ko sa umampon sa akin na kunin ka rin para magkasama tayo. Basta huwag kang magpa-ampon sa iba at babalikan kita." tumango ako dito at umaasa sa pangako nito. Pero lumampas na ng dalawang taon ay wala pa rin ito hanggang sa maging labing dalawang taon na ang edad ko. Naging malungkutin ako hanggang isang araw ay isang babaeng nasa halos edad na kuwarenta ang umupo sa tabi ko. Inilahad nito ang palad nitong may nakapatong na mga pastillas na nakabalot sa magandang papel. Naaalangan akong kunin ito kaya napatingin ako sa mukha nito. Naengganyo ako sa mga ngiti nito at kinuha ko ang mga pastillas sa palad nito. "Ayan! Sa wakas ngumiti ka rin. Kasi kanina pa kita minamasdan at ang lungkot mo. Pareho tayo na malungkot." rinig kong sambit nito at nagtaka ako. "Bakit po?" tanong ko dito. "Kasi mag-isa lang ako sa buhay. Hindi na ako nakapag-asawa dahil namatay ang kasintahan ko noon kaya ngayon ay matandang dalaga ako. Wala rin akong kamag-anak dito at meron man ay nasa probinsiya ngunit malayo ko na silang kamag-anak. Patay na kasi ang mga magulang ko at ang nag-iisa kong tiyahin ay patay na rin kaya wala na akong kasama sa buhay. Nalungkot ako dito at ako na ang nagsabi na ampunin ako nito upang may kasama na ito. Ginawa nga nito at mula noon ay masaya kaming nagkasama sa buhay. Hanggang sa dapuan ito ng kasakitan na siyang muling nagbigay ng kalungkutan sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD