Chapter 1

1572 Words
Leana's POV Nagising akong mataas na ang sikat ng araw. Napasabunot ako sa sarili kong buhok dahil sa sakit ng ulong nararamdaman ko. Hindi ko mapigilan mapangiwi dahil hindi lang ang ulo ko ang masakit kung hindi pati ang pagitan ng aking mga hita. Inalala ko ang nangyari kagabi at bigla kong natampal ng malakas ang kanang pisngi ko dahil sa naalalang katangahan na ginawa ko nang nagdaang gabi. Maiiyak na sana ako pero pumasok bigla sa isipan ko ang mukha ng lalaking nakaniig ko kagabi. Ang mukha nito na bahagyang natutubuan ng balbas at bigote pero nababagay dito at nagbibigay ng lalaking-lalaking hitsura dito. Ang mga bigote at balbas na iyon na nagbibigay kiliti sa akin kapag hinahalikan ako nito sa mga labi at iba pang parte ng katawan ko. Pinilig ko ang ulo at pilit itong alisin sa utak ko, sapagkat hindi lang ang mukha nito ang nasa utak ko ngayon. Pati na rin ang ginawa naming milagro kagabi na dahilan ng pagkawala ng aking pagkabirhen. Nakagat ko ang kuko ko sa kanang hinalalaki ko dahil sa matinding kaba na rumagasa sa aking dibdib. Naiisip ko pa lang na hahanapin ako nito dahil sa pag-iisip na inakit ko siya para mahuthutan sa yaman nito. Na balak kong magpabuntis para pwedeng maghabol dito. Nasampal ko naman ang kaliwa kong pisngi sa kaisipang maaari akong mabuntis sa nangyari kagabi. "Sana hindi na kami ulit magkita." pipi kong dalangin. Hindi ko alam ang gagawin ko at baka himatayin ako kapag nagkita kami. Ngayon pa nga lang ay nanginginig na ang tuhod ko dahil maisip ko pa lang na nasa harapan ko na ulit ito at nakatingin ng matiim sa akin na para akong kakainin ng buhay. "Leana, anak!" tawag ng isang matandang babae sa hirap nitong boses. "Mang?" malambing kong tanong dito at pinasok ito sa kanyang silid. Pagpasok sa silid ay makikita mo itong nakahiga at may nakakabit na dextrose. Hindi na kasi kaya ng tiyan nitong makatunaw ng pagkain kaya doon na lamang sinaksaksak ang gamot nito na pamalit sa pagkain nito. Pati na rin ang gamot ay ini-inject na lamang dito. "A-anong oras ka na ba dumating? Nag-alala ako sa iyo d-dahil hindi mo ako nasilip kagabi hanggang sa n-nakatulog ako." sa hirap nitong pagsasalita ay pilit nitong binuo ang sinasabi na bakas ng pag-aalala. Lumapit ako dito at hinawakan ang isang palad nito na walang nakakabit na dextrose. Mahirap kasi at baka matanggal ang pagkakabit nito kapag laging nagagalaw. Sobrang ingat ko dito dahil mahal na mahal ko ito. Katulad ng pagmamahal at pag-iingat na ginawa nito sa akin nang tuluyan ako nitong legal na ampunin. Ito lang ang tanging nagmamahal sa akin kaya hinid ko kayang mawala pa ito ng ganoon-ganoon lang. Tumigil ako sa pag-aaral dalawang taon na ang nakakalipas mula ng magkasakit ito at tuluyang naratay. Humina ang panunaw nito at tuluyang hindi na nakakakain. Kaya bigla rin itong nanghina. Dapat sa edad kong bente ay tapos na sana ako ngayon ng aking pag-aaral. Ngunit sa kasamaang palad ay katatapos ko pa lamang ng second year college nang tumigil ako sa pag-aaral at piniling maghanap buhay para sa gamutan nito, pagkain ko at bayarin sa bahay. Tumingin ako sa maamo nitong mukha at ngumiti bago sumagot sa katanungan nito. "Hindi naman po ako masyadong nagpagabi at hindi ko na kayo sinilipsa pag-aalalang at baka masira ang tulog ninyo." may bahid ng pagsisinungaling at malaking ngiti na sagot ko dito habang malamyos kong hinahagod ang buhok nito. Ayokong bigyan pa ito ng alalahanin. Sa loob ng walong taon na nakasama ko ito ay hindi man lang ako nito nasaling kahit minsan at tila isa akong babasaging kristal para dito. Minsan ay napagsasabihan ako nito pero kahit kailan hindi ito nagalit ng matindi sa akin sapagkat iniiwasan ko rin bigyan ito ng sama ng loob. Napaluha ako ng ngumiti ito sa akin ng matamis. Naalala ko pa ang nakakapang-ayaya na mukha nito na nagpapayag sa akin na magpaampon dito habang ako ay nasa ampunan. Bigla rin bumalik sa aking ang ala-ala nang mawala ang aking mga magulang kung saan nagsimula ang misarable kong buhay sa aking tiyahin at pamilya nito. Nag-unahang dumaloy ang aking mga luha sa aking pisngi habang dumadaloy naman sa aking ala-ala ang lahat ng kawalanghiyaan na ginawa nila sa akin. Nang aking mga dapat na tinuturing na kamag-anak. 8 Years Ago "Ikaw na bata ka, wala ka talagang pakinabang! Pinalalamon kita kaya dapat lang na magtrabaho ka dito sa loob ng pamamahay ko!" Nanggagaliiting sigaw ng tiyahin ko habang may hawak itong latigo. "Pasensiya na po Tiyang! Naglinis pa po ako ng kulungan ng baboy at alas kuwatro na ng umaga po ako nakatulog. Tama na po masakit, Tiyang!" iyak ko na lang dito habang sinasalag ng isang braso ko ang mga paghataw nito ng latigo sa aking murang katawan. Sa edad kong sampung taon ay kailangan ko nang manilbihan sa mga ito. Ulila na ako at wala nang ibang makakasama kundi ito na lamang. Isang taon pa lang ang nakakalipas ng pumanaw ang aking mga magulang habang sakay ng isang jeepney na siyang pangdeliver nang kanilang inaning mga gulay. Akala ko ay magiging maayos pa rin ang aking buhay dahil mayroong isang tiyahing mag-aaruga sa akin. "Alam mo ba kung gaano kalaki ang utang sa akin ng mga magulang mo, huh? At dahil wala na sila ay ikaw ang magbabayad ng mga utang na iyon! Naiintindihan mo? Dahil kung hindi at patuloy kang magrereklamo ay lalo kang malilintikan sa akin!" gigil pa ring sabi nito habang dinuduro ang aking mukha. "Hindi naman po ako nagrereklamo, Tiyang. Ipinapaliwanag ko lang po na isang oras pa lang po ang aking naitutulog." nakayuko at malumanay kong paliwanag dito. " Wala akong pakialam! Kahit isang oras o isang minuto pa lang ang itinutulog mo. Basta kapag sinabi kong tumayo ka na at magtrabaho ay dapat kang sumunod kaagad! Kung hindi ikukulong kita ulit sa loob ng kulungan ng baboy!" nanlalaki ang mga mata nito na halos luluwa na habang galit na galit ako nitong binubulyawan. Napapatango na lamang ako sa pagitan ng aking paghikbi at mahinang pag-iyak. "Hala, sige! Tumayo ka na diyan at magpapakain ka pa ng baboy, pati mga manok pakainin mo. Yung mga drum siguraduhing mong mapupuno mo ng tubig bago mag-alas otso! Dahil kung hindi mo yan mapupuno ay ipapapuno ko yan sa iba para lunurin ka sa loob ng drum nang wala ng bwisit sa buhay ko!" gigil pa rin nitong sambit sa akin habang sabunot nito ng isang kamay ang buhok ko at pakiramdam ko at matatanggal na ito mula sa pagkakapit sa aking anit. Padaskol nitong binitawan ang pagkakapit sa buhok ko na halos magpasubsob sa akin sa maputik na lupa. Alam ko naman kung bakit ito galit na galit sa amin ng mga magulang ko. Ampon lang kasi ang tiyahin ko ng mga magulang ng aking ama at ng pumanaw ang aking mga lolo't lola ay pinamana lamang nila lahat ng lupain sa kanyang ama dahil sa umano'y ito lamang ang kanilang anak. Galit na galit noon umano si Tiyang. Hindi raw sapat ang binigay na mga alagang baboy ng kanyang ama dito. Nang maaksidente ang aking ama at ina ay tuwang-tuwa ito dahil mapapasakanya na ang lahat ng lupain ngunit ipinaliwanag ng abogado na sa akin mapupunta ang lahat dahil ako lamang ang nag-iisang anak at wala ng iba pang kamag-anak ang aking mga magulang. Ang tanging paraan para makatira sila sa amin ay ang alagaan ako pero sa nangyayari ngayon ay ako na ang naninilbihan sa kanila at inaangkin nang tuluyan ni Tiyang ang lahat. Pinagawan lang din ako ni Tiyang ng isang maliit na kubo sa tabi ng kulungan ng baboy na siyang matutulugan ko dahil ayaw raw niya akong makasama sa loob ng bahay na siya naman talagang aking tahanan. Biyuda na si Tiyang at ang tanging kasama niya sa buhay ay ang kanyang nag-iisang anak na lalaki, si Jester. Limang taon ang agwat ng aming mga edad. Ang tanging nakakapagpagaan na lamang noon ng aking kalooban ay ang aking pinsan na si Jester. Mabait ito sa akin at kapag hindi ako pinakakain ni tiyang ay lihim niya akong binibigyan ng pagkain. Ngunit noon iyon dahil nakikitaan ko na ito nang pagbabago at may malisya na ang bawat kilos nito ukol sa akin mula nang malaman nitong hindi talaga kami tunay na magpinsan. Nararamdaman ko minsan ang biglaang paghaplos nito sa aking mga hita at minsan ay dinaklot nito ang aking pasibol pa lamang na dibdib. Ang aming lupain na tingin ko dati ay isang paraiso ngayon ay naging impiyerno. Ginawa ko na ang lahat ng inutos ni Tiyang. Nilinis ko na rin ang bahay nila at pinagluto ko na rin sila at pagkatapos ay lumabas na rin ako dahil ayaw nitong nakikita ako sa loob ng tahanan na iyon, hindi ko na rin alam kung saan ako lulugar. Halos magmamadaling araw na ako nakapasok sa maliit na kubong pahingahan ko. Sakto lamang sa isang papag na aking hihigaan ang kubo na iyon at katabi lamang talaga ito ng koral ng mga baboy. Tinitiis ko na lang ang lahat dahil wala naman akong magagawa. Ang mabahong amoy, ang kalupitan ni Tiyang at ang malisyang ginagawa ng aking pinsan. "Hanggang kailan ko ito matitiis? Hindi ko na yata kayang mabuhay. Ang bata ko pa pero ito na ang aking nararasan! " tahimik ko na lamang tangis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD