First Encounter

1520 Words
Chapter 1 Tired and bored. Iyan ang nararamdaman ni Harley Hoffman habang kaharap niya ang babaeng ka-blind date niya sa gabing iyon. They were inside a fancy restaurant in BGC. Kakatapos lang ng racing game niya nang dumiretso siya sa date nilang iyon ni Annica. Yeah. Annica yata ang name nito? Nakalimutan na kasi agad niya. Nawalan kasi siya ng interest sa babaeng kaharap niya nang magtaray ito sa binatilyong waiter kanina. She's smilling infront of him like an angel but he already saw enough. Ang pasimpleng pagtaas nito ng kilay sa binatilyong waiter kanina ay talagang nagpa-turn off sakanya. Well she's not his type. Maganda sana ito at papasa ito sa lahat ng physical attributes na hinahanap niya sa isang babae ngunit nakitaan niya agad ito ng masamang pag uugali Nagkamali lang naman ng kaunti ang waiter kanina ngunit pinagsabihan agad nito na huwag ng babalik at ibang waiter nalang raw ang nais nitong mag serve sakanila "The nerv of that guy. Sobrang clumsy." Naiinis parin ito habang pinupunasan ng tissue paper ang natalsikan nitong damit Bahagya kasing tumalsik ang tubig sa damit at braso nito. Hindi naman iyon nabasa ng husto. Tahimik lang siya habang pinapanuod niya ang dalaga. At his age marami na siyang nakilalang mga babaeng katulad nito. He's not a player though. Sabihin nalang natin na isa siyang lalakeng nagmamahal ng totoo but ending up pained and alone. Tatlong beses na siyang pumasok sa seryosong relasyon. Lahat ng mga ex-girlfriends niya ay minahal niya ng totoo. Hindi siya nangbababae. Tatlong babae palang ang dumaan sa buhay niya kahit milyon milyon ang followers niya sa kanyang social media accounts. He is Harley Hoffman. 32 years old. He's the owner and ceo of HRT stands for Harley Racing Track. Doon madalas ganapin ang national at international racing car competition. HRT championship game is an international motorsport event held at the end/start of each year, featuring some of the world's best racing and rally drivers. Dinadayo talaga ng ibat-ibang lahi ang kanyang racing track sa tuwing may event na ginaganap. "Panira ng gabi. He ruin my night" "He said sorry already" Hindi na siya nakatiis. Kalmado niya itong pinagsabihan. Napapakunot nuo kasi siya sa overacting nitong reaksyon "Kahit na. He's so clumsy. Ayoko sa lahat yung natatalsikan ako ng germs--" "It's just water." Madali palang uminit ang ulo ng babaeng kadate niya. Nakakatakot kung ito ang magiging asawa niya. Baka unang araw palang ng pagsasama nila ay mag-file na agad siya ng divorce paper "I think it's not just water. It's his pawis. Napansin ko sobrang pawis siya. Yucks talaga.." Napapailing nalang si Harley. Kaya naman pala iritadong iritado ito. Iniisip nito pawis ang tumalsik sa damit nito. "Look at him. Pawis na pawis ang damit niya." Tumalas ang tingin nito sa likuran niya. Tinatamad siyang lumingon. Naroon nga ang binatilyong waiter na pinagalitan ni Annica kanina. Kasalukuyan nitong kinukuha ang orders ng kabilang table sa likuran niya "Kuya ayos lang po ba kayo?" Imbis na mapukaw ang atensyon niya sa binatilyong serbidor ay natuon ang atensyon niya sa isang magandang babae na nakaupo sa tapat ng waiter Saglit siyang natigilan dahil sa itinanong nito sa binatilyo. She sounds really concern. Mababakas iyon sa maamong mukha nito. She have a unique beauty. Sa tingin niya hindi pure filipina ang dugo nito dahil mas lamang ang banyaga nitong dugo. She looks like an Italian beauty queen model. Medyo maliit nga lang ito. Which his type. Gusto niya sa isang babae yung hindi gaano matangkad. Gusto niya yung maganda pero cute parin? Napapilig siya ng kanyang ulo dahil kung ano ano nang iniisip niya. "A-Ayos lang po ma'am" "Pinagpapawisan po kayo. Sigurado ka ba kuya?" Nag-aalala ito habang nakatingin sa binatilyo. Hinawakan pa nito ang braso ng waiter at parang hindi ito nandidiri sa pawisan na braso ng binatilyo She's nice. Komento niya sa kanyang mabilisan pagsuri sa dalaga. "O-Okay lang po ako" "Honey okay lang siya. You don't need to worry" Sabat ng lalakeng ka-date nito "Pero mukhang masama ang pakiramdam ni kuya. Are you sure you're okay?" Bumaling itong muli sa binatilyo upang tanungin ito "Opo K-Kuhain ko nalang po ang order niyo ma'am. H-Huwag na po kayo mag-alala sakin" Tila nahihirapan huminga ang binatilyo habang nagsasalita ito Hindi pa man nakakasagot ang dalaga ng mapaluhod ang binatilyong waiter. "Oh no!" Napatayo agad ang dalaga upang alalayan ang binatilyo. Tinulungan agad ito ng lalakeng kadate nito. Nakaramdam rin ng pag-aalala si Harley. Tatayo na sana siya ngunit naunahan siya ni Miss maganda. Miss maganda? What the- saan nang-galing yun Harley? "Oh my God. I think Inaatake siya ng hika!" Nagmadaling tumayo ang dalaga upang buksan ang bag nitong nakapatong sa lamesa Nakatuon lang ang atensyon ni Harley sa bawat pagkilos nito. May inilabas itong inhaler mula sa bag nito at walang pagdadalawang isip nitong ipinahigop sa binatilyong naghihingalo ang inhaler upang makahinga ito ng maayos Napapatingin ang halos lahat ng tao sa nangyayari. Sa palagay ni Harley, lahat ng tao sa loob ng restaurant na iyon ay pawang napapabilib rin ng babaeng maganda Wala itong pake-alam kung narurumihan na ba ang damit nito at nadidikitan na ito ng pawis mula sa binatilyong naghihingalo He saw humanity in her eyes. He saw kindness. Mayamaya pa nakakahinga na ng maayos ang waiter. "Salamat naman sa Diyos kuya okay kana.." Mababakas sa maamong mukha ng dalaga na nakahinga na rin ito nang maluwag at nawala na ang pag-aalala sa magandang mukha nito Inalalayan makatayo ng ibang service staff ang waiter at inalalayan naman ng lalakeng kadate nito si Miss maganda upang makatayo mula sa pagkakaluhod nito sa sahig "Salamat po" Nang mahimasmasan ang binatilyo ay nagpasalamat ito ng maayos sa dalaga "Walang anuman. Sa susunod kapag hindi maganda ang pakiramdam mo kuya huwag kana pumasok ng trabaho. Ang trabaho napapalitan pa yan, pero ikaw isa lang ang katawan mo. Alagan mo ang sarili mo kuya" Nais mapangiti ni Harley dahil may pabaon pang pangaral si Miss ganda sa waiter bago tuluyan umalis ang waiter kasama ng mga kasamahan nito. Lahat sila nagpasalamat ng husto sa dalaga. Tinanong pa ng mga ito kung bakit may inhaler siya sa kanyang bag, sinabi naman nitong para iyon sa nanay nito. "Sige po ma'am salamat po talaga" Pasasalamat ng manager ng restaurant bago nagsibalik ang mga ito sa trabaho Uupo na sana muli ang dalaga ngunit natigilan ito. Tila napansin nito ang pagtitig niya kaya napatingin ito sa kanya. Saglit na nagtama ang kanilang paningin. He wanted to smile at her pero hindi niya magawa. Nanigas yata ang muscles niya sa kanyang mga pisngi. Nakatitig lang siya sa dalaga with his blank expression. His heart skip a beat when she gave him a simple smile. Napangiti ito sakanya? Bakit kaya? Napalunok siya ng lapitan siya nito. "Harley Hoffman?" Medyo nanlalaki pa ang mata nitong tanong sakanya "Y-Yeah?" Siya ba talaga ang kinakausap nito? Ofcourse. Siya lang naman siguro ang may pangalan na Harley Hoffman sa restaurant na ito diba? "Hello po. Kayo po ba yung racer?" Natigilan siya ng nagumiti itong muli. Isang matamis na ngiti ang ibinigay nito sakanya. Tumango siya. "Yeah" "Pwede po bang magpa-authograph? Idol po kasi kayo ng bestfriend ko." "Honey don't bother them" Sinundan naman ito ng lalakeng kadate nito. At humingi ng paumanhin sakanilang dalawa ni Annica "Sandali lang. Magpapa-authograph muna ako kay Mister Harley. Sobrang idol po kasi talaga kayo ng best friend ko. Gusto niya rin pong maging racer balang araw" Hindi nagpapigil ang dalaga. Nagmamadali pa nitong kinuha ang isang notebook at isang ballpen sa loob ng bag nito. "Okay" He smiled. Natutuwa kasi siya sa dalaga. Dalawang beses na siyang na-amaze sa ugali nito. "Ay salamat po!" Bulalas nito ng mapirmahan na niya ang isang page ng note book nito. Halatang tuwang tuwa ito. Hindi na bago sakanya ang mga babaeng nagpapa-authograph ngunit sobrang proud si Harley ngayon sa sarili niya. Kilala pala siya ni Miss ganda. Nakataas naman ang kilay ni Annica. Kaya napangiwi ng kaunti ang dalaga. "Pasenysa na po sa abala. Maraming salamat po ulit--" "W-Wait" Napasinghap ito ng magsalita siya. Mukhang kinabahan ito. "M-May bayad po ba?" Napangiti siya. She's really cute. "No. Ofcourse wala. I just want to asked your name.." Pinamulahan agad ito ng pisngi at parang lalo pang nahiya sakanila ng babaeng kadate niya. "Thalia Hernandez po. Nice meeting you po. Salamat po ulit." Thalia Hernandez... What a beautiful name right? Bagay na bagay ang pangalan nito sa dalaga. Napangiti nalang si Harley nang bumalik na sa kabilang table ang dalaga "What?" Napapangiting tanong niya kay Annica. Naka-salubong kasi ang mga kilay nito "You're flirting with her infront of me?" Gigil nitong tanong sakanya "You're not my girlfriend. Blind date palang naman natin ito." Uminom siya ng tubig dahil kinilig yata siya sa simple encounter nila ni Thalia "Kahit na! I hate you Harley." Umuusok ang ilong nito na parang batang inagawan ng candy "Same." Nakangisi niyang tugon bago niya ito iniwan mag-isa sa loob ng restaurant. Another failed blind date night for him again. But atleast he met Thalia. Isesearch niya nalang sa socmed ang account nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD