CHAPTER 1

1215 Words
Hindi ko maiwasang kabahan habang naglalakad patungo sa isang sikat na building. Parang nanliliit ako habang nakatingin sa malaking gusali na iyon. Hindi pa rin ako makapaniwala na pagmamay-ari niya ang building na ito. At hindi lang ang building na ito ang pagmamay-ari niya ngayon kundi pati mga sikat na resorts at hotel sa buong Asia. Noon pa man ay alam kung magiging successful siya balang araw ngunit hindi ko akalaing sobra sobra pa sa inaakala ko. Hindi ko tuloy maiwasang kabahan sa iisiping makikita ko siyang muli pagkatapos ng anim na taon. Pagkatapos ng huli naming pagkikita. Pinikit ko ang mata ko at saglit na nagdasal sa aking isipan bago pumasok sa building na nasa harapan ko. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang magtanong sa isipan ko. Naaalala pa kaya niya ako? Galit pa kaya siya sa akin? Nais pa niya kaya akong makita? Kung makikita ba niya ako ngayon, magagandahan pa rin kaya siya sa akin tulad ng dati? Napatawad na ba niya ako? Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin sa oras na muli kaming magkita. Malaki ang chance na galit pa rin siya sa akin. Pero hindi naman niya ako itataboy hindi ba? Hindi naman niya siguro ako sisipain paalis sa building niya. Tama! Hindi siya ganoon! Ang Primo na kilala ko ay mabait. Saka asawa at Ina pa rin ako ng anak niya. Nang makapasok ako sa isang napaka laking building ay hindi ko maiwasang mamangha. Kulang nalang ay lumuwa ang mata ko sa sobrang pagkamangha ko. Dahil kung ano ang ikinaganda ng labas ganoon din sa loob. Hindi talaga ako makapaniwalang pagmamay-ari niya ito. Hindi ko maiwasang mapangiti sa tuwing iisipin kong naging successful siya sakabila ng lahat ng nangyari. Sakabila ng pang-iiwang ginawa ko sa kan'ya. Sakabila ng mga masasakit na salitang binitawan ko. Abot langit ang kaba ko nang makatapak ako sa CEO floor. Parang sasabog ang dibdib ko sa kaba. Para ngang gusto ng lumabas ng puso ko sa rib cage ko. Winawasiwas ko ang kamay ko para mabawasan ang kaba. Tinapik ko pa ang sarili kong balikat para icheer up ang sarili. "Kaya mo 'yan Maphia," mahina kong bulong sa sarili ko saka lumapit sa front desk. Humugot muna ako ng malalim na hininga bago nag tungong front desk. Agad tumayo ang babae at binati ako nang nakangiti. "Good Morning, Ma'am," yumuko pa ito nang bahagya bilang pag galang. Kinakabahan man ay ngumiti rin ako at binati ito. "Magandang umaga," mahina kong bati habang nakalabas ang ngipin na ngiti. "May appointment po ba kayo, Ma'am?" tanong nito. Dahilan para mapahinto ako. Hindi ko agad nagawang sumagot sa tanong nito. Kailangan ko pang magpa-appointment para lang makapasok sa opisina niya? Wala akong kaalam-alam na kailangan pala iyon. Nahihiya akong umiling sa babae. "Wala ho 'e. Pero kilala naman po ako ni Primo. Ang totoo niyan asawa niya ako," halos pabulong kong sabi sa huling salita. Hindi ko alam kung tama ba na sinabi kong asawa ko si Primo. Pero iyon na lang ang naiisip kong paraan para makita at maka-usap siya. Tumaas ang kilay nito saka ako tiningnan mula ulo at paa saka ngumiti. "Marami na pong nagpunta dito at sinasabing asawa si Mr. Montejo kaya hindi niyo na po ako maloloko." paliwanag nito. Umawang ang labi ko sa sinasabi nito. "Pero nag sasabi ako ng totoo," halos pabitin kong sabi at hindi makapag-isip ng susunod na sasabihin. Mahina itong tumawa. "Magpa appointment po muna kayo ma'am saka balik kayo dito sa susunod na araw." "Pero nagsasabi talaga ako ng totoo, Miss!" nagpupumilit kong sabi. Hindi pwedeng hindi ko makita ngayong araw si Primo dahil baka hindi ko na kakayanin pa kung sa susunod na araw ko siya makita. Halos ilang araw din ako nag-ipon ng lakas ng loob para makita siyang muli. Kung aatras ako ngayon baka hindi ko na kayanin pa sa susunod. Napipilitan itong ngumiti kahit kitang-kita na sa mukha niya ang pagkapikon dahil sa pagpupumulit ko. "Hindi nga po kasi pwede. Ako po yung mapapagalitan kung hahayaan ko kayo." mahinahon niyang sabi kahit bakas na doon ang pagka-irita. Napalunok ako at nag-isip ng mabuting. Kahit anong sabihin ko ngayon sa babaeng nasa harapan ko ay hindi siya maniniwalang asawa ko si Primo. Sino nga bang maniniwalang asawa ko ang isa sa mga sikat at mayaman na business man sa asia? Walang wala ang ayos ko sa ayos nila ngayon. Naka suot lamang ako ng simpleng bestida at naka suot ng simpleng sandal na hiniram ko pa kay Imee. Hindi rin ako tulad nila na nakasuot ng mamahaling relo o alahas. Sa anim na taon kong pagtatrabaho sa ibang bansa kahit isang libo man lang ay wala akong na ipon. Maaaring ito ang naging karma ko dahil sa pananakit ko sa kan'ya. Kung maibabalik ko lang panahon ay babawiin ko lahat ng masasakit na salitang sinabi ko noong araw na iyon. "Nagsasabi talaga ako ng totoo, Miss." kula na lang ay lumuhod ako para maniwala siya sa akin. "Kailangan ko talagang makita ngayon si Primo. Maniwala ka naman, oh." halos pumiyok boses kong sabi. Umiling iling ito. "Kung hindi kayo alis ngayon ma'am ay mapipilitan akong tawagin ang guard para hilain kayo palabas ng building." seryosong banta nito kaya't nanlaki ang mata ko. Napalunok ako sa sarili kong laway nang inabot nito ang telepono saka nagtipa ng numero. Wala akong choice kundi gawin ang nasa isip ko ngayon. Huminga ako ng malalim at nagbilang sa aking isipan ng tatlo pagkatapos ay mabilis tinakbo ang CEO office. Narinig ko pa ang malakas na sigaw ng babae sa front desk. "Miss!" she shouted. I ran faster. At dahil sa pagtakbo ko ng mabilis ay natisod ako dahilan para masira ang takong ng suot kong sandal. Napakagat ako ng labi sa sakit ng paa ko dahil sa pagkakatisod ko. Hinaplos ko iyon at saka muling nagmamadaling tumayo at paika-ikang tumakbong muli. Dahil sa pagmamadali at kagustohang hindi mahabol nito ay agad kong binuksan ang pinto saka pumasok doon at nilock iyon ng hindi nag iisip. Hindi ko na nagawa pang mag isip kung paano haharapin siya dahil sa takot na maabotan ako ng secretary nito at hilain paalis. Nang malock ko ang pinto ay hinihingal akong nag punas ng pawis mula sa aking noo. Nang mag angat ako ng tingin ay agad bumungad sa akin ang seryosong mukha ni Primo na nakatuon ang atensyon sa laptop na nasa harapan niya. Mukha siyang puyat at magulo ang buhok ngunit bumagay naman sa kan'ya iyon. Mas nakadagdag pa nga ito sa kan'yang kaguwapohan. Hindi man lang niya naramdaman ang presensya ko. Kaya't ilang segundo akong nagkaroon ng pagkakataon na pagmasdan siya ng malaya. Hindi pa rin siya nagbabago, workaholic pa rin siya. Napakasipag. Para akong tinakasan ng kaluluwa nang gumalaw ito at dahan-dahang nag angat ng tingin. Napasinghap pa ako nang makita ko ang nakakalunod nitong asul na mata. Mga matang dahilan kung bakit ako nahulog sa kan'ya. Dumaan ang pagkagulat sa kan'yang mukha ngunit bigla din iyon nawala at napalitan ng blankong emosyon. "Who are you? What are you doing here?" his words sounded like an order, hard, cold and stiff. Nakaigting ang panga at matalim ang tingin. Napakapit ako ng mahigpit sa suot kong bestida at napalunok nang matigas dahil sa nakakatakot niyang tingin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD