Kabanata 2

2510 Words
MADGET ALAS ONSE ng gabi nang magdesisyon akong bumangon na lang at lumabas ng aking kwarto kung saan ako naka-quarantine. Hindi kasi ako makatulog at kanina pa ako ikot ng ikot sa aking kinahihigaan. Namamahay ako. As usual, dahil mag-isa lang ako ay tahimik, maliban na lang sa damuhong Conor na iyon. "Nasaan kaya siya?" mahinang tanong ko habang dahan-dahan akong naglalakad sa hallway. "Nandito ako!" Sigaw ng pamilyar na boses mula sa hindi kalayuan. "Ay pusa!" Halos mahulog ang puso ko sa gulat nang magulat ako sa narinig ko. Nasa dulo pala siya, nakaupo at tanging anino lang niya ang nakikita ko. Nagsisi akong lumabas upang magpahangin dahil gising pa pala ang damuho. "Anong kailangan mo?" "Wala," sagot ko. "Okay. So, sinong kailangan mo?" sarkastiko niyang tanong. Lumingon ako sa kanya at saka ako umirap dahil hindi naman niya nakikita ang ekspresyon ko. "Wala akong kailangan," untag ko. Namutawi ang mahabang katahimikan hanggang sa nabingi na naman ako. Hindi ako sanay na walang nakakausap kaya't sige, pagtitiisan ko na lang na kausapin ang isang ito. "May kape ka? Pahingi," simula ko. Nakatayo lang ako sa tabi ng room ko, nakasandal sa pader habang siya ay limang metro ang layo sa akin, nakaupo at hindi ko alam kung nakapikit na. Hindi siya sumagot. "Hoy, may kape ka? Sabi nang pahingi. Wala bang stock ang barangay? Diba tanod ka naman dito? Sabi ni Tiyang, bigyan mo ako ng kape kung ganoon," utos ko pa sa tonong ma-autoridad. Imbes na sagutin ako ay tumayo lang siya at naglakad paalis. "Aba, tingnan mo nga itong isang ito. Nag-walkout. Hoy! Hindi mo ginagawa ang trabaho mo! Tamad!" magkakasunod kong wika. Pagkasabi ko niyon ay agad na akong pumasok sa loob ng kwarto at naglock ng pinto dahil baka balikan ako ng manyak na iyon. Pagpasok ko ay halos tatlong minuto rin akong naglakad-lakad sa loob, paikot-ikot hanggang sa makarinig ako ng katok. "Sino iyan?" tanong ko pa. "Sino pa nga ba?" boses iyon ng pinakapreskong lalaki na nakilala ko. "Anong kailangan mo?" tanong ko saka lumapit doon, ngunit wala naman talaga akong balak pagbuksan siya, dahil baka kung ano na lang ang gawin niya sa akin. "Basta't buksan mo na lang," aniya. "May baril ako dito, hindi ako magdadalawang isip na iputok ito sa'yo, umalis ka diyan!" Binantaan ko na siya dahil kinakabahan ako sa totoong pakay niya. "Baka ikaw pa ang putukan ko riyan at nang magtanda ka ng siyam na buwan sa pag-iinarte mo. Kaninang umaga ka pa. Nagpatimpla ka ng kape tapos aasta kang parang mayroon akong gagawing masama sa'yo?" naiinis na ang tono niya. Napahiya tuloy ako sa sinabi niyang iyon. Kaya naman wala akong kibong nagbukas na lang ng pintuan. Pagbukas ko ay dire-diretso siya sa pagpasok na parang pinapasok ko na siya. Agad niyang ipinatong ang tasa ng kape sa ibabaw ng mesa at saka prenteng humiga sa kama ko. Bukas ang ilaw sa loob kaya't kitang kita ko siya. Inunan niya pa ang kanyang mga braso kaya't kita ko rin ang kili-kili niya sa suot niyang sando. Ewan ko ba at mahina ang tuhod ko sa mga lalaking moreno at mabuhok. Tila ang bango bango lang niyang tingnan. Teka, ako pa ba ito? Hindi ba't wala sa bokabularyo ko ang maglandi? Bakit parang nababaliktad na ang mundo ko? What's happening? Nakapikit na siya habang nakatihaya sa kama. "Hoy, sinong may sabing mahiga ka riyan? Umalis ka nga. Mahihiga na ako!" Tatlong beses kong kinalabit siya sa kanyang paa. Nagmulat siya ng kanyang mga mata at tinatamad na tumingin sa akin. "Bakit? Mahihiga ka ba habang nagkakape? Mag-isip ka nga ng mabuti, tibs." Aniya saka naman siya dumapa. Oooww. What a beautiful butt. Napapailing pa ako nang makita ko ang bahagyang maumbok niyang pwet. Ano ba Madget? Bakit ka nanghihina sa mga nakikita mo? Malakas kang babae. Umiwas ka sa tukso. Please! Kinausap ko ang isipan ko dahil sa mga naiisip kong ito. Tumingin ako sa kape na nakapatong sa ibabaw ng mesa at umuusok pa iyon. "Lumabas ka na para makapag-kape na ako!" Singhal ko pa saka ako naupo sa paanan niya. "Isubo mo muna ang isang daliri ko sa paa," pang-aasar niya. "Baka hindi mo nalalaman, magaling ako sa martial arts," iniremind ko siya sa aking kakayahan. Baka bumalandra na lang siya bigla sa pintuan. "Baka nakakalimutan mong sa laki kong ito ay pwede lang kitang ibalibag at ihagis, tibs," tinatamad ang boses niyang wika. Tibs? Kanina pa niya ako tinatawag na tibs. Is it tibo? Ako tomboy? Wow ha. "Hoy unggoy, huwag mo akong takutin dahil hindi ako takot sa'yo. Malaki ka lang, pero ampaw ka naman!" Singhal ko sa inis sa kanya. Nabigla ako nang tumayo siya at saka lumapit sa akin. Lumakas kaagad ang t***k ng dibdib ko nang dahil sa ginawa niyang iyon. Tunay nga, ang bango niya at ang lakas ng dating niya sa akin. This isn't right. Hindi ito maaaring magtagal sa akin. Alam kong no boyfriend since birth ako at wala sa bokabularyo ko ang salitang KILIGIN pero sa totoo lang ay nararamdaman ko na iyon, kung ito man ay kilig nga talaga o harot lang. "Sinong unggoy ha?" tanong niya. Naamoy ko kaagad ang preskong hininga niya na hinaluan ng amoy ng beer na ininom niya kanina. "Ikaw, mukha ka ngang si King Kong sa laki mo eh, tapos mabalahibo ka pa. Ikaw yata ang missing link eh, umamin ka na," taas noo kong wika. Tila ba umusok ang ilong niya nang marinig niya ang sinabi ko sa kanya na siya si King Kong. Kaya't slightly ay natawa ako sa sinabi ko sa kanya. "Isa pang tawag mo ng King Kong sa akin, malalagot ka," pagbabanta niya. "Oh bakit? Anong gagawin mo sa akin? Sasaktan mo ako?" Nagmataas pa ako sa kanya at nagpakita ng kagaspangan upang sa ganoon ay hindi niya ako kayang-kayanan. "Ang tigas ng nguso mong babae ka ah," nanlisik ang mga mata niya at halata sa labi niya ang galit. "Papatulan mo ako? Siguro bading ka ano, sis?" Nagawa ko pa talagang dagdagan ang inis niya sa akin. "Mapupuno na ako sa'yo." Wika niya sabay pitik sa noo ko. "Awww!" Reklamo ko dahil tumunog at napalakas pa ang pagpitik niya sa aking noo. "Sumosobra ka na, King Kong ha?" Umirap ako sa kanya saka umatras. Nakatingin lang din siya sa akin at halatang inis na inis talaga siya. Hanggang sa bigla na lang mag-brownout sa lugar. Totoong matapang akong babae, huwag lang talagang magba-brownout sa hindi ko kabisadong lugar dahil takot ako sa dilim. Mayroon akong anxiety at phobia sa dilim simula nang ako'y bata pa lamang kaya't palaging mayroong ilaw sa kwarto ko sa tuwing matutulog ako. "Diyan ka na nga," saka siya nagsimulang maglakad paalis. "Hoy! Teka lang! Huwag mo akong iwan dito." Kasing bilis ng kidlat ay kasunod na niya ako at nakakapit na ako sa laylayan ng kanyang damit. "Bitiwan mo nga ako, kanina, monkey ka ng monkey, tapos heto, takot ka pala sa dilim. Alis diyan." Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko upang sa ganoon ay matanggal ang pagkakahawak ko sa kanyang damit. "Nasasaktan ako! Ano ba, monkey?" Reklamo ko habang pilit kong isinisiksik ang sarili ko sa kanya sa kadiliman. "Sinasabi ko na nga ba, malaki ang pagnanasa mo sa akin kaya't pati ang dilim ay ginagawa mong dahilan," mahina niyang wika. "Hoy King Kong, for your information, wala akong pagnanasa sa'yo ano. And hindi ikaw ang tipo ko sa mga lalaki. Hindi ako pumapatol sa matanda pa sa akin ng limang taon. At hindi nga kita naging type ano? Excuse me naman!" Agad akong bumitaw sa kanya at nagbigay ng distansya sa aming dalawa. "Mas lalo rin namang hindi ako pumapatol sa tibo na kagaya mo. Akala mo naman kung sino kang umasta. Kilabutan ka naman, tibs." Saka siya naglakad paalis sa hindi ko malamang direksyon. Nagsisi akong inaway ko siya maghapon. Dahil totoo ngang kinilabutan ako sa lugar na ito lalo pa at walang kuryente at umihip ang malamig na hangin. Mag-aalas dose na nga pala ng hating gabi. Bigla na namang umatake ang malikot kong pag-iisip. Probinsya ito, baka mayroong aswang, baka mayroong tiktik. "Walang gano'n Madget. Wala, okay? Relax," pilit kong ikinakalma ang sarili ko dahil sa totoo lang ay wala talaga akong lakas ng loob sa dilim. Nang maramdaman ko ang totoong takot ay nangilid na ang malamig kong luha sa gilid ng aking mga mata. "Nanay!" Sumigaw na ako sa gitna ng kadiliman at hindi ko na inisip kung ano man ang ikakantyaw sa akin ng King Kong na iyon. Sa aking pag-iisa ay napaupo na lang ako at niyakap ang mga tuhod ko. Nanginginig ako sa takot nang bigla na lang mayroong kumalabit sa likuran ko. "Nanaaayyyy!" Pasigaw kong wika. "Hoy. Tumayo ka diyan tibs. Walang silbi iyang pagiging tibo mo kung sa dilim ka lang mamamatay." Boses iyon ni Conor at kung kanina ay matapang, ngayon ay kalmado na. Unti-unti akong nag-angat ng mukha at nasilaw ako sa hawak niyang malaking flashlight. Agad ko namang tinakpan ang paningin ko dahil doon. "Huwag mong itapat sa akin iyan," reklamo ko. ALAS TRES na ng madaling araw, wala pa ring kuryente. Nakahiga ako sa aking kama sa loob ng quarantine facility, nakatapat sa akin ang flashlight at hindi ako nag-iisa. Nakaupo si Conor sa isang silya, sa tabi ng aking kama habang ako ay nakatalikod sa kanya. Nagpresenta siyang bantayan na lamang ako. On the other side, mayroon din naman talaga siyang kabaitan at concern sa akin. Masyado lang talaga siyang asal aso kung makipagbangayan sa akin kaya ako naiinis. Akala niya'y tulog na ako, ngunit sa totoo lang ay nakamulat ang aking mga mata. Gising na gising. Hanggang sa marinig ko siyang kumanta ng tatlong lines ng isang pamilyar na hitsong noong kabataan pa namin. Ang pamagat ng kanta ay "Like Only A Woman Can," by Brian McFaden. "She changed my life...She cleaned me up.. She found my heart... Like only a woman can." Mahina man ang boses niyang iyon ngunit dinig na dinig ko ang kanyang ekspresyon at ang kanyang emosyon. Bahagya kong ipinikit ang aking mga mata upang namnamin ang paraan ng kanyang pagkanta. Hindi ako nagpahalatang nakikinig hanggang sa magkaroon na ng kuryente. "Ayon, may ilaw na." Narinig kong wika niya saka tumayo. Nagpikit na ako ng aking mga mata at saka nakiramdam. Binuksan niya ang bentilador at itinapat iyon sa akin. Nanatiling bukas ang ilaw sa loob hanggang sa marinig kong bumukas ang pinto at dahan-dahan din itong sumara. Saan na siya pupunta? Tanong ko ito sa isipan ko hanggang sa marinig ko na lang umandar ang kanyang N-Max na motorsiklo at saka umalis. "Iniwan niya ako?" Napabangon ako sa higaan at saka ako sumilip sa binata. Totoo nga. Iniwan niya ako. Pero wala akong ibang magagawa kundi ang maghintay sa kinaumagahan. Matatapos naman siguro ito sa lalong madaling panahon. Pakikiusapan ko na lang si kapitan bukas. ALAS SYETE na ng umaga nang ako ay gumising. Pakiramdam ko ay lumulutang pa rin ako dahil sa puyat. Medyo masakit ang ulo ko kaya naman hindi muna ako bumangon. Nakatitig lang ako sa kisame nang mayroong kumatok sa pinto. Napasulyap ako doon at wala sa sarili na bumangon na lang bigla. "Aray ko!" Daing ko at saka ko hinimas ang sentido ko dahil sa bahagyang sakit na aking nararamdaman. Wala akong kibong naglakad upang pagbuksan ang kung sino mang kumakatok sa pinto. "Oh hija, kagigising mo lang ba?" bungad sa akin ni Tiya Felisa. "Opo, Tiyang," sagot ko. Agad naman siyang pumasok nang makita na walang nagbabantay sa quarantine area dahil ipinagbabawal ang close contact sa mga nasa loob. "Naku, mabuti na lang at napakiusapan ko si Conor na magbantay sa'yo kagabi. Tatlong gabi na siyang nag-duduty at napilit ko pa rin na siya ang magbantay sa'yo kahit na hindi siya ang nakatoka." Ito ang wika ni Tiyang Felisa habang inilalabas ang mga pagkain na nasa paper bag. Nagulat naman ako sa sinabi niyang iyon. So, meaning, hindi dapat si Conor ang nagbantay sa akin kagabi? "Bakit naman po ninyo pinilit iyong tao, tiyang?" Umupo ako sa gilid ng kama habang nakatingin sa kanya. "Naku, kay Conor lang ako nagtitiwala hija. Mabait ang batang iyon at responsable pa," wika niya. Mas lalo yatang sumasakit ang ulo ko sa mga narinig ko. Mabait? Responsable? Alam ba ni Tiyang Felisa na iniwan ako ng monkey na iyon kaninang madaling araw? Paano na lang kung mayroong nanloob sa akin dito? Responsable pa rin kaya siya sa paningin ng tita ko? MABILIS LUMIPAS ang oras. Alas tres na naman ng hapon at mayroon akong problema. Unang araw ito ng aking buwanang dalaw at wala akong dalang sanitary napkin. Kaya naman tumawag ako kay Tiya Felisa na magdala dito ng isamg supot at gamot dahil masakit na masakit ang puson ko. Wala pang ilang sandali ay mayroon na kaagad kumatok sa pinto at nakahinga ako ng maluwag dahil to the rescue si Tiya Felisa sa akin. Ngunit mas lalo yata akong mai-stres dahil si Conor ang unang bumungad sa pinto. Nakasuot siya ng gray na sando at itim na shorts. Nakakunot ang noo niya at seryoso ang mukhang nakatingin sa akin. "Sa uulitin ay huwag mo na akong i-request na maghatid ng pasador mo ha? Nakakahalata na ako sa'yo tibs," naiinis niyang wika. Ha? Ni-request ko ba siya na maghatid ng napkin ko? "Hoy monkey, huwag ka ngang feeling diyan. Hindi ako nagreq..." hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil sumingit kaagad siya. "At sa susunod, kung may gusto ka sa isang tao, sabihin mo na kaagad habang maaga. Kasi baka mamaya tulog na siya," seryoso pa rin niyang wika. "Anong pinagsasasabi mo, monkey?" "Kunwari ka pa. Ngayon ko lang napatunayan, nireregla ka pala. Hindi ka na tibo, tol." Sabay pitik niya sa ilong ko pero seryoso pa rin ang mukha. May mood disorder ba siya? Kanina para siyang leon, ngayon ay para na siyang cute na pusa...ay mali, pusa lang. "Kung wala ka nang ibang maayos na sasabihin, makakaalis ka na." Isasara ko na sana ang pintuan nang magsalita siyang muli. "Teka, may ipinadala pang gamot si Tiya Felisa," pahabol niya. Umirap ako at hinintay kong ibigay niya iyon. "Nasaan na? Bilisan mo!" Naiinis na ako dahil masakit talaga ang puson ko. Laking gulat ko nang dukutin niya ang gamot sa loob ng brief niya at i-abot sa akin. "Wala kasi akong bulsa, sa brief lang mayroon. Oh heto." Saka niya inilagay sa palad ko ang mga gamot at laking gulat ko nang makita ko ang isang kulot na buhok na sumama pa talaga sa mga iyon. Natawa siya at sabay kindat bago nagkamot ng batok at kunwaring nahihiya sa ginawa. "Dugyot ka! Ang sala-ula mo!" Ibinato ko sa kanya ang napkin sa inis ko. Sinalo naman niya iyon at saka umatras. "Ang arte mo. Para bulbol lang eh. Bahala ka nga. Bahala kang mamaho ang pempem mo sa regla mo." Naiinis siyang naglakad paalis at iniwan akong umuusok ang ilong sa pintuan ng kwarto. May araw ka rin sa akin Conor.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD