Kabanata II

1846 Words
ENDLESS drinks and the loud thumping beats with a few people in clusters sitting and dancing around inside the house. Hindi na bago kay Iggy ang ganitong eksena, present sa lahat ng okasyon kahit saang sulok man siya ng mundo mapadpad.   “Hey, bro.” His friend greeted him and offered him a glass of tequila. Tinanggap niya ito ngunit hindi tuluyang tinitikman. Madaling maging kaibigan si Iggy, nakikisalamuha kahit hindi kilala.  “Iggy,” bati sa kanya ng isang babaeng halos wala namang damit sa katawan sa sobrang ikli ng kanyang jumpsuit. Kumindat ang babae sa kanya ngunit hindi man lang tinugunan ni Iggy dahilan ng pagsimangot ng babae. “I don’t plan on staying long,  Gio. I’m just checking my ass friend out.” Wika ni Iggy at inilibot ang mga mata sa kabuuang lugar nagbabakasakaling makita ang kaibigan niya. “Well,” kibit balikat na sambit ni Gio at napatingin sa direksyon kung saan sa tingin niya makikita niya ang hinahanap ni Iggy. “He’s right there..” sinundan naman ni Iggy kung saan nakatingin  si Gio. gumuhit ang ngiti niya sa kanyang labi at humalukipkip.  Tinapik ni Iggy ang likuran ni Iggy bago lumapit sa kaibigang abala sa kanyang kalampungan sa couch. May girlfriend ‘to ah, anong ginagawa ng hayop na ito dito? Tanong niya sa kanyang isipan.  “Ass friend!” napatalon sa gulat ang kaibigan niya nang marinig ang pangalang sinigaw ni Iggy, cutting the shared kisses with a girl sitting next to him.   “f**k, Iggy.” Bulalas ni Leo-- ang pinoy niyang kaibigan. Inakbayan ni Iggy ang kaibigang si Leo sabay kindat sa Italyanang kalandian nito sa couch. “What are you doing here?” iritable nitong tanong sa kaibigan. Sino ba ang hindi magagalit? Nasa langit ka na, hinigit ka pa pababa ng demonyo.  Iggy is undoubtably arsehole. Everyone who knows him personally knows it. Minsan na siyang iniwasan ng mga taong tinangka niyang kaibiganin. Ayaw nilang masira ang kanilang kinabukasan. Inilahad niya ang kanyang kamay sa tapat ng kaibigan. “Let me borrow your car. Nawawala ang girlfriend ko, hindi ko ma-contact at nag-aalala ako.” aniya pero hindi bakas sa kanyang boses ang pag-aalala.  Nang pinatapon si Iggy sa Italya, hindi siya binigyan ng sasakyan at mamahaling kagamitan. Tanging mga damit at sariling pera lamang. Hindi masolusyunan ang katigasan ng kanyang ulo. Noong nasa pilipinas pa lamang siya, kahit oras ng trabaho naglalakwatsa siya, kung kaya’t pinadala siya ng kanyang ama upang magtanda sa Roma. Nagtatrabaho siya ngayon sa kumpanya ng kaibigan ng kanyang Dad. Leo rolled his eyes. May experience kasi siya kay Iggy, hindi magandang experience. Noong pinahiram niya ng sasakyan ang lalakeng ito, ibinangga lang nito sa isang puno. Ang akala ng pulis na romoronda, patay na ang nagmamaneho sa harap. Laking gulat ng mga ito nang marinig ang malakas na paghilik ni Iggy habang tumutulo ang laway nito sa giliran ng labi.  Hindi man lang binayaran ni Iggy ang damage. Sinubukan pang umutang ni Iggy sa kanya para pambayad lang din ng sasakyang nasira niya. Er, the audacity…  “Bro, Clint is inside his room upstairs. Doon ka manghiram ng sasakyan at wag sa akin, hinayupak ka.” Malutong nitong mura kay Iggy. Itinaas ni Iggy ang isang sulok ng kanyang labi.  Bumuntong hininga siya ang madramang nagsalita, “Ang swerte naman ng mga kaibigan ko, may kanya kanyang langit.” Aniya at napatingin sa babaeng kalampungan ni Leo. “Ni hindi mo man lang ako pinakilala..” nagtatampo ang tono ng kanyang pananalita. Matalim na titig ang ipinukol ni Leo sa kanya.  Si Leo ang parating biktima ng kagwapuhan este ng karantaduhan ni Iggy. Minsan niya rin pinakilala ang kanyang girlfriend kay Iggy ngunit kinabukasan ay nag break sila nang mapag-alaman niyang mas gusto ng girlfriend niya si Iggy.  “Shut the f**k up, Iggy..” Ngumisi si Iggy at tinapik ang balikat ni Leo at nagsimulang pumanhik paitaas ng hagdan. Hindi niya pa tuluyang binubuksan ang pintuan ng kwarto ay narinig na niya ang ungol ng isang babae.  Palihim siyang ngumisi at umiling. Ano pa nga ba ang inaasahan niya sa fuckboy ng taon. Walang katok katok ay binuksan niya ito nang tuluyan. “Hey, there. Ass friend!” dali daling nagtabon ng kumot ang kanyang kaibigan at ang girlfriend nito dahil biglang pumasok si Iggy. “Grabe! Ang lamig dito, bro kaya pala nagpapa init kayo.” Ani ni Iggy at umupo sa higaan.  “Damnit!” mura ng kaibigang si Clint. “f**k you, bro. f**k you!” sunod sunod nitong mura habang tinatakpan ang kanyang ibabang katawan. Ngumisi naman si Iggy at hindi man lang nasindak sa malulutong na mura na pinakawala ng kaibigan. Nagawa pa nitong sumandal sa headboard katabi ng babaeng kalampungan ni Clint. Pinagdilatan siya ng mga mata ni Clint, ngumuso si Iggy bago bumaling sa babaeng bahagyang umiwas sa kanya. “Are you Clint’s girlfriend? Nah or yeah?” walang kabuluhang tanong ni Iggy sa babae.  Singkit ang mga mata nito at mukhang asian lang. Hindi naman sumagot ang babae at mas lalong lumayo sa kanya na para bang isa siyang malaking virus. Hindi nagustuhan ni Iggy ang pinapakita ng babae. Inamoy niya ang kanyang sarili. Hindi naman siya amoy araw o snow. “Clint, my ass friend, ano ba pinakain mo sa girlfriend mo at bakit takot na takot sa gwapo?” nanliliit na mga matang tanong niya. Ngumisi naman si Clint habang isinusuot ang boxer shorts. “Love and loyalty,” sagot nito. Pabirong nasuka si Iggy sa naging tugon ng kaibigan. “Ano ba kasi ang ginagawa mo rito?” tanong nito. Itinaas niya ang kanyang palad sa tapat ni Clint. “Pahiram ng susi ng sasakyan mo,” lumalabas ang dimple ni Iggy sa kanyang kaliwang pisngi habang pilyong ngumingiti.  Nagdadalawang isip naman si Clint kung papahiramin niya o hindi. Katulad kay Leo may karanasan siya kay Iggy. Noong pinahiram niya ito ng sasakyan; may nakitang lipstick, gamit na condom, at pulang underwear ang girlfriend niya sa ilalim ng passenger’s seat kinabukasan. Buong akala nito na may babae si Clint ngunit ang totoo, flavor of the night lang iyon ni Iggy. Hindi nakatiis at nagparaos sa loob ng sasakyan sa kalagitnaan ng byahe patungo sa hotel. Hindi man lang humingi ng sorry si Iggy, hinayaang iwan si Clint ng naturang girlfriend.  Kinamot ni Clint ang kanyang ulo at tumayo. “Wait here,” nagdadalawang isip siya ngunit si Clint ang tipong kaibigan na kahit utangan mo ng milyon ay hindi ka sisingilin.  “Babe,” tawag ng babae sa kanya nang lumabas ito ng kwarto, leaving her alone with the jerk-- Ignacio Goncuenco.  “Easy, pretty. I’m a good man, I won’t do anything stupid.” Aniya at kumindat. Tinatak niya sa kanyang isipan na loyal siya kay Sam, kahit sobrang natitigang na siya makipag girlfriend sa isang matinong babae. “Unless you initiate…” patuloy niya sabay kindat.  Mas lalong umatras ang babae. Nawala ang ngiti niya sa kanyang mga labi, hindi niya nagustuhan kung paano siya layuan ng babae. Sanay siyang babae mismo ang magkakandarapa sa kanya.  Napatalon siya sa gulat nang bumukas ang pintuan at niluwa roon si Sam na matalim na nakatingin sa kanya. Lumipat ang tingin niya sa babae na siyang ikinabahala ni Iggy. Naparito siya upang makihiram ng sasakyan at hindi niya akalain na pupuntahan siya ni Sam. “I’ll explain, Sam…” ani ni Iggy at mabilis na dumalo kay Sam. Hindi pa siya nakakapag explain ay isang malakas na sampal sa pisngi at ibinigay ni Sam sa kanya. “I did not cheat!” He hissed. “Pagod na ako, Iggy!” sigaw ni Sam na naiiyak. Nahinto kakachismis ang mga tao sa baba nang marinig ang dalaga. “Panong di ka mapapagod e’, hindi mahinto ang utak mo kakaisip na may babae ako--” muling siyang sinampal ni Sam. This time, sa kabilang pisngi naman.  Lumandas sa pisngi ni Sam ang kanyang luha at dali daling umalis doon. Sinundan naman ni Iggy ang kanyang girlfriend at pilit na inaabot nito ang kanyang braso. “Sam, let’s talk.”  Hindi siya pinakinggan ni Sam, dire diretso ang lakad ng dalaga hanggang sa nakasakay na ng kanyang sasakyan papalayo. Gusto lang ma kumpirma kung tama ang kanyang hinala na nasa party si Iggy ng kanyang kakilala at hindi nga siya nagkakamali. Papasok sana si Iggy sa kabilang pintuan ngunit bago pa niya magawa iyon ay mabilis na pinaharurot ni Sam ang kanyang sasakyan. Bumagsak ang balikat ng binata at walang nagawa kung hindi tingnan ang dalagang papalayo sa kanya. Nanghihina siyang bumalik sa party ngunit hindi pa siya tuluyang nakakapasok nang tumunog ang kanyang phone. Kinuha niya ito at binasa ang mensahe. “Okay, let’s talk tomorrow.” Unti unting gumuhit ang ngiti sa kanyang labi.   FLORALUNA “Kanina ka pa tulala diyan, Flora. May problema ba?” tanong sa akin ni Kris ng makita akong tulala habang nagpupunas ng mesa. Nakabalik ako sa wisyo at ngumiti sa kanya. “Si Papa, nasa hospital ngayon. Kailangan kong umuwi pero hindi ko alam kung paano e’ wala akong sapat na ipon.” Ani ko at bumuntong hininga. My father had complications in diabetes, nang makausap ko si Michelle aniya’y hindi pa nagkakamalay si Papa. Mas lalo akong nag-aalala. Kailangan ng malaking halaga para sa Ospital at para na rin makauwi ako. Ngunit, hindi ko alam kung saan ako pupulot no’n. May active loan pa ako sa kompanya na pinagtatrabahuan ko at isa sa mga policy nila ay hindi maaaring umutang kapag hindi pa nakakabayad.  “Flora, table number 22. Pakisuyo naman oh.” Ani ni Isabel at inilapag ang tray na naglalaman ng juice. Kinuha ko ito at  dinala sa particular na table. Hindi ko pa ito nalalapag nang nawalan ako ng balanse dahilan ng pagkahulog ng baso na naglalaman ng juice at pagtilapon ng laman nito sa sahig. “Goodness!” agad napaangat ang aking mukha nang makilalang si Ms. Sam ito. “Oh my God, Ms. Sam. I’m so sorry!” ani ko at inilapag ang tray ng juice sa mesa. Kumuha ako ng panyo at ipinahid iyon sa kanya.  “Flora!” bumaling ako sa galit na boses ng boss ko at alam ko na ang kasunod nito.    NAKIKINIG lang ako sa sermon niya pero lumalabas sa kabilang tainga lahat ng naririnig ko. Mas inaalala ko si Papa at kung saan ako kukuha ng pera.  Kaunting sablay lang, may masasabi na agad itong manager ng Restaurant. Sabagay, sino ba ang hindi magagalit? Kapag naulit pa iyong nangyari kanina, iisipin ng mga customer na nagiging pabaya kami sa trabaho namin, minus points din iyon sa image ng restaurant. That’s how the business works.  “Andare a casa!” (Go home!) aniya sabay kinumpas ng kamay niya na tila tinataboy ako papalayo ngunit siya itong naunang tumalikod sa akin. “Flora, baka gusto mong umutang may three hundred euro akong naipon.” Offer sa akin ni Kris habang inaayos ko ang aking bag.  “Wala ka bang pag gagamitan? Baka magipit ka, hindi naman ako agad makakabayad.” Tanong ko sa kanya. Tinapik niya ang aking balikat at malungkot na ngumiti.  “Kailangan syempre pero mas kailangan mo iyon.” Ngumiti ako. Natatakot akong umutang talaga, minsan na akong umutang sa kanya at hindi ko agad nabayaran. Nakakahiya man pero kailangan ko pa ring tanggapin. Alam kong hindi sapat ang three hundred euro pero malaki na ang maitutulong nito. Bukas maghahanap ulit ako ng mauutangan. Para kay Papa, para masalba siya... Nagsiuwian na kami nang tumatak ang 1:00am, bukas ng umaga, at exact 9:00 in the morning, magtatrabaho ulit ako. Naghiwalay kami ni Kris nang maisara niya nang tuluyan ang restaurant. Hindi pa ako nakakalimang hakbang nang mapahinto nang makita si Ms. Sam. “I heard the news about your dad. Pwede ba nating mapag-usapan kung paano kita matutulungan?” tanong niya at ngumiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD