Prologue

1536 Words
Desiree Larrson Nakangiti akong nakatingin sa aking kabuoan sa harap ng salamin. Nakasuot ako ngayon ng kulay puting gown at may mga palamuting dyamante sa paligid nito. Actually this is my dream wedding gown! Hindi ko maiwasang humanga sa aking sarili. Hindi rin ako makapaniwala na ikakasal na ako ngayon. Ikakasal sa taong matagal ko nang minamahal. And that's Evan Smith my long time crush. "Bes sigurado ka na ba dyan?" nakatingin sakin ang best friend ko na si Vivoree sa salamin. Nasa likod ko kasi ito. Umalis saglit ang mga make up artist at iniwan kaming dalawa. Hindi ako sumagot sa tanong nya. "I mean diba may jowa na yon? Yong mukhang p****k na ginamit na ng kano ilang ulit!" may disgusto sa tinig nito. Huminga ako ng malalim kahit ayaw ko masira ang mood ko ngayon ay di ko maiwasan lalo na't nabanggit ni Vivoree na may kasintahan si Evan. Ikakasal ako. Pero isa lamang itong arranged marriage. Ang kasal na ito ay para lamang sa pag-me-merge ng dalawang kompanya nina Evan at namin. Wala namang kaso sakin iyon sa totoo nga masaya ako nang i-announce nyon samin ni Evan. Si Evan lang ang may ayaw. Naalala ko pa yong mga sinabi nya that time "What the f**k Ma and Dad? Hindi nyo ako mapapakasal sa babaeng iyan!" galit na galit si Evan na tinuro ako. Pero ako nakayuko lang katabi sina Mom and Dad. Alam kong gusto mag salita ni Dad kasi nakita ko ang pag kuyom ng kamay nya sa inasal ni Evan. But no, we have no rights. Kami ang nangangaylangan nang tulong sa mga Smith. "Evan your manners!" sigaw pabalik ng Dad ni Evan pero hindi natinag si Evan mas lalo pa sumama ang tingin sakin. "Hindi ko sya gusto! At kahit kailan hindi ko sya magugustuhan! May girlfriend ako Dad at mahal ko yon! Kaya stop this f*****g s**t!" May anong tumusok sa dibdib ko sa mga sinabi ni Evan. Uminit na rin ang sulok ng mata ko. I'm going to cry pero dahil ayaw kong makita nina Mom and Dad agad ko itong pinunasan saka nag taas ng tingin. Nagulat ako nang sinalubong ako ng dalawang pares na nag babagsik sa galit na mata ni Evan ang nakatitig sakin. Nakita nya yong pag iyak ko. "Whether you like it or not mag papakasal ka kay Desiree sa susunod na buwan!" Lumingon ng marahas si Evan sa Dad nya "Pano kung hindi" matigas na sabi nito "Simple hindi mo makukuha ang mana mo sakin at hindi na kita papayagang maging CEO ng kompanya natin!" umalingawngaw ang boses ng Dad ni Evan sa buong mansyon nila. Kita ko ang pag igting ng panga ni Evan at pag kuyom ng mga kamao nya na anytime pwede lumipad sa kung kaninong tao na kaharap nya. Akala ko mag sasalita pa si Evan. Pag taas baba na lang ng dibdib ang nakita namin at ang paglingon nya sakin ng marahas. Ang tingin na iyon ang nag panginig nang kaibuturan ko. Kinabahan ako bigla. Tumalikod na ito samin ng walang paalam at lumabas na. Saka ako napahinga nang maluwag. Ngunit hindi matanggal ang bigat na nararamdaman ko. Tama ba tong pinasok ko? Lalo na't kita ko ang malaking disgusto sa mata ni Evan. Bumalik ako sa reyalidad nang nakarinig kami ng katok ni Vivoree. Bumukas ito at niluwa nito ang wedding coordinator. "What a beautiful bride!" ngiti nito sakin. Isa itong bading "Siguradong mapapanganga sa hanga si Sir Evan" napangiti ako nang mapait sa sinabi ng bakla. I hope so.. pero malabo Lahat kami nagulat nang pumayag si Evan na mag pakasal sakin. Parang may saya na bumukas muli sa puso ko sa sinabi nina Mom and Dad. Pero paano? I mean may girlfriend sya at mahal nya ito. Tapos sobra pa ang ayaw nya sakin paanong napapayag sya Nina Tito? Kinakibit balikat ko na lang yong mga iniisip ko. Malay diba nag bago ang isip nya at mas pinili na lang ako kaysa kay Tania. Ngumiti ako pabalik sa wedding coordinator. Sana magustuhan nya. Tumingin ako kay Vivoree na kita pa rin ang disgusto na ikakasal ako kay Evan. Wala syang tiwala kay Evan. "30 mins na lang aalis na tayo Ma'am Desiree" ani ng wedding coordinator saka lumabas. Bumuntong hininga si Vivoree. Hindi ko na lamang ito pinansin. Naniniwala naman ako na kayang mag bago ni Evan. At sa ngayon hindi ko iniisip ang mga pwedeng mangyari after namin makasal. Kasi ang mahalaga sakin ay ang makasal sakanya. Ang marinig ang 'I do' nya at last ang paghalik nya sakin. "Magugustuhan kaya ako ni Evan..."tanong ko bigla kay Vivoree. Naisip ko din kasi na i-try ko na mag work ang kasal namin. Na magustuhan ako ni Evan. Na mapalitan ko ang disgusto sa mata nya at gawing kasabikan. "Maganda ka bes. Napaka-angelic nga ng face mo eh. Napaka-amo. Para kang anghel na bumaba sa langit tapos napaka-bait. Kaya di ko matanggap na mapupunta ka sa demonyong Evan na yon." Alam Kong concern si Vivoree. Pero malay diba hindi naman pala ganon si Evan. Na kaya nya ako galangin sa kabilaan ng disgusto nya sakin. Lumipas na ang ilang minuto at tinawag na kami ng wedding coordinator. Pinasakay na kami sa isang sasakyan. Katabi ko si Vivoree na naka violet dress. She's my bride's maid. Maganda din ito, morena type kaya nag tataka ako bakit hanggang ngayon wala pa itong boyfriend. Mga ilang minuto ay nakita na namin yong simbahan. Nakramdam ako ng excite and the same time kaba. Kinakabahan ako na makita si Evan, hindi ko alam siguro hindi maganda yong last na kita namin. "Oh bes pwede ka pa tumakas! Runaway bride ampeg mo" bulong sakin ni Vivoree na kinatawa ko. "No di ko gagawin yon" buo na ang desisyon ko. At pangangatawan ko ito hanggang sa huli. Ano man ang mangyari gagawin ko ang lahat para mag kagusto sakin si Evan. Bumaba na kami. Nauna na pinalakad sina Vivoree. May ilan pa akong kasama na nasa likod ng pintuan ng simbahan. "Are you ready ma'am?" tanong sakin at tumango ako agad Lumapit na rin sakin si Dad na maluha luha. Gusto ko mag salita pero may nakabara na anytime mag salita ako ay kusang tutulo ang mga luha ko. Ayaw ko makita ni Dad yon "I love you Desiree.." bulong ni Dad "I love you too Dad" nakangiting sabi ko kay Dad at yumakap sakanya. I'll miss my Dad pati si Mom. Napahugot ako ng hangin nang nagsimulang bumukas ang pinto ng simbahan. Nag angat ako ng tingin. Nag Simula na tumugtog ang wedding song namin na 'A Thousand Years' nag lakad na kami ni Dad ng dahan dahan. Sobrang ganda nang pag kakadesinyo ng simbahan. Pinag halong violet and white ang motif tapos parang garden type pa. Gusto ko umiyak kasi tinupad ni Mom yong dream wedding ko lalo na sa dream groom ko. Sinalubong ako nang ngiti ng mga tao. I also see my aunties and uncle. Hindi ko na kilala yong iba siguro mga kamag anak na nina Evan. Nakita ko rin sina Tito and Tita na nakangiti sakin kasama nito si Mom. Nakita ko rin si Vivoree na nakangiti sakin. Sobrang gaan sa pakiramdam na suportado ka ng best friend mo. Kumabog ang dibdib ko nang makita ko ang isang napakagwapong lalake na bumagay sa suit nito na seryosong nakatingin sakin. Its him. My groom. Evan Smith Kulang na lang matumba ako sa kinatatayuan ko sa paraan nang pag titig sakin ni Evan. Hindi ko nabasa ang iniisip nya. Pero somehow natuwa ako dahil pumayag sya. Ngumiti ako sakanya na hindi nya pinansin. Nang makarating na kami sakanya ay binigay ako ni Dad "Please take care of my daughter. Evan" sabi ni Dad saka umalis Mag katabi na kami ngayon ni Evan. Nasa harap namin yong priest na mag kakasal samin. Gusto ko syang lingunin at tanungin bakit pumayag sya. Pero di ko magawa. Sabay mo pang seryoso ang mukha nya at hindi man umiimik. Naramdaman ako bigla nang kaba. Evan's turn. Tinanong sya ng priest. "I Do" agad na sagot nito na nag patalon sa puso ko. Bumaling naman sakin yong priest at tinanong ako. Mabilis ko itong sinagot. "I Do father" Marami pang sinabi ang priest saka napunta don sa part na kina hihintay ko "You may now kiss the bride" announce ng priest Kinakabahang ginalaw ko ang katawan ko at humarap kay Evan na nakaharap na rin sakin. Sobrang lamig nang titig nya. Walang imik itong lumapit sakin at hinawakan ang dulo ng belo ko saka tinaas. Napahugot ako ng hangin nang unti unting lumapit ang mukha nya sakin. Pumikit ang mata ko. Ramdam ko na ang mainit nyang hininga sa gilid ng leeg ko. Leeg? Mumulat na sana ako nang nag salita sya "Don't be so happy. I'll make your life like hell b***h!" sobrang diin nang pag kakasabi nya. Mag sasalita na sana ako nang sinugod nya agad ang labi ko ng halik. Nabingi ako sa sinabi nya at nabingi sa palakpakan ng mga tao. Hindi ako makagalaw bigla. Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko. Humiwalay si Evan saka ko nakita ang napakademonyong ngisi nya na ngayon ko lang nakita. Napahugot ako ng hangin. Binalot ako ng lamig. Binundol ako ng kaba. At ngayon parang nakaramdam ako ng takot. Takot sa mga mangyayari after nito.. — A/N What can you say my beloved readers? Nakakainit na ba ng ulo?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD