bc

Bukas, Hindi Na Ikaw

book_age16+
36
FOLLOW
1K
READ
possessive
contract marriage
dominant
manipulative
goodgirl
billionairess
heavy
brilliant
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

KINASAL sila para sa isang kasunduan. A marriage where they will both benefit. Pero paano kung isa sakanila ang mahulog? Magiging totoo na ba ang pagiging mag-asawa nila o magbubunga iyon ng pagkawasak sa kasunduan nilang dalawa?

chap-preview
Free preview
Simula
NAPAHINTO ako sa paglakad nang mahagip ng tingin ang malinaw na tubig sa batis. It was there. Kumurba ang masayang ngiti sa mga labi ko bago ako masiglang naglakad patungo roon. I have been walking for almost half an hour all because I wanted to see this place. Matagal na kasi mula nang huling magtungo ako rito kaya’t talagang nakaligtaan ko na ang daan at lokasyon noon. The last time I was here was four years ago. Kaya naman nang banggitin ni Mommy na pupunta siya rito at magtatagal ng ilang araw ay sumama ako. I missed this province. Especially, this place. My steps halted when I was only three steps away from the water. Doon ay tinanggal ko ang sandals na suot bago tuluyang lumusong. An enticed smile appeared on my lips. Nang ihakbang ang kanang paa sa bukana ng batis ay agad ko ring isinunod ang kabila. It was cold. Tamang-tama dahil katanghalian at init na init ako mula sa naging paglakad. Yumukod ako para sumalok ng tubig gamit ang dalawang kamay. Sa sobrang linaw niyon ay kitang-kita ko pa rin ang guhit sa mga palad ko. It looked so clear and clean. “Senyorita!” Dumiretso ako ng tayo. Kahapon ng tanghali lamang kami nakarating ng Hacienda Conception. Kaninang umaga, sa hapag kainan ay ipinakilala sa akin ng mayordoma ang mga bagong kasambahay sa mansyon. Two of them were assigned to look after me. Parehong senyorita ang tawag sa akin. I let out a silly smile. Lumingon ako para tignan kung sino sakanila ang tumawag sa akin. My eyes went straight to a girl with her uniform. Humahangos ito habang nakahawak sa dalawang tuhod. It was Letina. Kahit nakayuko ay alam ko iyon dahil kumpara kay Betty ay mas mapusyaw ang kutis nito. Nagtaas ako ng kamay para kawayan ito. Doon ay tumulo pababa sa braso ko ang ilang patak ng tubig na galing sa kamay ko. Nagtaas ito ng ulo para tignan ako. Bakas ang pagod at pag-aalala sa mukha nito. I moved my left foot in the water as I waited for her to come closer. Bagsak ang balikat nito habang naglalakad palapit sa akin. Letina was about on the same age as me. Anak ito ng isa sa trabahador sa plantasyon ni Mommy. She was small. Siguro’y hanggang sa tainga ko lamang ito kung pagdidikitin kaming dalawa. She was petite and cute. Maliit ang ilong at maganda ang mga mata. Yaya Rosie told me Letina was quite famous. Maraming manliligaw dahil bukod sa maganda ay matalino raw. Hindi naman iyon mapagkakaila. Magaling din daw itong magluto at marunong sa gawaing bahay. “Senyorita, kailangan niyo nang bumalik sa mansyon. Maya-maya lang ay darating na ang mga bisita at paniguradong ipapakilala ka ni Senyora.” Huminto ito sa tabi ng malaking bato. She looked down on my feet and winced. “Darating ang mga Zobel, Lopez at Yuchengco. Ibinilin ni Senyora na kailangang maayos na ang itsura ninyo bago dumating ang mga ito sa mansyon.” Zobel, Lopez, at Yuchengco. Pamilyar ang mga iyon sa akin. Those were the surnames of the elite and powerful family that lives here. Iyon ang mga pamilyang kadikit ng mga Conception. Ganoon pa ‘man ay hindi ko personal na kilala ang miyembro ng pamilya ng mga ito. I was always in Manila. Nang huling magtungo ako rito, ilang taong gulang pa lamang ako. I was too young to even exchange conversation with them. Do they even remember me? “Hindi naman ako kailangan doon.” Ngumiti ako sakanya. “Alam kong si Mommy ang pakay ng mga ito. Kahit wala ako roon ay hindi naman nila ako hahanapin.” “Pero ipapakilala ka ng Senyora bilang susunod na tigapamahala ng plantasyon.” “And whose words are that?” “Ang mayordoma, Senyorita.” Nagtagal ang tingin ko kay Letina. My mouth was hanged open for a brief moment. She heard it personally from Yaya Rosie. Kung ganoon ay marami na palang napagsabihan si Mommy. Mukhang seryoso talaga sa sinasabi nitong ako ang mamamahala ng plantasyon nito balang araw. The smile on my lips weakened. Nagbawi ako ng tingin sakanya sabay lakad para umahon. Halos hindi ko pa na-e-enjoy ang batis at heto’t sinusundo na niya ako agad. I walked for almost forty minutes for this. Ngunit paa lamang ang nabasa sa akin. “Sasama ako,” sabi ko. “Pero ipangako mong sasamahan mo ako rito bukas para maligo, Letina.” “Malamig ang tubig, Senyorita.” Tunog may pagtututol na sagot nito. “Hindi po ba’t sanay kayo sa maligamgam na tubig sa Maynila? Doon na lamang kayo sa mansyon maligo. May heater sa banyo ng kwarto niyo.” “Hindi naman tayo magtatagal.” Nang tuluyang makatapak sa bato ay yumukod ako para abutin ang sandals na suot. Letina immediately moved to help me wear it. “At pwede bang tigilan mo na ang pagtawag sa akin ng Senyorita? Ma’am or Miss is fine.” “Iyon ang utos ng Mayordoma.” “Iyon ang gusto ko, Letina.” Tumingin ako sakanya. “Bakit ang galang ng pakikipag-usap mo sa akin pero ayaw mong pumayag sa mga sinasabi ko?” “Dahil ako po ang mapapagalitan kapag may masamang nangyari sainyo. Bago lamang ako sa mansyon, Senyorita. Ayaw kong gumawa ng ikagagalit ni Senyora o ng Mayordoma.” “Kung ganoon ay takot ka sakanila pero hindi sa akin?” “Hindi naman po nakakatakot ang mukha niyo.” Kumawala ang mahinang tawa mula sa mga labi ko. I looked at her with my eyes amazed and enthralled. “Makakarating iyan kay Mommy, Letina.” Nanlaki ang mga mata nito roon. Mukhang natanto na ang kinalabasan ng sinabi. “H-hindi naman po iyon ang ibig kong sabihin.” Ngisi ang itinugon ko sakanya bago tuluyang nilisan ang lugar na iyon kasama siya. Nakakapanghinayang na kung kailan kakarating ko pa lang ay ‘saka ako aalis pero sa kabilang banda’y baka totoo ngang hanapin ako ni Mommy. Surely, there’d be no one else to blame but Letina and Betty. Ayaw ko namang mag-iwan ng masamang impresyon sa dalawa. Pero bukas, kahit tumanggi ito’y aayain ko itong bumalik dito. SA DAAN ay sinubukan kong kausapin si Letina. Naiilang kasi ako sa katahimikan nito kaya’t sinubukan kong magtanong tungkol sakanya. I asked her how she ended up working in the house, kung ano ang mga gusto niya, at kung ano ang kursong kinuha niya noon. Letina seems to be a straightforward person. Hindi mahiyain pero hindi rin madaldal. I like her character. It felt like I was talking to a friend. Doon ay napag-alaman ko ring labing siyam na taong gulang na ito. Tama ang hinala kong hindi nagkakalayo ang edad naming dalawa. I was only planning to ask her twice or thrice, but as we keep going, nadadagdagan ang mga bagay na gusto kong malaman tungkol sakanya. Ang akala ko, ako lamang ang palaging magtatanong sa aming dalawa para mapahaba ang konbersasyon pero bago tuluyang makauwi ay nagtanong ito sa akin. She asked me why I stopped acting and doing commercial. Hindi ko naisip na kilala pala ako nito bilang actress dahil noong una’y parang hindi naman ito pamilyar sa akin. I was happy there are still people who recognize me. Kahit matagal na akong hindi umaarte ay natutuwa ako kapag may nagtatanong sa akin tungkol sa dating propesyon. I told her I quitted because I wanted to prioritize my study. Iyon kasi ang napagkasunduan namin ni Mommy noon. My manager told me to message her if I want to have a comeback but it’s been years. Ilang taon na rin at hindi na muling sumagi sa isip ko ang bumalik pa. I became contented with my life. Isa pa, nagkaroon na rin ako ng bagong pangarap. Nang makauwi sa bahay, puno na ng tao ang labasan. Even the workers are happily eating in front of the house. May mga upuan at lamesang nakabalot ng puti. There were curtains, flowers, and red carpet on the middle as if it was some venue of a ceremony. Hindi naman fiesta ngayon pero parang may piging sa ganda ng ayos. All the maids are scattered. Ganoon rin ang mga server at waitress na abala sa pagbibigay ng pagkain at inumin. Maayos na nakalatag ang mga bilog na lamesa. Napuno noon ang harapan ng bahay. Sa gilid sa bandang swimming pool ay namataan ko pa ang mga pinsan sa side ni Mommy. They probably came after knowing we’d be here. Hindi na ako lumapit para batiin isa-isa ang mga ito. Hindi ko rin kasi gustong batiin ito nang hindi nakaayos. Some of the guests are also looking. Hindi ko alam kung dahil iyon bago ako sa paningin nila o dahil alam ng mga itong anak ako ng may-ari ng plantasyon. Nang umalis ako kaninang umaga para maglibot sa bayan ay tahimik at wala pang tao sa bahay. Nasabihan ako ni Mommy na magkakaroon ng pagsasalo mula tanghali hanggang mamayang gabi pero hindi ko inaasahan na ganito ang mangyayari. It was probably why Letina chased after me. Kaya pala gustong-gusto akong pauwiin. “Naku, Letina!” Nagmamadaling naglakad si Betty pababa ng hagdan. She looked agitated. “Saan ba kayo nanggaling? Hinahanap na ng Senyora si Senyorita!” Napatigil kami sa paglakad. Nilingon ko si Letina. I was expecting she’d look at me and give me a look but she remained looking in front. “Sasamahan kong mag-ayos ang Senyorita. Bababa kami pagkatapos. Sabihin mong natagalan kami sa pagpipili ng damit,” aniya sabay hawak ni Letina sa braso ko. Hindi ko na nagawang makapagsalita. Ngiti lamang naibigay ko kay Betty bago nagpadala kay Letina. Seryoso na ang mukha nito habang iginagaya ako papasok. She was looking around, parang tinitignan kung makakasalubong namin si Mommy. Base sa reaksyon ni Betty, mukhang may takot nga ang mga ito kay Mommy. Was my mother ever strict around them? Madalang lamang ang pagpunta ni Mommy rito. Madalas pa’y umuuwi rin agad at hindi na nagpapalipas ng gabi. I’m sure they rarely interact and see each other. Why are they so afraid of what she might do? Hindi naman ganoon si Mommy. If I am to ask, she was rather sweet and forgiving. Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataong tanungin ito dahil sa pagmamadali niya. Pagkapasok ng kwarto, agad nitong iginayak ang gagamitin ko sa pagligo ‘saka pumili ng damit na maaari kong suotin. Siya pa ang naghanda pati ng twalya at roba. The soap and heater in the bathroom. I told her I can do that for myself. Sa Manila naman ay isa lamang ang kasambahay namin at ang trabaho lang nito’y lutuan ako ng pagkain. Sanay akong pagsilbihan ang sarili ko’y kaya’t hindi ko nakukuha kung bakit parang prinsesa ang trato nila sa akin dito. Why did Yaya Rosie even tell them to call me Senyorita? Hindi naman ako sanay sa ganoon at isa pa… baka isipin ng mga trabahante at mga tao ni Mommy na ganoong klase ng trato ang gusto kong igawad nila sa akin. “Letina, calm down.” Naupo ako sa tapat ng vanity mirror. “My mom won’t eat you alive.” Naglakad ito para magtungo sa gilid ko. Hawak nito ang puting towel sa kamay at mukhang balak pang patuyuin ang buhok ko para sa akin. Naiilang na tuloy ako. Do I look like someone who needs extra care to her or was she just really scared of my mom? “Ibo-blower ko ang buhok niyo, Senyorita.” She insisted. Sinubukan nitong tanggalin ang twalya sa ulo ko pero pinigilan ko ito. I looked up to her and shook my head. “I can do that myself. Kung gusto mo’y mauna ka na sa labas.” “Sa akin kayo hahanapin ng Senyora.” “You can tell my mom I’m still on my room.” “Pa-paano kung nariyan na ang mga bisita?” Pilya akong ngumiti sakanya. “Then they will have to wait for me.” Doon ay parang natigilan ito. Ibinaba nito ang kamay ‘saka ako pinagmasdan. “Hindi ba kayo natutuwa na makikilala niyo ang mga Zobel?” “I don’t have any business with them, Letina. Sumama ako rito kay Mommy sa plantasyon para busugin ang sarili ko sa mga tanawin at mga bagay na matagal kong hindi nakita.” “Katulad ng batis?” Tumango ako sakanya, nakangiti. “Oo.” “Pero sigurado akong may ganoon din sa Maynila. Hindi sa tagong dako pero sa mararangyang lugar. Hindi ba’t maraming resort at swimming pool sa syudad?” Humarap ako sa malaking salamin ‘saka hinila ang pinaka-unang drawer. Now, we’re talking. “Ikaw, Letina, mas gusto mo ba ang resort kaysa sa batis?” It took her almost a minute to respond. “Wala po akong kilala na hi-hindi sa tanong na iyan.” Natawa ako roon. May katotohanan sa sinabi nito dahil maging ako ay hindi naman sasagot ng hindi kapag tinanong ng ganoon. While it is true that I am fascinated with creeks and streams, I love resorts and swimming pool. Kaya lang, kapag madalang mong makita ang isang bagay o lugar ay nagiging mahiwaga at kaiiba iyon sa iyo. That was how it is for me. Nagagalak ako sa mga bagay na hindi ko nakikita sa Manila kaya’t kapag nagpupunta rito ay palagi akong palihim na umaalis para aliwin ang sarili ko. “My friends in Manila haven’t seen one.” Pagkukwento ko sakanya. I started applying moisturizer. “Kaya’t pag nagtungo ang mga iyon dito’y paniguradong iyon ang unang pupuntahan nila.” “Hindi ba masyadong sosyal ang mga mayayaman para magtungo sa mga cheap na lugar?” Hindi ko alam ang ire-react doon. I looked at her with my eyes perplexed. “Saan mo nalaman iyan?” “Ganoon kasi ang mga babaeng anak nila Don Eduardo.” “Don Eduardo?” Tumango siya. “Don Eduardo Lopez. Kasama sila sa mga pupunta mamaya.” Humawak ito sa likuran ng upuan ko. ”That’s why Senyora prepared all of these. Sabi ng mayordoma’y madalas daw na sinisiraan ng mga anak ni Don Eduardo si Senyora Vanessa at Senyor Gabriel kaya ngayong araw ay nagpahanda ito ng salo-salo.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
97.6K
bc

His Obsession

read
74.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook