Kabanata 1

1064 Words
ONE of the many things that creates conflicts is jealousy. Maraming tao na ang nakilala kong nagkasira dahil sa inggit. Iyong iba, hindi na kailanman nagkabati. Mayroon namang iba na nagkapatawaran pero madalang ang ganoon. I’d say two out of ten. Kaya naman iniiwasan ko ang ganoon lalo na sa relasyon namin ng mga kaibigan ko sa Manila. Thankfully, we still haven’t come to that point and I want to make sure we never will. Ayaw ko dahil nakakatakot ang ganoon. My mom told me that the key of living peacefully is to be contented. Mula nang magkaisip ay itinatak ko sa sarili na iwasan ang mainggit sa kung ano ang mayroon ang ibang tao. I was filled with thoughts when Letina told me what happened in the past weeks. Ibinahagi nito sa akin kung bakit sila nakakaramdam ng takot kay Mommy. They told me they fear her not because she was their boss but because of what she could do. I found out she was on the edge lately because of the rumors. Ang paninira sakanya ng anak ni Don Eduardo at ang plano ng mga anak nitong punitin ang alyansa sa pagitan ng mga Conception at Lopez. I didn’t know about that. Hindi ko napansin at wala ring nababanggit si Mommy. Nakakaramdam tuloy ako ng kaba at takot tungkol sa maaaring mangyari ngayong araw. Hindi naman siguro mag-e-eskandalo ang mga Lopez, hindi ba? “Sino sakanila ang mga Lopez, Letina?” Mahinang tanong ko habang pababa ng hagdan. Letina walked beside me. Maayos na rin ang kasuotan. Hinabay ko pa ng tingin ang mga taong naaabot ng paningin ko habang papalapit. I did not want to be rude kaya’t kung babati ako ay gusto kong siguruhin na kilala ko ang mga kaharap ko. Sinubukan kong ngumiti nang makasalubong ang ilang bisita. Halos lahat ng mga nakaupo at napapadapuan ko ng tingin ay puro mga bagong mukha. Nasaan ang mga trabahante ni Mommy noon? Ang ilang mga kaibigan at katiwala niya? “Si Don Eduardo iyong nakaupo sa parihabang lamesa sa kanan. Iyong naka-sumblero. Beside him are his daughters, Anika and Cecillia. Tapos ang mga anak nitong babae,” saad ni Letina sa seryosong boses. I looked at her, a little astounded by her accent. Katulad ng sinabi ni Yaya Rosie ay marunong nga ito sa Ingles. Ngumiti ako roon ngunit hindi nagsalita. Nagbawi ako ng tingin sabay baling sa direksyon na sinabi. Doon ay natagpuan ko ang mga taong sinabi nito. Katulad ni Mommy ay sopistikata ang itsura ng mga babaeng galing sa pamilya ng mga Lopez. Ngayon ko lamang napansin na maliban sa kinauupuan ng mga ito ay may dalawa pang parihabang lamesa. Kung ganoon ay para sa mga Zobel at Yuchengco ang dalawa pa? “Totoo pa lang narito ang artistang anak ni Gabriel.” Sa gitna ng paglalakad ay may nakasalubong kaming dalawang lalaki na naka-itim na business coat. One of them looked familiar to me. Huminto ako para ngumiti sa mga ito. Hindi ko alam kung pa-paano sasagot sa sinabi ng mga ito gayong hindi ko naman sila kilala. My mom should have given me a heads up. Or are these people a friend of my dad? “Is your mother finally introducing you to her people?” The man on the left asked while looking at me curiously. My brows creased a little. Nilingon ko si Letina na ngayon ay nakatingin na rin pala sa akin, mukhang naghihintay ng sasabihin ko. Peke akong tumawa ‘saka ibinalik ang tingin sakanila. I nodded my head in response. Hindi pa rin sigurado kung tama ba ang naisip na sasabihin. “That’s what she said.” “Wala ka ng balak na bumalik sa pag-aartista?” Sunod na tanong nito sabay inom sa baso. Marahan akong umiling, nakangiti pa rin. “Wala na po, sa ngayon.” “Sayang.” He c****d his head to the left. “My son, Roscoe was hoping he’d be able to work with you again. Pero bilang photographer na.” Bahagyang umawang ang mga labi ko roon. Roscoe… My brows furrowed, remembering the name. “Mr. Romualdez?” Gulat kong bulalas. If he was talking about Roscoe Romualdez, he’s probably his dad. Kaya pala sobrang pamilyar ng itsura nito. Roscoe was my love team when I was still acting. Lagi kong kapareha sa mga series o’ commercial. Pati sa photoshoot, kapag kinukuha ako ay kasama rin ito. I haven’t heard about him for years. Huli ko itong makita noong first year college ako. I heard he flew to California, wala na akong naging balita sakanya pagkatapos noon. “I’m hurt you did not recognize me, Little Val.” He took a step and smiled. Ipinatong nito ang kamay sa tuktok ng ulo ko ‘saka iyon ginulo. “That’s probably why you had that look…” “I’m sorry.” I smiled wider. “How are you, daddy ni Roscoe?” “I’m good, especially upon seeing you after years. Ang laki-laki mo na.” “I bet Roscoe was the same. How is he?” “He’s super busy, Val. You’ll never see him doing nothing.” He chuckled. “By the way, this is Kal, your daddy’s friend.” He introduced. Mukhang nakuha na nito na kanina pa ako walang ideya kung sino sila. I smiled at him and offered my name. “Nice to meet you po. I’m Valerie Conception.” Ngumiti ito sa akin. “I know. Gabriel’s famous daughter. Palagi kang ipinagyayabang noon sa akin.” I wouldn’t dare question that. My dad likes bragging. Alam ko iyon dahil kahit minsan na nakaharap ako ay madalas siyang magsalita tungkol sa akin. Mapa-personal man o sa telepono. He’s done that once in an interview, too. He’s a proud dad. Pero palagi kong sinasabi na ‘saka na iyon kapag may naabot na ako sa buhay. “Rick, Kal. Gabriel’s looking for you.” Napatigil kami sa pag-uusap nang may magsalita. We looked to the left to see who it was. Isa pang lalaki na sa tingin ko’y mas bata kay Tito Rick. Puting polo lamang ang suot nito. The first two buttons were unbotted while the sleeves are folded up to his elbow. He looks mature… and unfamiliar. “Declan.” Bumaling sakanya si Tito Rick saka ngumiti. “Nakilala mo na ba ang anak na babae ni Gabriel?”

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD