Chapter 2

1131 Words
"Sir, nag-pupumilit po kasi siyang pumasok sa opisina ninyo, sinabi ko na nga pong hindi po siya pwede d'yan pero ang sabi po niya ay Girl--"  Agad naman niyang tinakpan ang bibig ng babae. "Ikaw naman girl hindi ka na mabiro, I am just joking," ngisi niya sa babae. "Okay Bianca, go back to your work." Seryosong sabi ni Damien sa babae bago siya tuluyang binalingan. "And you," at tinignan siya nito mula ulo hanggang sa paa "Are you going to a club or what?" Nang-iinsultong sabi nito sa kan'ya habang kitang-kita niya ang pagkadisgusto sa mukha nito. "Are you blind? I am not going anywhere, I was waiting for you for three damn hours! Halos mapudpod na nga ang maganda kong pwet dahil sa kakaupo, mygosh!" at inirapan ito. "And who said to wait for me? Go home Jane, wag mo akong guluhin dito dahil marami akong ginagawa." Akmang papasok na ito ulit sa opisina nito nang hilain niya ito sa isang braso. Nakakunot-noong napatingin ito sa kan'ya pababa sa isang braso nitong hawak-hawak niya. Napangisi naman siya habang tinatanggal ang pagkakahawak dito. "Hehe sorry"  "What do you f*cking want para umuwi ka na?" Mariing sabi nito sa kan'ya na tila naiinis na sa presensiya niya. "You." Nguso niya rito habang nakangiti. "D*mn!" Kita niyang namula pa ang mga pisngi nito bago ito mabilis na pumasok ng opisina nito at pabalyang isinara ang pinto.  Ang arte mo talaga, Damien. Mapapasa-akin ka rin! At mabilis na siyang nagmartsa palabas ng resto. Tinawagan niya ang mga kaibigan niya at sinabing gusto niyang uminom, ayaw pa niyang umuwi dahil kailangang makaisip siya ng ibang plano para mapaamo si Damien. Halos magaalas-otso na rin 'yon ng gabi nang magkita-kita sila ng mga college friends niya. Pumunta sila sa isang club na pagmamay-ari ng boyfriend ng kaibigan niyang si Kelly, na kaibigan din ni Damien.  "Oh girl, may improvement na ba ang panliligaw mo kay Damien?" nakangiting tanong sa kan'ya ni Kelly. "If I know, walang pag-asa yang si Jane kay Damien, basted na siya kaagad," ngisi pa sa kan'ya ni Slyvia, isa rin sa mga kaibigan niya. "Hoy! For your information malapit ng mapasaakin si Damien." Mariing sabi niya sa mga ito habang nakataas pa ang isang kilay. "Ewan ko ba sa iyo girl, bakit ka ba nagtitiis sa lalaking halos sukang-suka na sa iyo? Ang dami-dami namang nagkakagusto sayo rito at ang daming lalaki. Why him? I mean, he's rich and hot but, mygosh he's so arrogant!" singit naman ni Charee. "Don't worry girls, magbabago rin yang si Damien, trust me," assurance niya sa mga ito.  "Nako girl, halos limang taon na namin 'yang naririnig mula sa iyo," singit ulit ni Sylvia. "Pwede ba girls, huwag muna nating pag-usapan ang Damien ko. Let's party!" Sabay taas niya sa hawak na baso ng tequila. "Cheers!" magkakasabay na sabi ng mga ito.  Halos dalawang oras na rin silang umiinom nang matanaw niya ang bulto ng isang pamilyar na lalaki, Damien? Nasa may bar counter siya noon at um-order ng tequila sa bartender na si Julius. "Ms. Jane, Sir Damien is here," balita sa kan'ya nito. Hindi na siya magtataka, halos lahat yata dito sa club at mga kaibigan ni Damien, ay alam ang pagkagusto niya sa binata. "I think he's looking for me," ngiting sagot niya rito. "Give me a shot, Bro." Narinig niyang sabi nang pamilyar na boses at umupo sa upuang katabi niya.  Agad niyang nilingon si Damien. "Uy!" at kinalabit ito.  "What?!" Inis na baling nito sa kan'ya. "You're rude, can you just say hello or hi. Hindi mo ba ako nakikita?" kunot-noong tanong niya rito. "Ofcourse, I see you, I have my eyes. But, I don't f*****g care about your presence." Ismid nitong baling sa kan'ya at mabilis na siyang iniwasan ng tingin. "Oh, Bro! you're here!" bati kaibigan nitong si Ralph kay Damien. "Oh! Hi Jane, you're also here." Ngiti sa kan'ya nito nang mapansin siya.  "Hi!" Pilit na ngiti niya rin dito. Agad namang tumayo si Damien at inaya na si Ralph. Naiwan siyang mag-isa sa may bar counter. Aba! At naiinis na bumalik sa upuan nila ng mga kaibigan niya pero, nakita niyang halos may mga kasama na ang mga itong kanya-kanyang mga lalaki. Sige, kayo lang ba ah? Sige Damien, hindi mo ako pinapansin ha. Magpapapansin ako sa iyo ngayon. Agad siyang pumunta sa gitna ng dance floor at sumayaw. Umakyat siya sa stage at humila ng isang gwapong lalaki at humawak siya sa magkabilang mga balikat nito at ginilingan ito pababa. Naghiwayan naman ang mga taong naroroon. Tumalikod pa siya at pinagdikit ang mga katawan nila ng lalaki at gumiling ulit pababa nang mapansin niyang wala pa ring  humihila sa kan'ya paalis ng dance floor ay nawalan na siya ng gana.  Ganoon kasi ang mga nababasa niya sa mga novela na bigla na lamang silang hihilain ng mga bidang lalaki, but not in her case.  Malungkot siyang bumalik sa may bar counter, hihingi pa siya ng isang shot bago umuwi. "Julius, give me a shot 'yong pinaka matapang!"  "Are you sure? Parang lasing ka na e," alalang sabi nito sa kan'ya. "No, I'm still good. Come on!" Inis na sabi pa niya rito. Kita niyang iiling-iling pa ito bago nito tuluyang ibigay sa kan'ya ang request niya. Inisang lagok niya ang laman ng baso. Ilang sandali lang ay nakaramdam na siya nang ibayong hilo. Gegewang-gewang siyang naglakad palabas ng club. Nang may mabangga siyang isang lalaki. "Oops! I'm sorry!" sabi niya at humagikgik. Agad naman siya nitong nahawakan sa may kabilang bewang. "Are you okay Miss?" Agad naman siyang tumango "Yes, I'm okay." Ngiti niya rito kahit ang totoo ay hilong-hilo na siya at hindi na ito mamukhaan.  "Uuwi ka na ba? If you want, I can drive you home." Offer pa nito sa kan'ya kasabay ng isang ngiti. "No, she's fine." Matigas na sabi ng isang boses at hinila siya mula sa pagkakahawak ng lalaki.  Halos masubsob na siya "Ano ba! Dahan-dahan naman," angal niya. "That's what you get! Bakit ka ba kasi naglasing?!" Galit na baling na tanong nito sa kan'ya. "Damien?" gulat na tanong niya. Agad naman siyang umalis mula sa pagkakahawak nito. "Bakit ngayon ka lang dumating?! Kanina pa ako nagpapapansin sa iyo roon sa may dance floor!" nakangusong sabi niya rito. "And why do you need to do that? Alam ba ni Tita Janice 'yang mga ginagawa mo ha?!" Sermon pa nito sa kan'ya habang magkasalubong ang magkabilang mga kilay. "What? I didn't do anything wrong," umiiling-iling pa na sabi niya. "Really? You're dancing like a prostitute awhile ago incase you doesn't know!" inis na sabi nito. "Nagseselos ka na ba, Damien?" inis niya rito. "The f**k! Dream on!" at mabilis na siya nitong iniwanan at sumakay na sa may kotse nito. "Hoy, Damien! I'm drunk ihatid mo ako!" Sigaw niya rito pero ni hindi man lang siya nito pinansin at sumakay na sa sasakyan nito at mabilis na 'yong pinaharurot.  Nagpapadyak siyang napaupo sa may gilid. Bwiset ka talaga, Damien! Napakasama ng ugali mo! pero hindi pa rin ako susuko. Makikita mo, you will be mine.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD