Synopsis

138 Words
Pagnanasa ng mga mata. Si Hugo Martines ay ang anghel na tagapagbantay sa mga taong nagkakasala sa pamamagitan ng pagnanasa ng mga mata mula sa Alapaap kung saan sila namamalagi. Sa kanyang pagbabantay ay mahuhumaling siya sa mga bagay na kanyang makikita sa babaeng nagngangalang Athisa, isang babaeng kumpleto na sana sa lahat ng bagay, ngunit sa puso niya ay walang nagpapasaya. Nang dahil sa pagkahumaling ni Hugo sa babae ay maparurusahan siya ni Bathalumang Eliah sa pamamagitan ng pagbura ng kanyang alaala at paghulog sa kanya sa isinumpang bayan ng Sinugong Lupa. Paano kung paggising niya ay isa na siyang star dancer sa isang bar na puno ng mga kababaihan at mga kalalakihang nagbabayad para sa laman? Malalaman niya kayang siya ay nasa misyon na dapat niyang mapagtagumpayan? O mahuhulog siya sa kasalanang nakikita ng kanyang mga mata at bibigay ang kanyang laman?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD