Kabanata 3: Muling Pagkikita

1748 Words
Sebastian "You are loved," sabi ko sa batang babaeng kausap ko habang nakaupo kami sa may fountain ng simbahan. "God loves you, kaya huwag mong sasabihing walang nagmamahal sa'yo. Dahil ang Diyos ay hindi napagod na mahalin ka sa kabila nang mga kasalanang nagawa mo. Mawala man ang pagmamahal ng lahat pero ang pagmamahal sa'yo nang Diyos ay hinding-hindi mawawala," ani ko habang binabasahan siya ng bible. "Kuya Santino, kahit wala na po akong magulang, mahal pa rin po ako ni Lord?" Inosente niyang pagtatanong sa akin kaya ngumiti ako sa kaniya. "Oo naman, dahil si Lord ang nagbigay sa'yo sa magulang mo. Kasi si Lord ang unang nagmahal sayo bago pa ang mga magulang mo." Sa sinabi kong iyon ay napayakap siya sa akin kaya tinapik ko siya nang mahina sa ulo. "Maraming salamat po, Kuya Santino! Ang bait mo na nga, ang gwapo pa," sabi niya kaya natawa ako at umalis na siya. Huminga muna ako nang malalim at tumayo na dahil nagsisilabasan na ang lahat ng tao. Tumayo ako sa pinaka-gitna nang simbahan at bumati sa mga taong nakakasalubong ko. "Magandang araw, Santino." "Magandang araw din po." Ngumiti ako sa iilan at yumuyuko bilang paggalang. Kilala na ako ng mga tao dito dahil isa akong sakristan. Napatingin na lamang ako sa dalawang Lola na ngayon ay tumatawa sa harap ko habang nakatitig sa akin. "Magandang araw po sa inyo." "Nako, Santino! Ang gwapo mo na nga, ang bait mo pa! Sana ay magiging ganiyan kagalang at ka-gwapo ang aking Apo." Kaya natawa na lamang ako at hindi na kumibo. Nang maayos at tapos na ay napamewang na lamang ako at hinagod ang buhok dahil sa init na nararamdaman ko. Pero, napatigil ako sa ginagawa ko ng makita ko ang isang babaeng nakatayo, isang kilometro ang layo sa akin. Pinagmamasdan ko ang itsura niya. Mula sa bilugan niyang mukha. Mapula niyang pisngi at labi. At ang mahaba niyang buhok na mas lalong bumagay sa kaniya. Napamaang na lamang ako ng tumingin siya sa direksyon ko. At doon ay mas lalo kong nakita ang ganda niya, lalong-lalo na ang kulay brown niyang mga mata. Maglalakad na sana ako papalapit sa kaniya pero ngumisi lang siya sa akin at umalis na ng tuluyan. Hindi ko na namamalayang sinusundan ko na pala siya. Napatigil ako sa pagsunod sa kaniya ng makita ko siyang pumasok sa isang karinderya, kaya ang ginawa ko ay pumasok ako sa isang cafeteria na katapat lang ng pinagpasukan niya. Pinanood ko kung paano siya makihalubilo hanggang sa maglagay siya ng pera at alam kong nagpupustahan silang lahat. Dahil kitang-kita naman sa mukha niya. Napatigil ako sa pag-inom ng kapeng inorder ko ng may lalaking umupo sa katapat kong upuan. Nang tingnan ko siya ay nakatingin rin siya sa babaeng sinusundan ko ngayon. Humarap siya sa akin at ngumisi. Hinanda ko ang sarili ko sa puwedeng mangyari. Minabuti kong maging alerto ng kumilos siya at sumandal sa upuan. "Anong pangalan mo, bata?" Maangas niyang tanong kaya diretso akong napatingin sa kaniya. "Santino De Dios Buenavista." "Masiyadong banal, 'di bagay sa babaeng sinusundan mo. At saka halata namang pangalan mo pa lang, banal ka na o baka... sa pangalan lang?" Ngisi niya at tumawang mag-isa, habang ako naman ay lalong kumunot ang noo. "Paalala ko lang sa'yo, bata. 'Wag kang masiyadong mahumaling sa babaeng 'yon... hindi mo pa siya kilala," bulong niya sa tainga ko at sisipol-sipol na tumayo. Napapikit na lamang ako nang mariin at napasandal na lamang sa upuan. Sino siya para husgahan agad ang isang taong 'di niya rin kilala? Napatayo na lamang ako nang mapansin kong umalis na ang babaeng sinusundan ko. Habang tahimik ko lamang siyang sinusundan ay naririnig ko naman ang iilang bulungan sa kaniya. “Nako, siguro nakipag-basag ulo na naman 'yang batang 'yan. Sabagay, ganiyan naman talaga ang ginagawa ng mga wala ng direksyon sa buhay.” “Ay, oo Marites, ewan ko ba at bakit pinagtitiisan pa 'yan nila Tabo... at saka masama at matabil talaga ang bunganga ng batang 'yan, kaya siguro iniwan ng magulang." At doon ay nakita ko siyang napatigil at saglit na tinapunan ng tingin ang dalawang Ale na nagsasalita sa gilid niya. Habang ako naman ay hinihintay ang magiging kilos niya. Kitang-kita ko ang paglapit niya sa dalawang Ale na ngayon ay nakatingin at nakataas na rin ang dalawang kilay na akala mo ay naghahamon ng away. "Hoy! 'Diba katatapos niyo lang magsimba, ano 'yan? Pagsimba magiging makasalanan at chismosa ulit? Nako, kahit anong gawin niyong pagsimba kung sa huli ay ganiyan talaga ang gagawin niyo ay hindi na talaga kayo tatanggapin sa langit." Rinig kong saad niya at iniwan ang dalawang tulala na ngayon ay pinagtitinginan na ng mga tao. Hindi ko namang mapigilang tumawa at mapangiti sa nasaksihan ko. Napailing na lamang ako at nagpatuloy sa ginagawa ko. Hindi naman matabil ang dila niya, talagang masakit at nagsasabi lang siya ng totoo. Hindi ko alam pero nilapitan ko ang dalawang Ale ngayon na tulala at nakatitig lang sa likod ng babaeng sinusundan ko. “Mas mabuti hong magsimba ulit kayo para mabawasan ho ulit ang mga kasalanan ninyo,” saad ko na kinatingin nila sa akin at nakita kong namutla sila. Napangisi na lamang ako sa kaloob-looban ko sabay ngiti sa kanila ng matamis at sinundan na ng tuluyan ang babae. Nang makita kong pumasok siya sa isang fast food restaurant ay pumasok na rin ako. Lumayo ako ng kaunti dahil baka mahalata niya na ako. Nang makita kong umorder na siya ay umorder na rin ako. Pumuwesto muna ako sa pinaka-malayong upuan at doon ay pinagmamasdan lamang siya. Sobrang tahimik niya na tila ay wala siyang pakialam sa mga tumititig sa kaniya. Nang maayos-ayos na ay pumuwesto ako sa tapat niya na sa tingin ko ay napansin niya kaya napatitig siya sa akin. Nang magtama ang mata naming dalawa ay hindi ko mapigilang mapangiti dahil sobrang ganda niya kapag malapitan. Pero naputol na lamang ang pagtitig ko ng maramdaman kong tumutunog ang cellphone ko. Kaya kinuha ko ito at tiningnan kung sino ang tumatawag. “Kris calling...” “Ano na naman 'yon?! May kailangan ka ba?!” Naiirita kong pagtatanong kaya nawala ang atensyon ko sa babaeng sinusundan ko ngayon. Mas lalo pa akong napasimangot ng marinig ko siyang tumawa. “Pautang nga muna, Santino." “Magkano na naman?" “Singkwenta lang, uuwi ako mamaya sa inyo,” saad niya kaya pinatayan ko na lang siya. Napabuga na lamang ako ng hangin ng makita kong nawala na sa harapan ko ang babae. Kaya mabilisan akong tumayo at muling naglakad-lakad. Kada makakasalubong ko ang mga nakakakilala sa akin ay napapangiti na lamang ako. Tumigil ako sa isang eskinita nang marinig kong may nagsisigawan. Kaya tumakbo ako para tingnan kung anong nangyayari doon. Nandilim ang paningin ko ng makita kong susugurin ng mga kalalakihan ang babaeng sinusundan ko. Kitang-kita ko kung paano siya umilag sa bawat sipa at suntok na ibinibigay sa kaniya, kitang-kita ko kung paano magalit mismo ang mukha niya kapag muntikan na siyang tamaan. Natauhan na lamang ako ng makita kong nahuli siya at balak ng suntukin ng lalaking malaki. Kaya agad kong binunot ang baril ko at tinutok sa kanila. Kita ko ang panandaliang gulat sa mata ng babae pero bigla na lamang sumeryoso. Nakita kong nagtakbuhan ang dalawang kasama ng lalaki ng pagbantaan ko sila. Napatingin ako sa lalaking naiwan at sinabihan pa ng masama ang babaeng sinusundan ko ngayon. Ibinalik ko ang baril sa likuran ko at napatingin sa babaeng nakasandal ngayon sa pader at duguan ang gilid ng labi. Kaya dahan-dahan akong lumapit sa kaniya at hinawakan ang mukha niya. Pero napatigil na lang ako ng bigla niyang hawiin ito ng malakas sabay tingin sa akin ng masama. Pinigilan ko ang pag-ngiti ko at tumalikod na siya sa akin. Imbis na iwan siya ay mas lalo ko pa siyang sinundan. Nagpakilala pa ako pero binara niya lamang ako na lalo ko pang ikinatuwa. Napatigil ako sa paglalakad ng tumigil din siya. Kaya ngumiti ako lalo ng makita ko siyang seryoso na nakatingin sa akin. "Bakit ka ba sunod ng sunod sa akin, may kailangan ka ba?" Pagtatanong niya habang nakasalubong ang dalawang kilay. “Gusto ko sanang gamutin ang sugat mo.” “Kaya kong gamutin ang sarili ko,” masungit niyang sagot at muling naglakad. Napailing na lamang ako sa kung paano siya sumagot sa mga taong kinakalaban at pinag-uusapan siya. Kating-kati na akong malaman ang pangalan, pero talagang nagsusungit siya sa akin na tila'y hindi siya sanay na may sumusunod sa kaniya. Napatigil kaming dalawa ng biglang sumulpot si Mang Tabo, ang taga-deliver minsan ng tubig sa amin. Rinig na rinig ko ang sagutan nilang dalawa na tinawag niyang Iris. Nagulat pa siya nang makita niya ako sa likod at nginitian ko naman. Habang nag-uusap kami ay bigla na namang nawala ang babae kaya napakamot na lamang sa ulo si Mang Tabo. “Pasensya ka na kay, Iris... talagang matigas ang ulo ng batang 'yon. Oo nga pala salamat sa pagligtas sa kaniya, hayaan mo sasabihan ko na magpasalamat sa'yo.” “Ayos lang po, Mang Tabo. Iris lang po ba ang pangalan niya?” Pagtatanong ko. “Iris De Vega ang buo niyang pangalan, bakit mo natanong, Iho?” Kaya napatigil ako at mas lalong kumunot ang noo ko ng marinig ko ang buo niyang pangalan. Kaano-ano niya si Alfred De Vega? … Kinabukasan ay muli akong bumalik kila Mang Tabo upang alamin ang kalagayan ni Iris. Nakailang katok pa ako bago pa nila ako pagbuksan. Kitang-kita ko ang gulat ni Mang Tabo ng ako ang bumungad sa kaniya. At doon ay nataranta siya at dali-dali akong pinapasok sa bahay nila. Narinig ko pa itong sumigaw na maghanda ng kape at tinapay para sa'kin. “Bakit ang aga mong naparito, Santino? May kailangan ka ba?” “Kukumustahin ko lang po sana si Iris. Ayos na ho ba siya?” Pagtatanong ko kaya napangiti naman siya. “Siguro ay ayos na siya, 'di na siya muling lumabas kagabi, eh.” “Ngayon po? Lumabas na po ba siya?” Kaya napatingin siya sa orasan at muling bumaling sa akin. “Nako, Iho... mamaya pa siguro lalabas si Iris. Minsan kasi-” At doon ay napatigil siya sa pagsasalita ng mat itinuro siya sa labas kaya doon napabaling ang tingin ko. “Ayan na pala si Iris!” Kumunot ang noo ko ng makita kong may kasama siyang lalaki paglabas ng bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD