bc

Hot Night with Hot Daddy (SPG)

book_age18+
107.8K
FOLLOW
632.7K
READ
possessive
sex
one-night stand
pregnant
dominant
sweet
bxg
single daddy
slow burn
waitress
like
intro-logo
Blurb

‼️Warning‼️ R18+ Mature content.

Sa edad na 26 ay kinalimutan na ni Irah Marie Villanueva ang sariling pangarap na maging isang successful na chef at magkaroon ng sariling restaurant. Sa laki ng responsibilidad na nakaatang kay Irah dulot ng maagang pagkamatay ng mga magulang at pag-aasawa ng mga nakakatandang kapatid ay hindi na nagawang makapagtapos pa ng pag-aaral ang dalaga.

Dahil sa isang aksidente na kinasangkutan ng bunsong kapatid ay napilitan siyang ibenta ang sarili kapalit ng pera sa isang hot but cold widower Daddy, na si Romnick “Rome” Guillermo, isang businessman na sawi sa pag-ibig.

Paano kung kailanganin ni Irah na makisama sa 38 years old na bilyonaryong si Rome, dahil nagbunga ang isang gabi na may nangyari sa kanila? Mahulog kaya ang damdamin niya sa isang Daddy na hindi na naniniwala sa forever at nakatakda pang ikasal sa ibang babae?

ROMNICK "ROME" GUILLERMO & IRAH MARIE VILLANUEVA

chap-preview
Free preview
Chapter 1
WARNING!! R18+ Some chapters includes detailed sxx scenes! Not suitable for minor. Irah Marie’s POV “Ahhhhh!” Malakas na tili ko kasabay ng pagkabasag ng tatlong baso na nahulog sa tray na hawak ko pabalik sa counter ng night club na pinagtatrabahuhan ko. “Shete!” Napalingon ako sa sumigaw na si Richel na agad akong nilapitan, “Okay ka lang, Bes?” Napapikit na lang ako habang napapailing. Ang concern ko ngayon ay kung magkano ang halaga ng isang baso na nabasag. Jusmiyo marimar naman! Kaltas sahod na naman. Noong nakaraang linggo ay dalawang baso naman ang nabasag ko. Magdadalawang buwan pa lang ako dito sa pinagtatrabahuhan kong night club. Part-timer at seasonal employee lang. Sa sahod kong four hundred eighty pesos per night ay baka abonado pa ako sa ipinasok ko ngayong araw kung ikakaltas ang nabasag kong baso. Tatlo pa naman ‘yun! Kung mangyari man ay sana pala ay hindi na lang ako pumasok ngayong gabi kahit na four hours a night lang ang duty ko. “Ano na naman ang nabasag mo, Irah?” Napalingon ako nang marinig ang boses ng assistant manager ng club. Nakalapit na pala ito sa amin ni Richel nang hindi ko namalayan. Maingay ang paligid dulot ng malakas na sounds na nagmumula sa nagpe-perform na babae sa mini stage ng bar, pero dahil may kalakasan ang boses ng assistant manager ay mas nabibingi pa ako sa boses nito. “A-ah, eh Mam Glo, p-pasensya na po, hindi ko sinasadya.” nauutal na sabi ko. Alam ko naman na sesermonan ako nito. Masungit kasi ito at lagi na lang akong pinag-iinitan... nadaig pa ang manager na mabait at maunawain sa akin. Pero siguro nga dahil totoo ang chismis na may gusto raw ang manager sa akin kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin ako natatanggal kahit na marami akong lapses sa trabaho ko. “Pasensya, pasensya, puro na lang ba pasensya?” Nakataas na ang kilay ng assistant boss ko. “Hindi naman mapapalitan ng pasensya mo ang nabasag mo! Hay naku l, Irah, ikakaltas ko uli yan sa sahod mo!” “Ma’am Glo, baka pw—" “Basta!” Putol ni Ma’am sa sasabihin ko. “Ipapa-deduct ko yan sa sahod mo! Tapos!” Makikiusap pa sana ako pero tinalikuran na ako ng Assistant Manager namin na si Ma’am Glodie. Napabuga na lang ako ng hangin sabay iling, naramdaman kong hinimas ni Richel ang likod ko. Bwisit na buhay to, ang hirap kumita ng karimpot na pera para mapakain ang pamilya ko. “Bes,” tawag ni Richel na humarap sa akin, may sinabi pa ito pero hindi ko na naintindihan dahil nagsimula na ang mataas na nota ng kumakanta, at naghihiyawan naman ang ilang nanood ng performance ng mga babaeng halos litaw na ang kaluluwa. Lumuhod na lang ako para damputin ang mga bubog sa sahig. Sinabayan naman ako ni Richel sa pagpulot. Tila maiiyak na ako bawat hawakan kong piraso ng bubog, mabuti na lang at hindi rin ako nasugatan sa pagpulot. Matapos linisin ang kalat ko ay muli kong hinarap si Ma’am Glodie at humingi ng permiso para umuwi na lang ng bahay, tutal naman ay wala na ako sa mood magtrabaho at may pasok na naman ako bukas sa restaurant na pinagtatrabahuhan ko ng full-time. Ganyan ako kumayod, kulang ang isang trabaho para mairaos ang kakainin ng mga nakababata kong kapatid sa araw-araw. Mabuti at pumayag si Ma’am Glodie na halatang bwisit sa akin. Nagpunta agad ako sa restroom para magbihis ng mas komportable na damit, loose tshirt at jeans. Maiksi na waitress uniform kasi ang dress code sa night club na ito sa mga kagaya ko. Kung hindi ko lang talaga kailangan ng extra na trabaho ay hindi ko papatusin itong suggestion na trabaho ni Richel. Classmate at kapit-bahay ko si Richel na matagal ng nagtatrabaho sa nightclub na ito. Siya ang nag-refer sa may-ari noong naghanap ng part-time waitress dahil unti-unti nang nakikilala ang night-club at nagkakaroon na raw ng mga big-time clients, dahilan para maghanap ng mga part-time na waitress. Sa totoo lang ay more than waitress pa nga ang offer sa akin, dahil may itsura naman daw ako. Nag-offer sila na magbenta na lang daw ako ng katawan. Sa night club kasi na ito na pinapasukan ko ay may nangyayaring happy ending. Pero mas pipiliin kong magdildil ng asin kesa pasukin ang trabaho na kailan man ay di ko kayang sikmurain. Ang mga kasamahan kong nagbibigay ng aliw ay mababait naman sa akin. Hindi ko naman sila hinuhusgahan dahil hindi ko alam ang pinagdaanan nila para pasukin ang klase ng trabaho nila. Pero ako? Hindi. Kahit kailan ay hindi ko ibebenta ang sarili ko sa lalaking hindi ko naman makakasama habang buhay. May virginity is for my future husband only. Kung makakapag-asawa pa ako. Sa laki ng responsibilidad ko sa pamilya ko ay mukhang malabo na yata. Sa edad kong twenty-six na nasa marrying age na, ay nakatali pa rin ako sa responsibilidad na iniwan ng namatay kong mga magulang. Nagkaroon ako ng isang boyfriend, umabot kami ng tatlong taon na relasyon, masasabi kong minahal ko naman ang boyfriend ko, pero napagtanto ko na mas mahal ko ang pamilya ko. Nang inaaya na akong magpakasal ay hindi ko maiwanan ang mga kapatid ko na umaasa sa akin, ang ending ay niloko ako nito at nahuli ko mismo sa sarili kong mata ang panloloko nito sa akin. Nasaktan ako. Hindi na ako muling nag-boyfriend kahit marami ang nanliligaw sa akin. Isa lang ang pinagpapasalamat ko, hindi ko naisuko ang p********e ko sa lalaking minahal ko at niloko lang ako. Nagmamadali akong lumabas ng bar para pumunta sa sakayan ng jeep, nakasabay ko pa ang isa kong kasamahan na may naka-akbay na lalaki, malamang papunta na sila ng motel. Mahigit thirty minutes lang ang byahe ay nakababa na ako sa may kanto malapit sa lugar ng bahay namin, muntik pa akong lumagpas ng bababaan sa jeep, dahil dala ng pagod ay nakaidlip ako. Ilang minuto lang ang lalakarin ko bago makarating sa bahay namin. Pwede naman sumakay ng tricycle, pero mas pinipili ko na lang maglakad. Sayang kasi ang pamasahe na twenty pesos, pandagdag baon na rin ng mga nag-aaral kong kapatid sa school. “Hi, Irah.” “Gandang gabi.” Naririnig kong tawag ng ilang kalalakihan bago ako pumasok sa eskinita pauwi sa bahay namin. Gabi na pero maririnig pa ang ingay sa paligid. Mula sa nag-chismisan na kapit-bahay, nag-iinuman na tambay sa tabi ng tindahan, mga lalaking tambay sa kanto na walang ginawa kung hindi ang mag-catcalling sa mga dumadaan na babae. “Balang-araw makaka-alis din ako sa lugar na ito!” Ayokong mamatay sa magulong lugar na ito. Pero paano ko nga ba ako makaka-alis sa squatter’s area na ito kung sapat lang ang kita ko para maitawid ang pang araw-araw na pagkain, madalas ay kapos pa. “Ate Irah?” bungad sa akin ng kapatid kong si Janna pagkabukas ko ng pinto ay papasok naman ito ng kwarto. “Ang aga mo yata Ate?” Ngumiti ako ng mapait sa kapatid ko, kadalasan kasi ay mag-hating gabi na ako nakakauwi, ngayon ay pasado alas-diyes pa lang. “Nag-undertime ako, Ja. Si Noah at Luna? Bakit gising ka pa?” sunod sunod na tanong ko, at baka gising pa ang mga bata kong kapatid. “Mahimbing na ang tulog, Ate. Ako naman ay matutulog pa lang.” sagot ni Janna na kinuha ang bag ko at umalis sa harapan ko. Dinala nito ang bag sa loob ng kwarto namin. Umupo ako saglit sa monoblock na upuan ng hapag kainan namin. Maliit lang ang bahay namin na may dalawang kwarto. Wala kaming sala, pagkapasok ng pinto ng bahay ay makikita na agad ang hapag kainan at lababo. “Ate Irah,” tawag naman ni Clara na kalalabas lang ng kwarto namin. “Dumating ka na raw sabi ni Janna, ipapaghahain muna kita, dahil alam kong pagod ka na.” mahinhin na sabi ni Clara na agad kumuha ng plato at pinaghainan ako. “Bakit gising ka pa? Nagrereview ka pa rin ba?” “Oo Ate,” sagot ni Clara. “Patulog na rin naman ako.” Matapos maghain ay pumasok na si Clara sa kwarto namin na magkakapatid. Lima kaming magkakasama na natutulog sa kwarto at nagsisisiksikan. Sa kabilang kwarto kasi ay natutulog naman ang Kuya ko na si Joshua kasama ang asawa nito at dalawang anak na maliliit pa. Habang kumakain ay lumabas naman sa kwarto si Kuya Joshua. Hindi ito kumibo man lang at parang akong hangin na hindi man lang pinansin, pumunta ito ng CR at maya-maya ay lumabas din ng hindi ako kinikibo. Gusto ko tuloy umiyak dahil hanggang ngayon ay galit pa rin sa akin ang Kuya ko. Isang linggo na ang nakakaraan ng magkasagutan kami at nag-away. Hindi ko namalayan na natuluan na pala ng luha ko ang pinagkakainan ko, tuluyan na pala akong napaiyak. Binitawan ko ang kutsara’t tinidor at napatingin na lang sa kawalan habang tumutulo ang luha. Masakit sa akin na magkaroon ng kaaway na kapatid. Kabilin-bilinan ng Nanay ko bago mamatay ay magmahalan kaming magkakapatid. Napabuga ako ng hangin at biglang naalala ang Nanay ko na kahit anim na taon pa lang namatay ay parang kahapon lang ang sakit. High-school graduation ko nang mamatay ang Tatay ko dahil sa aksidente sa factory na pinagtatrabahuhan nito. Nang panahon na iyon ay may limang kapatid na ako at si Luna Mae ang bunso na dalawang taong gulang pa lang at ako ay sixteen years old pa lang, pero napag-alaman namin na buntis pala ang Nanay ko nang namatay si Tatay. Simula ng mamatay si Tatay ay mas naghirap pa ang mahirap namin na buhay, kasi ay apat kaming nag-aaral noong panahon na ‘yun. Ang pinaka Ate ko na si Ate Mia Rose ay graduating pa lang noon. Kung saan-saan saan kami nangutang maigapang lang ang pagtatapos ni Ate Mia. Ang kasunod ni Ate Mia na si Kuya Joshua ay naghinto sa college dahil hindi kinaya ni Nanay. Ako naman ay hindi na talaga nakatuntong ng college dahil kinailangan kong maghinto at wala na talagang pampa-aral, nag-gagatas pa si Noah at kailangan kong bantayan ang maliliit kong kapatid dahil todo kayod rin si Nanay sa pagtitinda at paglalabada. Si Ate Mia lang ang nakatapos at nakahanap naman agad nang trabaho at nakatulong sa amin. Hindi na ako nakatuntong pa ng college dahil nagkaroon ako ng trabaho sa restaurant at ang hirap din bumitaw kapag kumikita na habang si Nanay ay pinag-pahinga na namin sa pagtatrabaho at pinag-alaga na lang ng bata. Kagaya ko ay si Kuya Joshua ay nagtrabaho rin, doon naman siya sa factory na pinasukan ni Tatay, kahit undergraduate si Kuya ay natanggap naman sa factory. Nagsimula ang kalbaryo ko nang nag-asawa si Ate Mia, siya ang malaki ang kita sa amin kaya malaki ang nawalang tulong pinansyal kay Nanay dahil bumukod na si Ate at sinama na ng napangasawa nito at naging plain housewife. Kasunod na dagok ng buhay naman namin na pitong magkakapatid nang binawian ng buhay ang Nanay namin dahil sa atake sa puso. Ang masaklap ay hindi pa naililibing si Nanay ay dumating naman sa lamay ang isang babae at sinasabing nabuntis siya ng kapatid kong si Kuya Joshua. Ang ending ay ako ang sumalo sa responsibilidad ng mga nakababata ko na kapatid na sina Clara Anne, Janna Louisse, Luna Mae at Noah. Sinikap kong magtrabaho, at halos lahat ng raket ay pinapasukan ko. Dahil alam kong hindi na ako makakapagtapos ay kinalimutan ko na rin ang pangarap kong maging chef. Ang magkaroon ng sariling restaurant ay hanggang panaginip ko na lang. Ibinuos ko ang oras ko para sa trabaho at iginapang ang pag-aaral ng mga nakababata kong kapatid. Kahit paano ay tumulong naman si Kuya Joshua na kasama namin dito sa bahay na iniwan sa amin ni Nanay at Tatay. Dito niya itinira ang nabuntis niya at ngayon nga ay may dalawa na silang anak. Nitong nakaraang linggo lang ay nagkasagutan kami ni Kuya Joshua, ipinagtanggol kasi nito ang asawa niya na nakasagutan ko. Nagsasawa na rin kasi ako na makisama sa asawa ni Kuya Joshua na hindi man lang maasahan sa bahay. Ngayon ay nagpaplano na silang bumukod at tuluyan na kaming iiwan na mga nakababata niyang kapatid. Hindi ko naman siya masisi dahil matagal nang imbiyerna sa akin ang hipag ko, siguro gusto rin nitong solohin ang sahod ng Kuya ko na kahit papaano ay nag-aabot sa akin ng tulong sa pag-papaaral. Pero kailangan kong itanim sa utak ko na may mga asawa na ang kapatid ko at natural lang na priority nila ang pamilya na binuo nila. Ngayon hindi pa umaalis si Kuya Joshua sa bahay na ito ay problemado na agad ako kung paano magigiging Nanay at Tatay sa mga nakababatang kapatid. Mahirap din ang walang kasamang lalaki sa bahay. Nawalang na ako ng gana na ipagpatuloy ang pagkain ko, pinunasan ko ang mga luhang dumaloy sa pisngi ko. Niligpit ko na lang ang pinagkainan ko at hindi ko na nagawang hugasan pa ang pinggan dahil sa pagod. Nagpalipas lang ako ng ilang minuto bago magpasyang maghilamos ng mukha. Ayoko kasi na matulog na may bakas pa ng make-up. Matapos maghilamos ay pumasok na ako sa kwarto namin. Mahimbing na natutulog na ang apat kong nakababatang kapatid. Tumabi ako sa bunso na si Noah at hinimas himas ito sa ulo. Nine years old na ang bunso namin na mahimbing na natutulog na. Dinampian ko ito ng halik sa pisngi si Noah. “Hinding-hindi ko pababayaan, hangga’t kaya ko ay magsasakripisyo ako para sa inyo.” Dahan-dahan akong tumabi kay Noah at yumakap hanggang sa dalawin na ako ng antok. “BES, BAKA pwede na picturan mo ako?” Bungad sa akin ni Richel pagpasok sa locker room ng nightclub na pinapasukan ko. Napakunot noo ako kay Richel, kakapasok ko pa lang ay sinalubong na agad ako nito. “Para saan naman ‘yan, Bes?” tanong ko naman na may halong pagtataka. Umupo muna ako sa bench na nasa room at ipinahinga ko ang sarili. Kagagaling ko lang sa restaurant na pinasukan ko ng full-time. Thirty minutes pa naman bago ako mag-simula mag-duty dito sa bar kaya mag-relax muna ako. “Mag-audition kasi ako,” sabi ni Richel na tumabi pa sa akin at mukhang excited mag-kwento. “Audition para saan?” “Audition para mapili na magserbisyo ng isang gabi sa gwapong lalaki.” lumapad ang ngiti sa akin ni Richel, ako naman ay natawa dito. “Ano bang sinasabi mo?” “Ganito kasi ‘yun,” panimula ni Richel na hindi maalis kilig sa mukha “May customer kasi tayo kagabi. Grabe sobrang gwapo! Sayang hindi mo na naabutan. Nag-inom lang naman siya. Pero nung bandang huli gusto magkaroon ng ka-table. Siyempre gusto ng happy ending. Pero mukhang maarte, sa huli kina-usap si Mam Glodie. Babalik daw dito next week. Bigyan na lang daw siya ng pictures para makapili kung sino ang gusto niyang maka-one night stand. Willing magbayad ng malaki!” “Ganon?” tanging sagot ko. Sa pagod ng binti ko ay hindi ko na magawang namnamin ang mga sinabi ni Richel. Nagsipasukan naman sa locker ang iba kong kasamahan na nagbibigay ng panandaliang-aliw at sa kanila napunta ang atensyon ni Richel. Tumayo si Richel na kinikilig pa rin at nagkipagkumpulan sa mga kasamahan ko. Habang ako ay ipinikit ang mata para magpahinga saglit. Naririnig ko pa rin ang usapan ng mga kasamahan ko. “Ako kahit walang bayad, willing akong magserbisyo kay Papa Rome.” narinig ko pang sabi ng isang babae. “Landi mo girl,” singit naman ni Richel. “Nakiki Papa ka agad, for sure ako ang pipiliin niya. Basta kapag ako ang pinili ay papatirikin ko talaga ang mata niya sa sarap.” Napilitan akong tumayo at magpunta ng restroom. Hindi ko kaya ang pinag-uusapan nila. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay sa mga bulgar nilang salita. Tumingin ako sa salamin habang umiiling at kinausap ang sarili. “Basta ako hindi ko papasukin ang pagbebenta ng katawan para sa pera, kahit wala na akong choice. Para lang sa lalaking mapapangasawa ko ang virginity ko…”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
92.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.4K
bc

His Obsession

read
72.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook