Chapter 2

3293 Words
Irah Marie’s POV “Bes!” muling tawag ko kay Richel, sinadya kong lakasan ang boses ko para marinig nito. Nakatatlong tawag na ako ay tila nasa alapaap itong kaibigan ko at napapangiting mag-isa. “Bes!” muli kong tawag para mapukaw ko na ang atensyon niya. Kararating ko lang dito sa locker room at kasalukuyan na inilalagay sa loob ng locker ang mga gamit ko. Narito na sa loob si Richel at nakaupo kaya kinukuha ko ang atensyon nito. “Aray ko naman, Irah!” sumalubong naman ang kilay sa akin ng kaibigan ko. “Hindi naman ako bingi, noh! Istorbo ka naman sa daydreaming ko.” angal pa nito. “Ano ba naman kasi ang pinapantasya mo? ‘Yun pa rin bang customer na pinag-kakaguluhan niyo kahapon!?” “Ang gwapo kasi talaga niya, bes. Na love at first sight na yata ako.” “Hmmm.” hinarap ko si Richel matapos ilagay ang mga gamit sa locker at isarado. “Alam mo, Richel, kung nakakabuntis lang ang love at first sight... siguradong sampu na ang anak mo.” tudyo ko pa dito. Tumayo si Richel at lumapit sa kinatatayuan ko. “Basta, kapag nakita mo siya, bes, panigurado na mahihipnotismo ka rin sa tingin pa lang n’un. Sobrang gwapo! As in!” “Aanhin ko naman ang gwapo, kung manloloko lang din pala?” “Kaya ka napag-iiwanan eh, wala ka ng tiwala sa lalaki. Hindi naman lahat ng lalaki ay manloloko, noh.” sagot naman ni Richel. Lumabas na ng locker room si Richel. Back on duty na ito at ako naman ay umupo muna para ipahinga ang legs ko. Nakakapagod ang maghapon na paglakad sa restaurant. Tapos mamaya pa, kapag duty na ay walang katapusan na lakad paroon at parito naman. Twenty minutes pa bago start ng duty ko. Ayoko na rin pumikit dahil baka magtuloy ang tulog ko, napagpasyahan ko na lang na magbihis ng uniform para mamaya ay derecho tayo na lang ako kapag magsimula na ako na magtrabaho. Nagpunta ako ng restroom para magpalit ng damit at re-touch na rin. Pagbalik ko ng locker ay ilang minuto na lang din ay natitira sa oras ko para panandaliang ipahinga ang katawan. Kinuha ko na lang ang cellphone at tinignan kung may nag-message ba sa akin. Si Clara lang naman ang nag-iwan ng mensahe, nagsabi lang na napakain na nito ang mga batang kapatid namin at mag-ingat raw ako pauwi. Sumilay ang ngiti sa labi ko. Responsible talaga si Clara sa pagiging Ate. Mabuti na lang at hindi pa ito nagbo-boyfriend. Though, sinabihan ko si Clara na pwede naman itong mag-boyfriend basta hindi magiging hadlang sa pag-aaral. Nawala ang atensyon ko sa cellphone nang magsipasok ang iba kong kasamahan na tila may pinagkakaguluhan. Sila ýung mga kasamahan ko na ang trabaho ay magbigay ng aliw sa mga customers. “Ganda mo d’yan, sis.” sabi ni Aiza sa isa namin na kasamahan. Nakatuon si Aiza sa hawak na cellphone ng kasamahan namin. “Talaga ba Aiza?” kinikilig na sabi naman ng kausap nito. “Basta kung sino ang mapili ha, picturan niyo yung bur*t ni Papa Rome, siguro abot ng ten inches ‘yun.” sabi naman ng isang babae na halos mangisay pa sa kilig. “Tsk! Sinong lalaki ba ‘yun? Bakit kahapon pa nila pinagkakaguluhan.” Naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko. Pinamumulahan ako ng mukha sa pinag-uusapan nila na pati ba naman p*********i ng tao ay pagti-trip-an. Tumayo ako at lalabas na ng locker room para magsimula na lang magtrabaho, kesa makarinig ng mga salitang nakaka-devirginize ng utak. Papalabas na ako nang tawagin ako ni Aiza. Isa sa matagal ng kaibigan ni Richel dito sa night club si Aiza, mabait ito sa akin at minsan nga ay inuutangan ko pa dahil mapera ito. Madalas rin ito na manlibre sa amin. Malaki kasi ang kita niya sa pagbebenta ng katawan... pareho sila ni Richel. “Irah.” “Aiza?” tiningnan ko ito na may pagtatanong. “Bakit hindi mo i-try mag audition?” “H-hah?” Napahinto ako, alam naman nila na hindi ko kaya ang ganyang trabaho at pagwe-waitress lang ang alam ko. “Ang laki kasi ng offer ni Papa Rome, Fifty thousand” Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Aiza. Fifty thousand ba kamo? Ilang buwan na sweldo ko na ‘yun! Sa isip-isip ko. “Fifty thousand.” ulit ni Aiza. “Fifty thousand para sa isang gabing na masasarapan ka.” ngumisi pa ito sa akin. “Naku Aiza, hindi na. Sigurado naman na hindi ako mapipili.” ayoko naman na magmukhang pinandidirihan ko ang trabaho nila kaya ganoon na lang ang sinabi ko. Hindi ko naman kasi ako judgemental sa pinasok nilang trabaho. Pero minsan kasi ay binubuyo nila ako na gawin din ang ginagawa nila. “S-sige na, magtatrabaho na ako Aiza.” ngiti ko dito at nilagpasan ko na siya. “Irah!” malakas na tawag ni Aiza sa akin, nilingon ko s’ya. “Basta hanggang next week ang audition period ha,” nakangiting na wika ni Aiza. “In case na magbago ang isip mo... ipasa mo lang ang pinaka-sexy mong picture kay M’am Glodie.” “S-sige,” alanganin na ngiti ko kay Aiza. Matapos ay lumabas na ako ng locker room. Nagpunta ako ng bar counter. “Hi Irah.” bati ni Michael sa akin. Bartender na madalas ang pagpapa-cute sa akin. Isang tipid na ngiti ang ginanti ko dito. “Marami yata ang customer ngayon?” sabi ko pa habang nilibot ang paningin. Alas siyete pa lang ay marami na ang nagdadatingan na customers. Napailing ako, sana wala naman na mambastos sa akin na madalas kong ma-experience mula sa mga lasing na customer. Nagsimula na akong magtrabaho, mahigit dalawang oras na akong walang tigil sa pabalik-balik sa counter para ibigay ang mga order ng customers. Hindi pa naman gaanong lasing ang iba. “Miss!” Narinig kong tawag ng isang customer sa akin. Lumapit naman ako agad dito. Tinignan muna ako nito sa mukha matapos ay hinagod ang katawan ko. Tumagal ang tingin nito sa legs ko. “Two buckets of beer please,” sabi nito sabay kagat labi, hindi ko naiwasan na magtaas ng kilay dito. Ang mga kasamahan nitong lalaki ay nauuliningan ko na tinutudyo pa ito. “Okay po.” Nagmamadali ako na umalis para kumuha ng order ng manyakis na customer. Nang makabalik ay agad kong inilapag ang dalawang bucket ng beer sa mesa nila. Nagkakasayahan ang mga kalalakihan habang nanonood ng nagsasayaw na mga seksing babae sa mini stage. “Miss beautiful, baka pwedeng tabihan mo muna ako?” Tila gusto kong sabuyan ng malamig na beer ang lalaking nag-order sa akin. Kahit malakas ang sounds ay dinig ko ang sinabi nito habang itinuturo ang hita nito na tila gusto akong paupuin doon. Naningkit ang mata ko. “Pasensya na at hindi po parte ng trabaho ko ang maging table ng customer!” Sinadya kong lakasan ang boses ko para marinig ng manyak ang boses ko. Nagpupuyos na naman ang dibdib ko sa galit. Ito ang ayoko sa nightclub na ito, nababastos ako madalas. No choice... ang sexy din kasi ng suot ko at todo make-up pa ako. Tinalikuran ko agad ang customer nang maramdaman ko na sasagot ito sa akin. “Ahh…” halos mapasigaw ako ang tumama ako sa matigas na dibdib ng nabunggo ko. Naramdaman ko ang paghapit ng kamay sa beywang ko. Habang napahawak ang kamay ko sa dibdib ng kung sino man ang nabangga ko. Unti-unti kong ibinaling ang tingin sa matipunong lalaki na nakabangga ko napaawang na lang ang labi ko nang masilayan ang mukha nito. “Shocks! Ang gwapo!” Tila namagneto ang tingin ko sa mata nito na tila nahipnotismo ako. Tumikhim ang lalaki at marahas nitong binitawan ang beywang ko. Natauhan naman ako sa ginawa nito kaya agad kong inalis ang kamay ko sa dibdib nito. Tumikhim din ako. “S-sorry po.” tipid kong sabi. “Next time... watch your steps.” sabi nito sabay alis sa harapan ko at tinalikuran na ako. Nagulat ako sa inasta nito. Sa itsura at pananalita nito ay mukhang mayaman ito. Tinignan ko kung saan ito umupo at nagtungo ito sa pinakasulok kung saan hindi pansinin ng ibang waitress. “Miss sexy.” Tawag ng isang customer na katabi lang ng table na inupuuan ng lalaking nakabangga ko. Lumapit ako sa lalaking tumawag sa akin habang palihim na tinatapunan ng tingin ang lalaki na saksakan ng gwapo. Hindi naman ako ang tipo ng babae na gaya ng mga kasamahan ko dito sa bar na kapag nakakakita ng gwapo ay tila mahihimatay na, pero iba ang dating ng lalaking nakabangga ko. “Yes po, sir?” magalang kong tanong sa lalaki na tumawag sa akin na mabuti na lang at mukhang walang interes sa akin. “Three buckets of beer,” tipid nitong sabi. Tumango lang ako, muli kong tinapunan ng tingin si pogi, hawak nito ang cellphone. Tinignan ko ang paligid at busy ang mga kasamahan kong waitress at hindi pansinin si Sir pogi sa sulok na table. Inuna ko munang i-serve ang lalaking nag-order sa akin ng three buckets of beer matapos ay kinakabahan kong nilapitan si pogi. Bumuga muna ako ng hangin bago magsalita sa lalaking nakatingin pa rin sa cellphone nito at mukhang may binabasa na text message. “G-good evening, sir,” napalunok ako nang tapunan ako nito ng tingin. “May gusto po ba kayong order-in?” tanong ko na pinilit maging pormal. “Five buckets of beer, please,” seryosong sabi nito matapos ay tumingin muli sa cellphone nito. Wala naman itong kasama pero ang daming order. Siguro ay broken hearted ito. Sandali ko itong minasdan. Ang gwapo talaga. Pero malamang ay may asawa na si Sir. Sa tingin ko ay nasa late thirties na ito at sa gwapo nito, sino ba naman ang hindi magkakagusto dito. Malamang din na marami na itong pina-iyak na babae. Napailing ako sa kung ano-anong pumasok sa isip ko tungkol sa lalaking nakaupo. Akma itong lilingunin ako kaya bigla akong umalis sa harap nito para asikasuhin ang order nito. “Michael, five buckets of beer pa nga.” ng pagkarating ko sa bar counter. “Sure,” ngumisi sa akin si Michael, nagpapa-cute na naman ito pero hindi ko na lang pinansin. Kumuha muna ako ng tatlong bucket ng beers at inilagay ko sa table ng customer matapos ay bumalik ako sa counter para kunin naman ang additional na dalawang bucket ng beer. “Order complete, sir.” sabi ko matapos ilapag ang orders nito. Tinignan ako ng lalaki sa mata, napaawang ang labi ko ng magtama ang tingin namin. ”M-meron pa po ba kayong idadagdag?” “No more. Leave me alone.” Tipid nitong sabi na sa mga beers na nakatuon ang pansin. Hindi man lang nag-order ng pulutan, wala rin itong kasama kaya hindi ko alam kung paano nito uubusin ang limang bucket of beers na in-order nito. Nagkibit balikat na lang ako. Mukhang badtrip si pogi. Malamang ay kaaway nito ang misis nito kaya nag-iinom. Iniwanan ko na lang ito at at nagpatuloy sa trabaho. Marami talaga ang customers ngayong araw. Lakad dito, lakad doon ang ginawa ko. Sa tuwing nagagawi ako sa table kung saan nakaupo si sir na pogi ay lihim ko itong sinusulyapan at nakikita kong wala pa rin itong kasama at umiinom lang mag-isa. Hanggang sa malapit nang matapos ang duty ko. “Thank you, Lord!” bulalas ko sa isip ko nang pumatak na ang alas onse ng gabi at oras na ng uwian ko. Isang huling sulyap ang pinukol sa table kung saan nakaupo si Sir pogi bago ako pumasok sa may hallway patungo sa locker room. Napabuga na lang ako ng hangin ng makita ko itong tila lasing na. Hind naman siguro nito inubos ang in-order nito. Nag-aalala ako na hindi muna ito kumain at baka sumama pa ang pakiramdam bukas dahil sa hang-over. Napabuga ako ng muli hangin matapos ay umiling. Bakit ko ba siya pinoproblema? Ano bang pakialam ko? Tumungo na ako sa locker room at kinuha ang damit ko pamalit at nagtungo sa CR para magbihis. Humarap ako sa salamin at pinunasan ng tissue ang lipstick sa labi ko. Ilang sandali pa ay lumabas na ako at muling tumungo sa locker para makaalis na. Bago umalis ay umupo na muna ako sa bench para ipahinga ng kahit limang minuto ang paa kong nahapo sa sobrang pabalik balik. Hawak ko ang cellphone at nag-text kay Clara na pauwi na ako. Alam kong hindi na ito sasagot dahil tulog na sila malamang pag-uwi ko. Tumayo na ako para maka-alis na, makakapag pahinga pa naman ang paa ko kapag nasa jeep na ako. Papalabas na ako nang nagsipasukan ang mga kasamahan ko. “Shocks! Bakit hindi mo sinabi sa akin, girl!?” Pinandidilatan ni Aiza si Richel ng mata. “Malay ko ba na nagpunta si Papa Rome, namalayan ko na lang nung nagbabayad na ng bill eh.” sagot naman ni Richel. “Gosh! nando'n kasi ako sa may harap ng stage. Wala man lang ba nakatunog na nagpunta si Papa?” Hindi na napansin nang mga kasamahan ko ang presensya ko. Magpapaalam pa sana ako kay Richel pero tila nagkakagulo pa sila, kaya tinapik ko na lang ito sa likod nang lampasan ko sila. “Ingat, Irah!” narinig kong sigaw nila Richel. Napansin din pala nila ako. Nilingon ko sila at sumenyas na pauwi na ako. Nang makalabas ng nightclub ay naglakad na ako patungo sa sakayan ng jeep. Marami pa ang naka-park na kotse sa gilid ng kalsada. Wala naman kasing sariling parking ang club na pinagtatrabahuhan ko. Wala halos tao dito sa lalakaran ko, dahil nasa loob pa ng mga clubs siguro ang mga tao. Bahagya akong napatigil sa paglalakad nang mamataan ang gwapong lalaki kanina sa nightclub, nakaharap ito sa pinto na malamang ay kotse nito, nakasuporta at nakahawak ang isa nitong kamay sa kotse nito habang ang isa ay hawak ang cellphone at may kausap. Sagit ko itong tinignan matapos ay muling naglakad, kailangan ko siyang lagpasan. Papalapit na ako dito nang binaba niya ang cellphone niya, lumingon ito sa gawi ko at nagtama ang mata namin. Hindi ko maintindihan kung bakit biglang dinaga ang dibdib ko sa tingin niya at napahinto ako ng lakad, ilang hakbang lang ang pagitan namin. Siguro dahil sa gwapo ito, kaya nakakakaba talaga kahit na sulyap pa lang nito. Sabi nga nila, makalaglag panty na tingin ba. Parang artista kasi ang itsura nito, na kahit sinong babae ay kikiligin. Napalunok ako. Hindi ako nagpahalata na tense sa tingin nito at inalis ang tingin mula kay pogi at derechong naglakad muli. “Miss waitress!” narinig kong sabi nito ng malagpasan ito. Baritono ang boses nito. Madalas akong mabastos kapag naglalakad mag-isa, hindi talaga ako lumilingon kahit may tumatawag sa akin. Pero sa hindi mapaliwanag na dahilan ay lumingon ako. Siguro dahil hindi naman mukhang masamang tao si Sir pogi. Wala pa nga itong interes sa akin kanina eh. Kunot noo ko tinitigan ang lalaki na namumungay ang mata sa kalasingan. Pero hindi pa naman yung tipong suray suray na talaga at kulang na lang ay gumapang dahil sa sobrang lango sa alak. “Excuse me?” wika ko. “Wanna go out with me?” usal ng lalaki na lumapit sa akin at agad akong hinapit sa beywang. Nanigas ang katawan ko sa ginawa nito. Kasabay ng pagkagulat ay pag-awang ng labi ko sa kaba. Napahawak ako sa dibdib nito ng di sinasadya. Agad akong natauhan sa akmang itutulak ko ito nang mabilis na tinawid ang pagitan namin at hinalikan ako. “Shocks!” Dilat ang mata ko habang napatitig sa kawalan dahil sa pagdampi ng mga labi namin. Nalasahan ko ang alak sa labi ng lalaki. Pero natauhan ako bigla at agad kong itinulak ng buong lakas ang lalaki. Nagulat ito sa ginawa ko at mabilis ang kilos ko na hinampas ito sa dibdib at buong lakas na sinampal ito na dahilan para mapangiwi ito “Manyak!” sigaw ko dito. Agad napahawak ang lalaki sa pisngi nito. “Damnit!” malakas na sabi nito na tila nahimasmasan. Unti-unti itong lumingon sa akin, pero bago pa man magsalubong ang tingin namin ay tumalikod na ako at nagtatakbo. “Come back here!” narinig ko pang sigaw ng lalaki pero hindi ko na ito nilingon. “Gwapo nga... manyak naman! Gosh! Akala ko matinong lalaki. Hinalikan niya ako. Bwisit siya.” --- “BES okay ka lang?” Bungad sa akin ni Richel, akala ko ay nag-iisa ako dito ngayon sa locker. “Bakit ka nakahawak sa labi mo?” “H-ha?” Agad kong tinanggal ang kamay ko na nasa labi ko. “W-wala, n-nakagat ko kasi. A-ahm parang nasugatan eh.” “Ganoon ba?” sabi nito na tumabi sa akin. “Alam mo ba kahapon kung bakit kami nagkakagulo?” Wala akong panahon makipag-chismisan kay Richel dahil pagod ako. Gusto ko lang sana na manahimik. Lalo na at kulang ako sa tulog na pumasok ngayon sa trabaho dulot ng nangyari kagabi. Hindi ako pinatulog sa kaiisip sa lalaking humalik sa akin. Dumadaldal pa si Richel pero hindi ko na iniintindi ang mga sinabi nito, bumalik na lang ako sa wisyo nang mapansin na mas umingay dahil nagsipasukan na dito sa locker room ang iba kong katrabaho na kabarkada ni Richel. “Aiza, bantayan niyo ang entrance baka dumating uli si Papa Rome” narinig kong sabi ni Richel na umalis sa tabi ko at excited na pumunta sa kumpulan nila Aiza. Napailing ako. Pinagkakaguluhan nila uli si Rome... pero ako, nagugulo ang utak ko sa manyakis na lalaki kagabi. Kinuha ko na lang ang cellphone ko na naka-chage sa power outlet. “Bwisit na lalaki ‘yun, nakalimutan ko tuloy mag-charge kagabi.” Dahil nagulo ang mundo ko sa simpleng halik ay lowbat pala akong pumasok kanina sa restaurant na pinapasukan ko ng full-time. Nakalimutan ko naman na mag-charge at ngayon ko lang sinaksak dito pagkarating ko sa night-club. Hindi ko tuloy na-text ang mga kapatid ko. “Mga bakla, ngayon ako magpapasa ng audition picture ha,” dinig ko pa na sabi ng isa kong kasamahan. “Picturan ko niyo, gusto ko maganda ang background.” “Sige, girl!” malanding tili naman ni Richel at Aiza na kilig na kilig. Nagkukumpulan ang mga kasamahan ko at nag-iingay. Naisipan ko na magbibihis na ako ng pang waitress, magtetext lang ako saglit kay Clara para makibalita sa pangyayari sa kanila. Ten percent rin inabot ang battery nang tuluyan na mabuksan ang cellphone ko, isa-isang nagsipasukan ang mga messages. Kumunot ang noo ko dahil madami ang messages. Akma kong bubuksan ang isang message na galing kay Clara nang bigla naman nag-register ang isang tawag. Clara calling… Nagtaka ako kasabay ng kaba sa dibdib ko. Hindi naman tumatawag sa akin ang kapatid ko kapag hindi importante. Napahawak ako sa dibdib sabay sagot. “Atehhhh…” “Janna!?” Tila maiiyak ako nang marinig ang boses ng isang kong kapatid na si Janna. “B-bakit? Bakit ka umiiyak? Si Clara?” Sunod sunod ang tanong ko. “Atehhhh…” Hagulgol na sabi ni Janna. “Si Noah, Ate…” “Anong nangyari kay Noah? Sumagot ka Janna!” “Ate.” Tila hindi na makahinga si Janna mula sa kabilang linya sa grabeng iyak nito. “Si Noah, Ate… N-nasagasaan—” Hindi ko na narinig pa ang sunod nasasabihin ni Janna dahil nabitiwan ko na ang cellphone ko na nabasag sa sahig kasabay ng pagluhod ko sa sahig ay umagos din ang masagana kong luha. “Noahhhhhh!!!”…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD