CHAPTER 2

1538 Words
Chapter 2 Pumasok kami sa loob ng Hunted House. Habang naglalakad papasok ay bigla na lang nanginginig ang tuhod ko. Ang mechanics ng bahay na ‘to ay mahanap ng tamang lagusan palabas ng bahay. Madaming pasikot-sikot. At madaming nakakatakot na mukha ang nakikita ko. Ang bilis ng t***k ng puso ko. Para akong sasabog sa kaba. Naririnig ko ang sigaw at tawanan ng mga tao sa loob ng bahay. Kung kanina ay katabi ko lang yung Unggoy na iyon, ngayon ay hindi ko na siya makita. Huminto ako, umupo at isinubsob ko ang mukha sa mga palad ko at patuloy pa ring kinakaban at nanginginig. “Hey! Come on!” Rinig kong sigaw ng kasama ko kanina. I stood up, and pushed away those scary faces as I run towards him. I didn’t notice that we had already passed through the house. “That was fun!” He chuckled. Hindi pa rin ako makahinga at hawak-hawak ko ang dibdib ko sa sobrang lakas ng t***k nito. Naghahabol ako ng hininga. It was my fault for not bringing my inhaler. Naiwanan ko iyon sa sasakyan. “Are you okay?” He tried to catch my attention. Nag angat ako ng tingin. “Yeah, of course,“ Matipid akong ngumiti. Sunod naming pinuntahan ay ang Ferris wheel. It was a big one. Hindi ko alam kung kakayanin ko ang taas no’n. Nang makasakay na kami ay pumikit lang ako. Ramdam ko ang bawat pag angat at pagbaba ng sinasakyan namin. Hindi ko kayang tumingin mula sa ibaba kaya nina-namnam ko na lang ang bawat hampas ng hangin na dumadampi sa aking mukha habang nakapikit.  Minulat ko ang mga mata ko nang maramdam na may humawak sa kamay ko. Nag angat ako ng tingin. “You know what? The first time I went here is also the last time I saw my mom smiling,” he said looking at nowhere. I suddenly felt heavy. Hindi ko naman siya kaano-ano pero ramdam ko ang bigat ng pinagdadanan niya. Ang lungkot sa mga mata niya. I didn’t know how to comfort him. I just took his hands and held it.   “I was nine when we went here. It was also my birthday. We are on our way home when our car crashed.” His voice was croaky, looking down. “The next thing I remembered was..” he stop for a while.” My mom was at the hospital. She’s in comma almost a half year. Until she left us, she left me. “ Mangiyak-ngiyak na kwento niya. “This is the first time I went here since my mom died. It’s her death anniversary today,” he uttered. Hindi ko napigilan ang luha ko. Pinanganak na yata akong iyakin. He needs my comfort, kung birthday niya namatay ang nanay niya, ibig sabihin ay birthday niya ngayon? O.M.G Niyakap ko siya na para bang ako ang nanay niya habang tinapik ko ang likod niya. “I’m sorry,” ‘yan lang ang nasabi ko.  Nag angat siya ng tingin. “It’s okay,” he said. Umaliwalas na ang mukha niya, at nginitian ako. “Thanks for listening. I haven’t talk to anyone about this since she died.” He sighed. Magsasalita pa sana ako nang bigla nalang niya ako niyakap. Itong taong ‘to nakakailang yakap na sa akin ‘to. Hindi ko naman kilala pero yakap ng yakap. Naitulak ko siya palayo nang biglang huminto ang Ferris wheel. Hindi ko man lang namalayan na kanina pa pala kami nag uusap.  Lumipas ang ilang oras at nasakyan namin ang iba pang rides. Pang-ere man o tubig. It was fun being with him, though he has this attitude. I know and I feel that he is really a good person.  “Magbihis ka na muna. Puti pa naman iyang suot mo,” he said and playfully smiled at me. He smirked. “I guess it’s black?” He said looking down at my chest. I look down to where he is looking. Ugh! Black nga. Tinakpan ko iyon gamit ang palad ko. “Perv!Manyak ka! Kaya ba ilang beses mo akong niyakap kanina?!” Hinampas hampas ko siya at binulyawan. Nag martsa ako paalis sa kinaroroonan namin. Ginamit niya lang ba ang kwento niya para mayakap ako? Ugh! “Chill baby girl,” he chuckled. “’Wag mo akong ma-baby girl! Ew!” I crossed my arms and rolled my eyes. “Here, so you won’t catch a cold.” Ibinigay niya sa akin ang jacket niya mula sa bag. Hindi ko alam pero hindi ko maiwasang ngumiti sa isip ko. Kinilig ako sa ginawa niya. “Hindi ko kailangan ng jacket mo!” I rolled my eyes. Siyempre kailangan humble muna. “Sige na take it, I awe you my day today,” he insisted. “Okay!” I giggled, at isinuot ang jacket niya.  “Let’s eat! My treat,” he invited. I smiled at him, “I won’t say no for that! Gutom na ako!” I chuckled. Tahimik kaming kumakain. Recalling what happened for the whole day, it was quite fun. I really enjoyed my trip here in Laguna. I wonder how my friends are, did they look after me? ‘Yung mga yon’ talaga. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa nangyari ngayong araw. Ang epic ang araw na ‘to. “So, who’s with you? Are you alone?” Pagbasag niya ng katahimikan. “Actually,” I sighed. I giggled, “Kasama ko ang mga kaklase ko. At dapat squad ko ang kasama ko sa pag sakay ng rides. Kaso ang epic, dahil andito ka!” “Ikaw ba? Bakit ako ang pinagtripan mo na isama?” I raised my brow and curiously asked him. “Well, I wasn’t in the mood the whole day,” he said, directly looking at me. Nagbaba ako ng tingin. Naalala ko may cupcakes pala ako sa bag. Naisipan kong ilabas iyon dahil naalala ko na birthday niya pala. Kinuha ko agad ang lighter ko sa bulsa ng bag. “Oh, really?” I giggled. I stood and went in front of him. “Close your eyes,” I demanded. “What?” Kumunot ang noo niya. Hindi ko na sinagot ang tanong niya, at agad kong hinugot ang panyo ko sa bulsa at tinakpan ang mata niya. “What the hell are you doing?” Iritableng tanong niya Bumalik ako sa kinauupuan ko at agad kong binuksan ang tatlong cupcakes. Itinusok ko ang kandilang kinuha ko sa Hunted House. Pinigilan ko na matawa dahil sa ginawa kong pagkuha ng kandila.  Lord patawarin niyo po ako sa ginawa ko. “Open your eyes!” I cheerfully said. “HAPPY BIRTHDAY!” I greeted him, wearing a smile. “You told me earlier that it was your birthday when your mom died,” huminto ako. “And you also told me today is the day of your mom’s death anniversary,” dagdag ko. “So, I decided to surprise you by this small effort! Since I broke your phone, and you make me happy today!” I sweetly smiled at him. Kung kanina ay nakakunot ang noo niya, ngayon ay unti-unting nawala ‘yon at umaliwalas ang mukha niya. He look so serious, but then I know he was smiling in his mind. “You did listen to what I say don’t you? “ He smirked, and then he blew his candle. “What did you wished for?” I excitedly asked. Instead of answering me, He just gave me a smile, a damn killer smile and stood up. Gabi na kaya nag pasya akong magpaalam sa kanya. Nauna siyang maglakad kaya tinawag ko siya. “Seven Thirty na, malamang ay hinahanap na ako ng mga kaibigan ko,“ saad ko. Hindi pa din siya lumilingon. Tila ba may kung ano sa bag niya na kanina niya pa pilit kunin. I shrugged. “Ano na? aalis na ako,” ulit ko. “Okay!” Iyon lang ang sinabi niya saka lumingon sa akin. He had thrown me a small teddy bear. I was surprised about what happened. How did he? “I won the game you were playing earlier.“ Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. I gasped. “Oh my! Thank you! I really like it!” I said hugging the bear. “Sayang naman kung itatapon ko. I saw you were trying hard to get it,” he explained. “Here’s your phone,” he handed me my phone, and stepped closer to me. “Uhhm, thank you,” I smiled, nag iwas ako ng tingin. Pero mas lalo siyang lumapit. “Ha..happy birthday ulit! “ Halos nauutal na ang mga salitang sinasabi ko dahil sa sobrang lapit namin sa isat’isa.  “Kailangan ko na umalis,” I added. “But where’s my birthday present?” He asked, looking at my face. Kinakabahan ako habang palit siya ng palapit sa akin. Ang lakas ng t***k ng puso ko. Para akong sasabog sa kaba. Ano ba naman ‘tong nararamdaman ko? Ayokong ma-attach sa kanya at baka hanap hanapin ko siya. I bit my lower lip. “Sorry, Hindi ko naman alam na may makikilala akong may birthday ngayon,“ I chuckled. Dinaan ko nalang iyon sa tawa. He shrugged. “Okay, Maybe next time then,” sabi niya sabay kindat sa akin. What? Next time? Magkikita pa kami? No way! Ayoko, dahil baka mabaliw ako pag nakita ko siya ulit. Akmang tatalikod na siya nang bigla ko nalang siyang tinawag. “Wait! Pag may binigay ba akong regalo, hindi mo na ako makikita?” I asked, raising my brow. He shrugged. “Well, if you wanted to,” iyon lang ang sinabi niya. Tumakbo ako sa kinaroroonan niya saka tumingkayad. “Happy birthday!”  Pagkatapos ng ginawa kong iyon ay tumakbo ako at hinanap ko agad ang mga kaibigan ko. Hindi ako makapaniwalang ginawa ko iyon. Ako pa na babae ang nag the moves. Sabihin niyo na na malandi ako. Pero hindi ko rin alam kung bakit ko ginawa ang bagay na iyon. Iba ang naramdaman ko sa kanya noong kasama ko siya. Alam kong isang araw lang iyon, pero hindi mawala sa isipan ko. Tingin ko ay mababaliw na yata ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD