CHAPTER 2

2371 Words
"ULAM KAYO RIYAN! Yuhooo!" sigaw ni Madison habang nasa gilid ng labi ang isa niyang kamay. "Tindera ka na ng ulam, Madison?" tatawa-tawang tanong ng kung sinong hudas. Umirap siya saka binalingan kung sino man ang nagsalita. At mula sa hindi kalayuan, may nakatayo roong isang lalaki. Hindi na niya kailangan pang tanungin kung sino ito. Ang lalaking ito ay si Paulo, ang nanliligaw sa kaniya noon. "Nang-aasar ka ba, Paulo?" She crossed her arms in front of her breast and looked at him intently. "Hindi naman. Pero kung iyan ang tingin mo, e 'di inaasar kita," anito saka lumapit sa kaniya. Mabuti na lang at nasa loob siya ng karindirya nila at hindi niya abot ang lalaki. Kung abot lang niya ito'y baka nahampas na niya ng hawak niyang patpat. Tumigil si Paulo ilang dangkal mula sa kaniya. What is he doing here? Nandito ba siya para asarin na naman siya? B-in-usted lang niya ito, ginawa na nito iyon sa kaniya... ang palaging asarin ng kumag. Thank God, her heart didn't beat on this freaking man! "Umalis ka na nga rito at malas ka. Get out at baka wala pang bumili sa tinda kong ulam." She raised her eyebrows due to annoyance. "Akala ko ba sekretarya ka ng isang CEO? Naglolokohan ba tayo, Madison? Tapos ngayon, tindera ka na ng mga lutong ulam? Ano, natanggal ka ba kasi sa ka-bitter-an mo?" Nagngalit kaagad siya nang marinig iyong mula sa lalaksot. Kaya naman lumabas siya sa munti nilang karinderya at galit na hinarap ang lalaking kung maka-asta akala mo'y may pinagsamahan sila. Dahil sa ugali nito kaya hinding-hindi niya masagot ang hinayupak. Mabuti na lang at nakagawa siya ng alibi noon na may boyfriend na siya kaya naman tinigilan na siya nito. Ang gago, ang kapal-kapal ng mukha! "Anong problema mo sa tindera, ha? May problema ka ba roon?" she asked. Paulo smirked. "Wala akong problema sa mga tindera, Madison." "And stop asking such question!" sigaw niya. "Oo, natanggal ako bilang sekretarya dahil namatay ang boss ko. May dahilan kaya ako natanggal. At huwag mong idamay ang pagiging bitter ko sa iyo. Lumayas ka na bago ko pa ihampas sa iyo itong hawak kong patpat." Inangat niya ang hawak na maliit na kahoy sa harap ni Paulo. "Bitter ka talaga, Madison. Baka tumanda ka na ng dalaga. Nga pala, may girlfriend na ako, maiingit ka," nang-aasar nitong bulalas saka tumalikod na. Tumiim siya dahil sa inis sa lalaking iyon. Imbis na pansinin, bumalik na lang siya sa loob ng karinderya. Sinira ng lalaking iyon ang araw niya— sirang-sira na iyon, nakakaaduwa! "Sino na naman iyong kaaway mo, Madison?" Pumasok ang mama niya sa karinderya. Bumuga siya ng hangin sa bibig at sinagot ito. "Si Paulo po, mama. Ang kapal-kapal talaga ng mukha ng hayop na iyon!" "Si Paulo na naman? Hindi ba't sinabi ko sa iyo na huwag mo nang pansinin ang lalaking iyon? Wala naman iyong ibang ginawa kundi ang mang-asar." Nasapo niya ang kaniyang ulo."Ayon na nga po, mama.Kaya nga ang kapal ng mukha niya." Napailing ang mama niya kapagkuwan ay umupo sa harap niya. "Huwag mo nang pansinin ang lalaking iyon, anak. Hayaan mo na lang siya." "Ayon na nga po, e. Hindi ko na nga pinapansin pero ito, nagpapapansin." Natawa na lamang ang mama niya. "Anak, puwede bang makisuyo sa iyo?" "Ano po iyon, mama?" tanong niya. "Puwede bang ihatid mo itong ulam na ibabalot ko kay Kumareng Dina? Kilala mo naman iyon, 'di ba?" "Ah, iyon pong nagtitinda ng isda sa palengke? Sige po." "Salamat, anak. Sige, ihahanda ko lang." Tumango lamang si Madison. Nagpaalam siya sa mama niya na papasok siya para magbihis nang maayos na damit. Saktong pagbaba niya ay natapos na ang mama niya. Kinuha niya ang mga ulam dito saka nagpatiuna na patungo sa palengke. Sumakay na siya kay Manong Obet na siyang sinasakyan niya ng mga panahong nagtatrabaho pa siya. Nang makarating sa palengke, kaagad niyang ibinigay ang mga ulam kay Aling Dina. Kinuha niya ang bayad saka umalis na para makabalik sa bahay. Gustong maghanap ni Madison ng trabaho dahil alam niyang maliit lang ang kita sa pagtitinda ng ulam. At dahil desperado, sinubukan niyang maghanap sa mga poste pero wala siyang nakita. Laglag ang balikat ni Madison ng mga sandaling iyon. Marahas siyang nagpakawala ng hangin sa bibig at napagdesisyunan na lang umuwi. Mukhang hindi siya suwerte ngayon. Bukas, susubukan niya muling maghanap ng trabaho. Habang naglalakad, bigla na lang may naapakan si Madison. Nakakunot-noo niyang tiningnan iyon at bahagya siyang nagulat nang may makitang dyaryo sa paanan niya. Nagtataka niyang kinuha iyon at tiningnan. Binasa niya ang nilalaman ng unang page ng dyaryo at ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya sa nakita. WANTED: BABYSITTER! Biglang kumabog ang dibdib ni Madison ng mga oras na iyon. Sinuri niya kung valid pa ba iyon at laking tuwa niya nang makitang bago pa lang iyon. May trabaho siyang nakita at sa tingin niya'y nakatadhana ito sa kaniya. Hinanap niya kung saan puwedeng mag-apply at nang makita, kaagad niya iyong pinuntahan. Kahit anong trabaho, papatusin na ni Madison para sa pamilya niyang nangangailangan. Pero bigla siyang napatanong sa kaniyang sarili. Ilang taon na kaya iyong anak niya ngayon? Nagbilang siya sa kaniyang isip. Katulad ng aalagaan niya, pitong taong gulang na rin pala ang anak niyang lalaki. Kilala niya ang ama ng anak niya. Kilala rin niya ang nakabuntis sa kaniya. It was Grayson Montevilla, a famous actor and billionaire in the country. Kilala ang lalaki dahil sa jaw-dropping nitong mukha. Grayson is handsome and hot. Napagdesisyunan nilang ibigay ang dalawang taong gulang na anak niya sa ama nito dahil alam niyang mabubuhay nito iyon nang maayos. Iniwan ng mama niya ang anak niya sa labas ng bahay ni Grayson. Masyado pa siyang bata ng panahong nabuntis siya. Hindi lang iyon, nagawa niya rin itong ibigay dahil sa kahirapan. They're poor before until now. Kilalang-kilala niya si Grayson, ngunit ni hindi man lang siya nahuhulog dito. Iba siya, hindi siya agad nahuhulog. Oo, guwapo ito at maraming babae ang nagkakandarapa rito pero hindi siya katulad ng mga ito, she's different. She remembered what they did seven years ago. She was just pretending, na lasing siya. Pero hindi niya inakala na aabot iyon sa ganoong punto... na may mangyayari sa kanila ni Grayson. Nagising na lang siya kinabukasan na magkatabi silang dalawa. She run away from him. And after 9 months, nagsilang siya ng bata at isa lang ang naisip niyang may gawa noon. Walang iba kundi si Grayson. Minsan na niyang napanood ito sa telebisyon na ini-interview tungkol sa bata raw niyang kasama. Hindi raw niya iyon anak. Liar! May anak ito, tinatago lang nito ang anak nila. Why did Grayson do that? Bakit kailangan nito itago ang anak nila? "HINDI MO BA papansinin ang daddy mo?" Grayson asked his son— Gray. Gray was sitting on the chair in front of him. Nakabusangot ito habang nakatitig sa pagkain. Dinibdib ba nito iyong nangyari nitong nakaraang araw? Ilang araw na rin siya nitong hindi pinapansin. It hurts him a lot. Sarili niyang anak, hindi siya pinapansin. "Kasalan mo naman kasi, anak. Kung hindi ganoon ang inakto mo sa harap ng camera, e 'di hindi makikita ng anak mo," sabi ng mommy niya na kakarating lang habang may dalang chicken lollipop— Gray's favorite food. "Here's your chicken lollipop, darling," sabi pa nito. "Yehey! Thank you po, grandma," masiglang sambit ni Gray at tumayo pa sa kinauupuan at hinalikan ang pisngi ng mommy niya. Inaamin niya, nakaramdam siya ng inggit ng mga oras na iyon. Napailing siya.Hindi siya dapat maging ganito. Lilipas din ang oras, papansinin din siya ng anak niya. "You're welcome, apo. Enjoy eating," his mommy said. Gray innocently nodded and came back to his chair and started to eat his favorite food. Napangiti siya habang tinitingnan niya ang anak niya. Kakagaling lang niya sa trabaho at pagod na pagod siya dahil may dumating na namang mga paparazzi at reporter. He didn't speak. He just ignored them. "Anak, are you fine?" mayamaya pa'y tanong ng mommy niya na nasa tabi ni Gray. He smiled. "I am, mommy." Gusto niyang umiyak, hindi niya alam kung bakit. Ganito ba ang mindset niya? Kapag hindi siya pinansin ng anak niya, feeling niya panghabang-buhay na iyon. Ano ba dapat ang gawin niya? Dapat ba siyang lumuhod at magmakaawa rito na hindi niya pa nagagawa sa tanang buhay niya? If so, he has no choice, but to deal with it. "Hindi ka maayos, anak. Hayaan mo, I'll talk to your son later." He smiled again. "Thank you, mommy." "Huwag mong ipakita sa anak mo ang ugali mo, anak. Mahirap na, baka lalong hindi ka niya pansinin. Bata pa lang ang apo ko kaya ganito ang pakiramdam niya." Sunod-sunod siyang tumango. "Thank you again, mommy. By the way, aakyat lang ako. I need some air. Ikaw na po muna ang bahala kay Gray." He stood up from his chair. His mother just nodded that's why he left them in the kitchen. Naglakad siya patungo sa kuwarto niya at kinuha roon ang kaniyang cellphone at isang bote ng rum at drinking glass. Kapagkuwan ay lumabas siya at tinungo ang rooftop ng bahay niya. Oo, may rooftop ang bahay niya at paborito niyang manatili roon. He loves the rooftop especially when he is sad. Nang makarating, tinungo niya ang bench at umupo roon. Ipinatong niya ang bote ng rum at drinking glass sa lamesa na nasa harap niya. He heaved a deep sigh and opened the bottle of rum. Pinuno niya ang drinking glass at lumagok doon. The hotness of alcohol touched his throat that made him grimanced. "F*ck!" he cussed. Kalaunan ay binuksan niya ang kaniyang cellphone. Tinungo niya kaagad ang emails niya dahil alam ng laman iyon. He wasn't wrong. Karamihan sa emails ay s-in-end ng sekretarya niya. Kaka-uwi lang niya, ito na naman, trabaho ulit. Minsan nga tinanong niya ang kaniyang sarili kung bakit niya ginagawa ito. Kung bakit niya tinanggap ang alok ng lolo at lola niya. Na tanggapin ang kumpanya nila. Pero hindi siya nagsisisi. Nagbago talaga ang buhay niya. He's a hard-working person and he won't stop working until his son— Gray works as well. Titigil lang siya kapag nagkatrabaho na ito. Kung tumanda man siya, hindi niya ipapamana ang kumpanyang ipinamana rin sa kaniya. Instead, he would deal with him to start a business at palaguin iyon. He misses Gray, he misses his son. Hindi niya kaya na ganito ito sa kaniya, na hindi pinapansin. Not now, but soon, he will make Gray notice him. Gusto na niya ang dating Gray. He gulped the alcohol again. Sakto namang tumunog ang hawak niyang cellphone. Nang tingnan niya iyon, nakita niyang may tumatawag. It's Garett, his friend. He rolled his eyes and answered his nuisance friend. "What?" Lumagok siya ng alak. "Anong what, Grayson? You should thank me. Dala ko na ang mga application form. Nasa akin na siya. The machine counted it. And you had 4,856 forms. Apat na libo ang titingnan mong form. Ayos lang ba ito sa iyo?" Shit. It's more than he think. Sinikreto na nga niyang naghahanap siya ng babysitter para kay Gray, tapos ganito karami? That was freaking unexpected. And no, hindi niya titingnan isa-isa ang mga iyon. He will just pick a form and that's it, kung sino ang napili niya, ito na ang pipiliin niya. "Where you at?" he asked instead of answering his questions. "On the road.On the way to your home. Why?" "Bilisan mo, I'll wait for you." Then he ended the call and drank the small amout of rum in the drinking glass. He burped. Inilapag niya ang drinking glass sa lamesa at umalis na ng rooftop dala ang kaniyang cellphone. Nang makababa, dumiretso siya sa kaniyang kuwarto. But he shocked when he stepped in. He saw Gray, playing with his robot toys. Pasalubong niya ito kanina pero hindi pinansin at ngayon lang. Napangiti siya kalaunan ay naglakad na patungo sa kama at kinuha roon ang laptop saka lumabas na. Ngunit hindi pa man siya nakakalabas, he heard Gray's voice. "Where are you going, daddy?" His heart melts. Nakangiti siyang bumaling kay Gray at naka-angat ang mukha nito sa kaniya. Naglakad siya patungo rito at lumuhod sa harap nito. "In guest room, baby." "Ano pong gagawin niyo roon?" he asked innocently. "Doon ako matutulog, baby." "Bakit naman po? May room naman po tayo, ah? We can share this wide bed, daddy. Bakit ka po ganiyan? It seems like you don't want to be with me." Nanubig ang mga mata nito. "No, no, no, baby. That's not what I meant, okay?" He hugged his son. "No, ayaw niyo po talaga akong katabi. I hate you, daddy." Gray aggresively moved. He instantly released his son. Kaya naman humahagulhol itong tumakbo palabas ng kuwarto. Nagpakawala siya nang marahas na hininga mula sa kaniyang bibig. Hindi ganoon ang ibig niyang sabihin. Doon muna siya matutulog sa guest room para makapag-isa ito. But it seems like his idea was wrong. Lalo pang nagalit ito sa kaniya. F*ck, what did he do? "Gray is crying, huh." He raised his gaze and saw Garett. Nakita niyang may dala itong mga folder. He walked towards to him and put the folders in front of him. "I made it. I made him cry," he said calmly. "Bakit naman? Why did you make him cry? Pinalo mo? That's abuse, Grayson." Grayson looked at Garett intently. "I didn't hurt my son. Watch your words, Garett!" Kung anong tingin niya sa kaibigan, ganoon din ang boses niya. "I'm sorry, okay? I-I'm just joking. By the way, ayan na ang 4,856 forms. Isa-isahin mo na iyan at piliin mo iyong kuwalipikado. Huwag iyong may asawa na. Iyong wala dapat, para alam mo na, para may malandi." Pagak itong tumawa na ikinainis niya. Dahil doon, tumayo siya at kinuha ang mga folder na nasa unahan niya at walang pagdadalawang isip na ibinato iyon sa kaibigan. Naglipana ang mga papel kung saan. He just ignored those forms and took one form and went outside his room. Tiningnan niya ang hawak niya. He searched the name. Madison Montereal, the name. 26, the age. Passed!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD