MZ C-4

2991 Words
Dahil sa sinabi ni Lottie ay hindi ko maiwasang magtaka at matakot. Kaya siguro walang nagtatagal na katulong dahil baka may multo. "Lottie kaya siguro bawal tayo lumabas ng alas otso kasi nagpapatrol na yung mga bodyguard ni boss, syempre sa laki at ganda ng mga mansyon ay mag- kakainteres talaga na may magnakaw dito," sagot ko na binabalewala ang takot. Nagtanggal siya ng talukbong at tumingin sa akin. "Siguro nga Minah. He he he," sabi niya na pilit ang tawa. "Magpahinga na nga tayo," ani ko at humiga na sa kama. Ilang minuto din kaming nanuod ng tv ni Lottie. Napahikab na ako at dinalaw ng antok. "Goodnight Lottie."  "Goodnight," aniya at hininaan ang sounds ng tv.   Two hours later. Bigla akong nagising at bumalikwas ng bangon dahil sa lakas ng ugong na galing sa labas. Kahit sarado ang bintana ay rinig na rinig ko ang ingay. "Lord! Tulungan niyo po kami, ilayo niyo po kami sa masama, protektahan niyo po kami!" biglang sabi ni Lottie. Kitang-kita ko na lumuhod siya doon sa kama habang taimtim na nagdadasal. Hindi masyadong madilim sa kwarto namin dahil kahit nakapatay ang ilaw ay nakabukas naman ang lamp shade na nasa tabi ng kama namin. Naalala ko ang sinabi niya kanina. May malakas na ugong nga kaming naririnig. Natuon ang tingin ko sa orasan. "Alas-onse?" kunot-noo kong bulong at lumingon sa bintana dahil lalong lumakas ang ugong. "Minah katapusan na natin," aniyang takot na takot. Patakbo siyang lumapit sa akin at napayakap na lang, yumakap din ako sa kanya para mabawasan yung takot niya. Kinakabahan ako at natatakot na rin nang mga oras na iyon pero ayaw kong ipahalata sa kanya."Gaano katagal yung ugong?" tanong kong mahinahon ngunit ang totoo ay kinabahan na rin ako. "Mga-mga limang mi-minu-to-to minsan matagal pa---pa," natatarantang sabi niya. Bumitaw siya bigla ng yakap at nagtalukbong naman ng kumot. "Lottie wag kang matakot, ugong lang yon," sabi ko at tinapik tapik siya. "Minah natatakot ako!" halos maiyak na siya habang nakatalukbong. Mahigit limang minuto ang ugong na iyon mabuti na lang at nawala din. Yung tunog parang nasa selda o sa munti na pag may nakatakas ay ganun ang tunog niya. "Mga preso ba kami?" ani ko. Di ko maiwasang tumawa dahil ang weird talaga ng nangyayare sa lugar na ito. Na-i-immune na siguro ako sa takot kaya natatawa na lang ako. Napalingon ako sa cctv, pakiramdam ko may nakatingin o nagmamasid pa rin sa amin ni Lottie kahit ganoong dis-oras na nang gabi. Tinaas ko yung kamay ko at kinaway kaway iyon pakaliwa at pakanan, di ko maiwasang matawa pa din dahil panay sunod din ng camera sa kamay ko. "Weird." Ilang minuto akong nakamasid sa paligid hanggang sa nawala na din yung ugong. Tahimik na pero yung mga ilaw na nakikita ko sa bintana ay nandoon pa din. Buong gabi sigurong nagpapatrol ang mga bodyguard ni boss. Tinapik tapik ko si lottie upang bumalik na doon sa kama niya. Pero hindi siya gumagalaw. "Lottie, wala na yung ingay pwede ka nang bumalik sa higaan mo," sabi ko habang tinatapik siya. "Ayaw ko, dito na lang ako, tutal malaki naman itong kama," sabi niya. Nakatalukbong pa rin siya. Napaismid na lang ako. "Okay," sagot ko. Napakaduwag naman ng babaeng ito. Samantalang ang laki laki niya at mataba pa.Goodluck kung magkasya kame dito sa kama.   Hihiga na sana ako pero bumalik sa pagkakaupo sa gilid ng kama. May narinig naman akong yabag na palakas ng palakas na tingin ko ay patungo sa kwarto namin ni Lottie. Baka bodyguard lang ni boss at nagtse-check lang kung may magnanakaw na nakapasok. Isip ko pero nag-uumpisa na naman akong kabahan. Tama nga ang hinala ko dahil biglang nawala yung tunog tapos nakita ko yung ibabang bahagi ng pinto, may biglang liwanag naman na sumulpot. Tingin ko galing sa flashlight ang liwanag na yun. "Mi-mi-nah ayan--n na si-siya pap-p-atayin na tayo!" bulong ni Lottie na nanginginig pa ang boses. Kay Lottie yata ako natatakot dahil sa mga sinasabi niya. Parehas kaming natahimik ni Lottie na tanging paghinga lang namin yung naririnig namin. Napatikom ako ng bibig at napahawak sa unan na nasa tabi ko. Parang matatanggal yung puso ko sa lakas ng kaba ko dagdag pa na unti unti na din akong natatakot. Yung balahibo ko nagsitayuan na. Napapikit na lang ako, kung sino man yung taong nasa kabilang pinto ay hindi siya makakapasok dahil nakalock yung pinto. Ako mismo ang naglock nun kanina. Ilang segundo akong nakapikit na sana umalis na kung sino man yun.   Pag dilat ko ay wala na yung ilaw sa ibabang bahagi ng pinto tapos yung yabag ay unti unti na ding nawala. Parang lumakad na palabas dito sa mansyon. Nakahinga ako ng maluwag nang nawala na yung tunog na lumalakad. "Lottie wala na yung tunog wag ka nang matakot" sabi ko at tinapik siya. "Hay salamat, buhay pa tayo Minah,  buhay pa," sabi niya at umusog ng konti hindi na rin siya nagtalukbong tapos pumikit na din. "Thank you lord, goodnight Minah," sabi niya ulit. Wala talaga siyang balak bumalik sa higaan niya. "Goodnight."  Napasandal nalang ako sa headboard ng kama habang nakaupo. Ang dami sigurong nangyayare dito sa mansyon kaya walang tumatagal na katulong.  at napalingon sa bintana. Lumapit ako doon kaya kitang kita ko na bilog ang buwan at ang liwanag nito sa paligid. Nandoon pa rin ang mga ilaw sa mga nagpapatrol na bodyguard. Habang nakatingin sa mga bodyguard na nagmamasid sa paligid ay napansin kong isa isa silang nawala, tapos nawala din yung ilaw ng flashlight nila. Hindi ko alam kung saan sila nagpunta, dahilan na lalo akong lumapit sa bintana.Tanging ang liwanag na lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw sa buong paligid.  Kinakabahan na naman ako kaya yung kurtina ay hinarang ko agad para magtago doon. Nakasilip ang mga mata ko. Ilang segundo lang ay nakita kong may lumakad na tao muka siyang lalaki dahil sa tindig niya tapos ang pinagtataka ko ay may kapa ito na kayang itago ang buong katawan niya. Nakatalikod din siya kaya hindi ko makita ang mukha niya. Hindi talaga ako kumurap. Dahil pakiramdam ko ay ito na yung boss namin.  Si Mr. Z?! Tumigil siya sa paglakad na tila narinig yung nasa isip ko, tapos lumingon lingon siya sa paligid. Tapos yung mata ko palaki ng palaki kasunod ay ang dagundong ng puso ko. Napansin ko na haharap na siya kaya lalo akong napatitig. Pagharap niya ay saktong sa direksyon ko siya nakatingin kaya bigla akong napadapa sa sahig sabay takip ng bibig ko.  Minah ano ba kasing ginagawa mo, dapat natulog ka nalang eh! Sabi ng utak ko tapos yung mukha ko nangingiwi na dahil sa sobrang kaba. Napapikit na lang ako. Habang nakapikit ay paulit ulit na naman sa utak ko yung nakita kong humarap siya. Nakamaskara?!   Siya na kaya si Mr. Z.?! Sabi ng utak ko. Kasunod nun ang mabilis na pintig ng puso ko. Sana di niya ako nakita sana. Kung nakita niya ako lagot na. Ano nang mangyayare sa akin?!                              ----------------------------------------------------------------------------   "Minah, minah gising na,"gising sa akin ni lottie. Ako naman ay napakusot ng mata.Parang sumakit yung likod ko at mga balikat ko. Kaya dahan dahan akong bumangon. "Bat ka kasi sa sahig natulog? Kasya naman tayo sa kama. Teka, nahulog kaba? Sobrang likot ko ba matulog?" sambit ulit ni lottie, napatingin ako sa kanya pansin kong kakatapos niya lang maligo at naka uniporme na. Nasa harap ko siya at nagkukuskos na ng basa niyang buhok. Bakit ba sa sahig ako natulog? Kaya pala masakit itong likod ko. Isip ko at bigla ko na lang naalala yung nangyare kagabe. Sasabihin ko ba kay Lottie? Pag sinabi ko sigurado akong matatakot na naman siya. Muli akong nakaramdam ng kaba at takot pero di ko na lang pinahalata sa kanya. "Nahulog siguro ako lottie di ko naramdaman dahil sobrang antok na ako kagabe," pagdadahilan ko at tumayo na. Siya naman ay pumunta na nang kama niya para mag-ayos. "Pasensya na Minah takot na takot talaga ako kagabe kaya tumabi ako sayo." "Okay lang Lottie, hindi naman nakakatakot. Masasanay din tayo," sabi ko at tumawa na lang. Sana di siya magtanong kung may nakita ba ako kagabi.  "Minah may nakita kaba kagabi?"  Parang nanlaki yung mata ko, pasimple akong yumuko para di niya makita yung reaksyon ko."Ahh wala naman, may dapat ba akong makita?" tanong ko. "Ewan ko? Di ko rin alam. Baka mamaya may mag pakita nang multo," sabi niya at napahinga na lang ng malalim. "Lottie walang multo," ito nalang nasabi ko. Duwag talaga itong babaeng ito. Hindi ko na siya narinig na sumagot dahil napansin ko na natatakot na naman siya. Tumayo na lang ako at kinuha ko ang uniporme na nakalagay doon sa cabinet pati yung itim na sapatos na terno nito. Nakakapagtaka lang na kasukat talaga ng paa ko yung sapatos. Natyambahan lang siguro ni Nay Lydia na size 6 yung paa ko. Binalewala ko na lang ang pag-iisip at inayos na lang ang mga gamit ko. Si Lottie naman ay nag susuot na ng uniporme. "Nakapag luto na din ako Minah kaya pagkatapos mong maligo kumain kana eksaktong alas otso tatawagin na tayo ni Nay Lydia." Napalingon ako sa orasan na nasa taas ng pinto. Pasado alas syete na pala. "Ahh sige maliligo na muna ako," sabi ko at pasimpleng itinago ang wig sa tuwalya ko pati yung uniforme at yung mga gamit ko ay dinala ko na lahat sa banyo. Doon ako magbibihis dahil may cctv dito sa kwarto. "Sa banyo ka magbibihis? Ang dami mo namang dala," usisa niya. "Ahh ehh may cctv kasi lottie nakakailang magbihis," pagdadahilan ko sabay turo sa cctv na nasa kisame. "Ahh yan ba, ok lang yan nakatuwalya ka naman hindi ka naman maghuhubad," pahayag niya. "Hindi talaga ako sanay eh, sige maliligo na ako," sagot ko at pumasok na nang banyo. "Liberated ba siya? Basta dito ako sa banyo magbibihis," pailing iling na sabi ko habang inaayos ang mga gamit ko sa pagligo. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na agad ako. Syempre naging maingat ako sa wig ko. Maraming hair pin akong sinukbit para hindi matanggal ito. Paglabas ko ng banyo ay nandoon pa rin si lottie di pa rin tapos mag-ayos, nag me-make up naman siya ngayon.    Napalingon si Lottie sa akin habang papalapit ako sa kama ko. "Ang cute ng bangs mo pag basa hehehe mukang bunot," sabi niya at tumawa.Parang nagpanting yung tenga ko sa sinabi niya. Wala talagang preno ang bibig niya. "Ah-eh heheh." Natawa na lang ako pero ang totoo gustong-gusto ko na nang tapyasin ang dalawang layer ng bilbil niya sa bewang. Biik na tuh! Lagi nalang yung buhok ko yung trip niya. Pagkatapos kong mag-ayos ay dumiretso naman ako sa kusina para kumain. Nang matapos ay sampung minuto na din bago mag alas-otso kaya lumabas na kame ng kwarto at bumaba doon sa sala. Yung mga kasama namin ay nandoon na din naghihintay kay Nay lydia. Nakangiti lang ako sa tuwing susulyapan ako ng mga kasama ko. "Ikaw si Minah tama?" biglang sabi ng babaeng nasa kanan ko. "Oo. Ikaw?" tanong ko di ko natandaan kung anung pangalan niya. "Ako si Jane," sagot niya at ngumiti. Napalingon agad kame kay Nay Lydia na papasok na sa malaking pinto pumalakpak siya ng tatlong beses kaya luminya kame sa harap niya at nag bow saglit. "Goodmorning," bati niya at ngumiti sa amin. "Goodmorning din po," sabay sabay na bati ng mga kasamahan ko, ako naman ay ngumiti lang. "Sa pinakamalaking mansyon kayo mag lilinis ngayon. Nandoon na din yung mga panlinis na gagamitin niyo," sambit ni Nay lydia may kinuha siya sa kanyang bulsa na isang papel. "Itotoka na tayo ni Nay Lydia kung saan maglilinis," pasimpleng bulong sa akin ni lottie na nasa tabi ko, ako naman ay napatango lang. Nahati kame sa apat na grupo. Yung unang grupo ay doon sa sala, yung pangalawang grupo ay doon naman sa kusina, yung pangatlong grupo ay doon sa hagdan paakyat sa balkonahe at hallway at yung pang apat na grupo kung saan ako kasama ay doon daw sa library. Pagkatapos sabihin ni Nay Lydia ang mga dapat na gagawin namin ay sumunod na kame sa kanya. Yung mansyon na lilinisin namin ay yung mansyon kung saan ako pumirma ng kontrata. Ito nga ang pinakamalaking mansyon na nandoon. Pagpasok pa lang sa malaking pinto ay nandoon na sa sala ang mga gamit panglinis na gagamitin namin, naka grupo din ito sa apat. Yung mga basahan ay pansin ko agad na mukang hindi basahan dahil sa kulay at ganda ng tela, at sa tingin ko ay mas maganda pa sa panyo ko. Yung walis na automatic, vacuum cleaner, at yung mahabang machine na mukang vacuum cleaner na tingin ko ay pang tanggal ng mga agiw,  mop, trash bin at batya ay nandoon din. Habang kinukuha yung mga gamit na gagamitin namin ay biglang pumalakpak si Nay lydia ng isang beses kaya nag silunganan kame sa kanya. "Yung pang apat na grupo na maglilinis ng library ipapaalala ko lang sa inyo ulit na wag na wag kayong kukuha ng kahit isang libro, ayaw kasi ni boss na may gumagalaw o nangingialam ng mga libro niya. At yung pangatlong grupo na nakatoka sa hallway, hagdan at balkonahe ay wag na wag pipihitin ang doorknob ng kwarto na nasa kaliwang bahagi, nakalock naman yon ayaw lang talaga ng amo natin ang may nangingialam ng mga gamit niya. Alam niyo naman na lagi ko itong pinapaalala pag naglilinis kayo doon sana walang makakalimot," serysong sabi ni Nay lydia. Nag-uumpisa na naman akong kabahan pag naririnig ko kay Nay lydia ang salitang Boss. "Opo Nay." "Yes po Nay Lydia." "Opo Nay Lydia." Sunod sunod na sabi ng mga kasama ko.Napahinga na lang ako ng malalim, dahil bigla na naman akong kinabahan. Minah wag kang kabahan alalahanin mo nandito ka dahil sa mama mo. Sambit ng utak ko. “O sya, lalabas na ako. Maiwan ko na muna kayo," bilin ni Nay Lydia at lumakad na palabas ng mansyon.   "Minah galingan mo maglinis. Mabuti na lang dito ako sa sala maglilinis, hindi doon sa library," bulong ni Lottie. Napaisip tuloy ako. Ayaw niya sa library mag linis? "Halika na Minah para matapos tayo agad," sabat naman ni Jane sabay abot sa akin ng basahan at batyang may laman na tubig. Siya naman ay nagbitbit ng vacuum cleaner. Yung ibang kasama namin ay nagdala din ng iba pang panglinis. Pag-akyat palang namin ay diretso agad kami sa kanang bahagi ng hallway, mahaba yung hallway pero tanaw ko na yung nag-iisang pinto na nakaawang at may liwanag na nag-mumula doon. Si Jane ang naunang pumasok, napansin ko yung ibang kasama namin ay tila ayaw pang pumasok sa loob kaya sumunod na ako kay Jane. Pagpasok ko ay napatingin agad ako sa malakang bookshelve na puro libro, Ang laki laki ng kwartong ito, para siyang dance studio na pwede kang magpaikot-ikot. May malaking bintana na nasa kanang bahagi nito at doon naggagaling ang sinag ng araw. Kaya hindi na kailangan pang magbukas ng ilaw. "Mag-umpisa na tayo," nakangiting sabi ko habang nakatingin sa mga kasama kong katulong.Sila naman ay nag-umpisa na ding magwalis at mag-vacuum. Kami ni Jane ang nagpupunas ng mga alikabok. "Bawal daw tanggalin yung mga librong nandito sabi ni Nay lydia," biglang sabi ni Jane na abalang nagpupunas sa gilid ng bookshelves ako naman ay natuon ang tingin sa mga libro. "Oo nga eh sayang. Ang dami pa naman nito at tingin ko yung iba ay antigo na o hindi mo na mahahanap sa mga bookstore o public library, mukang mamahalin din lahat, nakaka-engganyong basahin," sabi ko at nagpatuloy ulit sa pagpupunas. "Sinabi mo pa Minah, gusto ko sanang basahin kahit isa lang sa mga ito kaso hindi pwede," sambit ulit ni Jane. Parang lalo akong nagka-interes na basahin ang mga libro dito dahil sa sinabi ni Jane. Bawal nga daw tanggalin eh. Saway ko sa sarili ko. Napatingin ulit ako sa taas ng kisame, dahil pakiramdam ko may nakatingin na naman sa akin. Tama nga hinala ko dahil may CCTV na namang nakabantay sa amin. At pakiramdam ko sa akin nakapokus yung camera. "Ma---may--- hali--li-li-maw-aw," wika ng isang katulong na bigla na lang lumabas, nasa pintuan siya at napasandal na lang. Dali-dali kaming lumapit sa kanya, kaya kitang kita ko ang namumutla niyang mukha. "Saan may multo?" tanong ni Jane. Napaturo ito doon sa gilid ng bookshelve. May malaking anino na nandoon na korting halimaw malaki yung ulo ay tenga tapos bilog yung katawan at may buntot, gumagalaw pa yung buntot nito kaya yung ibang kasama ko napatras ng hakbang. Si Jane naman ay napahawak na sa bibig. Habang nakatingin doon sa animo ay nag-uumpisa na akong kabahan. Ayaw kong magpahalata sa mga kasama ko na natatakot na rin ako. Hindi namin malilinis itong library kung matatakot kami. Nilakasan ko ang loob ko, humakbang ako papunta sa anino, titignan ko kung halimaw nga ba ito. Habang lumalapit doon ay pabilis ng pabilis yung pintig ng puso ko. Tinignan ko kung saan nanggagaling ang aninong ito. Naibsan yung kaba ko nung makita kung saan nanggagaling yung anino, nasa labas ito ng bintana at nakaupo. Muka lang malaki dahil sa sinag ng araw na tumatama rito. "Pusa lang pala" sabi ko sabay lingon sa mga kasama ko. Sila naman ay tila napahinga ng malalim. Lumapit si Jane sa pwesto ko at tinignan din ang pusa. Purong puti ang kulay nito at mataba.  "Ang ganda naman ng pusang ito," sabi ko ulit at lumapit doon sa bintana. Bubuksan ko sana iyon pero nakalock pala. "Si Sylvester yan, alagang pusa ni Nay lydia, wag mong hahawakan yan baka kagatin ka," wika ni Jane. "Saka wag mong bubuksan itong bintana, baka magalit si Nay lydia," sabat naman ng isang naming kasama. "Ah, ganoon ba," tipid kong sagot habang nakatingin sa pusa. Bigla na lang itong tumalon pababa hanggang sa hindi na namin ito nakita.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD