bc

That Billionaire Is My Husband

book_age18+
66.1K
FOLLOW
438.9K
READ
billionaire
contract marriage
arranged marriage
dare to love and hate
boss
comedy
bxg
humorous
city
office/work place
like
intro-logo
Blurb

WARNING: SPG CONTENT R+18

Sebastian Abbas a famous mix martial artist, most sought businessman and a billionaire at an early age. He was arranged to marry Heart Marie Cuntay. A gorgeous famous celebrity. Sila ang nagpapatunay ng tubig at apoy. Hindi mapag-abot ang dalawa dahil sa magkaibang pananaw. Kaya bang tibagin ang pondasiyon ng dalawa? Sapat ba ang pagsasama nila para magkaintindihan at magmahalan?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Good take Heart, everyone you can now rest," ani ng kilalang Direktor sa buong Pilipinas. Kasalukuyan silang nagso-shoot para sa morning show na ipapalabas bukas. "Hearty!" sigaw ng baklang kasalukuyang manager ng dalaga. "Stop shouting, Poldo Valde I'm so tired," mahinang ani ng dalaga at umupo sa upuan nila sa set. "It's, Possy! Ano ka ba? Alangan namang hindi ako magsisigaw eh nasa labas ang asawa mo," sagot nito sa kaniya. Nanlalaki ang mga matang napatda siya sa kinauupuan. Lumakas ang kabog ng dibdib niya sa kaba at pagkabahala. Agad naman siyang napahawak sa noo at tiningnan si Possy. "Oh gosh! I'm having a bad headache. Possy, give me my ring bilis," ani niya at nag-ayos ng sarili bago lumabas ng set at naglakad papuntang dressing room niya. Hindi naman alam ng lahat na kasal na siya. She only knew na kaya nandito ang asawa niya ay dahil sa trabaho. Kilala itong bilyonaryo internationally. Kung hindi lang niya alam ang totoong ugali nito baka wala siyang problema eh mas cold pa ito sa yelo. He just went here only to check if she's okay. How thoughtful her husband was but it's the other way around. Wala naman talaga itong pakialam sa kaniya. Alam niyang ang kasal nila ay isang charade. Isang beses nakita siyang hindi suot-suot ang wedding ring nila ayun isang araw na sermon ang inabot niya. Ang sakit-sakit pa naman magsalita nu'n. Tanging si Possy lang at ang pamilya niya ang may alam ng real score between them. Kailangan niyang itago ang relasyon nila dahil talagang ikakasira iyon ng stardom niya bilang isang phenomenal actress. Nang matapos ay bumalik na siya kay Possy sakto namang papunta sa kinaroronan nila ang binata. Pakiramdam niya ay maiihi siya sa takot. Napaayos siya ng tayo noong dumaan sa kinatatayuan niya ang binata at sinipat siya ng tingin. Mga dalawang segundo lang ang tinagal ng tingin nito at dumiretso na sa paglalakad papasok sa opisina ng CEO ng entertainment industry na pinagtatrabahoan niya. Kinikilig na siniko naman agad siya ng manager niyang baklosh. "Grabe girl, ang hot naman talaga ng fafa mo. Broad shoulders kahit na naka-suit pamatay sa kagwapohan eh. Hindi kaya ng powers ko 'yan. Pahiram beh kahit isang oras lang," saad ng bakla at hinihila pa ang buhok niya. "Ewan ko lang ha, sigurado akong sa isang oras na 'yun kanda lasug-lasog na ang katawan mo. Ang landi mo, Possy pisikal lang ang kaayaaya riyan. Kung alam mo lang huwag na huwag kang magpapaloko sa orangotan na 'yon okay?" Aniya at huminga nang malalim. Napasimangot naman agad ang manager niya at binigyan siya ng mineral water. "Katakot din 'yang asawa mo girl eh MMA fighter pala 'yan. Naku! 'Yung machong secretary na lang niya balato mo sakin," ani nito na kumikislap-kislap pa ang eyelashes sa mga mata. Heart rolled her eyes. "Kaya nga ako sunod-sunoran dahil ayaw kong masapak ang beautiful face ko. Kaya ikaw magtino ka riyan. At kong may HD ka kay macho guy, Alfred. Naku! Girl simulan mo nang magtanim ng bulak para hindi dumugo ilong mo kae-english doon. Kotang-kota na nga ako sa kaa-arabic at english ni Seb ano na lang diyan sa sekretarya niya." Pangungumbinsi niya rito. Lahat naman ng tao kapareho ang reaksiyon kay Possy. Sobrang paghanga lalo na sa mga kababaehan at ka-pederasiyon nito. Saksakan ng yaman at gwapo sobrang kilala pang MMA fighter ewan ko lang kung hindi magkandarapa ang lahat sa asawa niya. But of course she's an exception. Kahit sino-sino kasi ang nali-link sa binata and she hates it honestly. Nakatira nga sila sa iisang bahay pero hindi sila nag-uusap. Kung nag-uusap man very casual lang. Hindi rin sila sweet. No affection at all. Hindi niya lang maintindihan ang binata minsan dahil dumadating na rin sa point na pinapakialaman na nito ang trabaho niya and it's irritating her. "Oo nga it's so hard to be beautiful. Nga pala may night schedule ka mamaya para sa teleserye mo," ani ng bakla na siyang ikinabuntonghininga niya. Naglakad na sila pabalik sa dressing room niya. "Oh God! I'm so tired Possy hindi ba pwedeng ipare-schedule 'yan?"  Yamot niyang ani at nakikiusap pa talaga ang tono. "Girl, it's your job accept it or ibibigay nila ang project na 'to sa taklesang, Veronica na 'yun. I know how much you hate that b***h," ani ni Possy na hinihilot ang ulo niya. She smiled a little dahil sa ginhawang nararamdaman. "No, not that girl," sabat niya. She  knew how insecure that Veronica was. Ginagawa lahat ng babaeng 'yon para maagaw sa kaniya ang spotlight. She's not working for the talent fee's she will have. But because this is her dream. Ito ang gusto niya kaya nagtatrabaho siya. "Possy, pagkatapos ng teleserye ko please don't accept any movie offers. I need a vacation," ani niya habang nakatitig sa picture frame ng family niya. Matagal-tagal na rin niyang hindi nabibisita ang pamilya niya. She missed them already. "Okay, if that's what you want. You have already hitted millions of movies. Lahat 'yon naging blockbusters na so you deserve a good break. What do you have in mind?" Tanong ng bakla sa kaniya. "I love your accent." Nakangiting puri ng dalaga. Napatakip naman agad ang bakla sa bibig niya. "Sus! Maliit na bagay," sagot nito. Napangiti nang tipid ang dalaga at tinitigan ang picture frame. "Gusto ko munang umuwi sa province namin. Namimiss ko na sila mama," mahinang sambit niya habang nakapikit ang mga mata. "Okay, if that's what yo--" Nagtatakang  napatingin siya sa manager niya na nakanganga at nakatitig sa labas ng kaniyang dressing room. Nakatalikod kasi siya sa pinto. "Expecting someone else?" Malamig na tanong nito. Maging siya ay napanganga sa nakita. She abruptly covered her mouth and shyly looked at Seb at sa kasama nitong si Alfred, his personal secretary. "A-anong ginagawa mo rito?" Kinakabahang tanong niya. Nanatiling nakatayo lamang ang binata at tiningnan ang kamay niya. His looked was piercing through her soul. Parang isang pagkakamali mo lang alam mong may kalalagyan ka talaga. Tbc Zerenette

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Seducing The CEO - (COMPLETED) Filipino

read
549.0K
bc

My Son's Father

read
582.5K
bc

The Billionaire's Marriage Agreement

read
429.5K
bc

Billionaire's Twins

read
262.8K
bc

His Obsession (Tagalog)

read
88.7K
bc

The ex-girlfriend

read
138.2K
bc

Loving The Billionaire |SPG

read
248.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook