Chapter 3

1155 Words
"What now?" tanong niya sa manager niyang si Possy. "Ano pa nga ba? Uwian na girl. Baka naman magpapa-dada ka na naman kay, fafa Seb," sagot nito. Mabilis na tiningnan niya ang oras sa wristwatch niya at nanlumo. "I'm dead," yamot na aniya. Nawawalang pag-asa na sumakay na siya sa kotse. "Paano ba 'yan girl. Alam mo namang walang magagawa ang beauty ko sa asawa mo. Gawin mo na lahat ng alibi okay?" Pang-aalo sa kaniya ni Possy. Nanatiling nakasandig lamang siya sa windshield ng kotse at lukot na lukot ang mukha. Ilang sandali lang ay tumunog ang cellphone niya. Napalunok siya't tinignan si Possy na kunwari ay walang narinig. "Bayot, ikaw na sumagot oh sige na," sambit niya, nginisihan lamang siya nang peke ng bakla at tin-ap ang balikat niya. "Kaya mo na 'yan, go girl," saad nito. Napapikit siya at pinindot ang answer button. Malayo pa sa tenga niya pero rinig na rinig na niya ang boses ng binata. "Just where the hell are you, Marie? I'm f**king pissed right now!" Galit na ani ng binata. Napapikit silang dalawa ni Possy at napalunok. "N-nandito na ako sa labas ng bahay, papasok na ako bye," mabilis niyang ani. Nagmamadaling nag-end call siya upang makaiwas sa walang kataposang galit nito. "Bilisan mo mag-drive, Money. Patay na ako sa asawa ko," nininerbiyos na aniya. Maging ang personal driver niya ay parang kinakabahan na rin. Ilang minuto lang ay nakarating na sila. Mabilis pa sa alas kuwatrong pumasok na siya sa loob ng bahay nila. Mahihina ang hakbang na pumanhik siya paakyat sa hagdan. "What time is it?" malamig na tanong ng binata at siyang nagpatigil sa kaniya. Nasa gitna na siya ng stairs. Napapikit siya't nakagat ang labi tsaka unti-unting nilingon ang binata. "10:25," mahinang sagot niya. "And the curfew is?" taas ang kilay na tanong nito. Seryoso ang mukha ng binata na nakapamulsa habang nakatingin nang deritso sa kaniya. "8 oclock," sagot niya lalo pang humina ang boses niya. Napapikit siya dahil alam niyang bubulyawan na naman siya ng binata. Huminga ito nang malalim at nang tingnan niya ay nagbabasa pala ng text. Maingat na naglakad siya paakyat hoping na hindi siya mapansin ng binata. "Stay there we're not yet done, Marie," seryosong ani nito. She rolled her eyes in frustration and sat down. Kumunot ang noo ng binata habang may binabasa at ilang sandali lang ay nakatuon na ang atensiyon sa kaniya. "You know what's the punishment of being late right?" sarkastikong anito. Mahinang napatango siya. "Sleep early and you will have a lot of things to do tomorrow," malamig na ani ng binata. Malaki ang ngising ng dalaga at napatango-tango. "Don't give me that creepy smile. I don't have work tomorrow so you better stick to what we usually agreed," dagdag ng binata. Agad na nawala ang malaking ngisi niya't napalitan ng pagka-yamot. "Bakit wala kang trabaho?" tanong niya habang naniningkit ang mga mata. "Why? I deserve  a rest," simpleng sagot nito. "Deserve a rest paano naman ako?" nagmamaktol na aniya. Agad na nagbago ang ekspresiyon ng binata. "You came home late. You made me worried. You know that I am responsible to whatever happens to you. Why don't you just stay here in our house? I can give you a lot of money Marie," seryosong ani ng binata habang nakatingin lang sa kaniya. "It's not about money, Sebastian it's all about passion, " she explained. Napaikot niya ang mata niya habang nakatingin sa binata. Nakatitig lang ito nang maigi sa kaniya at parang may hinihintay na sabihin. "Fine, I'll do my cleaning efficiently okay?" Mabilis na aniya at tinalikuran ang binata. Narinig niyang nagbuntonghininga ito at hinayaan na siyang umalis. Napaka-himala at hindi siya binungangaan nito. Napakaistrikto pa naman ng binata. Nangingiting pumasok siya sa  banyo at nag-half bath. Suot ang pantulog niyang pajama ay lumabas na siya't handa na para mag-beauty rest. "Ang tagal mo," yamot na ani ng binata. Mabilis na napaatras ang dalaga at napahawak sa puso niya sa gulat. Tinaasan lamang siya ng kilay ng binata. "Tsk, over acting," tipid na anito. "What are you doing here? We agreed that we respect each others privacy. Just what the hell are you doing here?" Nagpa-panic na aniya. Pano ba naman kasi napaka-gwapo nito sa  tanging suot na gray pajama at black t-shirt na fit na fit sa katawan dahil sa  laking tao nito. Pinigil niya ang sarili dahil naghuhurmentado na  ang puso niya. "Your Mom, wants us to visit them some other time," tamad na ani nito. She knew how Sebastian hates the province life. "Bakit parang ayaw mo?" naiinis na aniya at umupo  sa harap ng mini table niya. "It's not like that okay? I'm just worried about, Grandma and Mom's reaction. It's been 10 months since we last visited them," ani ng binata. "Eh sino namang hindi magagalit sa'yo? Ilang beses mo nang sinabi na uuwi tayo doon eh ikaw sobrang busy mo. Hindi mo kayang paglaanan ng oras ang pamilya mo," litanya niya. "Says the one who's not," sagot ng binata. Agad naman siyang natahimik. Maging siya naman ay natameme dahil guilty din siya. Sobrang busy niya sa mga tapings at commercial ads. "Anyway, about  that guy Garrick," walang emosyong ani ng binata. Napalunok siya't humiga sa kama niya. "Get out matutulog na ako," kunwaring pagod na pagod na aniya. "You can't trick me like this, Marie. Answer me now damn it!" Inis na anito. Nanatiling nagtutulog-tulogan siya. Bumuntonghininga ang binata. "Maybe I'll just call, Mr. Sarin. A financial analyst to see what he can do with your enter--" "Fine! Magre-request ako ng bagong leading man ko. Bwesit ka! Bakit ba pinapakialaman mo ang buhay ko ha? Ikaw ba pinapakialaman ko ang mga ring girl mong kulang na lang maghubo't hubad sa harap mo? Kapag ini-interview ka halos ipagdutdotan 'yong mga silicon na dede nila. Nakarinig ka ba ng reklamo sa'kin ha, hindi ba wala?" Singhal niya sa binata. Agad na natahimik ang binata at nakuyom ang kamao. Maging ang panga nito ay nangangalit. "I am just trying to protect you. You are in my house. My plain wife and whatever happens to you I am held accountable. A lot of your co-workers were drug addicts and that, Garrick is not an exception!" Galit na ani nito. Agad siyang nahintakutan sa sinabi ng binata. "Ayokong pagdating ng araw ako ang sisisihin ng pamilya mo dahil sa katangahan mo," malamig na ani nito. Mabilis na tumalikod ang binata at pabalyang isinara ang pinto niya. Nanatiling tahimik ang dalaga at ina- absorbed ang sinabi ng binata. Hindi niya masyadong maintindihan lalo na sa english part ang bilis kasi magsalita eh. Kaagad naman siyang napamura, "Tang-i** mo!" Pahabol na ibinato niya ang pillow niya kahit wala na naman ang binata. "Ba't di na lang kasing deritsang sabihin na concern sa akin. Daming arte eh. Plain wife neknek mong bwesit ka," yamot na aniya at nagtalukbong ng kumot. Tbc Zerenette
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD