CHAPTER 02

1184 Words
Ilang araw nang nawawala si Troy at hindi ko talaga siya mahanap, hindi ko na rin ma-contact ang number niya. Pinuntahan ko na rin lahat ng lugar na posible niyang kinaroroonan pero wala talaga siya. Araw-araw na akong pabalik-balik doon sa condo niya at nagbabakasakali na baka umuwi na si Troy pero wala pa rin. 'You need to take a rest Danelle. Ilang araw ka nang walang tulog, baka mamaya niyan bigla ka na lang bumagsak sa sobrang pagod.” Paalala ni Xhien sa akin. Lagi na siyang tumatawag sa akin simula nu'ng malaman niya na nawawala si Troy para paalalahanan ako. Gusto pa nga niya na pumunta dito sa Pilipinas para matulungan ako na mahanap si Troy pero alam ko naman na busy rin siya sa trabaho at sa pag-aalaga du'n sa anak niya kaya tumanggi ako. "I can't. Baka pag nagpahinga ako ay bigla siyang bumalik sa condo niya tapos hindi ko siya maabutan pag gising ko. May sakit siya Xhien at alam mo 'yan kaya kailangan ko talaga siyang bantayan." Mahabang paliwanag ko. Kanina pa nga ako nandito sa loob ng kotse ko at tinatanaw 'yung paligid ng bahay nu'ng pamilya ng ex-girlfriend ni Troy. Baka kasi pumupunta siya dito para tingnan si Yue Dane. “So anong balak mong gawin? Magpakamatay sa pagod kakahanap du'n sa kapatid mo na hindi naman nakikinig sa'yo?” Naiinis na sabi niya. Hindi ko napigilan ang biglang pagkunot ng noo ko kahit na alam ko na nag-aalala lang siya sa akin. Dala na rin siguro nang sakit ng ulo ko ay hindi ko na rin napigilan pa na makapagsalita sa kaniya nang masama patungkol du'n sa sinabi niya. "You can't understand me Anxhien! Hindi ikaw ang kapatid niya at mas lalong hindi ikaw si Troy para masabi ang mga salitang 'yan! May sakit si Troy at 'yun ang hindi mo maintindihan!" Galit na sabi ko bago ko pinatay 'yung cellphone at inihagis du'n sa shotgun seat. Malakas kong hinampas 'yung manibela dahil sa sobrang pagkainis saka itinuon 'yung ulo ko doon at pumikit. Bakit ba kasi sarado 'yung mga utak nila at hindi nila maintindihan na may sakit 'yung kapatid ko?! Agrhhh! Damn this life! This is too much to handle! Napamulat ako bigla at mabilis na tumingin du'n sa bintana dahil narinig ko na may kumatok mula doon. Dahil tinted naman 'yung kotse ko kaya malaya kong nakita sa labas ang isang lalaking nakasuot nang isang itim na suit. Hindi ko makita ang mukha nito dahil masyado itong matangkad kaya 'yung katawan lang niya 'yung nakikita ko mula dito sa loob. Lalabas ba ako o hindi? Sa huli ay napagpasyahan ko na buksan 'yung pinto nu'ng kotse ko at dahan-dahang lumabas doon. Bakit ba kasi ako mag aalinlangan na bumaba at magtago na lang dito sa loob? Alam ko naman sa sarili ko na wala akong ginagawang masama. Una kong inilabas 'yung isa kong paa bago ko isinunod 'yung katawan ko palabas at humarap du'n sa lalaking kumatok kanina. Pagtingin ko sa kaniya, nagulat ako dahil 'yung lalaking nasa harap ko ngayon at ang lalaking kumatok kanina ay walang iba kundi ang... kapatid ni Yue Dane. Nakatingin siya sa akin nang masama at halos pamawisan talaga ako dahil du'n, mabuti na lang at nakabawi agad ako at nagawa ko siyang pagtaasan ng kilay. I need to act cool. "What are you doing here?!" Galit na tanong niya sa akin. "Ano sa tingin mo?" Balik na tanong ko. This man in front of me is so scary! He have this kind of aura na matatakot ka talaga pag tumingin siya sa'yo. Mabuti na lang talaga at sanay akong hinarap sa mga matatandang businessman sa Florida kaya medyo sanay na akong makipag-usap sa mga katulad niya. But-- don't get me wrong, hindi siya matanda dahil halos kasing-edad ko lang siya. "Wait, you look familiar. Kapatid mo ba 'yung gagong baliw na Troy na 'yun?! You look like him! At ano nga pala ang ginagawa mo sa harap ng bahay namin?!" Galit na naman na sabi niya habang naglalakad papalapit sa akin kaya napa atras ako nang kaunti. Fuck?! Baliw?! Damn him! "Gagong baliw?! Ikaw ang gago dahil hindi baliw ang kapatid ko! He is freaking sick! At kung anong ginagawa ko dito? Wala ka na du'n!" Galit din na sigaw ko sa kaniya. Ang kapal naman ng mukha niya na sabihin sa harap ko na baliw si Troy! Bakit?! Sino ba siya sa akala niya?! Nakita ko na mas lalo niya akong tiningnan nang masama dahil sa naging sagot ko pero inirapan ko lang siya. Damn! "So I knew it. Kapatid mo pala 'yung baliw na 'yun?! At anong 'hindi baliw' ang sinasabi mo diyan?! May matino bang tao na kumikidnap ng isang walang kalaban-laban na babae tapos sasaktan?! Huh?! Wala! Mabuti pa, bantayan mo na lang 'yung kapatid mo dahil pag nakita ko pa ang pagmumukha ng baliw na 'yun na lumalapit sa kapatid ko... ibabalik ko iyon sa kulungan at sisiguraduhin ko na hindi na siya makakalabas!" Banta niya. Hindi ko alam pero natakot talaga ako dahil du'n sa mga katagang binitiwan niya. Hindi dapat ako natatakot ngayon pero du'n sa fact na hindi ko siya kilala ay kinakabahan na ako. I literally don't know him and that scares me more. Hindi ko alam kung sino siya at kung anong kaya niyang gawin sa kapatid ko. Basta ang tanging alam ko lang ay kapatid siya ni Yue Dane. "Natatakot ka na ba?" Napabalik ako sa realidad dahil sa muli niyang tanong kaya mabilis akong umayos nang tayo at pilit itinatago ang takot na kumakain sa loob ko saka ngumisi. "Dapat ba akong matakot? I don't think so. But don't worry, you don't need to do such an effort to put my brother back to jail. Kukunin ko na siya, and one more thing... hindi siya baliw, sadyang sobrang kitid lang ng utak mo para maisip mo na baliw siya. Malaki kasi ang pagkakaiba ng 'may sakit' sa 'baliw'. Mukha naman na matalino ka kaya sana gamitin mo 'yung utak mo para maintindihan ang sinabi ko."Seryoso na sabi ko bago ko siya talikuran para pumasok du'n sa kotse. Mabilis kong pinaikot 'yung kotse ko at pinaandar 'yun paalis du'n sa village nila papunta naman sa condo ni Troy. Kailangan ko na talaga mahanap si Troy dahil natatakot talaga ako du'n sa sinabi ng lalaking yun. Like I've said, hindi ko talaga kilala ang lalaking 'yun. Hindi ko nga alam kung anong pangalan niya dahil ang kilala ko lang ay si Yue Dane. Sinabi lang sa akin ni Troy dati na kapatid siya nu'ng girlfriend niya kaya nagkaroon ako ng clue kung ano siya sa buhay ni Dane pero hanggang ngayon, hindi ko talaga siya kilala at wala akong balak na kilalanin pa kung sino siya. The point is, natatakot ako. Oo, ipinakulong ko na si Troy dati at 'yun ang pinakamahirap na disisyon na nagawa ko sa buong buhay ko at hindi ko na hahayaan pa na muling mangyari 'yon lalo na kung ibang tao ang magpapakulong sa kaniya-- mas hindi ko 'yon matatanggap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD