ZONE 1

1566 Words
"Waaaaaaaaaaaah, ano ba talagang problema sa akin Liane?! Sabihin mo sa akin!" Umiiyak na saad ni Riane, more like pagwawala niya pero ang magaling niyang kapatid ay tuloy lang sa pagbabasa sa tabi niya. "Maganda naman ako 'di ba?" Tumango lang ito. "Mabait naman ako 'di ba?" Tumango lang ulit ito. "Sexy naman ako 'di ba?" Binato niya naman ito ng nahagip niyang unan ng hindi ito nagsalita. Inis naman nitong isinara ang libro at tinititigan siya ng masama. Kahit kailan bugnutin 'tong kapatid niya.To think na mas matanda siya. "Ate! Ano ka ba?! Do you really want to hear the truth kung bakit ang mga nagiging relasyon mo hindi nagtatagal?" Napaiyak na naman siya ng sabihin nito ang salitang hindi nagtatagal. Fine, tama ito. Iilan lang sa mga boylet niya ang tumagal sa kanya. Mahaba na ang dalawang buwan. Isinumpa yata siya at sa hindi niya malamang dahilan, sa sampu niyang naging boyfriend. Wala ni isa ang tumagal ng dalawang buwan! "Una, masyado kang mapagbigay." Napatingin naman ako sa kapatid ko. "Ano namang mali doon?" "Anong mali?! Eh halos lahat ng naging boyfriend mo ikaw ang gumastos para sa kanila. 'Yun ang mali! Ibinibigay mo lahat! Kaya naman kapag may isa kang hindi naibigay, iniiwanan ka nila." Napaisip naman ako sa sinabi ni Liane. Panahon na ba? Para isuko niya ang bataan? "Then, panahon na ba Liane?" "Panahon ng ano?" "Ng pagsuko ko ng bataan, eh yun lang--" Hindi niya naman naituloy ang sasabihin niya ng batukan siya ng katabi niya. "Hoy! Ate mo pa rin ako ah, makabatok ka diyan." Saad niya habang hinihimas ang ulong hindi naman nasaktan. "Magtigil ka nga Ate, hindi yun ang ibig kong sabihin. What I mean is matuto ka namang magtira para sa sarili mo at huwag mong ipakita na isa kang sugar mommy. Tuloy, tine-take advantage ka nila." Siya naman ang bumatok sa mahaderang kapatid niya. Tawagin daw ba siyang sugar mommy. "FYI, 22 pa lang ako kaya huwag mo kong ma-sugar mommy diyan. " Umirap naman ang huli sa kanya. "Then act like your age Ate, please lang. Aba! Alam na alam ng mga kapit-bahay sa tuwing brokenhearted ka." "At paano mo naman nasabi 'yan aber?!" "Dahil parang wang-wang iyang iyak mo sa tuwing may nakikipag-break sa'yo! My gosh, nakakahiya." Sumimangot naman siya dahil sa sinabi ng kapatid niyang laging menopausal. Minsan naiisip niya, ito ang mas matanda sa kanya at siya ang bunso. At saka pakialam niya ba sa mga tsismosa nilang kapit-bahay, na mula pagkabata niya ay siya ng audience ng buhay nila. Eh parang teleseryeng inaabangan sila ng mga ito mula ng bata siya. Dahil sa mga magulang niyang world war III ang peg palagi. Mabuti na nga lang at umeskapo na ang tatay niya, kung hindi baka naubos na ang lahat ng pinggan at gamit nila na nasisira at nagkakabasag-basag sa tuwing nag-aaway ang magulang niya. "Alam mo Ate, bumaba ka na at mag-agahan---" "Ayoko, hindi ako kakain!" Parang bata niyang saad habang suminga sa kwelyo ng suot-suot niyang damit. Ngumiwi naman ang kapatid niya. "Ewww, ang gross mo talaga Ate, kung ayaw mong kumain bahala ka. Nagsangag pa naman si Nanay at nagprito ng daing. Uubusin ko---" "Bahala kang magbasa diyan, kakain na ako." Tumayo na siya at hindi man lang nag-abalang magsepilyo o maghilamos man lang. Naka-move on na siya! Tapos na ang pagmumukmok niya at kumakalam na ang sikmura niya. Sino ba namang tatanggi sa sinangag at daing? Siya pa ba? Never! Keber niyang hiniwalayan siya ni Brando dahil sa pinili nitong maging Brenda. Makakahanap din siya ng lalaking hindi pinapakialaman ang make-up niya!  ******** Kmain knb? Sent. Busy kba? Sent. Louie! Sent. Hon? Sent. "Hoy Riane!" Inis niya namang ibinagsak ang cellphone niya at hinarap ang kasamahan niyang si Mallory na naging kaibigan niya na kahit na dalawang buwan pa lang silang magkasama sa trabaho dito sa Monteciara Hotel, na pinaglipatan niya matapos siyang ipagpalit ni Brando turn into Brenda sa kapwa bellboy nito na pinagtrabahuhan niya. "Ano ba iyon girl?" Pumangalumbaba siya at muling sinilip ang cellphone niya. Umaasa na magreply man lang ang boyfriend niya. After one month ng pagiging bitter niya dahil sa shokla niyang ex, may boyfriend na ulit siya. Si Louie. Nakilala niya ito sa mall, wala namang kakaiba sa pagtatagpo nila. Kumakain siya ng lapitan siya nito at dahil sa cute naman ang lalaki, pumayag siyang ibigay ang number niya ng hingin ito ng lalaki. To make a long story short, nadala siya sa mga corny nitong banat at naging sila. "Ikaw, kumain ka nga. Imbes na titigan mo iyang cellphone mo, hindi na ako magtataka kung masira iyang screen niyan kakadutdot mo." napasimangot siya at napagpasyahang kumain na nga lang. Baka busy lang ang boyfriend niya. Kahapon pa hindi nagpaparamdam ang boyfriend niya na siyang ikinaiinis niya dahil almost every hour ito kung magparamdam pero simula kahapon ng umaga hindi na ito nagtext sa kanya. "Oy bruha, nakikinig ka ba sa sinasabi ko?!" Napabalik siya sa realidad ng marinig ang mala-megaphone boses ng kaibigan. Doon niya lang napagtanto na kanina pa siya nito kinakausap pero hindi niya narinig ang alin mang sinabi nito. "Ano ba kasing sinasabi mo?" aniya habang pinipilit na kalimutan ang boyfriend niya. "Ang sabi ko nakakainggit si Ma'am Skyleigh..." Sabay nguso nito sa telebisyon kung saan binabalita ang kasal ng isa sa anak ng may-ari ng MH na si Mr. Cloud Monteciara. "Biruin mo best friend niya na nga si Sir. Thunder, asawa niya pa si Sir. Cloud. Pinapaligiran siya ng gwapo girl! Sana kasing-ganda ako ni Ma'am Sky para naman makatagpo din ako ng mapapangasawang yummy." saad nito habang pumipikit-pikit pa na siyang ikinatawa niya. Hayy.. hindi lang si Mallory ang nangangarap kung hindi maging ako... Sino ba namang babae ang hindi magnanais na pakasalan ang magkapatid na Monteciara? Dahil bukod sa mayaman, matalino ang mga ito at talaga namang nakakakilig at nakakalaglag ng underwear ang mga kagwapuhan ng mga ito. Muli niya na naman tuloy naalala ang unang araw niya sa MH. Hindi niya makakalimutan kung gaano siya natarayan ni Ma'am Sky dahil sa pagpapa-cute niya kay Mr. Cloud. Kinabahan tuloy siya ng araw na iyon dahil baka matanggal siya sa trabaho. Kaya naman kahit pagpapantasya sa huli ay hindi niya na ginawa sa takot na maulit ang nangyari. Buti na lang at may kapatid si Sir. Cloud... Napabungisngis siya sa pilyang bulong ng isip niya. At oo, inaamin niya crush niya ang oh so hot Boss nila. Sa edad niyang 22, may crush-crush pa siyang nalalaman kaya naman hindi niya masisisi ang kapatid niyang si Liane ng pagkukurutin ako nito ng sabihin kong crush ko ang boss ko. Pero hanggang crush na lang para sa kanya ang boss niya. Marunong din naman siya lumugar at ang katulad ni Sir. Thunder ay hindi kailanman mababagay sa kanya. Hindi niya lang talaga maiwasang humanga sa lalaki dahil hindi naman araw-araw na makakilala siya ng lalaking tanging sa mga korean drama na paborito niya lang napapanood. At hindi niya ba alam, kung tutuusin dahil sa hotel siya nagtatrabaho, palagi din siyang may nakikitang guwapo lalo pa at marami silang customer na foreigner. Meron pa ngang artista kung minsan pero hindi niya alam kung bakit pakiramdam niya ang boss niya na ang pinakaguwapo sa mga lalaking nakita at nakilala niya. Pero siyempre magkagayunpaman alam niyang hanggang paghanga na lang ang dapat niyang maramdaman para sa amo niya. Dahil bukod sa estado nila, napakaimposible naman na pansinin siya ng lalaki. At isa pa, may boyfriend na siya. Si Louie. Ang boyfriend niyang missing in action.... Nagulat siya ng may malakas na tumapik sa braso niya. "Girl ano payag ka daw ba?" "Makahampas naman 'to! Ano ba kasi iyon?!" inis niyang saad habang hinihimas ang nasaktang braso. "May problema ba Ms. Cruz?" Napatayo siya ng marinig ang boses ng supervisor niya at nilingon niya ang kaibigang pasimpleng sumenyas gamit ang hintuturo na tila sinasabing 'lagot ka kay Ms. MInchin'. Napakagat-labi naman siya at ngumiti na hindi niya alam kung ngiti nga bang matatawag sa supervisor niya na ang code name nila ay Ms. Minchin dahil sa taglay nitong kasungitan. "Yes Ma'am?" saad niya. Tumaas naman ang kilay nito at sinamaan siya ng tingin. "Alam mong ayokong inuulit ang sinasabi ko Cruz kaya sa susunod makinig ka! As I have said kinakailangan niyong mag-overtime mamaya." hindi na nito ako inantay pang sumagot at naglakad na paalis. "Eh bakit pa niya tinatanong kung payag tayo kung siya rin naman pala ang magdedesisyon. Kaimbyerna talaga ang Ms. Minchin na iyon!" Hindi niya na pinansin si Mallory at pumangalumbaba na lang sa lamesa at muling tinitigan ang cellphone niya. Napabuntong-hininga siya, mabuti na nga lang siguro na mag-OT siya kaysa isipin ang boyfriend niya. * * * * * * Nakasimangot siyang pumasok sa loob ng elevator habang tulak-tulak ang trolley na may lamang pagkain. Receptionist siya pero dahil nabwisit sa kanya ang supervisor niya, kinakailangan niyang mag-room service. Katwiran ng magaling niyang amo, maraming customer at kulang sila sa tao. Pero hindi siya ganoon kashunga para maloko ng amo niya. Pero ano namang magagawa niya, mas nakakataas ito sa kanya at wala siyang choice kung hindi sundin ito. Papasara na sana ang elevator ng may mga kamay na pumigil dito. At napanganga siya ng makita kung sino ito. Ang oh so hot na boss niya. No other than Thunder Monteciara. OMG! -TBC
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD