Year 2020 (Modern World, Present)
Si Francesca Jocson ay magandang babae na may pagkapilya. Sinubukan niyang tapusin ang buhay niya sa araw ng birthday niya sa dagat ng San Juan nang hindi pa rin siya nakaka-move on sa boyfriend niyang nakipag-break dalawang taon na ang lumipas.
Year 1887 (19th Century, Past)
Isang guwapo at maginoo ang Filipino-Spaniard na si Federico Salvacion. Nasa panahon siya ng mga Kastila. Binasa niya ang nakaukit na sulat sa isang mahiwagang bato na binigay sa kaniya ng lasing niyang kaibigan kaya siya napadpad sa hinaharap.
***
Si Federico ay napadpad sa hinaharap matapos niyang basahin ang nakaukit na sulat sa wikang Latin sa mahiwagang bato na binigay sa kaniya ng matalik niyang kaibigan sa panahon ng Kastila.
Nakilala niya si Francesca sa dagat ng San Juan sa modernong panahon. Nalaman niyang tatapusin nito ang buhay nito kaya humingi siya ng tulong upang hindi matuloy ito at para naman makabalik siya sa nakaraan. Ngunit sa una'y 'di pumayag ang dalaga. Pagkuwa'y naawa ito sa kaniya kaya tinulungan siya nito at nakabalik nga siya sa nakaraan pero sa hindi nila inaasahan, napapadpad na lang din ang dalaga sa nakaraan at nalaman nila ang lahat ng ito mula sa punong madre ng San Juan sa panahon ng Kastila.
Nahulog sa isa't isa sina Federico at Francesca ngunit susubukin ang kanilang pag-iibigan dahil sa isang lalaking umiibig din sa dalaga. Ito si Florencio Rios, isang purong Kastila at anak ng gobernadorcillo ng San Juan.
Makakabalik pa kaya si Francesca sa hinaharap at iwan ang 19th century? Ano ang magiging buhay niya sa panahon ng Kastila? Ano ang hantungan ng pag-iibigan nila ni Federico?