Panimula

382 Words
(LATIN) Et legit in futurum me, recordati estis manu capiemini. Have vos ad me legit, ut possis reversus est. Sed tempus tuam, et non erit requies in eis. (FILIPINO) Ako'y iyong basahin at sa hinaharap, ika'y dadalhin. Ipabasa mo ako sa iba't ika'y makakabalik din. Ngunit sa iyong panahon, siya nama'y tatangayin. Katabi ng tuldok sa huling linya ay ang hugis bilog. At sa mismong bilog ay may linyang nakatagilid, mula sa itaas na bahagi ng kanan pababa sa ibabang bahagi ng kaliwa. *** Si Francesca Jocson ay isang maganda at pilyang babae sa taong 2020. Matapos makipaghiwalay sa kaniya ang kaniyang kasintahan dalawang taon na ang lumipas ay hindi pa rin siya nakaka-move on. Sa mismong kaarawan niya ay tinangay siya ng kaniyang mga paa sa dalampasigan habang siya ay lasing. Sa una'y nais lamang niyang maglabas ng sama ng loob ngunit sa hindi malamang dahilan ay dahan-dahan siyang tumahak papunta sa tubig ng dagat. Nais niyang mawala na sa mundo sa araw na ito. Ngunit isang hindi kapani-paniwalang pangyayari ang naganap. Biglang sumulpot ang isang lalaki na parang kabute. Siya si Federico Salvacion. Isang binatang mula sa taong 1887 na napadpad sa taong 2020 matapos niyang basahin ang nakaukit na sulat sa bato sa lenggwaheng Latin na binigay mismo ng kaniyang nalalasing na kaibigan. Tila nahipnotismo yata ang dalaga sa binata. At, sa unang pagkakataon ay nahulog naman ang binata sa isang napakagandang binibini na si Francesca. Humingi siya ng tulong sa dalaga upang makabalik sa nakaraan. Sa una'y tumanggi ang binibini ngunit pumayag din makalaon. Ngunit isang pangyayari ang ikinagulat ng dalawa matapos mabatid ang ibig sabihin ng nakaukit na sulat sa bato. Nakabalik nga si Federico sa kaniyang panahon ngunit si Francesca naman ang napunta roon. Paano ba ito nangyari? Makakabalik pa kaya ang binibini sa hinaharap? Paano rin kung madiskubre niya na namumuhay pala siya sa maling akala't isang kasinungalingan, tatanggapin ba niya ang kaniyang kapalaran? Tunghayan ang nakakakilig, nakakangiti, nakakaiyak, nakakaibig at kakaibang istorya nina Binibining Francesca at Ginoong Federico. Muli, ihanda ang sarili sa saya, kilig, lungkot, sakit, takot, karahasan at iba pang exciting na mga kaganapan sa modernong panahon o hinaharap sa taong 2020 at lalo na sa nakaraan, ang panahon pa ng Espanyol, ang taong 1887 sa ika-19 na siglo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD