Chapter 2

2428 Words
CHAPTER 2: MY FIRST BATTLE Rhys's POV Mas exciting manood ng laban dito sa waiting room, iba pa rin talaga kapag totoong nakikita mo ng malapitan kaysa sa gumagamit ka lang ng xishan. Kanina pa nagsimula ang match para sa second set. Unang naglaban sina #1 at #3, intense ang naging laban nila hindi mo talaga maaalis ang tingin mo sa bawat bitaw nila ng skill. Naabutan din sila ng oras kaya pinasya ng judge na manalo si #1 dahil mas nauna siya makatama ng atake niya kaysa kay #3. Minor injuries lang din ang natamo nila. Ang maglalaban naman ngayon ay sina #87 at #23. Sana intense rin ang maging laban nila. Nagsimula ito sa pagpapakita ng skill ni #23, gumamit siya ng fire sword. "Walang duda, si #23 na ang mananalo." Napatingin ako sa lalaking katabi ko nang magsalita siya. Hindi ko napigilan ang sarili kong sumagot kahit 'di ko alam kung ako ba kausap niya, "Hindi pa natin 'yan masasabi, kakasimula pa lang ng laban." "Talaga? Edi tignan natin." Naningkit ang mata ko nang sinabi niya iyon. Anong trip nito? Kilala niya ba si #23 kaya sinusuportahan niya? Mabilis ang pangyayari, hindi ko masabing intense o hindi ang naging laban paano kasi biglang nakahandusay na si #87. Agad siyang napatumba ni #23 sa isang wasiwas lang ng fire sword niya. Paano niya nagawa 'yun? Kainis kasi 'yung lalaki, kung hindi niya ko kinausap nakita ko sana ang nangyari. Kagaya nga ng sinabi ng epal, si #23 ang nanalo. "Kita mo na, tama ako." Bumuntong hininga nalang ako, ang isip bata naman nito. Wala namang prize ang makahula sino mananalo. "Paalala lang, hindi sa itsura tinitingnan ang lakas ng iyong kalaban. Kundi sa kaya nitong gawin. Kaya mag-iingat ka, hindi mo kilala ang mga makakalaban mo dito," aniya. Kunot noo ko siyang tinitigan habang papalayo siya sa akin matapos niyang sabihin ang mga bagay na iyon. Weird. At bago pa ako tuluyang makalimot, patakbo akong lumabas ng waiting room dahil ako na ang susunod na lalaban! Dinala ako ng aking pagtakbo sa isang hallway, sa dulo nito ay natanaw ko na ang battle field. Abot ang tanaw ko sa paligid, mas malaki tingan ang kabuuan ng Arena dito sa baba. "Babae? Babae talaga siya?" "Pwede pala sumali sa Tournament ang babae?" "Hindi ba siya natatakot? Puro lalaki ang makakalaban niya!" "Matapang sana siya, kaso wala sa lugar." "Sigurado ako, hindi siya mananalo. Babae lang siya." Kumunot ang noo ko nang madinig ko ang mga sinasabi nila, pero pinili ko na huwag na silang pansinin. Ang numero ng makakalaban ko ay #12. Nakangiti siya paglapit ko sa kanya. Inobserbahan ko siya, malaki ang kanyang pangangatawan at mas matangkad siya sa akin. "Ikaw pala ang makakalaban ko, isang babae." Nakangisi siya sa akin, sobrang proud niya siguro sa sarili niya kasi feeling niya panalo na siya dahil babae 'lang' ang makakalaban niya. "Nakita ko ang insigne mo, hija." Hinawakan ko ito, nakalimutan ko palang takpan ulit dahil sa pagmamadali ko kanina. Incommo! "Iyan ba ang nagbigay sayo ng lakas ng loob na sumali rito?" Tumawa siya ng sobrang lakas. Habang ako ay kinapa ang panyo sa aking bulsa at binalutan ang kaliwang kamay ko. "Ikaw? Ano ang nagbigay sayo ng lakas ng loob para sumali dito? Pagka-lalaki mo? 'Yang laki ng katawan mo?" Tumigil siya sa pagtawa, "Minamaliit mo ba ko? Tingin mo ba mananalo ka taalaga sa akin?" "Alanescio," sabi ko. Saka ako nagkibit-balikat, "Pero I promise, buburahin ko ang mukha mo." Binalot ko ng apoy ang sarili ko bilang proteksyon sa apoy niya. "Igsis." Pagbanggit ko ng incantation, lumabas ang fire sword sa aking kaliwang kamay. Hindi ko na hinintay na maka-react pa siya sa ginawa ko. Mabilis akong tumakbo palapit sa kanya at agad na winasiwas ang fire sword. Naka-ilag siya pero hindi ako tumigil sa pag-atake, "Misphera!" Nagpa-ulan ako ng sunud-sunod na fire ball sa kanya. Kabi-kabila ang pagsabog sa battle field. Kada pagsabog ay nagkakaroon ng butas ang field. Gawa sa lupa ang field kaya maalikabok lang, walang tipak ng bato ang lilipad. Puro ilag ang ginagawa niya, hinihintay niya sigurong maubos ang evis o mana ko. Siyempre, hindi ko balak na buong laban namin ay ganito ang gagawin ko. Kailangan ko lang maipakita sa mga judges na mas madami ang naging atake ko para sa points. "Laminis!" Naging alerto ako nang marinig ko siyang nagbanggit ng incantation para sa fire blade. Susubukan niyang i-counter ang fire ball ko. Tumigil ako sa pagbato ng fire ball at tumakbo ako pasugod sa kanya. "Igsis!" aniya. Mabilis niyang nasangga ang atake ko, nagpapalitan lang kami ng atake ngayon. Hindi niya ako natamaan ng mga atake niya kanina at alam ko rin na hindi ganoon kalalim ang magiging sunog at paso niya galing sa fire ball ko dahil nagtitipid ako sa evis pero sapat na iyon para sa points na habol ko. "Laminis!" Nakakita ako ng pagkakataon para puruhan siya sa binti. Narinig ko ang pagdaing niya dahil dito pero hindi sapat ang ginawa ko para mapatumba siya. Nagawa niya pa ring sanggain ang ginawa kong sunod na pag-atake gamit ang fire sword. Tumalon ako palayo sa kanya, hindi magiging madali ang laban namin. "Pagod ka na ba?" Napansin niya ang hingal ko, pero hindi pa ako pagod. Kaya ko pa! Dinagdagan ko ang init ng aking fire sword. "Siya nga pala, nakalimutan kong banggitin..." Itinaas niya ang suot niyang t-shirt, mayroon din siyang insigne! "Ossu or meis: mollitiam." Pagkatapos niyang sabihin ang incantation, nawala ang mga sugat niya sa katawan. "Pasensya na, hija. Lamang na ako ngayon sayo." Kaya pala hindi niya pinapansin kahit hindi niya ako natatamaan, ang plano niya ay pagurin ako! "Hindi mo naitatanong, ang insigne ko ay Tandalan Sheep. Kaya kong pagalingin ang anomang atake na tamuhin ko mula sa'yo. Alam ko na ang ginagawa mong pag-atake ay para sa points pero siyempre bago maubos ang oras—" "Shut up." "Ano?!" "Nye. Nye. Nye. Nag-e-explain ka pa hindi ko naman hinihingi paliwanag mo. "Aba talagang—" Ginawa niya rin ang ginawa ko na pagbalot ng apoy sa buong katawan. Mula sa pwesto niya ay mabilis siyang tumakbo para sumugod sa akin. Matalim akong tumingin sa kanya, "Iyan na ba ang best mo?" tanong ko. Bago siya makalapit ng tuluyan sa akin, binanggit ko muna ang isang incantation. "Digus li cien: igsis!" Lalo uminit ang apoy na nababalot sa akin, kasabay nito ay ang pagbago ng anyo ng akin fire sword. Humaba ito at napunta sa dulo ang talim... isang spear. Kaunti nalang ang distansya niya sa akin kaya winasiwas ko sa harap ang talim ng spear ko. Dahil mabilis siyang tumakbo papunta sa akin at hindi inasahan ang gagawin ko, hindi na niya na-kontrol ang bilis niya. Tumusok sa kanyang tiyan ang dulo ng spear. Nagsigawan ang mga tao, tahimik lang kasi sila mula nagsimula ang laban namin. Hindi nila inaasahan na ganito ang kahahantungan ng laban namin ni #12. Naglaho ang apoy na bumabalot sa kanyang katawan. "Talagang makulit ka, sinabi ko na 'diba? Anomang matanggap kong atake galing sayo ay kaya kong—" Ibinato ko siya sa kabilang side, nagkaroon ng malakas na impact kaya nahukay ang lupa na pinagbagsakan niya. Kahit pagod na, nagawa pa rin niyang tumawa. Narinig ko ang sinabi niya paglapit ko, "Sinungaling ka. Malakas ka pala..." "Hindi ba sabi mo may resilience skill ka? Bakit nakahilata ka pa riyan? May oras pa tayong maglaro, bilis tayo na diyan." "Ito ang pangatlong sali ko sa Tournament of Flames. Nakaka-abot pa ako sa semi-finals dati pero ngayon hindi ko inaasahan na elimination round palang talo na ko. At ang nakakatawa, babae ang tumalo sa akin na hindi pa gumagamit ng insigne niya." Tinanggap na niyang talo siya kahit pa kaya pa naman niyang lumaban. "Hindi ba sa ating dalawa ikaw ang mas sinungaling? Gusto mo rin manalo gaya ko pero sumusuko ka na agad. Tumayo ka na diyan, hindi mo pa nga ginagamit ang isa mo pang xishan eh." Tumawa siyang muli dahil sa sinabi ko saka sumagot, "Malakas ka nga pero halatang bago ka pa lang sa pakikipaglaban. Simula pa lang ay gamit ko na ang fortis, pero ngayong sinabi mo 'yan talagang balewala din 'yun sa'yo. Kahit tumayo ako ngayon ikaw pa rin ang mananalo." "Pero... kaya mo pang gamitin ang insigne mo kahit malaking damage ang matanggap mo 'diba?" "Hanggat buhay ako, oo." Ako naman ang ngumisi. Malapit nang matapos ang oras ng aming laban pero nakahiga pa rin siya sa lupa at hindi pa rin niya ginagamit ang resilience skill niya kaya gusto ko pa ring tuparin ang sinabi ko kanina... "Misphera!" Kasabay ng pagtunog ng bell ay ang pagsigaw niya sa sakit dahil sa pagsabog ng mukha niya. *** Lunch break na kaya lumabas ako ng Arena, hahanap ako ng pwesto para kumain. Dinala ako ng mga paa ko sa isang park. Wala akong makitang lugar na walang tao pero dito kahit papaano ay malayo na sa venue ng Festival kaya kaunti lang ang tao, ayos na rin itong pagtambayan. Umupo ako sa isang bench na nasisilungan ng puno. "Ang lakas nu'ng babae! Natalo niya 'yung kalaban niya kahit lalaki 'yun." Dinig ko ang usapan ng nasa likod ko. Sana naman mapansin nila na katabi lang nila 'yung pinag-uusapan nila. "Pero nakita ko na ang ganoong galaw, napanood ko ang ganoong uri ng pakikipaglaban." May isang boses pa akong narinig, mas matanda at mature pakinggan kaysa sa naunang nagsalita. "Napanood mo na, Am-pa? Saan? Kailan?" tanong ng mas batang lalaki. Mag-ama pala ang nag-uusap. "Gaya sa edad mo ngayon, 'yan din ang edad ko noong unang beses kong manood ng Tournament of Flames. Napanood kong lumaban ang Reha dahil naging laman din siya ng Arena dati, binata pa siya noon at hindi pa nauupo sa trono. At 'yung kilos ng babae na nakita mo kanina, ganoon din ang istilo ng ating haie." "Pero Am-pa, imposible naman na pareho sila kasi magkaibang tao sila. Hindi naman siguro ituturo sa kanya ng haie ang istilo niya kasi tingin ko kung ituturo niya 'yun siyempre sa Sivenis na at hindi sa ibang tao." "Baka nga imposible..." Hindi ko na binigyan pa ng pansin ang mga narinig ko, wala akong pakialam sa hari at sa prinsipe. May sarili akong buhay. Inubos ko ang oras ko sa pamamasyal sa Festival pagkatapos kong kumain. Mas maaga ako nakapamili ng pasalubong para kay In-ma at mas maaga akong makakauwi. *** Sa gitna ng tahimik kong paglalakad, bigla akong nakarinig ng kaluskos ng mga dahon. Hindi ko sana papansinin kasi tingin ko mga kunehong naghahabulan lang iyon. Pero hindi nawala ang kaluskos, ramdam ko rin na sinusundan ako nito kaya alam ko na tao ang may gawa ng sadyang kaluskos na 'yun at naiirita na ko. Huminto ako sa paglalakad at hinarap ang parte kung nasaan siya, "Oo na sige na heto na pinasin na kita kaya pwede ba lumabas ka na diyan dahil nakakairita ka na." Lumabas sa damuhan ang isang lalaki. "Kumusta ka? Nag-enjoy ka ba sa laban mo kanina, haie?" Agad na bumilis ang t***k ng puso ko, "Anong sinasabi mo?" Hanggat maaari, kailangan kong magpanggap na walang alam... "Pasensya na po haie, nakalimutan ko..." Halos manghina ako nang lumuhod siya sa harap ko... Siya rin ang lalaki kanina na kumausap sa akin habang nasa waiting room ako. Anong alam niya sa pagkatao ko? Bakit niya ako tinawag na haie? Hindi kaya siya rin ang lalaking nasa bench kanina? Pinagti-trip-an niya ba ako? Paninindigan ko ang pagpapanggap na wala akong alam pero para hindi halata sasakay ako sa trip niya. "Okay na pwede ka na tumayo, alipin." Tumayo siya gaya ng sinabi ko. Paninindigan niya rin kaya ang trip niya? "Gusto nang magpahinga ng iyong haie, kaya pwede lubayan mo na 'ko at bumalik ka na kung saan ka man galing," sabi ko. Medyo kinakabahan pa rin ako sa lalaking ito, sana lang ay umalis na siya kasi hindi ko na alam ang susunod kong gagawin. "Masusunod po, mahal na prinsesa. Pero palagi niyo pong tatandaan kapag kailangan niyo ako, nasa paligid lang ako at tahimik na nakabantay sa inyo. Pa'ale, haie." Sino ba siya? Bakit ako nabahala sa sinabi niya? Anong alam niya tungkol sa akin? *** Hindi nawawala sa isip ko ang lalaking iyon, anong ibig niyang sabihin sa nakabantay siya sakin? Inutusan kaya siya ng Reha? Imposible, bakit naman siya uutusan magbantay sa akin ng taong nagtakwil na sa akin? Para patayin ako? Pero kung pinapapatay niya ako, bakit walang ginawa ang lalaki kanina? Hindi kaya may iba silang plano sa akin? Heto na ba ang sumpang dala ko? Gagamitin ba ko ng taong iyon laban sa Reha? Masisira ba ang Kastia dahil sa akin? "Rhys!" "In-ma." Tumingin siya ng masama sa akin. "Sorry po, may sinasabi po ba kayo?" mahina kong sabi. "Tinatanong kita kung kumusta ang naging laban mo, ano ba nangyari sa iyo doon? Bakit mula kanina pag-uwi mo tulala ka na? Hindi mo na nga 'ko kinuwentuhan kung saan galing ang mga pasalubong mo sa akin, eh." Napangiti ako, sa sobra kong pag-iisip nagtampo tuloy ang magandang babae sa tabi ko, "Pagod lang po ako In-ma, kaya medyo lutang ang isip ko." "Nanalo ka ba?" tanong niyang muli. Tumayo siya para silipin ang niluluto niya, hindi na muling inintindi ang kakaibang kilos ko. Sinagot ko si In-ma, "Siyempre naman, In-ma! Ano palagay mo sa anak mo, weak? Saglit ko nga lang naipanalo ang laban, eh. Kaso wala pa 'yung trophy, Elimination Round pa lang 'yung kanina. Babalik pa ko sa susunod na araw para sa Quarterfinals." Napansin kong binitawan niya ang sandok at naglakad papunta sa likuran ko. Patuloy akong nagkwento ng mga nangyari sa laban ko kanina, "Tapos ayun In-ma, sa sobrang lakas ko ni isang pasa o sugat wala ako at hindi nga—ARAY!" Agad kong hinawakan ang tagiliran kong kinurot niya. "Para saan ang kurot na 'yun In-ma?!" paiyak na tanong ko. "Akala ko ba malakas ka? Bakit sa kurot lang ay ang lakas na ng aray mo?" "In-ma naman, eh." "Maghain ka na. Luto na ang ulam, kumain na tayo." Nakabusangot akong sumunod. *** Isang umaga, nagising ako dahil nakarinig ako ng boses na nag-uusap. Agad akong napabalikwas nang bangon dahil doon. Sino ang kausap ni In-ma sa labas? Walang nakakaalam na narito siya, kami lang ang nakatira dito sa gubat, anong nangyayari? Lumabas ako sa kwarto para i-check kung anong mayroon. Hindi ko inasahan ang bubungad sa akin... Tila napako ako sa kinatatayuan ko... Hindi ako pwedeng magkamali... "Re... ha..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD