bc

Scandalous Affair (Tagalog/Filipino)

book_age16+
98.1K
FOLLOW
1.5M
READ
billionaire
revenge
possessive
manipulative
CEO
heir/heiress
drama
bxg
Writing Academy
like
intro-logo
Blurb

THE STANFIELD HEIR SERIES #3

WARNING: THIS STORY CONTAINS MATURE SCENES

Shakyra Noelle Lagdameo only knows her life as a 22 years old woman, who was lively and eager to chase her own dreams, away from her controlling father and selfish socialite sisters. Yet she woke up in an unfamiliar hospital with her 26-year-old self, without any hint what her life had been in the gap between.

Determined to find out the memories that her brain refused to reveal, Kyra quested to look for her missing life and she started with a man with an unforgettable name etched on her brain—Vaughn Sage Steele.

But what if she didn't like what she uncovers?

Could she face the truth or make the same mistake she did?

_________________________

Note: This story is written in mixed Filipino (majority) and English

_________________________

AyamiLu © Copyright 2018

All rights reserved.

chap-preview
Free preview
Crown 1 ♛ THE BOSS
PINANOOD NI KYRA ang sarili sa salamin habang iniipit nang maayos ang buhok sa likod ng ulo niya. Bilang isang sales lady, kailangan nilang maging presentable mula ulo hanggang paa. Sleek hair, straight crease-free uniform, and polished shoes. Kulang na lang ay ilagay pa sa patakaran nila ang laging mabangong hininga. Pagkatapos masigurong wala nang hibla ng buhok niya ang wala sa ayos ay isinara na niya ang locker kung saan nakasabit ang isang vanity mirror. Ngunit muli siyang napatitig sa mukha bago niya iyon isinara nang tuluyan. Minsan, iniisip pa rin niya kung mukha ba talaga niya ang nakikita sa tuwing hindi sinasadyang nadadaanan ng mata niya ang sarili sa salamin. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya nasasanay na tingnan ang mukha niya. Nando'n pa rin ang pakiramdam na hindi siya ang taong iyon. Na tila ibang katauhan ang nakikita niya. But it has been two years... Pero kahit sa loob ng dalawang taong iyon, Kyra still feels like a stranger to her own self. Ang tanging sigurado lang niya sa buhay niya ngayon maliban sa pangalan niya'y ang mga kapatid niya at ang kaalamang namatay ang daddy nila dahil sa kanya. Isang buntong hininga ang pinakawalan niya nang maalala ang huling sinabi sa kanya ng mga kapatid niya bago umalis ang mga ito at pinabayaang mag-isang harapin ang mga problemang siya raw ang puno't dulo. Both Sandra and Stella hate her. Kahit pa noong mga bata sila. Iniisip ng mga ate niyang siya lahat ang sumalo ng attention ng daddy nila. They were jealous of her. At galit din ang mga ito sa kaniya dahil namatay ang mommy nila sa panganganak sa kanya. Her mother was in her mid-forty's when she fell pregnant with her. Kaya naging masilan daw ang pagbubuntis ng mommy nila. And by the time she was in labor, bumigay ang katawan nito habang pinapanganak siya. Her sisters were five and six years older then. Ang sabi ng daddy niya, sa kanilang magkakapatid, siya ang talagang nagmana sa mommy nila. Kaya gano'n siguro ang pagmamahal sa kanya ng daddy nila sa kanya, becasue Kyra reminded him of their mother. Hanggang sa pinag-ugatan iyon ng selos ng mga kapatid niya. Pero iyon din ang dahilan kaya masyadong naging mahigpit sa kanya ang daddy nila. Kyra was actually jealous of her sister's freedom. Lahat ay puwede nilang gawin, pero hindi siya. They've got to take courses they like, pero siya hindi. Napilitan siyang kumuha ng Business Management kahit na ang gusto niyang kunin ay Hotel and Restaurant Management. Pero dahil ayaw ng daddy niya, wala siyang nagawa. And when she graduated, pinapasok siya ng daddy nila sa kompanya. She worked there for 1 and half year when she decided to seize her own dreams. Umalis siya ng bansa para ipagpatuloy ang pangarap niyang maging isang chief, dahil lingid sa kaalaman ng daddy niya, she quietly studied cooking. Pumunta siya ng France para doon ipagpatuloy ang pag-aaral niya. And then... everything was a dark black-hole. Nagising na lang siyang may apat na taon ang nadagdag sa edad niya, kasama ang sugat sa ulo niya at ang mga galos at halos nawawalang pasa sa mukha niya. At ang nakakapagtakang malaking tahi sa katawan niya. Aside from those, there was nothing. "Good morning, Kyra," narinig niyang bati ni June no'ng dumaan siya sa puwesto nito sa men's apparel. Tipid lang niya itong nginitian at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa puwesto niya Matagal nang nanliligaw sa kanya si June simula no'ng nag-uumpisa pa lang siyang magtrabaho bilang isang sales lady sa kilalang mall na iyon pero kahit hanggang ngayon ay hindi niya ito mabigyan ng sagot. Hindi lang naman siya ang hindi niya mabigyan ng pansin at atensyon. Lahat siguro ng nagtangkang ligawan siya at nanligaw sa kanya. Hindi niya alam kung bakit, pero hindi lang talaga niya mahanap ang tamang dahilan para bigyan sila ng atensyon. She still feels stuck in that black-hole of her life, sucking her down, pulling her, preventing her from moving forward. Kaya kahit anong subok niyang palayain ang sarili niya, hindi niya magawa. Siguro kapag wala na ang malaking butas na iyon sa utak niya, saka lang siguro niya mabubuksan ang buong sarili, pati na rin ang puso niya... kapag kompleto na siya. "Ako na talaga ang magre-resign kapag iyang babaeng iyan ang mapapangasawa niya," dinig niyang reklamo ng kaibigan niyang si Kylie pagdating niya sa kausap nitong si Yana, isang baguhang sales lady. "Asa ka pang mapapansin ka niyan. Eh boss natin iyan eh," ani Yana habang nakanguso din. Napabuga na lang siya ng hininga habang tinitingnan niya ang dalawang iyon na nakatingin sa isang sulok na parang mga batang naiinggit dahil wala silang laruang manyika. Pero napakunot ang noo niya dahil saka lang niya na-realize ang ibig sabihin ni Yana. Boss. Were they actually watching their boss right now, with that envious faces and dreamy look? Funny. Kahit siya hindi pa talaga niya nakikita at nakikilala ang boss nila simula no'ng nagtrabaho siya sa mall na iyon. Naririnig na niyang guwapo daw ito, likas na babaero at ubod ng yaman. Pero hanggang doon lang iyon. Ang kilala lang niyang boss niya ay ang malditang head supervisor nila, si Ms. Charlotte. Ms. Charlotte ang tawag nila dahil iyon ang gusto nitong itawag rito. And they call the owner of the biggest mall in town and the leading mall in the country 'the boss'. Kaya hindi siguro nakakapagtaka kung bakit ganyan na lang ang mukha ng dalawang katrabaho niya. "Hoy, kayong dalawa." Napangiti siya nang tumalon ang dalawa sa gulat sa pagdaing niya. "Ano bang ginagawa niyo, ba't kayo nakatunganga diyan?" "Uy! Kyra, bakit ngayon ka lang?" tanong ni Kylie imbis na sagutin siya. Biglang siyang kinabahan sa hitsura ng kaibigan. "Bakit?" nagtatakang tanong niya sabay tingin sa relo niya. Hindi naman siya late. Sakto lang ang dating niya. "Hindi mo ba na-receive ang text ko sayo?" tanong ni Yana. "Hindi ko dala iyong cell phone ko e. Nakalimutan ko." Hindi na niya binalikan pa iyon kasi nasa jeep na siya at papabeyahe na sila no'ng maalala niya ang cell phone niya. "Ano ba iyon?" Natapik ni Kylie ang noo. "Naku naman, Kyra! Kaya ka napapahamak kasi diyan sa pagka-makakalimutin mo." Pinigilan niyang sabihing hindi niya sinasadyang maging makakalimutin. She used to have a sharp memory. Pero dahil sa nangyari noon, naging makakalimutin na siya at madalas na nauutal. Pero nasasanay na siyang kontrolin ang pag-uutal niya. Ngayon, nagagawa na niyang magsalita ng diretso sa tulong ng speech therapist niya. Pero hindi ang pagiging ulyanin niya. "Teka, bakit pala? May nangyari ba kanina habang wala ako?" "Nagpatawag ng meeting kanina si Ms. Charlotte," sabi ni Yana na parang isa na iyong malinaw na sagot sa kanya. Palagi namang nagpapatwag ng meeting si Ms. Charlotte. "May ginawang staff inspection kanina," dugtong ni Kylie na sagot sa tanong sa utak niya. Halos mawalan ng kulay ang mukha ni Kyra. Staff inspection? At absent siya?! Masamang balita iyon. Baka siya na naman ang pagdiskitahan ni Ms. Charlotte niyan. "Hindi lang iyon," ani Yana. Lalo pa siyang kinabahan. "Nando'n mismo ang may-ari ng mall!" Unti-unting naramdaman ni Kyra ang pagbigat ng balikat niya at pakiramdam niya bmabaon na naman ang paa niya sa ilalim ng lupa habang iniisip niya ang napakalaking utang na kailangan niyang bayaran. Paano na niya mababayaran iyon kung mawawalan siya ng trabaho ngayon? "Ms. Lagdameo." Nanigas ang katawan ni Kyra nang marinig niya ang pangalan niya. Hindi na niya kailangang alaming si Ms. Charlotte ang may-ari ng boses na iyon, dahil sa hitsura pa lang ng mga kaibigan niya, alam na niyang ito iyon. "Ma'am?" kinakabahang sagot niya pagkatapos niya itong harapin. "Follow me, please." Walang bahid ng kunot ang makinis at magandang mukha ng head supervisor nila. Ngunit ramdam na ramdam ni Kyra ang inis nito sa ma-awtoridad at malamig na tono ng boses nito Sinundan niya si Ms. Charlotte hanggang sa dumating sila sa isang napakalaking opisina na noon lang niya nakita. Hindi na niya kailangang manghula kung kanino iyon dahil sigurado siyang iyon ang opisina ng may-ari ng mall na pinagtatrabahuhan niya. At mayamaya rin ay makikilala na niya ito sa unang pagkakataon at marahil ay huli, dahil ito rin siguro mismo ang magpapalayas sa kanya. "The president will be here shortly to talk to you," ani Ms. Charlotte at nagsimula ng lumapit sa pintuan para muling lumabas. Ngunit bumaling muna ito sa kanya. "I was not impressed by your tardiness today of all days, Ms. Lagdameo, and neither Mr. Steele," malamig na wika nito sa kanya. "Just hope that same unpunctualness will help you retain your job and save you from unemployment." Hindi na rumihestro kay Kyra ang huling sinabi ni Ms. Charlotte sa kanya dahil bigla ay nakaramdam siya ng pintig sa ulo niya. Matagal ng panahong hindi na niya iyon nararamdaman. At natitiyak niyang dahil iyon sa pangalang binanggit ng babae kanina. Mr. Steele... Mr. Steele... Napaungol siya at napahawak sa sentido niya dahil muli na namang may pumitik sa ulo niya. Hindi nga siya nagkakamali. There's something with that name. Pero ano? Umupo siya sa bakanteng upuan kung saan niya gustong makita siya ng boss nila at saglit pa niyang hinilot ang sentido niya bago tuluyang nawala ang kirot niyon. Naguguluhan at kinakabahan man, pinilit ni Kyra na maging kalmado sa upuan niya. Mamaya na lang muna niya iisipin kung saan siya kukuha ng perang pambayad sa banko dahil kung ngayon niya iisipin iyon, baka bigla na lang siyang lumuhod sa boss nila mamaya pagpasok nito sa opisina. Inabala na lang muna niya ang sarili niya sa pagmamasid sa paligid niya. Pero agad din iyong natigil nang tumama ang mata niya sa pangalang nakaukit sa plakang nasa mesa. Naramdaman niya ang kakaibang t***k ng puso niya habang lumalapit siya sa pangalang iyon, tinatawag siya. At gano'n na lang ang panlalamig niya nang mabasa niya ang bawat letra. Vaughn Sage Steele. Her feet stopped cold on the ground. Pakiramdam niya'y bigla na lang nabuhay ang patay niyang puso. Parang may kung anong natutulog sa loob ng katawan niyang biglang nagising at gustong tumakbo at magwala. But above all those overwhelming emotions, hindi niya maipagkaila ang isa pang namumukodtanging damdaming pinukaw ng pangalang iyon. Takot. Kyra could feel her blood running cold. Pero bakit? Nabali ang walang hanggang mga tanong sa utak niya nang marinig niyang biglang bumukas ang pintuan sa likdo niya at umikot ang ulo niya doon. A man entered and as soon as he saw her, he abruptly stopped and stared. And Kyra found her head was already spinning.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Tears of Faith (Tagalog/Filipino)

read
186.5K
bc

The Crowned Mafia Boss: His Obsession [Completed] Tagalog

read
1.3M
bc

Dangerously Mine (Tagalog/Filipino)

read
1.1M
bc

My Husband's Secretary (TAGALOG)

read
1.4M
bc

Mysterious Heart (Tagalog/Filipino)

read
888.8K
bc

A Kiss From The Billionaire's Son

read
2.3M
bc

Abducted (R-18) (Erotic Island Series #1)

read
496.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook